Episode 2 ( Ang pagkikita Part 1)

702 Words
Iniwan ni Devaki si Carciara kasama si Lance sa canteen. Habang naglalakad siya ay nakaramdam siya ng p*******t ng tiyan. " Nubayan, wala akong kasama papauntang cr, kakayanin ko kayang kumilos mag-isa kasama pa ang bag ko? Hayyst." namomoblemang sabi ni Devaki. Ilang minutong nag-isip si Devaki kung papasok ba siya ng cr o hindi hanggang sa naisip niya na maari siyang magkasakit pag pinigil niya kaya walang takot siyang pumasok sa cr. Pagpasok niya sa cr ay walang tao kaya nagmadali na siyang pumasok sa wlang taong cr, ang hindi niya napansin ay may inidoro dun na para sa lalaki, sa madaling salita, sa pag-iisip niya about sa sarili niya, hindi niya napansin na nakapasok pala siya sa cr ng lalaki. Habang nasa cr si Devaki ay nasa canteen pa rin si Lance at Carciara, taimtim na nagbabasa ng libro si Caricara habang nakatitig sa kanya si Lance, napansin ito ni Carciara kaya siya nagsalita. "Di paba naluluha ang mata mo kakatitig  mo sa akin?" tanong ni Carciara. "Bakit ako maluluha at mapapgod eh ang tinitngnan ko ay ang buhay ko. Kung maluluha man ako ay dahil sa panahon na makakasama ko siya habang buhay." sabi ni Lance. " Ang CORNY mo." prangkang sabi ni Carciara. Nagkakilala si Carciara at si Lance sa Intrams sa school nila nung High School ng grade 9. Aksidenteng napapunta si Devaki at si Carciara that time dahil ang totong intensyon nila ay maghanap ng booth. Habang naglalakad papuntang basketball court ay nag-usap ang magkaibigan. " Bakit nasa basketball court tayo?Akala ko ba booth pupuntahan natin?" pabulong na tanong ni Carciara. "Bakit ako kasi sinundan mo, alam mo namang wala rin akong sense of direstion, at oks na toh, nood nalang tayo." sabi ni Devaki. "Ayoko ng basketball diba?Mas trip ko pang manood ng pageant kaysa manood dito, nakakaboring." sabi ni Carciara. "May mga pogi dito, malay mo isa sa mga basketball player ay pogi diba." nakangising sabi ni Devaki. "Eh di manood ka mag-isa mo, mas trip ko pang maghanap ng pogi sa library kaysa dito." sabi ni Carciara. "Trip mo ata mga nerd eh HAHAHAHAHAHAHA." natatawang sabi ni Devaki. " Samahan mo ako dito at ililibre kita." nag-aayang sabi ni Devaki. Napabuntong hiningang pumayag si Carciara ngunit sinabi niya na last na manonood na siya ng basketball, at pumayag si Devaki. Nakahanap na ng upuan sila Devaki at Carciara, kahit malapit sa unahan ay pinilit na lamang ni Carciara na ngumiti dahil nakikita niyang masaya si Devaki sa panonood. " Hayyst, kung di lang kita kaibigan at kung di lang sa madali kang ma-fall sa basketball players, di ako pupunta dito eh, nanadito lang ako para pigilan ka." bulong na sabi ni Carciara. Natapos na ang laro at nagmamadali nang umalis si Carciara. "Teh, tapos na ang laro, tayo na, wag mong sabihin na may balak ka pang pumunta sa mga basketball player sa unahan?" tanong ni Carciara . "HEHEHEHEHEHE, pls last na." pagmamakaawa ni Devaki. Umoo nalang si Carciara at nagmamadali silang pumunta sa unahan. Papunta na sil Devaki at Carciara at Devaki sa crush ni Devaki na si Vertocio. " Sabi ko na nga, dito kami pupunta, haysst, marupok talaga, sinabihan na nga siya na hanggang kaibigan lang sila pero paladecide siya." bulong ni Carciara. " Ver, sigaw ni Devaki habang tumatakbo papunat kay Vertocio. " Oh Dev, nandito ka pala, nanood ka ba ng buong laro?" tanong ni Vertocio. " Uhm hindi eh, pero naabutan ko mula 3rd quarter hanggang sa matapos." sabi ni Devaki. "Brad." sigaw ng isang kasama ni Vertocio sa laro habang papunta sa kanila. "Guys, pakilala ko lang pala, si Lance." Pakilala ni Vertocio sa kaibigan niya. " Ito pala si Carciara, kaibigan ko." sabi ni Devaki. Biglang nagulat si Carciara at nagsabi na umalis na sila, di na pumalag si Devaki nang panahon na yun at umalis na. Simula noon ay lagi nang sinusundan ni Lance si Carciara hanggang sa makapagtapos ng Grade 10 at hanggang sa SHS ay sinundan nu Lance si Carciara. Balik sa kasalukuan, Nag-ring na ang bell kaya ninais na ni Carciara na pumunta sa klase at hindi na siya pinigilan ni Lance habang si Devaki ay nasa cr pa din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD