Kabanata 5 Nalulumbay "Are you mad at me baby?" Napapikit ako ng marinig ang malambing niyang boses sa likod ko, niyakap ang baywang ko ng sobrang higpit. Hinahalik-halikan ang leeg ko, animo'y pinapahiwatig na kanya lang ako, na pagmamay-ari niya ako. Walang ibang makakakuha kundi siya lang. "Ahhh?" mahina kong sabi. He sighed softly. "I'm sorry if I made you did it." marahan ang kanyang boses. Kinagat ko ang labi, pinipigilan ang sarili na hindi mapaungol sa ginagawa niya. "O--okay lang…" nauutal kong sabi. Dumiin ang halik niya sa leeg ko. "Nagalit lang ako ng malaman kong wala ka sa condo. f**k, I thought you're leaving me." in his serious voice. Kinagat ko ang ibabang labi. Bakit ba siya ganito? Bakit niya ginagawa sa akin ito? Gusto niya bang mahulog ako ng husto sa kanya?

