Ang Emperyo ng Odisius at Emperyo ng Sevias ay magkakampi dahil ang dalawang emperyong ito ay pagmamay- ari ng dalawang pamilya. Ang Pamilyang Briton at Pamilyang Winchinter.
Nang magpakasal ang ika- 190 na emperador na si Isiah Winchinter sa isang emperatris ng taga- Sevias na si Aniah Briton, tanda ito ng pagbubuklod ng pagkakaisa ng dalawang makapangyarihang emperyo at bayan.
Naging iisa ang bayan ng Odisius at ang bayan ng Sevias. Sa bayan ng Sevias walang nagmamana ng krona kung hindi ang nag-iisang anak na babae na si Reyna Aniah na naghahangad din ito ng anak na lalaki, kaya't nagpasya itong pakasalan ang ika-188 emperador ng Odisius na si dating emperador Isiah Winchinter.
Nagkaroon ng anak na kambal sina Emperador Isiah Winchinter at si Emperatris Aniah Briton na sina Miguelle at Gabrielle. Tanging ang mga lalaki lang sa pamilya ang puwedeng magmana ng kaharian at krona.
Taglay ng pamilyang ito ang pagiging pula ang kanilang buhok at mala- asupreng mga mata. Ang buhok ng dalawang mag-asawa na sina Aniah at Isiah ay kulay pula at ang kanilang mga mata ay kulay asupre. Naniniwala ang mag- asawa na iisa lamang ang kanilang pinagmulang lahi bagama't magka- iba ang kanilang bayan.
Tiyak na pag-aawayan ito ng kambal ang bayan Odisius, kaya't napagpasyahan nilang mag-asawa na paghiwalayin ng emperyu ang magkapatid. Sa bayan ng Odisius ang namuno rito ay si dating emperador na si Gabrielle at sa Sevias naman ay ang dating emperador na si Miguelle. Kapuwang magkabuklod ang dalawang nasyon at iisa ang hangarin nila.
Ngunit nang dumating ang digmaan at sumugod ang bayan ng Persia sa bayan ng Sevias unang binawian ng buhay ay ang dating emperador si Miguelle at nang akmang tutulungan ng mga taga-Odisius ang kakambal niyang emperyu sunod na binawian ng buhay si Emperador Gabrielle. Hindi nakatiis ang batang prinsepe noon na si Schniziel, nakita niya mismo sa kaniyang harapan ang pagpatay sa kaniyang ama at tiyo.
Samantalang ang batang prinsepe na si Clovis ay takot na takot sa mga nangyayaring digmaan. Sa edad na labing-walong taong gulang napatay ni Schniziel ang prinsepe ng Persia siya ay si Prinsepe Luhan na noo'y dalawapung taong gulang.
Sa harapan mismo ng emperador ng Persia pinugutan niya ng ulo ang kaniyang anak. Napaatras ni Schniziel ang hukbo ni emperador Vilias at nangako ito na sa takdang panahon ay maghihiganti ito sa pagkamatay ng kaniyang mga mahal sa buhay.
Pagkatapos ng digmaan ay kaagarang pinalitan ni Schniziel ang kaniyang ama sa pamumuno at hindi nito kinailangan ang tulong ng sinuman upang mapalawak ang sarili niyang kaharian. Ginamit nito ang kaniyang lakas at nagsanay ito sa pakikipaglaban upang maging malakas pa ito.
Sinanay niya rin ang kaniyang kaisipan upang maging mapatatag pa lalo ang sarili niya sa oras ng labanan at digmaan. Naging malupit ito at matigas ang kalooban nang namatayan ito ng pamilya. Ang noo'y napakabait at malalahaning prinsepe, sa ngayon ay isang emperador na kinatatakutan ng lahat ng emperyo.
Nabuo ang kaniyang hadhikain na dahas ang kaniyang ginagawa upang masakop ang mga kahariang nasa paligid nito.
