Chapter 3

2132 Words
Pagkarating ng mga ito sa bahay nila Voltaire ay dumiretso sila kaagad sa kitchen area kung saan nandoon ang ina nito. Bahagya siyang nakatalikod sa apat na lalaki nang makarating ang mga ito sa kitchen habang chinicheck nito ang temperature ng oven. "Mom," tawag nito sa kanyang ina na kasalukuyang nagbe-bake ng cookies. Agad naman itong napalingon sa gawi nila. Ngumiti naman ito kaagad nang mapagtanto kung sino ang tumawag sa kanya. Naglakad naman ito papalapit sa kinatatayuan nina Voltaire, Arkie, Drex at Cris upang salubungin ang mga ito ng isang mahigpit na yakap. Hinalikan naman ni Voltaire ang ina sa kaliwa nitong pisngi. Kumalas mula sa pagkakayap sa kanya ang ina at nagsalita. “Saan na naman ang gimik niyo?" she immediately grinned to them. "Mukhang may papaiyakin na naman kayong babae." Tumawa naman si Arkie dahil sa naging wika ng ina ni Voltaire at tumugon dito. "Tita, naman! Sila nga 'yong nagpapaiyak sa amin, e!" bahagya naman itong napakamot sa kanyang ulo pagkatapos sabihin iyon. Napangiwi naman si Voltaire sabay iling dahil sa naging sagot ng kaibigan. "Maniwala ako sa inyo! Kayo talaga!" usal ng ina ni Voltaire at mas lumapit ito sa kinatatayuan ng apat na lalaki habang hindi naman nila inasahan ang sunod nitong ginawa. Napaigtad naman ang mga ito nang kurutin sila kanilang tagiliran at napahiyaw dahil sa kiliti. Habang patuloy namang napapaigtad si Voltaire dahil paulit-ulit siya nito kinukurot. Busangot naman ang kanyang pagmumukna na bumaling sa ina. “Mom! Hindi naman namin kasalanan na umiiyak sila dahil sa amin. It's their fault dahil sila mismo 'yong lumalapit kahit na nanahimik lang kami sa gilid," aniya pero hindi lang kurot ang inabot niya sa ina dahil hinampas niya pa ito sa balikat ko dahil sa sinabi ng anak. "Voltaire, hindi kita pinalaking ganyan," madiin niyang wika habang nakatingin kay Voltaire at isa-isa naman silang tinuro nito. "Kayong apat, dapat hindi kayo nagpapaiyak sa 'ming mga babae. Dahil dapat ang babae minamahal kahit na minsan ay kaming mga babae ang mismong lumalapit sa inyong mga lalake," aniya habang nakapamewang sa harapan ng apat na lalaki. Napamura naman sa kanyang isipan si Voltaire dahil ginigisa na naman sila ng ina sa mga pangaral nito. Napabuntong hininga na lamang si Voltaire dahil hindi lang ito ang pangaral na aabutin nila dahil may kasunod pa. Bago pa man ma-isunod 'yong mga sasabihin na pangaral ng ina niya ay nagsalita na si Voltaire upang pigilan ito na magsalita muli. "Mom, we'll go upstairs. We'll wait for your cookies!" tugon nito habang nasa likuran ng tatlo at tinatapik-tapik 'yong mga balikat nila para makuha ang atensyon ng mga ito. Nagtataka namang tumingin ang tatlo sa kanya. Pero bago pa makapagsalita ang mga ito, nagsalita na si Voltaire. “Go!" mahina na sabi niya sa mga ito at nakuha naman nila ang mensaheng gustong iparating ni Voltaire. "Bye, Tita!" magkasabay na sabi ng tatlo at kumaripas ng takbo papuntang hagdan at nauna nang umakyat patungo sa kanyang silid. Kinindatan na lamang ni Voltaire ang kanyang in at sumunod na rin sa kanila. Habang wala namang nagawa ang ina ni Voltaire kundi hayaan nalang ang mga ito. —— MAPAYAPANG