11 years later....
Mayroong apat na lalaki na siyang kilala ng halos lahat ng kababaihan lalo na sa kanilang pinapasukang skwelahan. Maraming nahuhumaling sa apat na lalaki dahil sa angking kagwapohan ng mga ito. Ang mga lalaking ito ay sina Voltaire, Arkie, Drexiel at Cristopher.
Kakauwi lang ng mga ito galing sa isang car drag racing kung saan kasali si Voltaire.
Voltaire Wade Falario
The only heir of Falario Company and Falario's Manufacturing business. He is very popular, especially when it comes to girls. He has a masculine body figure na siyang pinagpapantasyahan ng mga kababaihan. Siya ay labing-siyam na taong gulang at kasalukuyang grade-12 student. He has a masculine face, mala-puso ang hugis ng kanyang labi at matangos ang ilong. His noticeable appearance is his masculine jawline and his almond eyes with thick eyelashes. He has a height of 5'8, has a masculine body figure--he's very popular when it comes to girls.
Kasalukuyang nag-uusap ang magkaibigan tungkol sa nangyaring karerahan. Habang may hawak-hawak namang canned beer ang mga ito.
Bahagyang yumuko si Arkie upang ilagay ang canned beer sa mesa habang natatawa itong nagsalita, "Did you see their faces?" Napailing na lamang ang tatlo at napapatawa habang iniisip iyong nangyaring pustahan kanina sa drag race. "Parang pinagbagsakan ng langit at lupa!" aniya at humagalpak naman ito ng tawa.
Arkie Gran
The youngest son of their family. He has two older brothers na parehong may sariling pamilya na ang mga ito. May sarili siyang bahay dahil ayaw niyang tumira sa puder ng kanyang magulang dahil kukulitin na naman siya ng mga ito na pag-aralan ang kanilang kompanya. Singkit ang kanyang mata at matangos ang kanyang ilong. Mapupula ang kanyang mga labi at halos magkasing tangkad lamang silang dalawa ni Voltaire. Siya ang makulit sa kanilang magkakaibigan at palaging nag-aaya na mag outing at gumala.
"Akala ko ba 'yon na 'yong tatalo sa kaibigan natin?" natatawang wika ni Drex at biglang inakbayan ang tahimik na si Voltaire na may matamis na ngiti sa labi.
Drexiel Montemayor
Siya ang laging nagyayaya sa barkada na gumimik sa bar. Siya ang palaging nagdadala ng babae sa kanilang table at may maraming kakilala kahit saang bar man sila magpunta. Nag-iisang anak lang siya at sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking liquor retailer company sa bansa. Bilugan ang kanyang mga mata at ang mas kapansin-pansin sa kanya ay ang maliit na biloy sa kanyang pisngi.
Umayos ng upo si Voltaire and he scoffed, "They can't beat me." aniya at tinungga ang hawak niyang canned beer.
Napapangiti naman ito habang iniisip ang karerang naganap kanina. Wala pang nakakatalo sa kanya pagdating sa pagdra-drag race. Magaling si Voltaire sa pagcar-drag racing dahil ito ay isa sa kanyang libangan.
Tinungga naman ni Arkie ang hawak niyang beer at nagsalita, "Did you see that girl? Iyong kasama ng lalaking humamon kay Voltaire?" aniya sa interesadong tono ng pananalita.
Napangisi naman ng nakakaloko ang tatlo dahil sa naging tanong ni Arkie.
Napade-kwatro ng upo naman si Voltaire at taimtim na nakatingin kay Arkie na may nakakalokong ngiti.
That girl, she's a naughty one. 'Yon nga lang, masyadong clingy.
Uminom muna ng canned beer si Cris at nagsalita, "Well, she's kinda hot but not my type." sabay ngiti niya na parang inaasar nito si Arkie.
Cristopher Vera
Ang kanyang pamilya ay mayroong daan-daang high-class resorts. Kabilang sa pagmamay-ari nila ay ang kanilang mga hacienda. May pagka-pihikan siya sa babae pero mayroong mga araw na kahit hindi ito pasok sa standards niya ay papatusin niya pa rin. Mahilig siya sa mga instruments at mangabayo. Isa sa mga libangan nila ng kanyang mga kaibigan ay ang pumunta sa kanilang hacienda upang mangabayo.
