Yesterday was a good day for me kahit ang daming nangyari. I guess that man made my day. Kung siguro magkita ulit kami, for sure he won't recognize me. Last night when I pretended to be Havana, my hair was long just like Havana's. My hair length and eyes are different from Havana's. Hanggang balikat lang ang buhok ko and I wore contact lenses last night-- light brown contact lens-- hiding my hazel eyes with green flecks ones.
Pagod ako sa araw na ito dahil sa nangyari. I wanted the sea feels. I always wanted it pero iyon nga lang ngayon lang kami naparito. Minsan lang kami pumupunta sa mga resort, hindi ko alam kung ayaw lang talaga nila o ayaw nila na dalhin ako sa malapit sa dagat. It's like everything I love they're always keeping me away of it. Lulubos lubusin ko na ngayon.
"Red, sa'n ang lakad?" usisa ni manang. Napangiti ako. Grabe! Ang strikta pa rin kahit matanda na!
"Tabing-dagat lang mang!"
Binaklas ko ang tabing-dagat sa umagang ito. I really feel connected to the sea, yung tipong ayokong humiwalay kahit sa pagtulog ko lang. Umaga, tanghali at gabi gustung-gusto ko itong makita. It's like my peace.
Sa gitnang parte nang tabing-dagat may bridge na pwedeng lakarin para makalapit sa daungan ng mga maliliit na barko kaya pinuntahan ko na. Grabe, ang sarap sa pakiramdam! I closed my eyes feeling the wind.
Pagmulat ko may nakita akong isang maliit na isla. Well, it's kinda creepy dahil walang tao pero ang ganda tingnan. Umupo ako sa dulo ng bridge. I kept looking at the island kasi pakiramdam ko may tao.
Ilang minuto kong tinitigan ito nang may tao akong makita! Oh, God!
Ngayon ko lang napansin na may maliit na bangka na parang nasira sa may dulong parte nang isla and the man is waving both of his hands!
I quickly got the rope sa isa sa mga maliit na bangka at kumuha nang sagwan. Binilisan ko ang pagsagwan because freaking freakingly! The man is bleeding!
Hindi ko alam kung kita niya akong papalapit pero bahala na!
Agad akong bumaba at lalapitan na sana ang lalaki pero bago pa ako makalapit, may tumawag sa kanya.
"Altair! You okay?"
Altair. He's familiar.
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kung sino ang lalaki. Why did I go here? Wrong move!
"Sino bang tinitingnan mo diyan?"
Wala akong marinig na sagot galing sa kanya. Kinabahan ako baka hanapin niya pa ako.
"Altair, lika na! The hell you're bleeding man!"
Hindi niya ako nakita dahil agad akong nakatago sa mga bato nang may tumawag sa kanya. I was not thinking! Stupid of me!
Ngayon, paano ako uuwi nito? Kailangan ko pa silang hintaying mawala bago ako umalis!
Umupo ako sa liblib na parte ng mga bato. This is heaven. Sana pala inagahan kong pumunta dito. Gusto ko nang huwag umuwi pero alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kaya. I still need their support. Alam kong hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa.
Hinintay kong mag-tanghali tsaka ako bumalik sa resort. Sobrang gaan nang pakiramdam ko.
"Red, may bisita ang Mommy at Daddy mo. Magbihis ka na daw. Sa restaurant sa baba kayo magmi-meet." pinaalam ni Tina sa akin--isa sa mga batang kasambahay namin.
Tumango lang ako.
Hindi man lang ako hinanap.
Pagkatapos kong magbihis, pinuntahan ako ni manang sa kwarto.
"Sa'n ka ba nanggaling bata ka? Kung saan-saan ka na naman nagsususuot no? Jusko ka!"
Napangiti ako. No. More likely gusto kong umiyak.
"Sa tabing-dagat lang mang. Eto naman."
Inirapan lang ako ni manang. How I wish I have a mother someone like her but I won't trade my real mother for anyone. Ina ko pa rin siya.
