Chapter 1
Mula sa dalampasigan ay tanaw na tanaw ang dalawang pamilya na masayang nag-iihaw sa tabing dagat sa ilalim ng malaking punong-kahoy. Sumasayaw naman sa hangin ang kanilang mga damit at buhok habang naghahanda ng kanilang tanghalian.
Sa gitnang parte ng baybayin na hindi naman kalayuan mula sa rest house na pagmamay-ari ng pamilyang Falario, naroon ang dalawang bata na masayang nagtatampisaw sa tubig.
"Ano ba 'yang tinitignan mo diyan sa ilalim ng tubig?" may halong pagkainip na wika ng batang babae sa kasama niyang batang lalaki.
Lumapit naman ang batang babae na nag-ngangalang Eloise sa kinaroroonan ng batang lalaki na si Voltaire. Nagtatakang tinignan naman ni Eloise ang batang Voltaire dahil pangiti-ngiti pa ito habang nakatingin sa mga isda na labas-masok sa tahanan nito.
"Iyan oh! Ang ganda kasi ng kulay ng mga isda, parang gusto ko tuloy na hulihin ang mga ito at ilagay sa aquarium," wika ng batang Voltaire sa batang Eloise.
Tumabi naman si Eloise kay Voltaire at nakidungaw din habang tinitignan ang makukulay na isda. Low tide kasi ang tubig-dagat kaya malayang nakakapaglakad-lakad sina Voltaire at Eloise sa buong baybayin at tinitignan ang mga nag-gagandahang korales.
"Ang ganda nga! Kaso, hindi pupwede na hulihin natin ang maliliit na isdang iyan," may bahid na pagkadismaya naman ang tono ng pananalita ng batang Eloise.
Tumango naman ang batang Voltaire, "Tama ka," aniya at tumayo mula sa kinatatayuan niya at naghanap ulit ng ibang korales.
Nahagip naman ng paningin ni Voltaire ang kulay asul na bato na nasa tabi ng pinagmamasdan niyang korales. Dahan-dahan niyang inulusob ang kanyang kamay sa tubig at maingat niya itong kinuha--itinapat niya naman ito sa araw. Kuminang ang bato na animo'y parang isa itong diyamante.
Labis namang siyang natuwa dahil sa nakakita siya ng isang pambihirang bato. Agad niyang tinawag ang batang Eloise at nakuha niya naman agad ang atensyon nito na kasalukuyang nangongolekta ng pebbles stone.
Patakbo naman siyang lumapit sa kinaroroonan nito, "Look, what I've found!" aniya sa isang masiglang tono habang itinataas sa ere ang bato na hawak-hawak niya.
Mariing pinagmasdan naman ni Eloise ang kulay asul na batong hawak-hawak ni Voltaire habang papalapit ito sa kinaroroonan niya.
Namangha naman ito nang tuluyang makita niya sa malapitan ang kulay asul na bato at gulat na napatingin kay Voltaire, "Where did you found it? Ang ganda! Nakakalula ang kagandahan ng batong ito!"
Hinawakan ni Eloise ang bato at parang hinihigop naman siya nito dahil sa pambihira nitong kagandahan.
"I can't believe na makakakita ako ng ganyan kagandang bato--dito pa mismo sa isla," aniya sa hindi makapaniwalang tono.
Hindi naman maalis ni Eloise ang kanyang tingin dito dahil ngayon lang siya nakakita ng gano'n klaseng bato. Napangiti naman ang batang Voltaire habang pinagmamasdan niya si Eloise. Kitang-kita niya sa mga mata ni Eloise ang saya habang pinagmamasdan ang bato na nahanap niya.
Bumaling naman sa kanya si Eloise dahilan para mapaiwas siya agad ng tingin at bahagyang nahiya dahil nahuli siya nito na nakatitig sa kanya. Pero nakahinga naman ng maluwag si Voltaire nang hindi iyon mapansin ni Eloise.
"I wish, that I was the one who found that," aniya sa malungkot na tono kasabay ng pagbigay ng bato kay Voltaire.
Nakaramdam naman ng lungkot ang batang Voltaire dahil sa naging wika ni Eloise.
Automatiko namang silang napalingon nang makarinig sila ng boses. Napatitig naman sila sa taong tumatawag sa kanila, "Voltaire! Eloise! It's time for lunch!" sigaw na pagtawag ina ni Eloise sa dalawa.
Magkasabay naman na naglakad papuntang rest house ang dalawa habang hawak-hawak naman ni Voltaire ang nakita niyang kulay asul na bato.
