ANG balitang iyon ay parang isang virus dahil sa bilis nitong kumalat. Kahit na si Livia na siyang nagtatago ay hindi nakaligtas sa paparating na balita. Labis na galit ang kanyang naramdaman nang marinig niya iyon at hindi mapigilan ang sarili na ilabas kung ano ang kanyang nararamdaman. “Inagaw mo siya! Walanghiya ka Eloise!” paulit-ulit niyang usal habang patuloy ang paghagis ng mga kagamitan sa loob ng kanyang silid. “Kung hindi ka lang dumating sa buhay niya hindi ito mangyayari! Mamahalin sana ako ni Voltaire kung hindi ka pumasok sa buhay niya! Pagbabayaran mo ang pag-agaw ng taong mahal ko! “Sisiguraduhin ko na ipapatikim ko sa iyo kung ano ang pakiramdam kapag nawala sa ‘yo ang mahal mo sa buhay! Gaganti ako, Eloise! Gaganti ako at ipapatikim ko sa iyo kung gaano kasakit ang na

