Kabanata 11 Choice Natapos ang trabaho sa gabing iyon. Si Berna at Theia ay naunang umuwi dahil nandito pa si Joules, lasing at kailangan ng tulong ko. Pinauna ko silang umuwi dahil siguradong matatagalan ako dito. Antok na antok na rin ako ngunit kailangan kong tulungan ang lalaking ito. He needs my help so I need to stay here. Nasa labas na kami at naka-akbay siya sa akin. Pikit ang mata at amoy alak. Niyakap ko ang likod niya upang alalay para hindi matumba. Nakasandal kami sa kanyang kotse habang hinahanap ko ang susi sa bulsa niya. Kailangan ko siyang ipasok sa loob para makaalis kami dito. Grabe naman kasi ang mga kaibigan niya e! Basta nalang siya iniwan sa loob. Sa aming magka-kaibigan, hindi kailanman nang-iwan ang bawat isa sa amin. Kahit matalak si Berna at maingay, mabait