Naging tagapagmana naman ng Sevias si Clovis, sapagkat namayapa rin ang kaniyang ama sa digmaan. Nagtutulungan si emperador Clovis at Schniziel sa bawat madaanan nilang digmaan, nang sapat na ang kanilang hukbo at lakas sinugod na nila ang emperyung pumatay sa kanilang mga magulang.
Tanging si Emperador Schniziel lamang ang hindi nagmana ng kulay pulang buhok sa pamilya. Nagmana ito sa kaniyang ina na emperatris ng taga -Hasius na si Reyna Sylvia. Ang mga taga Hasius ay may taglay na itim na buhok ngunit taglay ni Emperador Schniziel ang katalinuhan ng higit pa sa isang skolar. Nakikipagtagisan ito sa mga matatalinong emperador na kasapi nila ngunit walang nakakatalo sa kaniya pagdating sa katalinuhan nitong taglay.
Mahilig siyang maglaro ng larong "Chess" at mahilig itong magmanipula ng tao. Sa sobrang katalinuhan nito, halos apakan na niya ang mga tao nasa kaniyang kapaligiran. Sumasama siya sa lahat ng digmaan na mapuntahan niya at malakas din ang kaniyang pangangatawan. Hindi nito hinahayaang magalusan ng mga mababang uri ng tao sa kaniyang paningin. Hindi ito natatakot sa sinumang makaharap nito.
Maraming emperatris ang nahuhumaling sa dalawang magpinsan na sina Emperador Clovis at Emperador Schniziel sapagkat ang mga emperador na ito ay magaganda ang kanilang pinagmulang lahi. Ang pulang buhok, asul na mata, makinis at maputing balat, matipunong pangangatawan ang taglay na itsura ni emperador Clovis. Ang itim na buhok, kulay lila na mga mata, makinis at maputing balat, matipunong katawan ang taglay naman ni emperador Schniziel.
Lahat ng mapuntahang bayan ay sila na lamang ang kanilang tinititigan ng mga kababaihan, kahit magpanggap pa silang alipin ay sila lagi ang pinag uusapan. Madalas na magsanay ang dalawang emperador sa pakikipaglaban at tila magkapatid na ang kanilang turingan.
Emperador Clovis P.O.V
Ako ang ika- 180 na Emperador ng Sevias ngunit hindi ako kasinglupit ng aking pinsan na taga -Odisius.
Kahit ganoon ang aking pinsan mahal ko ito, lalo na ang dalawang emperatris na sina Karine at Marianne.
Ngayong araw na ito bibisitahin ko ang emperyo ng Odisius sapagkat nabalitaan ko ang pag-angat nito. Maglalaro kmi ng "Chess" ni emperador Schniziel at magsasanay kami ng pakikipaglaban.
Sa aking pagdating sigurado maraming magagandang emperatris ang aming makikita at makikilala. Bibisita ako dahil kaarawan ng reyna na si Reyna Sylvia.
Sabik na sabik na ako makapunta roon. Dinala ko ang iilang kong hukbo upang makipag sanay sa hukbo ng aking mga pinsan. Malapit na ako sa kaharian natatanaw ko na ang napakalaking kaharian ng Odisius.
Hindi ko akalaing lalaki at uunlad ang emperyong ito. Halos madami na itong digmaang hinarap ngunit nanatili pa rin itong nakatayo at matatag. Sila ang tumutulong sa amin kung may kinakaharap kaming digmaan.
Aaminin ko, hindi ako kasinggaling ng aking pinsan lagi akong natatalo sa aming labanan at napakatalino pa ng aking pinsang emperador.
Natatandaan ko nang kami ay mga paslit pa
lamang ay siya na ang nagsasalita sa tuwing may pagpupulong nagaganap. Ang aking ama ay manghang-mangha sa kaniya dahil sa taglay nitong katalinuhan. Gusto ng aking ama na lampasan pa ang kakayahan ng aking pinsan, ngunit hindi ko ito malampasan.
Laging nagagalit ang aking amang emperador dahil hindi niya raw ako mapakinabangan.
Sa edad na walong taong gulang kaya na niyang makipag -salitaan sa mga Duke at kakampi namin sa ibang nasyon.
