NAKAMIT ng Raizen's Basketball Team ang pangalawang panalo nila sa loob lamang ng araw na ito. Wala silang laro bukas kaya pinayagan sila ni Mr. Chua na sumali sa party. Pero sa isang kondisyon, bawal silang uminom ng alcoholic drinks, soft drinks, and juices dahil nakakaapekto ito sa kanila at mabilis silang hihingalin. Nasa dorm sina Eloise at Jianne na parehong nagpapahinga. Napagod kasi ang mga ito sa buong araw na pag-cheer sa laro ng apat na lalaki. Gustuhin man uminom ng dalawa ng malamig na inumin, pinigilan nila ang sarili dahil baka mapaos sila. "Ang sakit ng paa ko!" impit na sigaw ni Jianne habang hinihilot ito. "Kakatalon mo 'yan kanina!" natatawang wika ni Eloise habang nakasalampak ang kanyang katawan sa couch. "Sana hindi ko na lang 'yon ginawa!" sambit ni Jianne sa i