Bumaba na ako at namataan na nasa may teresa sila nag-uusap. Pwede bang huwag nalang sumali?
"Scarlet!"
Agad akong lumapit. Balak ko pa sanang kumuha nang hot chocolate.
"This is my eldest daughter, Scarlet."
Nakipagkamay sila sa akin. They are the Ceviste family.
"Nice to meet you po." nginitian ako nang medyo may katandaan nang lalaki. The woman beside her last her stares at me.
"Where's Beau by the way, Criselda?"
"He's busy with his studies abroad and very, very, very I don't know, he's best at his studies pati na rin ata babae."
Napangiti ako. This is very awkward. Gusto kong tumawa kaso pinipigilan ko because one wrong move, mapapagalitan na naman ako.
Their talks about business went on and on. Nilalangaw na ako sa lamesa sa usapan nila. Nang hindi ko na mapigilan, I excused myself. Nakahinga ako nang makawala sa kanila. I should be used to this!
"Here."
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Lynx. Why is he here?
"I don't like your reaction, Red. Para kang nakakita nang multo."
"I'm sorry. I'm just shocked, okay?"
Binigay niya sa akin ang tsaa. Poor boy, hindi pa rin alam na hot chocolate ang gusto kong inumin, not tea.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi mo tatanggapin?"
"Gaga ka ba? Hindi ko nga gusto ng tea."
Nanlaki ang mata niya at napatakip pa sa labi. Ang bading!
"Gaga ka rin ba? Syempre alam ko! Eto oh!"
Umalis ang kumag. Nairita ata. Teka, hindi ko pa alam ba't siya nandito kaya sinundan ko siya.
"Why are you here, exactly? Stalker ka no?"
"Wala akong crush sayong babae ka."
"Then why?"
"Work."
I nodded. I know what he meant by that.
"I need to go, baka hanapin ako nila Mommy at Daddy."
"Ingat ka and please do ring me when you want to talk."
I nodded at him. At least kahit hindi siya naging akin naging bestfriend ko naman. I admit, gwapo si Lynx. It's just that hanggang crush stage lang ako sa kanya. I can't have those deeper feelings for him. Hindi ko lang talaga maramdaman na may mas lalalim pa sa nararamdaman ko sa kanya.
Nang bumalik ako may isang babae ang nakaupo kasama ang mag-asawang Ceviste.
I looked at her. She looked so dull and untouchable pero noong tiningnan ko naglaho nang ngumiti siya sa akin. What an angel!
"Scarlet, where have you been?"
"Kumuha lang nang hot choco, Mom"
"By the way, this is Cassey, my daughter, hija" pakilala ni Mrs. Ceviste sa akin.
I shook hands with her at patuloy na naman sila sa usapang negosyo hanggang sa napunta sa usapang hindi ko inasahan.
"Scarlet has no problem with an arranged marriage."
Para akong binuhusan nang malamig na yelo. How come? Kailan ako pumayag?
"Really?" sabay tingin ni Mrs. Ceviste sa akin. Hindi ako makatingin nang maayos.
Gusto kong magwala pero walang lumalabas sa bibig ko. Why are they always like this?
"Ma, you know Kuya's not up to it."
Nabunutan ako nang tinik nang marinig ko iyon. She's really an angel!
"But we can, you know, make them uhmm know each other! Right, Criselda?"
Tumawa lang si Mrs. Ceviste. I don't know if I should feel threatened or not. Galit ako kasi hindi naman ako pumayag, pero gusto ko dahil gusto kong kumawala sa pamilyang ito.
"Yna, my son's decision is what's best for me at tsaka ang bata pa nang anak mo para pangunahan sa ganyang bagay."
My mom laughed fakingly.
"Excuse us but we need to go. May meeting pa ako minutes from now. Criselda?"
Tinanguan ni Mrs. Ceviste ang kanyang asawa. How I wish I could be with a man like Mr. Ceviste.
I was really grateful that the meeting ended rightfully. Gusto kong habulin si Mrs. Ceviste at yung anghel pero hindi ko magawa.
