Kabanata 12 Deadliest Malamig kong tinitignan ang boss ng MHC. Nakaupo siya sa harap namin habang nakatitig sa akin. Napabuntong-hininga ako at umiwas ng tingin. Ano ba 'tong ginagawa niya at bakit nakatitig sa akin? Ano pa ba ang gusto niya? Bakit ba ganito siya? Bakit ba pinapahirapan niya ako? Gusto niya ba talagang manakit ng tao? Umiling-iling ako at muling nakinig sa kanyang sinasabi. Hindi ko alam kung tama ba itong pagtrabaho sa kanya. May pakiramdam akong magiging sagabal siya sa trabaho ko. Oo, alam kong makapangyarihang tao siya at kinakatukan sa larangan ng negosyo pero hindi naman dapat palagi siyang masusunod. May karapatan ako bilang tao! Karapatan kong lumaban. Karapatan kong umayaw. Karapatan kong masaktan! Pero bakit parang gusto niyang sinasaktan lang ako? Bakit siy

