Sa sumunod na umaga, maaga ang byahe ko. Mom insisted for me to go home early dahil na rin sa business trip nila ni Dad. Hindi ko na masyadong nakikita si Havana but I have no problem with that.
Hapon na nang makauwi ako sa amin. Araw-araw naghihintay ako sa email ng mga Ceviste para masimulan ko na rin ang dapat gawin. The plan is for me to earn a lot pero hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa kompanya. I wonder if they would pay me even if I'm just an intern.
"Hi!"
Maligayang pagbati sa akin ni Havana. She's in a good mood, huh?
"What do you want, Havana?"
Humalakhak ito na parang alam niyang alam ko rin ang gusto niya.
"Are you busy tonight?"
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ano na naman kaya ang balak nito?
"I want you to meet my fiancé tonight. I'm busy with Lance."
Umiling ako sa kagustuhan niya. No way. Ayoko na ng maraming sermon galing kay Mommy.
"You will do it, Red. Sasabihin ko kay Mommy na nagpupuslit ka sa pag-aaral ng designing."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What the hell! Paano niya nalaman iyon?
"Havana!"
Tinawanan niya lang ako. She has the ace of cards right now. Mommy will be in wrath 'pag nalaman niyang pumupuslit akong mag-aral ng designing. Freaks!
Wala akong nagawa kundi ang sundin si Havana. Wearing an x-designed front satin dress with a thin belt below it nagpalagay ako ng extension sa buhok at naglagay ng contact lens hiding my hazel eyes with green flecks, I sashayed my way to the given venue for them to meet. Masyadong maikli ang dress at hantad ang dibdib ko pero her fiancé won't mind though.
Tsaka ko lang napag-isip-isip na pareho kami ni Havana na itatali sa mga lalaking hindi namin mahal. Bakit ngayon ko lang nalaman ito? Havana is also in an arranged marriage at hindi malayong ako rin. Maybe they want to settle Havana first before me.
Isa sa mga hotel namin nagbook si Havana para sa pagkikita namin. She described me his appearance but hell I care! Matapos lang ito tapos na rin ako.
Hindi ko alam pero kinabahan ako sa pagkakataong ito. What if her fiancé would ask something that only Havana knows? Mabubuking kami!
Ang sabi ni Havana he's a business tycoon at his young age at mas matanda kaysa sa kanya which means na hindi malayong magka-edad lang kami. Maikli lang ang naging deskripsiyon ni Havana dahil sa ayaw niyang malaman ni Mommy na heto na naman kami at lumalabag sa utos niya.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman nang makita ko ang taong hindi ko dapat makita. I was so keen of not bumping into him these days pero pucha!
Altair is Havana's fiancé.
Kaya pala.
Kaya pala siya ang naging second to the last rose sa debut ni Havana. He went out during the grand entrance dahil nawawala ang fiancee niya. How stupid of me to not think that possibility!
Hinanap niya ako. No, si Havana pala. Nang mamataan niya ako dire-diretso lang ang lakad niya. Gusto kong tumakbo at magtago to get rid of his stares.
"Sorry to keep you waiting. I had a meeting before coming here."
"I-it's okay."
Tumingin siya sa'kin na parang tinitimbang ang ekspresyon ko.
"Your voice changed. Are you okay?"
Wow. Nahalata niya iyon? But too bad Altair, hindi mo man lang alam kung sino si Havana at sino si Red.
"You didn't eat habang wala ako?"
Umiling ako.
"I waited for you to arrive. Bakit?"
"You should've eaten first."
So this is how he treats Havana, how sweet. Hindi ko nga masilayan man lang yung mukha ng fiancé ko pero itong si Altair hantad na hantad lahat ng identity niya sa pamilya namin. Ngayon ko lang napagtanto na I underestimated him. On a way na baka hindi ko na siya makikita kasi malaki ang gap ng mundo namin but no, we're in a small world. A very small one even.
The atmosphere between us is very awkward. Walang nangahas sa amin na magsalita. Minutes passed, until he broke it.
"This is our first formal meet-up, Havana."
What? First? Akala ko ba magkakilala na sila? Napalunok ako. Grabe! Ako pa talaga ang una.
"Next week, I'll be busy with work."
"Are you insinuating that we should meet often?"
Tumango siya. His eyes screams of authority. Pinasadahan niya ng tingin ang aking suot kahit hindi niya naman kita ang buo. Damn it!
"I've heard you like designing, are you pursuing the course that you love?" tinaasan niya pa ako ng kilay sa tanong niya.
"Yes, I am. Ikaw?"
"I'm done schooling."
Gusto kong maubo sa sinabi niya. The hell? Ibig sabihin mas matanda pa siya sa akin?
We talked a lot, questions after questions pero ang tanging maitanong ko lang ay ang tungkol sa trabaho niya. The rest, natatameme na ako sa lahat ng naabot niya. He's calm and humble while saying about his achievements.
Nalaman ko na sa murang edad niya hasa na siya sa business ng pamilya niya dahil sa siya lang ang nag-iisang anak. I hid the bitterness inside of me with that thought. He's an honorable man indeed! Ang swerte ni Havana.
My phone vibrated with a message from Havana. Bago kami sabay umalis, binago ko muna ang pangalan niya sa contacts ko.
Scarlet:
Don't go home tonight. Ang alam ni Mommy sa fiancé ko ako matutulog so don't mess up!
I sighed. Tell me this is f****d up without telling me this is f****d up. Wala ito sa plano namin! Paano kapag nabuking ako nito?
