Emperor Schniziel's P.O.V
Ako ay isang makapangyarihang emperador ng Odisius. Gusto kong sakupin lahat ng bayan na magtatangka sa aking pamamahala. Kapangyarihan at kayamanan ito ang aking nakamulatan at isinanay ng aking ama na si Gabrielle.
Ako si Emperador Schniziel, pang ika- 190 na emperador ng Odisius at ako ang pinakatanyag sa lahat ng emperador sa buong bansa.
Mayroon akong isang milyong hukbo na kinatatakutan ng lahat at wala akong pinapatawad sino man ang magtangkang kumalaban sa aking pinamumunuan. Gusto ko, ako lang ang tinitingala ng lahat sapagkat pinapapatay ko ang lahat ng mahihina't wala nang pakinabang.
Kahit ang aking mga kapatid na emperatris ay walang magawa sa akin sapagkat kahit sila ang mas nakakatanda, ako naman ang siyang nakakaangat sa kanilang dalawa. Hindi ko hahayaang maging sagabal ang lahat sa aking pamamahala at kaisipan. Papatayin ko ang sinumang humarang sa aking daraanan, aminado akong ako rin ang kinatatakutan ng ibang emparador sa ibang bayan.
Bago ang pagsasakop sa bayan ng Persia. Nag-usap kaming magkakapatid upang pigilin nila ang aking mga planong binabalak ang pagsakop sa emperyo ng Persia. Para sa akin sila rin ay malaking balakid sa aking landas na dinaraanan.
"Mahal naming kapatid, huwag mo na sakupin ang bayang iyon sapagkat wala ka nman mapapala roon," sambit ng kambal na emperatris.
"Wala kayong magagawa dahil gusto kong palawakin ang aking lupain, ang sino mang pumigil sa akin, aking papatayin.
Pati kayong aking kapatid ay hindi ako mangingiming kayo' y paslangin at sa totoo lang wala kayong pakinabang sa akin, " sambit ko sa kanila.
Atsaka na ako umalis upang ihanda ang aking hukbo para sa digmaang nalalapit. Masama akong magalit, dahil walang magagawa ang humaharang sa aking mga plano at kamatayan ang aking igagawad kung sila man ay magtangkang ako ay pigilin.
Walang akong taong pinipili, kung nais kong wakasan ang kanilang buhay ay aking gagawin.
Sa bayan ng Persia:
Sinakop ko ang bayang ito. Mapapasaakin ito, kitang- kita ang bakas ng kanilang pagkatakot sa akin. Nasisiyahan ako sa tuwing nakikita ko ang mga luha nilang umaagos sa kanilang mga mata. Ako'y natutuwa sa tuwing nakikita ko ang bakas ng pagkatakot sa kanilang mga pagmumukha.
Pinapaslang ko ang mga matatanda, at itinira ko naman ang may lakas pa upang magsilbi sa akin. Magiging alipin ko silang lahat at upang pakinabangan sa aking nasasakupang kaharian.
Ang mga kalalakihan ay gagawing kong aking hukbo at mga kawal, at ang mga babae ay magsisilbi sa aking napakalaking palasyo.
Ngunit may nakita akong isang babae, may kasama ito siguro ay nakakabata nitong kapatid.
Pinagbantaan ko ang kaniyang kapatid na ipapapatay ko siya sa aking hukbong heneral upang matiyak kong siya ay isang alipin lamang o baka siya ang anak ng emperador na aking pinatay sa bayan ng Persia.
Kahit siya ay natatakot, bakas parin ang kaniyang taglay na kagandahan. Mas higit ang ganda nito kumpara sa mga emperatris na nakilala ko at mga anak ng mga duke na ipinapakilala nila sa akin.
Nilapitan niya ako at lumuhod sa aking harapan upang makiusap na huwag kong patayin ang kaniyang nakababatang nitong kapatid at siya na lamang ang aking papatayin.
Sa una ko pa lang itong nakita sa aking harapan, tila ba siya na ang hinahanap ko na nababagay sa akin ngunit natiyak ko na isa lamang siyang alipin.
Ang pagnanasa ko sa kaniya ay tumindi nang hinalikan ko siya sa malalambot niyang mga labi. Sinampal niya ako ngunit hindi ako nagpatinag sapagkat sinampal lang ako ng isang napakababang uri ng alipin. Tila ba ang aking pagkatao ay nainsulto sa kaniyang ginawang pagsampal nito sa akin.
Isinubsob ko ito sa lupa ngunit hindi ko kayang masira ang kaniyang mukha. Hindi ko mapigilan na siya'y halikan ng marahas, pinasok ko ang aking dila sa kaniyang bibig ng puwersahan at hinimas ang kaniyang dibdib upang maramdaman niya ang aking init ng katawan. Namuntikan ko nang makalimutan na napapanood pala kami ng mga aliping nakakainis.
Pinasakay ko ang aking mga mapapakinabang sa karwahe ng mga bilanggo. Nakita ko na naman ang aliping pinagnasaan ko, siya ang pinaka- unang alipin na nakapukaw sa aking atensyon. Bilang insulto, tinitigan ko nang masama na may halong pagnanasa at dinilaan ko ang aking daliri.