Napailing naman sina Arkie, Drex at Voltaire dahil sa naging sagot nito.
Masyadong halata kasi ang binitiwang salita ni Cris na kahit hindi iyon ang tipo niyang babae ay papatulan niya pa rin ito.
Inilagay ni Drex ang hawak niyang canned beer sa mesa at nagsalita, "Just back off dude! She is the girl na kasamang lumabas ni Voltaire sa bar no'ng isang gabi."
Agad namang lumipad ang throw pillow papunta sa direksyon ni Voltaire na siyang inihagis ni Arkie. Natatawa naman itong sinalo ni Voltaire habang walang tigil naman sa pagmura si Arkie dahil sa kanyang nalaman.
"Come on, dude! Palagi nalang sa 'yo, hindi ba pwedeng sa amin muna?" usal ni Arkie habang inis namang nakatingin sa kaibigan.
Voltaire shrugged his shoulders, "Is it my fault that they are the one who keeps coming at me? Galingan mo kasi. All you do is talk. That maybe the reason why they always left you pagkatapos niyong---" hindi na nito naituloy pa ang dapat niyang sasabihin dahil biglang sumingit si Arkie.
Sinamaan niya naman ito ng tingin, "F*ck you!" malutong na mura niya sa kaibigan at sabay hagis naman ng hawak niyang lata ng beer.
Naiwasan naman ito ni Voltaire dahilan para tumama iyon sa pader.
"Come one, Arkie. You can't blame Voltaire. I bet, that girl is the one who keeps coming at Voltaire--don't stress yourself my dear friend." aniya sabay tapik sa balikat nito.
Napangiwi naman si Arkie,"Tsk,"
Tumawa naman ang tatlo dahil sa naging usal ng kaibigan at nagsalita naman si Voltaire, "You know, I don't do first moves, girls should initiate to do the first moves. Ika nga nila, ladies first."
Sumang-ayon naman ang tatlo dahil sa naging wika ni Voltaire. Marami mang babae ang umaaligid sa kanila pero hindi ibig sabihon no'n sila 'yong umuuna. Pinaniniwalaan kasi nila ang salitang ladies first.
Kapag wala silang gimik ay dito sa hideout nila sila tumatambay. Iyong hideout nila ay masasabing para na rin itong isang bahay. Two-storey lang ito at may limitadong kwarto lamang dahil minsan lang naman sila natutulog doon. Kumpleto rin ito sa mga gamit at kahit anong appliances. Mayroom itong theater room at billiard room at napakalawak na workout room.
Nalipat naman ang atensyon ni Voltaire sa tumutunog niyang cellphone. Agad niya naman itong kinuha at sinagot ang tawag nang makita kung sino 'yong caller.
"Mom," bungad nito sa kanyang ina sa isang malambing na tono.
"Did you buy a car again?" rinig niyang tanong mula sa kanilang linya. Kahit hindi niya nakikita ang ina, nai-imagine niya ang pagkunot ng noo nito.
Napatingin muna siya kanyang mga kaibigan na abala sa pag-iinom at nakade-kwatro pa ng upo.
"No, did it arrive?" aniya habang nilalaro ang hawak nitong canned beer at paunti-unti itong iniinom.
"Yes, and it says here that it was a gift from......Jazriel?" aniya sa hindi siguradong tono.
Napakagat naman sa ibabang parte ng kanyang labi si Voltaire dahil sa sinabi ng ina.
Mabuti naman at tumupad sa usapan ang mokong 'yon.
——
A smile was plastered on Voltaire’s face as soon as he walk out of his car. He smirked at his opponent for challenging him.
"Sana naman...." saglit muna siyang tumigil sa pagsasalita at bahagyang napayuko para itago ang ngiti sa kanyang labi at saka tumingin ulit sa kaharap niya. "Tumupad ka sa usapan."
He smirked at him. Hindi si Voltaire ang nagsimula at nagpakana ng ito. Bago lang siya napadpad dito sa teritoryo ni Voltaire pero nagawa niya na agad hamunin ito.
"You'll get the car tomorrow afternoon…” matalim niyang tinignan si Voltaire at nagsalita ulit. "I'll get my revenge no matter what."
Voltaire just smiled at him. Hindi niya naman kasalanan kung bakit natalo ito. Ito mismo ang naglaglag sa kanyang sarili sa sarili niyang hukay.
——
Inilayo nito ng bahagya ang hawak niyang canned beer sa bibig niya at nagsalita, "Oh! He's my old friend. I'll be home at 3pm with them..." aniya at saglit na sinulyapan ang tatlo na halatang kanina pa nakikinig. "Sign the papers for me Mom."
Automatiko namang napangiti ang tatlo dahil sa kanilang narinig.
"Okay, sweetie. I'll prepare something to eat once you get here. Bye."
"Bye, Mom,” aniya kasabay ang pagpatay ng tawag nito.
Agad niya nang inalis ang cellphone sa tenga niya habang nagsilapit naman ang tatlo sa pwesto nito at parang mga ul*l na naghihintay sa kung anong sasabihin niya.
Nagpakawala naman ng isang buntong-hininga si Voltaire bago nagsalita, "Well, the car has arrived. Safe and sound," sabi niya sa mga ito at mukhang sila pa yata iyong nagkaroon ng bagong sasakyan dahil naghihiyawan ang mga ito at nagsitalunan na parang naka-jackpot sila.
Napahawak naman sa kanyang ulo si Voltaire dahil sa inakto ng mga ito. “You're all annoying,” naiirita niyang saad habang nandidiring tinignan ang mga ito dahil para silang mga bata na binigyan ng kendi.
Napahinto naman sa pagtatalon si Drex at bumaling sa kanya. “What kind of car is that again?" tanong nito.
Sasagot na sana si Voltaire sa tanong nito nang bigla siyang unahan ni Cris. Napakibit-balikat nalang siya at hinayaan na si Cris na lang ang sumagot sa tanong nito. Isinandal niya ang buong katawan sa couch dahil sumasakit ang kanyang likuran.
"Mclaren 720s,” usal ni Cris.
Napahawak naman si Arkie sa kanyang ulo dahil sa pagkamangha. “Woah! That was so absurb! Isipin mo, inaya ka niyang makipag-drag race at ipinusta niya ang kanyang brand new Mclaren 720s. That was so unbelievable!" usal ni Arkie habang nakatinging sa gawi ni Voltaire.
Napatawa naman si Voltaire ng mahina. "Hindi mo ba tatanungin kung anong ipinusta ko?" saad nito habang ngumiti ng nakakaloko. "Bugatti veyron."
Gumuhit naman sa pagmumukha nila ang labis na pagkagulat at hindi makapaniwala dahil sa sinabi ng kaibigan.
"D*mn man! How could you?!" hindi magkamayaw na tugon ni Drex sa kaibigan.
Ngumiti naman si Voltaire habang nakabaling sa kanya. “Alam ko naman na ako ang mananalo. No need to worry, it's all done and I'm the winner."
Hindi naman nagbago ang kanilang ekspresyon simula no'ng sabihin niya kung anong ipinusta niya sa laban na iyon at nanatili namang hindi pa rin makapaniwala ang mga ito.
"You're so unbelievable,” wala sa sarili na wika ni Cris.
Tumayo si Voltaore mula sa pagkakaupo nito at itinapon sa trash can iyong wala nang laman na canned beer. He grab his keys and phone inluding his wallet at the table.
"Let's go. Baka gabihin pa tayo,” wika niya at agad namang tumayo ang kanyang mga kaibigan.
Naunang lumabas ng pinto si Voltaire at saka dumiretso na sa parking lot. Alas-kwatro y media na kaya pupunta na sila sa bahay nila Voltaire dahil iyon ang sabi nito sa ina.
May kalayuan ang hideout nila mula sa bahay nila Voltaire medyo natagalan sila dahil sa heavy traffic. Voltaire turned on the music player dahil medyo nabagot siya habang tinitignan ang mga sasakyan na nasa harapan niya.
Nang magkulay berde na ang ilaw ay agad niya nang pinaharurot ang sasakyan at tinahak ang daan papunta sa kanilang bahay.