Nadismaya ang dalaga dahil pakiramdam niya ay kinakahiya siya ni Arkie. Ngunit, nagpaliwanag naman si Arkie kung bakit hindi niya ito nasabi sa dalaga. Pagkatapos no'n ay umuwi sa dorm si Arkie na matamlay. Nagtatampo si Sarfel sa kanya. Kaya napagdesisyonan niya na bukas na bukas ay sasabihin niya kay Eloise ang tungkol sa kanilang ni Sarfel. NASA labas na ng pinto si Eloise at akmang papasok na ito dahil nakahawak na ito sa door handle. Nang biglang may humawak sa kanyang kamay na siyang ikinagulat ng dalaga sabay hila sa kanya sa gilid. "Hoy!" galit niyang sigaw kay Arkie na siyang hingal na hingal. "What's your problem?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Eloise rito. "I have something to tell you," pilit na usal ni Arkie habang inaayos ang kanyang paghinga. "Is that really

