The Planned Dare
His eyes is like the only ocean I want to be drowned.
Titig niya pa lamang ay para na akong nalulunod. Nakakatunaw, nakakapanghina ng tuhod. His hands never left my cheeks unoccupied. Hinahaplos pa niya ito at tila dinadama ang tekstura ng aking balat. Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa akin, sinasaulo ang bawat detalye ng aking mukha. Hindi ko na mawari ang aking nararamdaman, dumadagundong ang aking dibdib at gusto nang kumawala ng traydor kong puso. Sinusuklian ko ang lahat ng paninitig niya sa akin. Sa sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin ay nararamdaman ko ang kanyang paghinga. Maging ang paglapat ng kanyang hininga sa aking balat ay nagpapalambot ng aking tuhod.
"I'm glad it's still with you," Bumaba ang kanyang haplos sa aking pisngi pababa sa aking kwelyo. Hinaplos niya ang metal sa nakapulupot sa aking leeg, maging ang maliit na pendant nito ay dinaanan din nito ng haplos.
"Baby," He whispered. Niyuko ko ang aking ulo at tumitig sa kanyang dibdib.
Sa sobrang lakas ng pintig ng aking puso ay para na akong hindi makahinga. Bolta boltaheng kuryente ang dumadaloy sa aking sistema sa oras na tumama ang kanyang haplos sa aking balat. Pumupungay ang aking mga mata kapag bumabagal ang kanyang paghaplos. Nabulabog ang aking sistema sa marahas na katok sa pintuan, nasa likod ko ang pintuan kaya napatalon ako sa gulat.
"Chloe! Marco! Come out!" Ani Monica. "Hindi na mainit at hindi pa kayo nagpapakita sa amin." Nahihimigan ko ang panunuya sa kanyang boses.
Ilang segundo kaming nanatili sa ganoong posisyon bago ko igalaw ang aking katawan. Tumikhim ako at hinawakan ang kanyang dibdib, marahan ko siyang tinulak para makagawa ako ng distansya at makaalis sa kanyang pagkakakulong sa akin.
"M-magpapalit lang a-ako," Nauutal ang aking pagsasalita at may halit sa aking lalamunan.
Dumiretso ako sa aking maleta at binuksan iyon. Kinalkal ko ang aking gamit para maghanap ng tuwalya at pamalit na damit. Nasusulyapan ko na nakatitig siya sa akin at sinusuri ang aking bawat galaw. Nang makahanap ako ng damit ay dumiretso na ako sa banyo. Daglian ko iyong sinarado kaya napalakas ang hampas nito. Hinilig ko ang aking katawan sa pintuan at dinama ang aking labi. We kissed before, but today was different. Ang daming emosyon ang hatid ng halik na iyon at hindi ko mawari kung ano. Hinaplos ko ang aking labi. I can still feel his lips on mine. Para bang tumatak na iyon sa akin.
Pinilig ko ang aking ulo para mawaksi ang aking nasa isip. Ipinatong ko ang damit sa lababo at binuksan ko ang shower. Binasa ko ang aking katawan ngunit hindi ko iyon sinabon. Paniguradong makakapagbabad ako sa dagat mamaya kaya mamaya na din ako maliligo. Gusto ko lang basain ang aking katawan para maalis ang panlalambot nito. Isinuot ko ang aking itim na bikini, ipinatong ko ang aking maxi dress at sinuot ang aking gladiator sandals. Pagkalabas ko ng banyo ay naroon pa din siya at nakaupo sa paanan ng kama. Nakapagpalit na din siya ng damit at tsinelas. He's looking breathtakingly handsome with his white button shirt and a beige khaki short. Sandali akong natulala at napatingin sa kanyang katawan, maskulado at matipuno ang tindig. Hindi ko iyon namalayan kaya't tumikhim siya.
"Do you want me to go first or I'll just wait for you here?" Tinunghay ko sa kanyang mukha ang aking tingin at nagtatago ang kanyang ngiti. Kanina pa siyang parang nawiwili sa akin.