nakasandal sa headboard ng kanyang kama si Voltaire nang bigla namang tumabi si Arkie sa kanya dahilan para umalog ng kaunti iyong buong kama. Magkasalubong naman ang mga kilay niya nang bumaling ito kay Arkie, "What?" Walang emosyong saad nito habang ibinalik ulit ang tingin niya sa kanyanh cellphone habang nags-scroll sa i********: na may nakapatong namang unan sa may bandang hita nito. "Punta tayong mall," usal ni Arkie at nginitian ang kaibigan para mapapayag ito. Nagpatuloy lang si Voltaire sa ginagawa niyang pag-scroll na parang hindi narinig ang sinabi ng kaibigan. Nakaramdam naman si Voltaire ng pagka-inis nang maramdaman niyang nanatili pa rin itong nakatingin sa kanya habang hinihintay ang sagot niya. Saglit niyang ibinaba ang cellphone at bumaling sa kaibigan, "Pass." tipid niyang usal at ibinalik ulit ang tingin sa cellphone. "Tsk. Kj naman!" may bahid na pagka-inis na saad ni Arkie sa kaibigan. Tumayo naman siya agad mula sa pagkakatabi kay Voltaire at mabibigat ang lakad niya habang papunta sa couch kung saan naroon sina Drex at Cris. Nasa kalagitnaan ng panonood ng vlog si Voltaire nang bigla itong makarinig ng pagkatok sa pinto ng kanyang kuwarto. Mahina at may bahid na pag-iingat ang bawat ginawang pagkatok nito sa pinto. Ibinaba nito ang hawak niyang cellphone at nagsalita, "Come in." Dahan-dahan naman itong bumukas at pumasok ang isang babae na may umipormeng katulad sa mga katulong nila. May dala-dala itong tray na may nakalagay na cookies sa plato. Mariin niyang tinignan ang pagmumukha nito. Sa tantya niya ay bago pa lamang ito dahil ngayon niyang lang nakita ang pagmumukha ng babaeng ito. He looked at her whole body figure. Katamtaman lamang ang laki ng kanyang mga dibdib. May itsura at may kaputian ang kanyang kutis pero hindi ito ang tipo niya. Iniwas niya na ang tingin dito at nagpatuloy nalang sa ginagawa niyang panonood. Pagkatapos nitong ilagay sa table ang dala niyang tray ay agad na itong lumabas na walang pasabi at nanatiling nayuko lamang. Saktong paglabas naman nito ay biglang nagsalita si Cris na may ngiti sa labi, "New maid? Not bad. Is it okay to you?" ani niya at bahagyang tumingin sa gawi ni Voltaire na parang kumukuha ito ng permiso kung maaari niya ba itong pormahan. Hindi na nag-abala pa si Voltaire na tignan ang kaibigan pabalik dahil wala naman siyang pakialam sa kalibugan na mayroon ito. "Suit yourself," mahina niyang tugon dito pero sapat na upang marinig ito ni Cris. Isang tawa lamang ang narinig niya galing sa kaibigan at hindi na 'yon nasundan pa. "Hmm! Ang sarap talaga ng home-baked cookies ni Tita Cassandra," wika ni Drex habang nasa couch at nanonood ng Netflix. "Kasing sarap ko!" mabilis na tugon ni Cris na agad namang hindi sinang-ayunan ni Drex. "Asa ka!" sigaw naman pabalik ni Drex sa kaibigan. Hindi nalang pinansin ni Voltaire ang bangayan ng dalawa habang sumisingit naman si Arkie sa kanila. Hinilot naman ni Voltaire ang kanyang sentido dahil sumasakit ang ulo niya sa bangayan ng kanyang mga kaibigan. "Let's go somewhere!" sambit ni Arkie habang pilit kinukuha ang atensyon ng dalawa na kasalukuyang nagbabangayan. Hindi naman mapigilan ni Voltaire na hindi marinig ang ingay ng