Nakikilala niya ang mga taksil sa pamamagitan daw ng kanilang pagsasalita at nahuhuli niya iyon.
Bata pa lamang kami ay marami na siyang pinapaslang. Sa kadahilanang iyon ang turo ng aking namayapang tiyo na si Emperador Gabrielle kaya't hindi na ako nagtaka nang pugutan niya ng ulo si prinsepe Luhan na anak ni emperador Vilias na taga-Persia.
Napakataas ng tingin sa kaniya ng aming lolo at lola na taga Sevias at Odisius.
Nagseselos ako at kaming magpipinsan dahil siya ang paborito ng pamilya. Buti na lamang ay kakampi namin sila sapagkat ang aming mga bayan ay iisa. Sa tuwing may pagdiriwang nagaganap, siya lagi ang pinagtitinginan.
Madalas naming mapagkuwentuhan ang mga emperatris na nakikilala namin sa ibat- ibang emperyo.
Mga magaganda sila at makapangyarihan, tuwing bibisita kami sa ibat ibang emperyu ay lagi kaming may kasayaw tuwing may pagdiriwang.
Isang araw ay pumunta kami sa bayan ng Persia, nagpanggap kaming mga alipin para manmanan ang susunod naming sasakupin ng aking pinsan. Nagmanman kami at balak naming ipaghiganti ang aming mga namayapang mga magulang.
Iniisip namin na napakayamang bayang nito, ngunit nagkamali kami ng inaakala. Isa pala itong napakahirap na bayan at marami ang nagugutom dito.
"Balak mo pa bang ipapadala lahat ng iyong hukbo, aking pinsan?" tanong ko sa kaniya.
"Oo, aking pinsan. Upang makita ng lahat ang aking kapangyarihan," sambit nito sa akin.
Lagi ko itong tinutulungan sa lahat, sa bayan na iyon bago ang gaganapin na digmaang kinabukasan ay may nakita kaming alipin. Nagtitinda ito ng mga prutas, maraming bumibili sa kaniyang paninda.
Lalo na ang mga kalalakihan sa bayan na iyon, alipin lang siya ngunit hindi tulad ng mga nakilala kong emperatris, sadyang napakaganda nito. Biglang umalis ang alipin binalak kong sundan ito at hindi ko na nakita pa.
Ngunit ang kinakalungkot ko, alam kong kinabukasan sasakupin na namin itong bayan kaya't hindi ko na rin sinundan ang babae, alam ko kinabukasan mapapaslang ito. Gusto ko itong tulungan ngunit sa tingin ko ay isa siya sa mga mahaharlikang lahi na nagpapanggap lamang na isang alipin na gaya namin ng aking pinsan.
Ako at ang pinsan na si Schniziel sa mga nakilala naming mga emperatris ay wala pa rin siyang napupusuan magpahanggang ngayon. Pareho lang kmi, wala pa akong napupusuan hanggang ngayon.
Bagama't magaganda ang mga emperatris, ngunit sa edad daw namin ay dapat kami ay nagpakasal na sa mga katulad namin mga matataas ang antas sa kinatayuang lipunan.
Balak ko rin humingi ng isang libong hukbo, dahil nalagasan na ang aming mga sundalo dahil sa digmaan sa pakikipaglaban sa Persia dahil kulang sila sa pagsasanay.
Una kasi kaming sumugod at sumunod ang aking pinsan at sila ang nakasakop sa bayan ng Persia. Iniisip ko ngayon kung kasama ba sa alipin ng aking pinsan ang babaeng nakita ko.
Sa pagdating ko sa emperyu ng Odisius, alam ko bibigyan niya ako, dahil binigyan niya ako ng mga tagapagsilbi at mga alipin na kusa kong pinili. Para sa akin, ang aking pinsan ay sadyang napakabuti niya sa akin.
Narinig ko na may mga hindi siya pinatay sa bayan ng Persia, sana ay naroon din ang babaeng nakita ko sa bayang iyon. Hindi kasi ako sumama sa pakikipaglaban nang sumugod siya sa bayan ng Persia.