"Are you okay?"
"Y-yeah."
Litong-lito ko kung paano ko malulusutan ito. Kung uuwi ako patay kami kay Mommy. I can just stay in the Chandler's place para hindi kami pagdudahan!
"Are you really fine? Kanina ka pa namumutla."
"H-huh?"
Kailangan kong sabihin.
"I'll drive you home."
No! Mabubuking kami!
"Just drive me to my friend's house. I can manage going home on my own."
Nilingon niya ako na parang kay bigat kong lingunin.
"No. I will drive you home."
Wala akong lusot dito. Nag-iisip ako ng paraan habang nasa byahe. Bakit ba naman kasi sinabi pa ni Havana na kila Altair siya matutulog?
Habang nasa byahe, umuulan. Noong una, umaambon lang pero habang nasa kalagitnaan ng traffic, lumalakas ito nang lumalakas. Great! This is freaking great!
Huli na nang napagtanto kong hindi sa amin ang tungo niya kundi sa ibang lugar. Gustuhin ko mang matakot pero hindi ko maramdaman iyon.
The place is magnificent! Papasok pa lang alam kong hindi simple ang tinutuluyan ni Altair. This is not just a condo or an apartment, this is a manor! Entering it is not the first way to step inside of it all, pinark pa ni Altair ang sasakyan at doon ko nakita na may hagdanan pa papasok nito. Manghang-mangha ako sa nakikita ko.
"You like it?"
"Anong like it? That's an understatement! I love it!"
Puno nang pagnanasa ang mga mata ko sa mga nakikita sa paligid. This is my dream view! Kung pwede lang sanang dito tumira. I smirked at that thought.
"Go change your clothes."
Binigyan niya ako ng paperbag na sa tingin ko naglalaman ng mga susuotin ko. It has boxers shorts and a shirt.
Habang nasa shower si Altair, pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto niya. Tapos na akong magbihis kaya gusto ko munang mag explore. His room is very manly. There's no trace of feminine side here and I love that. Mas gusto ko pa nga sigurong umaamoy ng perfume ng lalaki kaysa pambabae.
Napatingin ako sa laki nito. Wow, he must be very hardworking to have all these by himself. Hindi siya katulad ng ibang mayayaman na kapag may pera nagpapariwara na not that I know someone of pero iba talaga kapag nagsisipag mayaman man o hindi.
His room has two sides sa pinakadulo nandoon ang kwarto niya with tables on its sides na puno ng mga papeles at laptop niya. It's a mess pero hindi mo aakalaing kalat iyon sa pagka arrange. His lights were dimmed at kung gugustuhin ko mang tingnan ang labas kitang-kita ko ito.
Something caught my attention. His mini-library. Ang cute!
Kaagad ko iyong tinungo at pinagmasdan ang mga librong nandoon. At first, I was upset dahil ang nakikita ko puro business books, there are even architecture books! Pero gayon nalang ang pagkagulat ko nang makakita ako ng mga Percy Jackson books, mayroon pang The Selection series! I am a very fan of these kind of books bata pa lang ako nakahiligan ko na ang magbasa.
Yun nga lang hindi ko maabot ang gustuhin kong basahin dahil sa taas nito. Hindi ako pandak hindi rin masyadong katangkaran. Maaabot ko na sana ang libro nang may humawak sa balakang ko at bahagya pa akong iniangat.
Hindi ko alam kung nasalo ba niya ang libro o hindi ko lang talaga nakuha dahil wala na talaga akong alam nang mahawakan niya ako. Holy God!
"You want this?"
I cleared my throat looking up to him.
"Y-yeah, thank you."
Tatakbo na sana ako nang pinirmi niya ako sa shelf. His eyes! Ngayon lang ako nakakita ng sobra kagandang mga mata!
"Are you cold?"
"H-hindi naman."
He nodded and licked his lips while watching me. Hindi ako makagalaw!
"You sure you don't want any other books? Pwede ko pang kunin."
Tumingala ako at kasabay ng pagtingala ko ay ang paghalik niya sa leeg ko. Naputol ang paghinga ko sa ginawa niya. Damn! Nakakadalawa na siya ngayon, ah!
When I looked back at him, his ferrocious eyes are burning with something I couldn't tell. Galit ba o pagnanasa?
"Baby?"
Napalagok ako sa sinabi niya. Ano pa bang gagawin niya sa akin para mawala na naman ako sa huwisyo ko?
"You didn't answer me..."
"I-I guess that's all"
At nagmadali akong pumiglas sa hawak niya. Goodness! That was close!
Ang sama mo talaga, Altair. Sobra.
Dala-dala ko ang librong nakuha namin at binasa nalang ito. Few minutes later, sumunod na si Altair.
"Let's sleep, it's already late."
Napatanga ako sa sinabi niya. Huwag niyang sabihin na magtatabi kami baka mabatukan ko siya!
"We'll sleep together in your bed?"
He chuckled. Walang nakakatawa, Altair!
"I'd love that, baby but not now. I know you're still not comfortable with it. Doon ako sa malaking cushion ko while you..."
Hinagod niya pa ako ng tingin.
"You lay in my bed, are we good?"
Napaginhawa ako ng maluwag doon.
I nodded and smiled genuinely at him which made him stopped for a moment.
"Goodnight, Altair."
Hindi niya ako sinagot but minutes later his reply came in. Not with words but with something I didn't expect.
He kissed the back of my hair while my back is facing him.
"Goodnight, baby."