I decided to just go back to the island that late afternoon. Nagdala ako nang kumot at pagkain to satisfy myself with the view hanggang sa gabi. I have no plans on facing them right now.
Paupo na sana ako sa mga bato kung saan ako nagtago noon nang may umahon galing sa dagat.
"That's you."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ng lalaki. Nakatalikod ako ngayon kaya hindi ko alam kung sino tong kumag na 'to. Ano bang problema nang lalaking ito? May pa that's you that's you pa!
"The girl awhile ago, it's you right?"
Hindi ako lumingon. Mud! Bakit siya nandito? Nasira na nga ang araw ko masisira na naman!
"Hey."
"It's not me. Baka nagkakamali ka lang po."
"Po?"
"I guess you're older than me?"
Tumiim-bagang siya sa sinabi ko. Wala namang mali, ah.
"Yeah, whatever. Baka nagkamali lang talaga ako."
Nagwalk-out ang kumag. Eh sa ayokong mabuking ako eh. The more we get closer, the more na malalaman niya na hindi si Havana yung nakausap niya. Prevention is better than cure.
I had my day replaced with good moments. Ayokong umuwi nang busangot ang mukha. Pagagalitan na naman ako ni Mommy.
After sunset, tumulak na ako para umuwi. Marunong akong magsagwan sa kadahilanang mahal ko ang dagat. It's because it's free when I'm with it kahit sa dagat man lang maramdaman ko ring malaya ako.
Pabalik ako nang paglingon sa islang pinanggalingan ko may naaninag akong lalaking nakatingin. He's staring at me intently.
This man is dangerous. I really do hope hindi niya ako mabuking.
"Red! Ikawng bata ka na naman! Umuwi ka nang maaga patay na naman tayo sa Mommy mo!"
She was handing me a towel while saying those words though. How sweet.
Nginitian ko lang siya. Ako lang yata ang patay kay Mommy.
I went upstairs expecting some rants from Mommy but nothing came. Tahimik ang buong bahay. It's already six in the evening the household should be busy preparing foods.
"Mang? Saan sila?"
Bumuntong-hininga si Manang.
"Umalis silang tatlo, Red. Ang sabi'y may ka meeting daw na importante. Umuwi ka naman nang maaga ikawng bata ka! Malilintikan ka na naman kapag nalaman ng Mommy mo ito!"
Nagkibit nalang ako ng balikat. Hindi naman ako nasasaktan, nasasanay lang. Bigla akong napaisip kung bakit pumunta dito ang mga Ceviste. Ceviste's are known for their designs and architecture skills. Manang-mana sa kanila ang mga anak. Is mommy trying to sell me off para mas yumaman kami? If that's it, hindi ko na alam kung anong klaseng tao ang turing nila Mommy sa akin.
"Mang, may alam ka ba kung bakit naparito ang mga Ceviste?"
Manang is currently making some hot chocolate and I know it's for me. Napangiti ako. Even though I have a messed up family, I had my maids' back. Hindi naman sa lahat pero alam kong tinutulungan nila ako paminsan-minsan. Gaya nalang noong gusto kong maglaro sa labas bata pa ako.
"Red, baka mapagalitan ka ng Mommy mo, sige ka."
"Please, ate. Saglit lang. Gusto ko lang talagang maglaro sa may tabing-dagat. Please?"
Alam kong aayaw siya kaya nag-expect na akong hindi ako makakapaglaro doon. I really love playing in the seashore!
Bumuntong-hininga ako nang hindi pa rin ako sinasagot ni Ate Maddie. Narinig ko siyang nagbuntong-hininga kaya nilingon ko.
"Sige na nga pero saglit lang, ah? Tatawagin kita 'pag nakita kong hinahanap ka na."
Abot-tenga ang ngiti ko nang marinig iyon. Luckily, we were not busted. Baka kasalanan ko pang masisante si Ate Maddie.