"You go first. I still have to do some things." I said. Isinampay ko sa likod ng upuan ang aking tuwalya, naghalughog akong muli sa aking maleta para sa lagayan ng aking damit.
"I'll just wait you here," Aniya. Matalim ko siyang tiningan at agad na nagtaas ng kanyang mga kamay bilang pagsuko. "Okay. I'll go now." Tuluyan na siyang lumabas habang unti unting lumalambot ang aking ekspresyon. Ganoon din siya dati, palaging sumusuko at nagpapaubaya para lamang masunod ang gusto ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang inaayos ko ang aking damit at maleta. Ilang minuto ang ginugol ko sa loob ng suite bago ako tuluyang nakalabas. Inilugay ko ang sumasayaw kong buhok kasabay ang hangin. Kumakaway sa akin si Isabella nang makita niyang palapit ako.
"I smell something fishy talaga," Bulong niya sa akin nang makalapit ako sa kanya. "Dresscode ba kayo ngayon? Parehong puti ah!"
"I didn't know," Tangi kong sagot. Naabutan kong nakikipagusap na si Marco kay Oliver at Francis. Ngumingisi ito kapag napapaganda na ang usapan ng tatlo. Lumapit si Monica sa kanyang fiance at hinahaplos nito ang braso ni Francis. Pareho nga kami ng kulay ng damit ngayon at hindi ko man lang iyon napansin kanina.
"At magkasama pa kayo sa iisang suite!" Para siyang uod na binudburan ng asin sa aking tabi.
"I didn't ask for it," Paninigurado ko. Alam kong may iniisip na naman ang babaeng ito at uunahan ko na siya para huwag na iyon mapunta pa sa kung saan.
"Sus! Malalim na ba ulit?" Isabella hisses. Napaharap ako kay Isabella at napakurap sa kanyang tanong.
"Anong malalim?" Maang maangan ko. Dahil ang totoo ay mas lalo lang lumalim. Hindi nawala. Hindi nabawasan.
"Don't fool me lady. I know you." Tumalikod siya sa akin at umupo sa isa sa mga sun lounger. "Sinadya niyo ba na iisang suite lang kayo?"
Umupo ako sa katabi niyang sun lounger. "I never know about this," Sagot ko. She only smiled at me with malice. "Wala nga!" I hisses. Sa aking pagsigaw ay napatingin sa akin ang mga lalaki, nginitian ko lamang sila at bumalik kay Isabella ang aking atensyon.
She burst in laughter. "Oh, Chloe," Sumimsim siya sa kanyang juice.
"Nasaan si Bethany at Wilder?" Pagiiba ko sa usapan.
"Oo nga, nasaan ang dalawa?" Balik tanong niya sa akin. Pareho kaming nanuyod ng tingin sa paligid, nagbabaka sakaling makita ang isa pa naming kaibigan.
Nasulyapan ko si Bethany na papalapit sa aming direksyon. Sa malayo pa lamang ay alam ko nang hindi maganda ang mood nito. Nagulat ako nang lagpasan niya kami at nagpunta sa lamesa kung nasaan ang mga pagkain at inumin. Nagsalin siya sa baso ng juice at agad niya itong ininom. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nilalagok ang juice sa baso.
"Ano Bet? Away na naman?" Panimula ni Isabella nang mapansin ang panginginig ng kamay ni Bethany. Nakakasigurado akong dahil iyon sa galit.
"That askal! Hindi niya ako payagang magsuot ng bikini!" Singhal nito. Umupo siya sa aking tabi at kinuyom ang dalawang kamao sa kanyang hita.
"And then?" Kalmado si Isabella sa pagtatanong habang sumisimsim sa kanyang juice.
"I kicked his balls!" Bethany hissed. Nagulat ako sa kanyang sinabi. Seriously? Magasawa na nga at lahat ay grabe pa din kung makapagasaran. Nagpipigil naman ng tawa si Isabella habang tinitingnan ang kanyang asawa.
"I could never imagine that I can do that to my husband," She said. Naabutan ni Oliver na nakatingin sa kanya ang asawa, kinawayan niya ito at kinindatan pa. Isabella only giggled at sumenyas pa dito.
Oh God! I'm surrounded with couples! And that signs... Oh please! Get a room now, you two.
"Bethany!" Narinig ko ang malakulog na sigaw ni Wilder sa aming likod. Nahihirapan itong maglakad at kitang kita sa kanyang mukha ang galit.
"Ano?!" Sigaw ni Bethany na nagpagulat sa akin. Tumayo siya sa aking gilid at nagpupupuyos din sa galit.
"Lumapit ka dito!" Papalapit na sa amin si Wilder. Nalipat ang tingin ko kay Bethany na nakataas na ang kilay sa kanyang asawa. Lumagpas ang aking tingin kina Marco at maging ang mga ito ay papalapit na din sa amin.
"Bet, what happened?" Monica said softly.
"He deserved it," Ani Bethany.
"Kawawang Wil," Ani Everly.
"Ayaw mong magkaanak tayo? How dare you kicked my junior?! Paano kapag nabaog ako?!" Tuluyan nang nakalapit sa amin si Wilder at hinarap ang asawa. Nagtatawanan na ang iba dahil sa sinabi nito.
"Wilder, ano ba yan?" Ani Francis.
"Ayoko talaga. Sakit ka na nga sa ulo, may dadagdag pa!" Inirapan ni Bethany ang kanyang asawa.
"Wilder, ano bang nagyari?" Umalingawngaw ang boses ni Marco. Nahahaluan iyon ng awtoridad at agad pumagitna sa magasawa.
"He won't allow me to wear a bikini," Si Bethany ang sumagot. Matigas ang kanyang bigkas at tila hindi ito natatakot.
"I will never allow you. Hindi ka ba nahihiya? Ang pangit ng katawan mo tapos ibabalandra mo?" Sagot ni Wilder. Aambang sisipa si Bethany ngunit kinapitan ko siya. Hindi na niya makontrol ang kanyang galit. Papalit palit ang tingin namin sa dalawa.
"How dare you!" Bethany cried. Iwinaksi niya ang aking kamay at umalis sa harapan ni Wilder. Pumunta ito sa dalampasigan at pinagsisipa ang buhangin.
"Hala ka Wilder. Umiiyak asawa mo." Panunuya ni Oliver. Kahit magasawa na ang dalawa ay hindi niya dapat sinasabi iyon kay Bethany. At ngayon na umiiyak pa siya. Hindi ko mapigilan ang magalit din kay Wilder. Matalim ang aking mga mata nang tingnan ko siya.
"You don't have the rights para sabihin iyon sa kanya. Sinaktan mo ang damdamin niya!" I yelled at him. Nagulat ito sa aking ginawa at bahagyang napaatras. Kita ko ang pinaghalong gulat at takot sa kanyang mga mata.
"Baby stop," Hinaplos ni Marco ang aking siko. Naghatid agad iyon sa akin ng pagkalma ngunit isinantabi ko din agad iyon.
"You fix this. Or else, makakadalawa ka sa akin." Pananakot ko sa kanya. Umamba akong susuntukin ko siya ngunit agad ko din namang binawi. Dumalo ako kay Bethany at agad itong inalo.
Ever since high school ay grabe na talaga magasaran ang dalawa. But I never thought na kahit magasawa na ang mga ito ay ganoon pa din sila sa isa't isa. Noon pa man, nasasaksihan ko na ang pagiyak ni Bethany sa tuwing nagaaway sila ni Wilder. Bethany can't help her anger kaya nilalabas niya iyon sa pamamagitan ng pagiyak. Walang bounderies ang lahat ng pangaasar at pagaaway ng dalawa. Nageexceed iyon kahit na involve na doon ang damdamin nilang dalawa.
"Bet, tahan na." Hinagod ko ang kanyang likod. I tried to calm her down, and I did a good job.
"Chloe, pangit ba katawan ko?" Tanong niya sa akin sa gitna ng pag iyak.
"No!" Agap ko. "He just want to protect you kaya hindi ka niya payagan."
