Prologue
I don't really get it. Kung sino pa iyong mas masahol siya pang papalain. I can't believe that even after all these years, may mas ilalala pa ang buhay ko. Hindi ko akalain na may mas isasakit pa pala sa lahat nang nangyari sa akin. Akala ko masasanay na ako sa lahat ng salita ng ibang tao. Akala ko hinding-hindi ko na madidibdib lahat ng gagawin nila sa akin.
Well, that's what I thought.
Why would I chase someone who doesn't love me sa simula pa lang? Alam kong noong una palang na hindi naman talaga ako ang tiningnan niya. Alam ko na hindi ako ang minahal niya because it was her all along. Pinaniwala ko lang ang sarili ko dahil ako lang ang nagmahal at nagmamahal. Masakit, oo. Pero kailangan kong tanggapin dahil kagagawan ko rin ito. Well, at least I was happy.
"Rouge, sigurado ka ba dito? It's better if you go outside the country for your sake, you know?"
"It's fine. Mas lalala lang kung aalis ako at magpapakaduwag."
"Kahit nalaman mo na ang totoo, it's still fine for you?"
"Yeah, sanay na ako. This is nothing new to me."
Ever since they told me the truth alam ko na kung bakit nila ako inaapi at binabalewala. Well, maybe I deserve that dahil binuhay nila ako at pinalaki. Nasanay ako sa lahat nang panlalait at paninira nila sa akin. Small things to big things they always destroy me pero malakas ako kaya hindi ko inisip na magpakamatay na lang because I have children from charity na umaasa sa akin. I don't use the money para lang iwalwal. I use it for the children.
"What if they find out na nandoon ka na naman sa Angels' Home?"
"They won't. Don't worry, Amalia. I can manage."
Angels' Home is literally my home. Doon ko lang naramdaman ang init ng mga yakap, ngiti at salita. Maybe I should go back to where I really should be, huh?
Our love story was not like how in Taylor Swift's song ended. Ours' was a failure. It was never love after all. One-sided love lang ang nangyari sa amin. Well, I can't expect na mahalin niya ako because I was never the one he wanted. He needs her and sadly, I am not her.
Our love story will just be a memory worth looking back to. A love story made to be forgotten. A love story made to be a lesson and will always be remembered.
"Ate Scarletttt!!!"
Dinumog ako nang mga bata pagdating ko. This would always be my favorite place and favorite people. Naging close ko na rin lahat ng mga bata dito.
"Bakit po hindi sumama si ate Amalia, ate Scar?"
"May trabaho si ate Am, kaya tayo muna ngayon ha?"
Agad nagsitakbuhan ang mga bata papasok bitbit ang mga maliliit na box na dala ko. They always help me out kapag pumupunta ako dito. For the bigger boxes, tinutulungan ako ng mga madre sa pagbibitbit. Amalia, who's my best friend, we usually go here together kaya nasanay na ang mga bata na kasama ko siya pero ngayon abala siya sa kompanya niya. She's the only child kaya pressured ng mga magulang.
"Hija, may palaging bumibisita dito na lalaki. Ikaw ang hinahanap."
Napakunot-noo ako sa sinabi ni sister Amy. Lalaki? Si Lynx? But he doesn't know na pumupunta ako dito. Their family also supports the children here kasama ang katriplet niya na sina Cynx at Hynx na puro babae. Wala akong ibang kakilala na alam ang tungkol dito.
"Sino ho ba? Lynx po ba ang pangalan?"
Tanong ko habang binababa na namin ang mga kahon. The kids are now in their seats dahil isusunod na ang pagkain. I usually prepare food for them. I don't ask money from my parents, I work for it. Lahat nang kinikita ko napupunta dito. I work and study at the same time.
"Hindi naman Lynx ang pakilala, hija. Maru ata 'yon. May kakilala ka bang Maru?"
