Cris noticed her at kung paano ito makatingin sa gawi ni Drex. Umusog siya sa tabi ng dalaga at nagsalita. "Tama na 'yan. Mas masasaktan ka lang kapag patuloy mo silang titignan," sambit nito na agad naman ikinalingon ni Jianne. "You know?" gulat na tanong niya rito at nakaramdam ng kaunting pangamba. "Yes," he simply said. Tumulo ang luha sa mga mata ni Jianne dahil hindi niya na maitago kung gaano kasakit na makita ang mahal niya na may mahal nang iba. Kanina niya pa pilit na pinipigilan na bumuhos ang kanyang damdamin pero ngayon na may iba rin pala na nakakaalam sa sikreto niya, hindi niya na ito kayang pigilan pa. She wiped the tears on her face at mapait na ngumiti. "Mahal ko pa, e!" aniya sa isang mahinang tono pero sapat na upang marinig ito ni Cris. "Bakit hindi mo ipagla