Lahat ng babae, kasama ang babaeng tinutukoy ko ay magiging alipin ko silang lahat.
Dinala ko sila sa aking palasyo, pinili isa- isa kung sino ang matitira sa palasyo. Kung hindi sila susunod sa akin sila'y aking papaslangin.
Marami akong tagasunod at lahat sila ay yumuyuko sa akin. Tila ba sa tingin ko sa aking sarili isa na akong diyos na tinitingala ng lahat, kayamanan, kapangyarihan at katanyagan nasa akin ng lahat.
Lahat ng kababaihan ay dinala ko sa kuwadra ng mga tagapagsilbi, ang aking namumuno sa kababaihang ito ang nag- alaga sa akin si Mistress Candra.
Siya ay matanda na pinaturo ko lahat kung paano nila linisin ang aking napakalawak at napakagandang palasyo.
Ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nakita kong babae na taga-Persia. Napag- alaman ko na Amethyst ang kaniyang pangalan dahil ipinagtanong ko ito sa ibang alipin kung sino siya at ang tunay nitong pagkakakilanlan.
Sikat daw ito sa mga kalalakihan subalit ang babaeng ito ang tingin nito sa kaniyang sarili ay napakainosente sa lahat ng mga nangyayari sa kaniyang kapaligiran at isa lamang daw siyang babaeng nagtatrabaho sa mga mayayamang pamilya bilang tagapagsilbi, minsan daw ay nagtitinda lamang ng gulay at prutas sa pamilihan kasama ng kaniyang nakakabatang kapatid.
Pinatawag ko ang babaeng ito, at nakita ko na kasama niya ang kaniyang kapatid sa kulungan. Pinadampot ko ito upang humarap sa akin.
Nang humarap siya sa akin ay labis- labis ang kaniyang pagkatakot. Binunot ko ang aking espada upang itutok ko ito sa kaniya. Nasa harapan ko ito habang nakaupo ako sa aking trono, sa aking paligid ay maraming kawal ang nagbabantay sa akin.
"Amethyst ang iyong pangalan tama ba?"
tanong ko sa aliping nakaluhod sa aking harapan.
"O-Opo, kamahalan," sagot ng aliping nanginginig sa takot at umiiyak.
"Tiyak akong nagustuhan mo ang ginawa kong paghalik sa iyo kanina. Tiyak din na hahanapin mo ito sa akin, ngunit hindi ko pinahihintulutan sa aking emperyo ang ginawa ko sa iyo kanina. Hinalikan man kita ngunit para sa akin isa ka pa ring alipin sa aking paningin. Hindi kita mapapatawad sa pagsampal sa akin kanina. Gusto mo ba ng kamatayan?" tanong ko ulit sa nanginginig sa takot na alipin.
Natakot ito at napaupo ito sa kaniyang pagkakaluhod.
"P-Patawarin niyo po ako kamahalan sapagkat hindi ko po ito sinasadya!" sambit ng alipin sa aking harapan.
"Kung gayon susunod ka sa lahat ng aking sasabihin at walang malalagasan na buhay sa aking emperyo, ang iyong mga kalahi, maliwanag ba?" Utos ko sa kaniya.
"O-opo kamahalan," sagot nito sa akin.
"Dalhin ninyo na siya sa kaniyang kuwadra ng mga alipin at sabihin mo sa mga kasama mong hukbo, ang sinumang magtangkang humawak o humipo man lang sa aking alipin na ito, aking papatayin maliwanag ba!" Utos ko sa aking mga alagad.
"Opo, Emperador Schniziel," sagot ng aking alagad habang sinasamahan ang alipin na ito sa kuwadra ng mga tagapagsilbi.
Pinadala ko ang alipin na ito sa kuwadra ng mga tagapagsilbi. Ang mahaba niyang itim na buhok at ang mala- asul niyang mga mata ang nagpapatingkad sa kaniyang kagandahan.
Ang boses niyang malumanay at hindi ko makalimutan ang labi niyang napakalambot hinawakan ko ang aking mga labi at natutulala ako kung ito ay aking nakikita. Ngunit wala ako pakialam sa kaniya sapagkat isa lamang siyang mababang uri ng alipin sa aking paningin.
Lahat ng aking kawal sa loob ng aking palasyo ay hindi maiwasang tumingin sa kaniya sapagkat ang kaniyang kagandahan ng aking alipin na ito ay masasabi ko na mas higit pa sa mga rosas sa aking hardin dito sa aking napakalawak na palasyo.
Pinagmasdan ko ito habang papalayo ito sa akin, hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nakita kong babae siya ay ang katangi-tangi sa lahat. Ang kaniyang balat na mala-rosas at mala-perlas ang kulay nito ang lalong nagpapatingkad sa taglay nitong kagandahan.
Pinanuod ko ito habang papalayo ito sa aking paningin subalit nainis ako sa aking nakita. Ang isang kawal na aking inutusan ay pinagtangkaan siya nitong halikan. Mabilis akong lumapit at sinuntok ko ang kawal na ito sa harap ng aliping nagngangalang Amethyst.