HABANG kumakain ang lahat sa isang malaking cottage na nakaharap mismo sa buong karagatan, bigla namang tumikhim ang ama ni Voltaire habang may matamis na ngiti sa labi nito. Tanging ang pamilya lamang ni Voltaire at Eloise ang naroon kaya hindi masyadong crowded.
Parehong kilala ang dalawang pamilya sa larangan ng pagne-negosyo. Kung kaya ay nagkasundo kaagad ang mga ito.
"Tutal, nandito na ang mga anak natin. Maaari na ba nating ipagpatuloy ang naudlot na usapan kanina?" natatawang wika ng ama ni Voltaire.
Humahalakhak naman sa saya ang ama ni Eloise, "Sure, why not?" kasabay ang pag-inom nito sa hawak nitong orange juice.
Tumingin naman ito sa asawa at kay Eloise na may matamis na ngiti. Ngumiti naman si Eloise sa ama habang walang ideya sa kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Kagaya ng napag-usapan natin kanina, kapag tumuntong sa wastong-edad ang mga anak natin--ipagkakasundo natin sila." nakangiting usal ng ina ni Eloise.
Sumegunda naman ang ina ni Voltaire, "Akala ko ba, ngayon natin sila ipagkakasundo sa isa't-isa?"
Natatawa namang tumugon ang ina ni Eloise, "This day, shall be the very first day na ipagkakasundo natin sila. But, this agreement shall take its effect when they reach the right age." nakangiting paliwanag niya rito.
Pumalakpak naman sa saya ang ina ni Voltaire nang marinig iyon.
Napuno naman ng masasayang kwentuhan ang panananghalian ng dalawang pamilya. Eto na ang huling araw ng pamilya ni Eloise na manatili sa isla na pagmamah-ari ng pamilya ni Voltaire. Pupunta pa kasi sila sa probinsya sa lugar ng kabisayaan upang bisitahin ang kanyang lola.
HABANG hila-hila ng batang Eloise ang kanyang maliit na trolly papunta sa van na kanilang sasakyan bigla namang siyang nakarinig ng isang boses na parang tinatawag siya.
Napalingon naman siya at nakita niya ang batang Voltaire na naglakad papalapit sa kanya, "Tinawag mo ba ako?" naninigurado niyang wika.
Tumango naman ito, "Aalis na pala kayo," aniya sa isang malungkot na tono.
Napahigpit naman ng hawak si Eloise sa trolly nito, "Oo, pupunta pa kasi kami sa probinsya doon sa lugar ng lola ko." pagpapaliwanag niya rito.
"Ganun ba?" paninigurado niya sa sinabi nito.
Tumango naman ito at tumugon, "Mmm.."
Palinga-linga naman si Voltaire habang napapakamot sa kanyang ulo, "Nga pala, may ibibigay ako sa 'yo," aniya sa isang mahinang tono pero narinig naman iyon ni Eloise.
"Talaga? Ano naman 'yon?" masiglang usal ni Eloise.
Kinuha naman ni Voltaire ang isang kuwentas sa ilalim ng kanyang bulsa at ipinakita ito sa batang Eloise.
Hindi naman masukat ang kaligayahang naramdaman ni Eloise nang makita niya kung anong klaseng kuwentas ito.
Naisipan ni Voltaire na gawin na lang na kuwentas ang batong nahanap niya dahil gusto niya itong ibigay kay Eloise. Isang brown leather cord naman ang ginamit ni Voltaire upang bumagay ito sa kulay asul na bato habang nakabalot naman ang bato sa isang parang sinulid upang hindi ito dumulas.
Umikot si Voltaire kay Eloise at pumwesto sa likuran nito. Matangkad ng kaunti si Voltaire kay Eloise kaya hindi siya nahirapan na ilagay ang kuwentas sa leeg nito.
Agad namang hinawakan ni Eloise ang kuwentas at masayang tumingin kay Voltaire.
"Are you really giving this to me?" aniya habang hindi maitago ang sayang kanyang nararamdaman.
"Yes, but promise me na iingatan mo 'yang kuwentas na 'yan. Hindi ko alam kung kailan tayo ulit magkikita. Pag dumating ang panahon na iyon, iyang kuwentas ang magiging basehan ko." aniya ng batang Voltaire.
Ngumiti naman ang batang Eloise, "Pangako," itinaas nito ang kanyang hinliliit upang gawing opisyal ang kanyang pangako at sabay nilang inusal ang salitang, "Pinky, promise."