"Hindi ko rin alam kung bakit naparito ang mga Ceviste pero nagdududa ako."
Napatigil ako sa pag-ihip sa hot choco ko. Is she thinking what I'm thinking?
"Red, nasa tamang edad ka na. Alam mo na kung anong mga posibilidad na mangyari sa buhay mo habang nasa puder ka ng Mommy mo."
It is true. Wala akong kapangyarihan para suwayin si Mommy ngayon.
"Hija, alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon kaya kung anuman ang desisyon mo susuportahan ka namin ng ama mo. Para na rin kitang anak."
Those words from Manang stuck in my mind. I need to work, at least. Kung gugustuhin kong magrebelde sa kanila I will need money for that.
The next day, I contacted Amalia. Hindi ako mapakali kapag hindi ko nasasabi sa kanya. I need her advice.
"Babe, what's up?"
"Are you busy?"
Bumuntong-hininga siya.
"Where can we meet?"
"Am, why meet when we can talk here on the phone?"
"Kilala kita. When you're asking me if I'm busy that's gonna be a long talk, Scar. So, where?"
We planned to meet in a bar here. The typical place na hindi alam ng mga magulang ko.
"Spill the tea, babe."
Ipinaliwanag ko sa kanya ang plano ko. My plan to rebel is final but I need to pull some strings. Mahirap magtrabaho nang palihim under my parents watch. No, correction--under my Mommy's watch.
"So you're asking me to hire you in a company na hindi alam ng mga magulang mo?"
"Yes, Am. Actually, just keep it from Mommy."
"Scar, you do know na mahirap itong hinihingi mo diba? But I'll figure things out to help you."
I know this is gonna be hard pero this is my only way to get away from them. I am being a bad daughter right now but I need to do this.
"I'm sorry for dragging you into this, Am. I just really want to get out of this."
Yumuko ako. Sobrang desperada ko na yata. Am I doing the right thing?
"Scar, I know. Teka, you mentioned about the Cevistes right?"
"Yes, Mom was somewhat insinuating of an arranged marriage."
"Scar, maybe you've mistaken it. Diba nasa resort kayo ng mga Ceviste? Maybe they were just visiting you there for your stay if you're doing fine?"
"I don't know, Am. Masama ang pakiramdam ko kay Mommy."
"You know what? Let's stop the drama here. Andito ako para magbakasyon!"
Namilog ang mga mata ko. Kaya pala nakapunta dito ang bruha!
"I already asked permission from your witch kaya we'll gonna have some fun!"
Amalia never fails me. Kahit mga bata palang kami she's always there for me. We decided to go home for her to rest for awhile.
Nagpaalam ako kay Manang na aalis sandali. Amalia is still sleeping and I know she's very pumped up these days. Ikaw ba naman papamahalain sa isang kompanya sa murang edad. Pumunta sa isla wearing a fitted dress today. When I feel like wearing one sinusuot ko because I feel free kahit sa mga maliliit na bagay man lang malaya ako. I brought my usual things dahil alam kong tulog-mantika si Amalia.
I wanted to go swim and feel the ocean kaya naligo ako. I had this funny thought na gusto nalang maging sirena pero alam kong imposible. When I went further and dived, may napansin akong isang shell na minsan ko lang makita. It's not a shell when you see it, it's like a jewelry in the ocean pero pag nalapitan you'll know it's a shell. A rare shell.
Nabitawan ko ang shell nang may biglang umahon sa malapitan ko. The hell?
Nagpanic ako dahil nawala sa paningin ko ang shell. It has to be near here! Hindi naman yata iyon matatapon sa malayo kung nagulat ako. I keep on going further to find the shell pero wala akong makita. It was very beautiful!
Mangiyak-ngiyak ako nang hindi ko na talaga makita ito. It was like I wanted that something so bad but I can't have it to the point na sa galit ko gusto kong umiyak.
"Are you looking for this?"
When I saw the shell on that man's hand, I quickly grabbed it. Huli na nang matanto ko kung sino ang nagbigay sa akin nito.
"You're here. Again."
I cleared my throat. Why does he have to be here always? Lumalayo na nga ako lumalapit naman siya. At ano namang problema niya sa pagpunta ko rito? Is this his island?
"T-thank you."
Agaran akong umalis nang hindi siya nililingon. What I'm doing right now is dangerous. Pa'no kapag nalaman niyang nagpapanggap ako bilang si Havana?What will Mommy do to me? I know I'm about to rebel but I still don't have enough strength to go against my Mom.
Sinusundan niya ako. I don't know what he wants. I just want to freaking go back home.
"Hey"
Hindi pa rin ako lumingon.
"Look, you're wounded. Can you at least put something on that?"
Napalingon ako sa kanya. Wounded? This is not good. I usually faint when I am wounded but I don't feel anything.
"Miss? Are you listening?"
Tumango lang ako sa kanya. I don't know if I'm scared to talk or scared to know and see where the wound is pero huli na nang makita ko ang dugong dumadaloy sa may tuhod ko. My vision went blurry. This is not helping! Alam kong sobrang OA pero ganito na ako simula bata pa lang.
Naglakad ako wanting to let my faint feeling gone. I know I look so stupid walking right now but I can't faint with him. Damn!
"Miss--"
The last thing I remembered was that I fainted when that guy called me. Nagising ako sa isang kwartong hindi pamilyar sa akin. I was at an island. I don't remember seeing a house, wait!
Agaran akong bumangon pero agad nakaramdam ng hapdi sa may tuhod.
"Where are you going?"
"Where am I? I need to go home!"
Dumaan ang parang galit sa mga mata niya. Is he mad that I shouted at him?
"It's still early. Rest for awhile, ihahatid kita."
Namilog ang mga mata ko. No way!
"No!"
He was startled at my response.
"And why is that young lady? Mag-isa kang pumunta rito what if someone will take advantage on you in your state right now? You can't even stand."
Naitikom ko ang bibig ko sa sinabi niya. He has a point though. Hindi ko naman matawagan si Amalia because aside from not having my phone with me, I didn't memorized her phone number. Ang swerte ko naman!
Umupo akong muli. I wanted to see the ocean again. It will always be my remedy of everything. Nakatingin lang ako sa may bintana at tulala.
"What do you want?"
Napalingon ako sa lalaki. What I want? I want freedom. Can you give that, mister? I chuckled at my thought. Silly of me!
"I want to go home."
"Yes, you will but for now rest."
Umiling ako. Iba ang gusto kong iparating pero hindi ko kayang sabihin. I want home, you know? Home.
Nilapitan niya ako at binuhat. I know I should be startled pero wala akong maireact sa ginawa niya!
Pinanlakihan ko lang siya ng mga mata when he carried me bridal style but he didn't bother looking at me. Dinala niya ako sa isa sa mga lounger sa may tabing-dagat. I don't even know kung resort ba ito o bahay.
"Thank you." Nasabi ko nang mailapag niya na ako.
Ilang minutong katahimikan ang nangyari sa amin. We were both watching the calm sea. I wonder if he is fine these days? Ilang araw ko nang hindi siya nakita but when I'm here I always see him though.
He went back inside. I guess he got bored? Sino ba namang hindi mabo-bored? People always tell that Havana is more attractive than me. The problem about being simple is you'll get to be labeled as boring but I don't really mind though mas gugustuhin ko pang hindi mapansin kaysa makakuha ng sobra-sobrang atensyon sa mga tao.
I shifted my weight to change my position. My legs are getting numb from the old position but I saw him in my peripheral vision. He came back? He was holding something.
This time, I looked at him. I tilted my head to see what he's holding.
"Ano 'yan?"
Ngumuso siya at ipinakita sa akin ang shell.
"Thank you!" I shrieked those words. I totally forgot about the shell!
He helped me twice this day. I should really thank him sincerely this time.
"Uh-thank you talaga. I mean it."
"If you're really thankful, give me your name."