"Ano ang idineklara kong utos sa inyo kanina? Hindi ba't bawal ninyong hawakan ang alipin na ito?" Tanong ko sa aking kawal na may pagnanasa sa aking alipin.
"P-patawarin niyo po ako kamahalan sapagkat tinukso lamang ako ng aliping iyan," sagot nito sa akin na may halong pagkatakot.
"Sinungaling! Kitang- kita ko na wala naman ginagawa ang alipin na ito sa iyo, gusto mo bang malaman ang hatol ko sa iyo ngayong araw?" Tanong ko sa kawal na nagmamakaawa sa akin.
Hindi pa man nakakasagot ang aking kawal, napugutan ko na ito ng kaniyang ulo. Napasigaw ang alipin, at napaupo ito sa lupa. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat sa aking ginawa at lahat ng aking kawal ay natakot sa akin.
"Alam niyo na ang mangyayari kung kayo ay susuway sa aking kautusan. Mapapaslang ito sa inyong harapan," sambit ko sa kanilang lahat.
Hinila ko ang alipin at ako na ang nagdala sa kuwadra ng mga tagapagsilbi. Yumuko silang lahat nang nakita nila na ako'y papalapit.
Nakita nila na mahigpit ang pagkakahawak ko sa braso ng isang alipin na si Amethyst. Halata sa kaniya na nasasaktan ito sa aking paghawak sa kaniyang braso ngunit natakot itong magreklamo sa akin.
"Mistress Candra, ikaw na ang bahala sa aliping ito," tawag ko sa pinuno ng mga tagapagsilbi.
"O-opo kamahalan," sagot ng Mistress sa akin na may halong pagkamangha sa aliping aking dinala sa kuwadra.
Nakita ng aliping ito ang kaniyang kapatid na alipin. Nagyakapan sila atsaka na ako umalis.
(End of POV)
Mistress Candra's POV
Nakita ko ang alipin na hawak ng aming batang emperador, sa tantiya ko ay kasing- edad lamang siya nito. Napakaganda nito bilang isang alipin na maninilbihan dito sa palasyo, mas higit ang ganda nito kumpara sa mga emperatris na bumibisita rito sa kaharian.
"Ano ang iyong pangalan?" Tanong ko sa magandang alipin.
"A-Amethyst po Mistress," sagot nito sa akin.
Napakagandang pangalan para sa isang alipin na ang ibig sabihin ay mamahaling bato. Lahat ng kawal dito siya palasyo siya ang pinag- uusapan, ang bagong dating na alipin na nanggaling sa bayan ng Persia.
"Napakaganda mo, Amethyst ngunit lagi ka sanang mag- iingat sa mga kawal na iyong makakasalubong," pagbabanta ko sa kaniya.
Sa tingin ko ay isa itong malinis na babae kahit isa itong pinakamagandang dilag dito sa palasyo. Napapansin ko na laging nakatingin ang emperador sa kaniyang direksyon at may masama itong titig sa kaniya.
Hindi na lamang tumitingin ang alipin sa mukha ng aming emperador bagkus ay nakayuko na lamang ito sa tuwing tinititigan siya nito nang masama.
Lagi nilang kinaiinggitan ng aking mga hinahawakang tagapagsilbi si Amethyst, ngunit hindi na lamang lumalaban o kumikibo ang dalaga.
"Tumigil nga kayo sa kakasira sa kapurian ng ating mga kasamahan, hala, magtrabaho na kayo baka kayo'y isumbong ko sa ating mahal na emperador!" pagalit na sambit ko sa mga naiinggit sa dalagang galing sa bayan ng Persia.
Umiyak ang dalaga at hindi na lamang ito kumikibo sa tuwing pinag- uusapan siya na isa raw itong parausan ng mga kawal at mga heneral. Alam kong nasasaktan ito ngunit nakikita kong malawak ang kaniyang kaisipan.
Hindi rin ito masyadong nakikiusap sa mga kawal sapagkat natatakot ito sa mga kalalakihan. Hindi tulad ng ibang tagapagsilbi na mayroong silang mga kasintahan dito sa loob ng palasyo na mga kawal ng emperador.
Lagi nitong kasama ni Remi at ang kaniyang kapatid na nagngangalang Alexia. Sa tuwing nakikita ko itong ngumingiti, lalong gumaganda ang kaniyang mukha.
Kung isa lamang emperatris ang aliping ito, panigurado pati ang aming mahal na emperador na si Schniziel ay handa nitong pakasalan. Subalit ang aming kamahalan ay walang pakialam sa tulad naming mga hamak na alipin lamang na naninilbihan dito sa palasyo.
May bulung- bulungan dito na naghalikan daw ang aming emperador at ang dalagang ito noong kasagsagan ng digmaan sa bayan ng Persia. Subalit hindi ako naniniwala sapagkat kilala ko ang aming emperador na labis na pinandidirihan ang mga aliping mahawakan nito.
Sa unang pagkakataon, nakita ko ito na hinawakan niya ang aliping si Amethyst. Nakakapagtaka lamang sapagkat hindi nito pinandirihan ang aliping tulad nito.