Tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa pang-ibaba ni Voltaire habang papunta siya ng banyo. Hinubad niya ito at inilagay sa lalagyan sabay hila sa switch ng shower. Nag-uunahang pumatak ang butil ng tubig sa kanyang katawan habang siya ay nakayuko. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Cris kanina. Habang ini-imagine niya ang posibleng mangyari sa ginawa nilang lakad, hindi niya maiwasan na hindi makaramdam ng selos. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata sabay haplos sa kanyang buhok papunta sa likod. Images keeps flashing into his mind and he’s started overthinking. Pagkatapos niyang maligo ay agad na siyang nagbihis ng pangtulog. He slammed his body into his soft bed at kinuha ang cellphone na nasa side table niya. He scrolled down to his contacts at nang tumapat i