Napaangat ang tingin ko sa kanya. My name? Diba dapat kilala niya ako? Don't tell me he doesn't know me? He doesn't know na nagpapanggap ako bilang si Havana?
Oh s**t! I am not wearing a wig nor a contact lens! Stupid, Red!
Kinunotan ko siya ng noo. Is he serious?
"I always see you here. Taga saan ka ba?"
"I-I'm staying at Ceviste's resort."
Tumango lang siya. I don't know if I should really give my name. Kung ibibigay ko sa kanya ang pangalan ko what will happen to me? Yes, I am rebelling but I should not make a fuss right now!
"If you want to go home, your dress is already dry. Ipapahatid kita, I have something to do."
Nakabihis nga ako paggising ko. I didn't even bother asking him. I looked at him with visible question in my eyes.
He sighed.
"One of the staff had you dressed, don't worry hindi ko type 'yan."
He smirked after his last words looking at me up and down. My face heated. I don't really care about my body though. Manang said I have a very attractive body pero palagi naman akong naka disguise that's why hindi ako minsan nakakapagsuot nang gusto ko. Only on vacations and these times.
Akala ko aalis na siya pero hindi pa rin. Maybe he's waiting for my name?
Nilingon ko siya kaya nabigla siya sa ginawa ko.
"It's Red."
Tumango lang siya. Hindi ko alam kung nakuha niya ba ang sinabi ko?
"You have tattoos. What does it mean?"
"Red Scars."
"Why do you have those?"
Napalingon ako sa kanya. I guess lulubos-lubusin ko na ito. I wanted to feel freedom, right? Freedom is here. Hindi naman kami magtatagal dito at isa pa, I will be busy the next days.
"Symbol of life ang tattoos ko and it's like my breath of fresh air."
My tattoos are one of my favorites. Isa sa mga simbolong kalayaan ko sa sarili. My Mom protested for me to get those tattoos but I insisted to have them. It was too late when Mom found out about it kaya wala na siyang nagawa pa.
Tumango lang siya. I know what I did is very dangerous of me. Nakita niya ang tattoo ko bilang isang Havana but the last time I check wala siyang alam sa simbolong iyon which is for me a big shame. Baybayin is very simple and elegant. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pagkatapos nito.
We waited until sunset. Hindi ko na rin siya kinausap after the last conversation. We were both at peace. Nang tumayo ako, I noticed I can manage. Bumalik ako sa loob at nagbihis na, he went somewhere kaya akala ko hindi na siya babalik.
"Take the jacket. The yacht will bring you back. Take care."
Tumango lang ako. Sinundan niya lang ako ng tingin hanggang sa makasakay sa yacht. Hawak-hawak ko pa rin ang shell. I hope we'll meet again in a good situation, Altair. Take care.
Nang makauwi, Manang is in her usual pangaral. Hindi ko alam kung masasanay ako pero mas mabuti nang palaging ganito kaysa hindi ako kibuin.
"Anong nangyari sa tuhod mong bata ka?!"
"Mang, nadapa lang. Tsaka okay na naman ito, oh!"
"Nadapa? Huwag mo nga akong lokohin kang bata ka! Halika at gagamutin natin!"
That night was full of her rants. Hindi ko magawang ngumiti dahil galit na galit siya sa galos ko. Nagamot na ang sugat ko pero panay diin pa rin siya sa betadine and I let her do that though.
"Babe! Anong nangyari?"
The sleeping beauty is awake!
"Wala lang. Nadapa lang."
"Nadapa? Ba't ka umiiyak?"
I'm not crying because of the wound. I'm crying because I don't want this to end. Ayokong iwanan si Manang. Time will come, I will leave this kind of life.
"I'm fine, Am."
That night was very heavy for me. Hindi ko alam kung nakatulong ba iyong pag-uusap namin ni Altair o hindi. The only thing I'm certain of is nakahinga ako nang maisabi ko sa isang tao na ako si Red. Although not my full name but I finally said it to a stranger.