mga ito kaya napapikit nalang siya dahil sa nakakarindi nilang mga boses. Napakunot naman ng kanyang noo si Voltaire nang mas lalo pang naging maingay ang dalawa sa kanilang bangayan. "Aba! Masarap naman kasi talaga ako!" giit ni Cris habang nakatingin kay Drex na abala sa kinakain niyang cookie. Tumingin naman si Drex sa gawi niya at ngumiti ng nakakaloko. "Talaga? Patikim nga!” "Gag*!" sigaw na mura ni Cris sa kanya at sabay silang napatawa. Hindi naman nila napansin si Arkie na nakatayo lamang sa kanilang harapan at taimtim na nagmamasid sa kanila. Dahil sa parang hindi siya pinapansin ng dalawa ay nakaisip siya ng paraan upang mapunta sa kanya ang atensyon ng mga 'to. Unti-unti namang inilapit ni Arkie ang pagmumukha niya sa pagitan ng dalawa dahilan para magulantang at muntik nang malaglag ang mga ito sa kanilang kinauupuan dahil sa gulat. "Ah! Sh*t!" "Putang*na!" Bulaslas ng dalawa habang napahagalpak naman ng tawa si Voltaire na tahimik lamang na nagmamasid dahil sa naging reaksyon ng dalawa. Napatingin naman ang dalawa sa kanya pero umakto naman na para walang nangyari si Voltaire at sinamaan ng tingin ang mga ito. "F*ck! Arkie! What's your problem?" inis na sambit ni Drex sa tumatawang Arkie na nakatayo pa rin sa kanilang harapan. Napahawak naman si Arkie sa kanyang tiyan, "Nothing. Hahaha! Hindi ko naman intensyon na gulatin kayo," ngumiti naman ito. "Kahit na alam kong nakakagulat talaga ang kagwapohan ko." Arkie is the mischievous in their group. Siya palagi ang dahilan kung bakit kulang nalang atakihin sa puso ang kanyang mga kaibigan sa gulat dahil sa mga pakana niya. Kunya kaya, minsan ay napag-isipan ng tatlo na itapon sa kung saan si Arkie dahil sa kakulitan nito. "Halata talaga na wala kang magawa sa buhay mong gag* ka!" asik na wika ni Cris habang hinahampas niya ito ng unan. Arkie giggled a bit, "Let's head out!" "Where? At the mall? Nah,” singit ni Voltaire dahil palagi nalang sa mall ang galaan nila these past few days. "Ano bang gagawin natin sa mall? Dito nalang tayo,” sabi ni Drex habang umayos ng upo. Naglakad naman papuntang gitna si Arkie at nagsalita, "Livia, called me. She's with her friends at the mall and she asks if we can hangout with them." Automatiko namang napatayo ang dalawa dahil sa sinabi ni Arkie. Na para bang may kung anong premyo ang makukuha nila kapag sumama sila sa pa-anyaya ni Arkie. "What are we waiting for? Let's go!" saad ni Cris na nasa harapan na kaagad ng pinto. "Can't wait to taste Krisha again!" nakakalokong saad ni Drex at sumunod naman kaagad kay Cris na siyang nakalabas na. Lumabas na rin ang dalawa at tanging si Arkie at Voltaire na lamang ang natira. Sinulyapan naman ni Arkie si Voltaire na siyang nakahiga sa kama nito. “Come on, dude. Let's go!" aniya at naglakad patungong pintuan. Napabuntong hininga na lang si Voltaire at inisip kung sasama ba siya. Sa huli, napagdesisyonan niya na sumama na lang dahil kukulitin lang siya ng mga 'yon kapag umayaw pa siya. Hindi naman nakita ni Voltaire ang ina sa living room nang makababa na sila. Nagpalinga-linga muna ito at sakto namang dumaan si Manang Linda ang matagal nang naninilbihan sa kanilang pamilya, "Manang, where's Mom?" "Pumunta