Habang nasa klase ay blangko ang isip ni Devaki dahil hindi niya alam ang mangyayari sa susunod dahil hindi niya alam ang ugali ng kapartner niya na si Theo. Habang sa kabilang banda, si Theo ay nakatitig lang kay Devaki ngunit hindi ito napansin ni Devaki dahil ang naiisip niya ay inis at pangamba sa kung ano ang mangyayari. "Okay, for your first assignment with you partner, get to know you partner. And I forgot to tell you that this partners thing will last until the end of your freshman year so that means your partner will be your partner for the whole year so get to know each other well." sabi ng teacher. "Ano ba toh? Buong taon? Ayoko na." isip ni Devaki. Pagkatayo ni Devaki ay nagsalita si Theo, "Free ka ba mamaya?" tanong ni Theo. "I don't know, wait, Pilipino ka?' biglang tanong ni Devaki. "Yes, di ba halata?" tanong ni Theo. "Hindi naman sa ganun pero feel ko kasi half ka eh." sabi ni Devaki. " Sige, kita nalang tayo sa susunod na klase." sabi ni Theo. Pagkatapos nilang mag-usap ay umalis na si Theo. Pagkaalis ni Theo ay pinuntahan nila Edward at Keanna si Devaki. "Musta na HAHAHAHAHAAHAHAH. Mukha kang depress HAHAHAHAHAHAAHAH." pang-aasar ni Edward. "Porket partner lang kayo ni Keanns ganyan ka na okay lang HEHEHEHEHEHEHEHEE chur lang HAHAHAHAHAHAHAHAAHA pero parang nakilala ko na siya dati eh, actually parang third time na ngayon." sabi ni Devaki. "Ano yun, destined?" tanong ni Keanna. "I don't know either basta kung ano man yun, wala akong pake at speaking of that, sasabihin ko na yung nangyari sa akin dati." sabi ni Devaki "Go, handa kaming makinig." sabi ni Keanna. Pagtapos nilang mag-usap ay umalis na rin sila sa classroom at pumunta na sa cafeteria. Pagkarinig nila ng kuwento ni Devaki ay nanahimik si Edward at Keanna dahil sa mga sinabi ni Devaki. "Friend, sure ka na ba na okay ka na like grabe yun, kung ako, halata pa rin sa face ko ang lungkot kasi hindi siya ordinaryo lang." sabi ni Edward. "Kahit naman umiyak ako may mababago ba, wala rin naman kaya mas mabuti na tumayo at magpatuloy, let that be your lesson." sabi ni Devaki. "Sa bagay, at alam namin na kaya mo yan, si Devaki ka remember." sabi ni Keanna. Pagtapos nilang mag-usap ay sabay-sabay silang nagtawanan. Pagkatapos ng kanilang pag-uuap ay umalis na sila sa cafeteria at nagpatuloy na para sa susunod sa klase. Natapos na ang klase at uuwi na si Devaki ng nakatanggap siya ng text sa kanyang tita Raphinia na hindi siya masusundo dahil baka magovertime daw siya kaya umuwi nalang daw si Devaki ng mag-isa kaya sinagot siya ni Devaki na ayos lang kaya dumiretso na agad si Devaki palabas ng unibersidad. Habang naghihintay sa waiting shed ay nakasabay niya si Theo. Pagkarating ni Theo sa waiting shed ay kinausap niya si Devaki. "Hello, naghihintay ka rin pala ng sasakyan akala ko hinahatid ka araw-araw." sabi ni Theo. "Hindi naman sa araw-araw sadyang hindi lang kasi ako sanay at hindi ko pa alam ang galawan kaya di ko alam ang daanan pero ngayon ay alam ko na." sabi ni Devaki. "Sige, sana lagi tayong magsabay pauwi." sabi ni Theo. "I hope not." bulong ni Devaki. "Anong sabi mo?" takang tanong ni Theo. "Wala sabi ko, I hope too." sabi ni Devaki at nagbigay ng pekeng ngiti. Pagkarating ng isang bus ay sumakay na si Devaki, pagkasakay ni Devaki ay umupo na agad ito sa isang upuan na parehong walang nakaupo. Pagkaupo niya ay nakita niya si Theo na umupo sa tabi niya. Walang nagawa si Devaki kundi umisod at mag-adjust. PAgkaupo ni Theo ay umalis na ang bus. "Ganon nalang ba ang galit mo sa akin na pati sa upuan, ayaw mo ko kasama?" maamong tanong ni Theo. "Hindi naman, parang weird ka lang kasi." sabi ni Devaki. "Actually kaya ako nandito dahil sa iyo." sabi ni Theo. "Huh? Bakit naman?" takang tanong ni Devaki. "Magkaschoolmate tayo, mahiyain ako pero ang sabi ng iba, may itsura ako sadyang mahiyain lang daw ako. Nakita kita nung Grade 11 sa classroom mo, hinangaan kita dahil sa ganda mo ngunit hindi mo ako nakita dahil nasa iba ang tingin mo ng panahon na yun. Hindi ako katulad ng ibang lalaki tulad ng mga nakapailigid tulad ni Ricky dati pero kung bibigyan mo ko ng pagkakataon, kaya kitang ipasa ng wala kang ginagawa, yun ang nasa isip ko dati palang. Kaya yung naging kayo ni Ricky, Iba ang lungkot ko, gusto kong umiyaka pero hindi mo naman ako kilala kaya wala akong karapatan na magalit." paliwanag ni Theo. "Huh, love at first sight, I don't believe in that." sabi ni Devaki. "Di rin ako naniniwala dati pero naramdaman ko yun sayo. Nung niloko ka ni Ricky at binilog para sa punatahan, gusto ko na siyang sapakin ngunit hindi ako ganung tao. Kaya tiniis ko nalang na makita kang nasasaktan ng panahon na yun at pinagsisihan ko na hinayaan ko yun. Ngunit nung may pagkakataon na mag-aral ako dito sabi ng tito ko kaya ginawa ko ang maari kong gawin at umoo ako ng walang alinlangan tutal naman tito ko nalang kasama ko na kapatid ng papa ko, dahil inilipat din siya dito ng kumpanya niya kaya sinama niya ako, nais ko sanang umuwi ako ng may pera na para may ipakita sayo." sabi ni Theo. "Wow ha, drama yarn." sabi ni Devaki. "Alam ko parang ordinaryo at walang iba dito ngunit ganun talaga eh." sabi ni Theo. "Na-appreciate ko yung feelings mo pero di pa ako ready sa ganyan alam mo na nga yung kay Ricky kaya sana hayaan mo muna ako maging mag-isa." sabi ni Devaki. "Okay lang, hindi naman ako nagmamadali as long as maging friends tayo." sabi ni Theo. "Okay then." sabi ni Devaki.