MABILIS ang naging takbo ng panahon at sa mga nagdaang araw ay naging abala sa training ang apat na lalake. Bukas na ang simula ng kanilang basketball tournament. It's a festival para ipagdiwang ang kaarawan ng Raizen High. Abala ang lahat sa paghahanda at pagpapaganda ng buong paaralan. Habang kasalukuyan naman naatasan si Eloise na linisin ang kanilang jail booth. It's their section's booth. Abala kasi sa ibang activites para bukas ang iba niyang mga kaklase. Si Jianne naman ay abala rin sa pagtulong para sa kanilang booth. Pinunasan ni Eloise ang rehas na inilagay sa gilid ng kanialng booth upang mawala ang dumi rito. Hindi niya napansin ang papalapit na si Livia dahil abala siya sa pagpunas. Wicked smile was seen on Livia's face nang makita niya si Eloise na mag-isa lamang na

