Kabanata 3
Tremble
Nanghihina ako habang nakatulala sa kama, iniisip ang nangyari ngayon. Sana pala hindi ko nalang siya tinawagan. Sana pinigilan ko nalang ang sarili na tumawag kasi alam kong masasaktan lang ako. Ang sakit, kumikirot itong puso ko. I know that he's a philander! He is a play boy! Alam kong ganoon siyang lalaki, magaling maglaro sa mga babae. Kaya dapat ay hindi ako nasasaktan ng ganito. Dapat ay hindi ako nasasaktan kasi alam kong tanging kontrata lang ang meron kami. No other feeling, no commitment!
I sighed and wipe my tears. I feel so tired and sleepy. I just want to have him as mine. I want him! I know, I should not be possesive but f**k, I love him! I love him so much! If I just know that this will be happen, hindi nalang sana ako pumasok sa ganitong sitwasyon. Alam kong wala akong laban sa mga babaeng binibigyan niya ng pagkakataon na makapasok sa puso niya. Wala akong laban sa mga babaeng nagugustuhan niya. Isang hamak na tagapagsilbi lang niya ako sa kama. Hanggang sa kama lang ako. Pang lipas oras. Parausan. At taga bigay ng ligaya sa kanya.
I bit my lower lip. Humiga sa kama at pinikit ang mga mata. Gusto kong matulog at magpahinga nalang muna. Gusto kong ipahinga itong puso ko mula sa pagmamahal sa kanya. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Gusto kong umuwi ng Samar at makita ang pamilya ko doon. Gusto kong mayakap si mama, umiyak sa kanyang balikat. Gusto kong doon magpahinga, matulog at ibigay ang oras sa pamilya ko. Hinanap ko ang cellphone at tinawagan si mama. Nag-ring iyon at sinagot ng kapatid ko.
"Hello po, ate." boses malambing ni Ariana.
Napahinga ako ng malalim, gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko sa boses ng kapatid ko.
"Hi, kumusta na kayo dyan? Si mama?" pinipigilan ang sarili na umiyak.
"Okay lang naman po kami dito, ate. Matataas ang grado namin. Tapos ayos po ang kalagayan ni mama." sagot ni Ariana.
Napangiti ako habang narinig ang sinabi ng kapatid ko. Mabuti naman at maayos sila doon. Naisip ko na magbakasyon muna sa Samar.
"Magba-bakasyon ako dyan, Ariana. Baka sa sabado ay umuwi ako. Gusto ko kayong makita." mahina kong sabi.
Narinig ko ang masayang boses ng kapatid ko.
"Talaga ba, ate? Wow, siguradong magiging masaya si mama kapag sinabi ko sa kanya ito. Maghihintay po kami sayo." she said happily.
Napahinga ako at ngumiti. Siguro magdadala ako ng mga pasalubong para sa kanila. Siguradong magiging masaya ang pamilya ko doon. Lalo na si mama, minsan lang ako makauwi at siguradong miss na ako no'n.
"Sige, Ariana. I have to end the call. See you on Saturday." I said as I end the call.
She goodbye. Huminga ako ng malalim bago binaba ang cellphone sa gilid ng kama. Habang nalulumbay, naisip ko ulit si Arviel habang ang babaeng sumagot sa tawag kanina. Sumikip ang dibdib ko sa naalalang tagpo kanina. Pinikit ang mga mata, kinagat ang ibabang labi at umiling-iling sa nag-iisang higaan. Paano ko ba maiwawala sa isip at puso ang babaeng sumagot ng tawag kanina? Paano ko ba tuturuan ang pusong hindi masaktan sa kanya? Alam na alam kong masasaktan talaga ako sa kanya, pero hindi ko naman alam na ganito kasakit ang mararanasan kapag may malaman na ganito tungkol sa kanya.
Isipin ko palang na magkasama silang dalawa ngayon, nasa iisang kwarto, nagsasama sa gabi at may ginagawang masama ay nagluluksa ang puso ko. Iniisip ko palang na nakikipag-talik siya sa babaeng 'yon ay nadudurog na ako. Ang sakit isipin! Ang sakit ramdamin! Gusto kong pumunta sa kanya at kausapin siya, tanungin kung ano ba ang ugnayan nila ng babaeng nakausap ngunit wala naman akong karapatan para gawin iyon. First and foremost, I am just his contracted s*x slave. Malinaw na nakasaad sa kontratang binigay niya na ang tanging gagawin ko ay pagsilbihan siya sa kama. Paligayahin siya sa kama.