sa salon, iho. Kasama 'yong mga amiga niya," wika nito na para bang nagmamadali. Napatingin naman siya sa hawak-hawak nitong grass cutter. Marahil abala na naman ito sa pag-aalaga ng mga halaman ng kanyang ina. Isang tango na lamang ang iginawad ko at umalis na si Manang Linda sa kanilang harapan. "Let's go," pag-aya niya sa mga ito at nauna siyang naglakad papuntang garage. Inilabas niya ang susi ko bulsa at pinondot ang button na nagsisilbing alarm lock ng sasakyan. Agad naman siyang pumasok sa kotse at binuhay ang makina ng sasakyan. Ipinaharurot niya naman ito agad papalabas ng gate at inahak ang daan papuntang mall na sinasabi ni Arkie. —— MAGKASABAY na pumasok sina Voltaire at ang mga kaibigan niya sa loob ng mall. Para naman silang mga artista dahil napunta sa kanila ang atensyon ng mga tao. Hindi naman maiwasan ng mga taong naroon ang mamangha sa kakisigan ng mga ito. Kung kaya ay naging laman sila ng mga bulong-bulungan. "Ang gwa-gwapo nila." "Mga artista ba 'yan?" "Mga modelo ba 'yang mga 'yan?" "I wonder, if they are already taken." Lihim namang napangiti ang apat na lalaki dahil sa mga bulungan ng mga taong nakapaligid sa kanila. "C'mon guys, kami lang 'to,” mahinang saad ni Drex pero sapat na para marinig ng tatlo. Napatawa naman ang mga ito dahil sa sinabi ng kanilang kaibigan. Umakto na lang sila na hindi nila naririnig ang mga usap-usapan ng mga tao tungkol sa kanila at nagpatuloy lang sa kanilang paglalakad. Hinanap naman agad nila ang restaurant kung saan naghihintay roon sina Livia at ang mga kaibigan nito. Nagkwe-kwentuhan naman ang apat na lalaki habang sila ay naglalakad. Agad namang natigil ang kanilang tawanan nang biglang may babaeng bumangga kay Voltaire. Bahagyang natinag si Voltaire sa kanyang kinatatayuan. My kalakasan kasi ang impact ng pagkakabangga nito sa kanya. Labis na inis naman ang gumapang sa buong katawan ni Voltaire nang 'di man lang huminto ang babaeng nakabangga sa kanya upang humingi ng paumanhin. Sinundan niya lamang ito ng tingin hanggang sa nakita niyang pumasok ito sa loob ng boutique. Kahit medyo malayo na ito sa kanyang kinatatayuan ay nakita niya pa rin ang pagmumukha ng babaeng nangahas na banggain siya. Napabuga na lang siya ng hangin dahil sa inis at napangiwi. "You okay, dude?" ani ni Cris sa na-aalalang tono. Tumango naman ito. "Yeah,” tipid na usal niya at nagpatuloy na sa paglalakad. Naunang naglakad naman si Arkie sa kanyang kaibigan at saglit na tumigil sa harapan namin dahilan para mapatigil din sila. "That girl is unbelievable!" manghang saad nito na para bang nasiyahan pa sa nangyari sa kaibigan. Voltaire glared at him.” Shut your f*cking mouth or else..." napatikom naman siya at agad na tinakpan ang kanyang bibig bago pa maituloy ni Voltaire ang dapat nitong sasabihin. Magkikita rin tayo ulit. I will make sure na pagsisisihan mo 'yong ginawa mo sa 'kin kanina. Lintek lang ang walang ganti. Lihim naman itong napangiti dahil sa iniisip niya. Pinilit niya na lang na kalimutan iyon para hindi tuluyang masira ang araw niya. Maliit lang ang mundo kaya nakakasigurado siya na magtatagpo rin ang landas nila ng babaeng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD