Prologue
Naniniwala ba kayo sa salitang "I wll forever be yours."? May hindi , may masaya at may hindi pa napapakinggan ang salita. Marahil ang iba ay hindi dahil sa mga naranasan na nila at sa mga nakapaligid sa kanila, may iba na nasaktan dahil sa salitang ito dahil sinabi ito sa kanila ng mahal nila nung nanligaw sa kanila o kasama sa sumpaan nila ngunit iniwan lang sila sa dulo. May iba naman na natuwa sa pangungusp na ito dahil sinabi ito ng kanilang mahal nung niligawan sila at naging sumpaan nila at nakatuluyan naman nila sa dulo at masaya ako para sa mga taong iyon. May iba naman na hindi pa ibig sabihin ng salitang ito, marahil hindi naman sinabi sa kanila ito ng nililigawan nila o kaya hindi pa alam ang sasabihin tungkol sa pangungusap na ito. Pero kung ano man ang naranasan natin sa pangungusap na ito.o kung di pa natin nararanasan makaringi ng pangungusap a ito, Huwag tayong mapagod magmahal, dahil ang pagmamahal ay isang sugal na maaring manalo at maaraing matalo pero walang mangyayari kung hindi mo susubukan.At ang ganda sa pakiramdam pag may minamahal ka at may nagmamahal sa iyo . Kahit ilang beses kang mabigo, liligaya ka rin sa dulo . At darating daw ang araw na sasaya din tayo. Kapit lang.