"Bye ma, di na ho ako kakain, mahuhuli na po ako sa klase. " sabi ng isang babaeng mahuhuli na sa unang araw ng klase niya. Kahit lakad lang niya ang gagawin niya papuntang paaralan ay parang sasakay pa siya sa sobrang huli na niya. " Nubayan, hindi kasi gumana yung alarm clock ko, nakakainis naman." sabi ng babae habang naglalakad. Pagpunta niya sa paaralan ay dali-dali siyang tumatakbo. "Mahuhuli na talaga ako jusko naman, nakakainis naman ang araw na ito." inis na inis na sabi ng babae. Pagpunta niya sa harap ng kaniyang classroom ay naririnig niyang nagtatawag na ng pangalan ang teacher niya para sa attendance. " Veraconio, Devaki Topaz." pagkarinig ng pangalan ng babae ay bigla siyang sumigaw sa labas ng classroom " Present po." Pagkarinig nila ng sigaw niya ay pinagtawanan siya ng mga kaklase niya at sumama ang tingin niya sa kanya ng guro niya. " Are you Devaki Topaz Veraconio?" nakataas na kilay na tanong ng teacher niya. " Opo sir and I'm sorry I'm late." sabi ni Sapphire. "Okay, I will forgive you because this is the first day of the class, seat down." sabi ng teacher ni Devaki. " You are now Senior High School, be matured enough, kung maaga ang klase, you need to wake up early. Hindi na kayo mga bata na kailangan pang gisingin ng magulang niyo para pumasok, mga dalagita at binatilyo na kayo, may kasintahan na nga ata ang iba sa inyo, this is the last time that I will accept late, next time, eventhough narinig niyo ang pangalan niyo sa labas ng classroom ko at sumigaw ng present, you will mark as absent, Understood?" sabi at tanong ng teacher nila. Pagkatapos nun ay tumango lamang sila.
Natapos na ang dalawang klase at recess na, si Devaki ay kasama ang kaklase at kaibigan niyang si Carciara habang nakaupo sa isang upuuan sa canteen. "Bes, HUHUHUHUHU." pag-iinarte ni Devaki kay Carciara. " Bakit na naman, dahil nalate ka kanina or hindi mo na naman nakita ang crush mo si Vertoncio?" prangkang sabi at tanong ni Carciara kay Devaki. " Syempre yung unang dahilan noh, gigil lang ako dahil huli ako sa klase." sabi ni Devaki. "Sino ba kasing may sabi na malate ka?" prangkang tanong ni Carciara. " Wala naman, sadyang late lang talaga ako." sagot ni Devaki. Habang nasa canteen sila ay tumabi sa pumunta sa kanila si Lance, ang manliligaw ni Carciara. "Hello, beautiful ladies." masayang bati ni Lance. "Wag ako Lance, alam ko namang nandito ka para sa kaibigan kong si Carciara kaya wag ka nang mahiya, ako na aalis may pupuntahan din ako." paalis na sana si Devaki nang pinigilan siya ni Carciara at bumulong. "Wag mo kong iwan dito bes." sabi ni Carciara. "Kaya mo na yan at sure naman ako na di ka aawayin ni Lance hehehehe, una na ako." bulong ni Devaki kay Carciara. At umalis na nga si Sapphire at iniwan ang kaibigan sa piling ng manliloigaw niya.