Sa kadahilanang baka palihim na may sumalakay sa amin.
Kaya't hinayaan ko nalang ang aking pinsan na siya ang sumugod upang kakaunti lang ang malagasan sa aking hukbo, dahil noong nakaraang digmaan ay madami ang nalagasan sa akin.
Kakaunti nalang sila at masakit para sa akin ang isakripisyo sila sa digmaang aming kinakaharap. Kaya't alam ko na mas magaling ang aking pinsan kaya't nagtiwala ako sa kaniya. Papalapit na ako sa kaniyang kaharian at napakalawak nito.
Napakapayapa ng lahat maraming namimili at mga tao sa kaniyang malawak ng emperyo at itinayong bayan. May nagbibigay sa kanilang pagkain upang mabuhay ang ibang mahihirap dito. Marami rin naglilibot na hukbo sa kaniyang emperyu upang magmamanman kung may papalapit na taksil. Sana ay ganito rin kapayapa ang pamumuhay nila sa aking kaharian.
Malawak din naman ang aking kaharian ngunit mas malawak ang kaniyang kaharian kumpara sa akin. Nag-aral kami sa pinakamataas na pamantasan sa aming buong bansa. Marami kaming mga kaklasing iba't ibang prinsepe at kahit ang mga pinakamataas na antas namin ay nais siyang hamunin.
Tanda ko noong bata kami, nasa ikalawang antas na kami ng aming pag- aaral. Hinamon siya ng pinakamataas ma antas, nasa ikaanim na antas ang kaniyang nakalaban. Ang kanilang laban ay larong pampalakasan, natalo ang mas matanda sa amin at labis naman ang takot nito sa kaniya.
Ang kaniyang antas ng pag- iisip ay linampasan pa niya ang aming mga guro sa paaralan. Lagi itong laman ng silid- aklatan at nag- aaral itong mag- isa. Nilapitan ko ito at ang sabi niya sa akin ay sabayan ko raw ito upang mag- aral. Madalas din itong makipag- away sa aming mga kapuwa mag- aaral dahil gusto nila itong saktan. Subalit hindi nila natatalo ang aking pinsan.
"Wala akong panahon sa inyo, napakahina mo upang makipagtalo sa akin at makipagtagisan sa lahat ng bagay," sambit nito sa prinsepeng nasa ikaanim na antas.
Nagsumbong ito sa kaniyang guro at ipinatawag nila kami kasi raw ako ang kaniyang laging kasama sa mga kalokohang nagaganap sa aming paaralan. Ngunit wala naman kaming kalokohang ginagawa at sila ang unang sumusugod sa amin.
"Ano na naman ito, prinsepe Schniziel at Clovis?" Tanong sa amin ng punong guro.
Hindi kami makaimik sa kaniyang tanong at kasabay nito ang panginginig ng aking mga tuhod. Nakita ko ang kaniyang pagkainis at hindi na rin ito nakapagpigil sa maling bintang nila sa amin. Tumayo ito sa kaniyang kinauupuan.
"Tinanong niyo na po ba kung ano ang nangyari?" Tanong nito sa punong guro.
"Aba, lapastangan ka!" Pagalit na sagot ng aming punong- guro sa kaniya.
Bigla nitong pinagbantaan ang aming punong- guro.
"Kung wala kang matinong sasabihin aming mahal na punong- guro, manahimik ka nalang. Halata na kinakampihan mo ang duwag na prinsepeng iyon. Gusto kong makalaban ito, at huwag mo akong sisisihin kung sakaling mapatay ko siya. Hindi ko gusto ang inyong patakaran, napakahina ng inyong pamamalakad," sambit nito sa aming punong- guro at may matalim na titig sa kaniya.
Nagulat ang punong- guro atsaka nakami umalis, ang nais lamang nito ay ang tahimik at hindi siya ginagambala sa kaniyang buhay. Magmula noon, ay hindi na siya ginambala pa dahil kahit kami ay nasa ikalawang antas at nasa ikapitong taong gulang pa lamang ay alam na nila ang kaniyang taglay na kakayahan.
End of POV