Abot taenga naman ang ngiti ni Eloise nang magtagpo ang kanilang tingin ni Arkie. Ganoon din si Arkie nang makita niya ang dalaga na papalapit sa kanya. Kakatapos lamang nilang mag-usap ni Sarfel sa cellphone at sinabing papunta na ito. Nagkaroon kasi ng emergency sa school nila kaya hindi agad siya nakapunta. Agad na nag-handshake silang dalawa ni Eloise na siyang inimbento nila. Eloise handed the gatorade bottle on him. "Hindi ka ba nagsasawa na bigyan kami nito?" natatawang sambit niya habang kinukuha ang gatorade sa kamay ni Eloise. Ngunit bago niya pa man ito makuha ay agad itong inilayo ni Eloise sa kanya. "Bakit? Ayaw mo? Edi huwag. Sa iba ko na lang 'to ibibigay," akmang tatalikod na sana si Eloise upang maglakad papalayo sa binata nang biglang hilahin siya ni Arkie. "Eto n