Pero paano 'tong malalaman kong may iba siyang babae na kinaliligayahan? Paano? Kulang ba ako? Kulang ba ang serbisyo ko? Kulang ba ang ginagawa ko? Kulang pa ba? Bakit? Tangina, siya lang ang bukod tanging nakapasok sa akin! Siya lang ang lalaking hinayaan kong pasok-pasukin ako! Siya lang sa dami ng lalaking gustong angkinin ako! Kaya bakit at paano ako nagkulang sa kanya? Wala na ba akong galing pagdating sa kama? Hindi ko na ba naibibigay ang kasiyahan at kaligayahan sa kanya? Siguro ko'y tama ako sa iniisip. Kulang na ako. Hindi na siya nasasarapan sa akin. Hindi na siya kuntento sa akin. Kulang na, at ngayon ay nasa ibabang babae na siya. Tumulo na naman ang luha sa mata at iniyak ang sakit na nararamdaman.
After that night, dumating ang sabado kaya nag-ayos ako para sa pag-alis. Kahapon ay tinulungan ako ni Berna na magpa-book ng flight pauwi sa amin. At ngayong alas-dyes ang alis ko. Isang travel bag lang ang dala ko, bitbit ang mga damit na pwedeng suotin sa bahay. Nakahanda na rin ang pasalubong ko sa pamilya. May isang balde ng biscuit, sa Tacloban nalang ako bibili ng Jollibee, take out para sa kanila. Kumuha ako ng bente-mil sa bangko at iyon ang gagamitin sa pag-uwi. I put light make-up and just a lip tint on my lip. Pagkatapos ay ngumiti ng makitang maganda na ulit ako. Simpleng pink na t-shirt lang ang suot ko. Sneakers at fitted jeans. Huminga ako ng malalim at tumayo na.
Pinagmasdan ko ang buong condo, tahimik at walang kabuhay-buhay. Siguro sa lunes ng hapon pa ako uuwi dito. Doon muna ako ng dalawang araw, magpa-pahinga at mag-iisip ng mabuti. Sinarado ko ang pinto at nagpatuloy na sa pag-alis. Bumaba ako at sumakay ng taxi papunta sa airport. Tahimik lang ako ng sumakay sa eroplano, nilagay ang earbuds sa tainga at nakinig nalang muna sa mga kanta ko sa cellphone. I was watching at the clouds when someone sit on my side. Binalingan ko ang hindi kilalang lalaki, matangos ang ilong, maputi, maganda ang mga mata at killer smile.
"I'm sorry if I sit here." he said calmly.
I sighed and nodded. Bakante ang upuan sa tabi ko kaya walang may umuupo. Okay lang naman sa akin, hindi ko naman binayaran ang buong eroplano e.
"It's okay." maikli kong sagot.
He sighed and smile.
"I'm Sanjay…" he introduced himself.
I smile back and shook his hand.
"Aria." maikli ko pa ring sagot.
He nodded. Pansin na pansin ko ang banyaga niyang itsura. I bit my lower lip, umiwas ng tingin sa kanya.
"Hmm, you look familiar." he added.
Kumunot ang noo ko. Huh? Paano niya ako nakilala?
"Huh? Paano?" gulat kong sabi.
He smirked.
"Sa Archimedian Cost Condo, you are one of the applicant for Sexy League." he said.
Napahinga ako ng malalim. Hays, it's about what happened days ago. Natapos ng successful naman ang photoshoot para sa preliminary ng Sexy League. Go-See iyon para sa paparating ramping sa Palawan. Pasado kami ayon sa organizer at kasama sa ramping sa susunod na linggo. Laking tuwa namin dahil kahit papaano'y magkakaroon na kami ng side line sa modeling kahit sa maikling offer. Laking tuwa rin namin dahil hindi kasama si Cally na sa mga judges. Si Shekinnah Costiño ang pumalit sa kanya. Well, matindi rin pala si Mrs. Shekky Costiño pagdating sa ganitong bagay. Sobrang istrikto at masungit. I remember that day, she was wearing a sophisticated dress.
"Mrs. Costiño, the applicant are ready to ramp." ani organizer.
She look at the woman coldly.
"Then why not starting?" she said sternly.
Namutla ang babae at mabilis na sumagot.
"Miss, we are waiting for the last judges." she said weakly.
Sumingkit ang mga mata ni Shekky Costiño.
"Then what do you want me to do? Waiting uselessly here?" she said coldly.
Nanginig sa takot at kaba ang babaeng organizer. Huminga ako ng malalim at kinabahan. Hindi ko na narinig ang usapan nila dahil pinapasok na kami sa likod ng backstage at pinaghanda. That was the last thing happen before we pass the preliminary. Kaya ngayon ay naisip ko na baka nakilala ako ng lalaking ito dahil sa Go-See ramping na nangyari.
"Oh, yeah." tanging nasabi ko.
He smiled.
"I'm one of the photographer. Isa rin ako sa kumuha sa mga shot sayo." he said.
Tumango-tango ako at napahinga ng malalim. I didn't remember him. Siguro ay dahil sa sobrang occupied ako sa mga naiisip tungkol sa babaeng sumagot sa tawag.
"Hmm, cool." I said out of choice.
Hindi na siya nagsalita pagkatapos no'n. Natahimik naman ako at tumingin nalang muli sa kaulapan. Naging presko ang pakiramdam ko ng makarating sa airport. Hindi ko na nakausap o nakita si Sanjay dahil nagkawalay kami nung lumabas. Pagkalabas ko ng arriving area, mabilis kong naramdaman ang init mula sa araw. Feel so hot while the sun is facing us. I bit my lower lip, nagpatuloy ako sa paglabas bago sumakay sa jeep papunta sa lugar namin. Napatingin sa akin ang mga taong nakasakay sa dyip, halos hindi ako tantanan sa kakatitig. Pinikit ko ang mata at binaling nalang ang paningin sa labas.
Nang makarating sa downtown, sumakay ulit ako ng multicab para sa sakayan ng bus papunta sa bayan namin. Malayo kasi ang Samar sa Leyte. 30 minutes na biyahe bago makarating sa lungsod ng Sta. Rita. Mabuti nalang at kabisado ko pa ang lugar namin. At least kahit ilang taon akong hindi nakauwi, alam ko pa rin. Nakarating ako sa terminal bus station, sumakay ulit sa bus na papunta sa lugar namin. I sighed, feeling so tired. Ilang sakay ba ang ginawa ko bago makarating sa bayan namin. I bit my lower when I face the welcome signage for our place. After long years, I am here now! Napangiti ako at nilakad ang daan papunta sa bahay, kabado ngunit hindi ko pinakita sa mga taong manghang-mangha sa akin habang titig na titig sa bawat hakbang ko.
Nang makita ko ang kulay itim na pintura ng bahay namin, napangiti ako sa saya. Nakita ko si Arnando, ang bunso naming kapatid na lalaki. Nanlaki ang mata niya ng makita ako, mabilis na lumabas sa pinto at tinakbo ang distansya namin. Napangisi ako habang sobrang gulat siya sa akin. Napasigaw pa para lumabas si mama at Ariana. My family hug me tightly, with the emotion heartfelt, I feel so home right now. Tumulo ang mainit na tubig sa mata ko, niyakap ng mahigpit ang pamilya na ngayon lang muli nakita.
"Anak…mabuti't umuwi ka na," nanghihinang sabi ni mama.
I sighed and smile at them.
"Opo, ma. Miss ko na kasi kayo e." maluha-luha kong sabi.
Pumasok kami sa loob at doon nag-kamustahan. Binigay ko sa kanila ang mga pasalubong, mga damit na pwede pang masuot ni Ariana. Binili ko rin ng sapatos si Arnando, para sa pang-basketball niya. Si mama naman ay binigyan ko ng pera, pang dagdag ng pera para sa kanila dito. Bumili rin ako ng ulam namin, natutuwa ako kasi yung perang binigay ko pala kay mama ay pinang-ayos niya dito sa bahay. May taas na kami, may tatlong kwarto at may terasa. Maayos na rin ang itsura ng baba, sa sala ay maganda na rin. Last month ay binigyan ko siya ng pera para pambili ng sofa at TV. I am so proud of my mother being so great mother to us. Kahit na iniwan kami ni papa, she's still here to stand with us. Kaya para sa akin ay pinaka-best siyang ina.
"Ma, mabuti naman po at naipa-ayos niyo ang bahay natin." masaya kong sabi.
She smile.
"Para naman hindi masayang ang pera mo, anak. Tsaka gusto ko ring magkaroon tayo ng maayos bahay." sagot niya.
Huminga ako ng malalim at masaya sa naging desisyon ni mama. Ang mga kapatid ko ay masayang masaya rin habang nasa hapagkainan kami. Hindi ko mapigilan na maging masaya habang pinagmamasdan ang pamilya kong kumakain ng masagana. After we eat, nanood lang kami ng mga palabas sa TV. We spent the whole day watching and talking good memories. Nang dumating ang gabi, natulog kami ngunit ako'y hindi kinakain ng antok. Tumunog ang cellphone ko sa bag tsaka palang naalala na may phone pala akong dala. Kinuha ko iyon at tumibok ng mabilis ang puso ng makita ang pangalan ni Arviel sa caller. I answered it, slowly putting the phone on my ear.
"Where the hell are you?"
He said as dangerous and ruthless. Making me tremble in scared and shocked. f**k, I'm dead!
---
© Alexxtott