Umiling ako. Wala naman talaga akong kilalang Maru buong buhay ko dahil kay Altair.
"Naku, hija! Ang gwapo-gwapong bata tsaka mabait."
Napailing na lang ako sa sinasabi ni sister. Sa sitwasyon kong ito? Makakahanap pa kaya ako na lalamang kay Altair?
Pinakain na namin ang mga bata dahil na rin sa sabik nilang tikman ang mga pinahanda ko.
"Ate Scar! Salamat po!"
Nginitian ko si Twink. She's the most gullible and joyful kid here at siya rin ang iyakin. Hindi ko alam kung bakit nagawang abandonahin ng mga magulang nila ang mga batang ito. They deserve a happy life, you know? At least, hindi kagaya ko. They are happy here and contented.
"Alam niyo po ba? May pumunta ditong lalaki ate! Ang gwapo! Tapos nagluto siya para sa amin ang sarap nga eh!"
"Sky! Bad nga kasi kapag nagkacrush ka na sa ganyang edad!"
"Sino ba iyang sinasabi niyo? Ang bata niyo pa Twink at Sky, ah!"
"Totoo naman ate, eh! Si kuya Maru po iyon."
Maru again. Who is this man? Ngayon ko lang nalaman na may ibang pumupunta dito, ah?
"Ma'am Scarlet, pinapatawag ho kayo ni sister Vivian."
Agad kong pinuntahan si sister Vivian na siyang head ng mga madre dito. Baka may problema na naman sa isa sa mga bata because the last time I went here, nagkahika si Lennon buti nalang naagapan namin.
Pagpasok ko sa silid may namataan akong lalaking nakaupo sa couch. Nakatingin siya sa akin. Binalingan ko si sister Vivian.
"Ano ho iyon sister? May problema ho ba?"
Hindi ko mabasa ang emosyon ni sister Vivian. She's usually jolly kapag nag-uusap kami but right now she's somewhat sad and sorry. May nangyari ba na hindi ko alam?
"Scarlet, may sasabihin sana ako sa'yo."
Mangiyak-ngiyak na ako nang tugunan ko siya.
"What's wrong? Okay lang ba ang mga bata?"
Lumapit sa akin ang lalaking nakaupo sa couch. He's way taller than me. We somewhat have the same color of eyes--hazel eyes with green flecks. Palagi akong nag-ko contact lens dahil na rin sa iba ang mata ko sa pamilya ko and I was labeled for that. I saw how he stared at me. Who is he?
"Hija, si Maru. Maru si Scarlet."
So, he's Maru? Why is he here?
Lalapitan na sana ako ni Maru nang umatras ako.
"What do you want?"
"Can we talk outside?"
Nilingon ko si Sister Vivian at tinaguan lang ako nito. Seriously? Sino ba itong lalaking ito?
Tinanguan ko siya at tinahak ang papuntang garden. Kami lang dalawa ang nandito.
"I'm sorry."
Nilingon ko siya. Sorry for what?
"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula para ipaliwanag sa'yo lahat nang ito, Scarlet but please hear me out until I finish."
"I'll listen but before that, ngayon ka lang ba pumunta dito?"
Umiling siya. That means he's been here many times.
"A lot of times I'm here pero hindi kita naaabutan."
"Why? What do you want?"
Tinitigan niya ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. He's handsome, tall, dangerous and honorable to look at pero hindi ko kayang matakot sa kanya. Kinukutuban na ako kung ano ang sasabihin niya.
"I can't tell you everything now."
"You told me to hear you out. I'm listening, now."
Bumuntong-hininga siya na parang nakahawak ako rito ng baril na anytime ipuputok ko sa kanya kapag hindi pa siya nagsalita. I wonder what's hard to tell?
Bago pa siya makapagsalita, namataan kong may papunta palapit sa amin.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakilalang papalapit sa amin. No way. Bakit siya nandito? What the hell is going on?
"Cassey?"
What the hell is going on?