"Wala namang tao, tayo lang ang nandito. Saan naman niya ako poprotektahan?! You're wearing a bikini, hindi naman nagalit si Marco. Abnormal talaga ang hayop na iyon!" Humagulgol siya pagkatapos magsalita. Hinagod kong muli ang kanyang likod at inayos ang kanyang buhok na tumatabon sa kanyang mukha. Lumuhod ako sa kanyang harapan at hinawakan ang kanyang pisngi.
"You're beautiful. Don't think anything negative about yourself. Okay, Bet?" Pinalis ko ang kanyang luha. Kumakalma na siya ngayon at tumigil na sa pag iyak. Nakayuko ang kanyang ulo.
"He never said I'm beautiful," She whispered. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at bahagyang pinisil.
"You are. Hindi niya lang masabi sayo kasi may sarili siyang dahilan. I'm pretty sure he sees it. He will tell you, in his own way." Pagaalo ko sa kanya.
Hindi naman mahirap aluin si Bethany. Malambot ang kanyang damdamin, minamaskarahan lamang ng ibang katauhan. Iyon ang nagustuhan ko sa kanya. Sa kabila ng pagiging matigas niya sa panlabas ay ganoon naman siya kalambot pagdating sa ibang bagay. Pagkatapos kong makipagusap kay Bethany ay si Wilder naman ang humalili sa akin. Ito naman ang nagpatahan sa asawa. Nahuli kong hinalikan nito ang kamay ni Bethany. Napangiti ako. Kulay kahel na ang langit nang mapagkasunduan naming magswimming. Ang mga kalalakihan ang nagiihaw ng mga karne kaya naisipan ni Monica na magswimming muna dahil nakatunganga lang naman kami.
"Ano bang mas masarap na ulam? Ang niluluto o ang nagluluto?" Kinagat ni Isabella ang kanyang labi habang nakatitig sa kanyang asawa na nagiihaw ng manok. Nakahubad lahat ng lalaki dahil magaamoy usok ang mga damit nila.
"Sa tingin ko yung nagluluto. Ang yummy ni Marco!" Singit ni Everly habang nakatitig din sa mga nagiihaw. Nilipat ko ang tingin sa mga lalaki. Si Oliver at Marco ang nagiihaw ng mga karne habang si Wilder at ang asawa ni Everly ang nagtutusok at nagmamarinate sa karne.
"Ngayon pa lang busog na ako," Ani Monica. Tinitingnan niya ang kanyang asawang humalili kay Oliver na magihaw. Napairap ako sa kawalan sa mga pinaggagawa ng aking mga kaibigan. They were fantasizing for Pete's sake!
"Tigilan nyo nga iyan. Para kayong mga baliw sa ginagawa nyo." Nagfloating ako habang nakatingin sa ulap.
"Oh com'on Chloe. Hindi ka ba nabubusog sa nakikita mo? Kay Marco pa lang, satisfied na ako!" Ani Everly. May asawa na iyan ha, pero ang dami pa ding pinagpapantasyahan.
"May mga asawa na kayo! Ano ba iyang mga pinaggagagawa niyo?!" Sabi ko. I really can't believe them!
"Mga asawa din naman ang pinagpapantasyahan namin," Pagtatanggol ni Bethany.
Napatingin ako sa gawi ni Marco. Totoo na maganda ang pangangatawan nito, kahit noong high school pa lamang kami ay madami na ang nakakapansin niyon. Pero hindi ko kayang gawin ang ginagawa nila. Hindi ko matagalan dahil nalulusaw ang aking mga tuhod sa oras na tumitig ako sa katawan niya. He's irresistable, kaya kapag hindi ka nagpigil ay mahuhulog ka nga. Matapos magihaw ng mga ulam ay nagtawag na ang mga ito para sa hapunan. Handa na ang mahabang lamesa ng mga pagkain at inumin. Umahon na kami sa dagat para sa hapunan.
"Wow boys! Husband material talaga kayo!" Ani Isabella.
"Si Chloe lang wala pang asawa," Singit naman ni Bethany.
"Ako na naman?" Kahit kailan talaga! Tinuyo ko ang aking katawan gamit ang tuwalya bago ko suotin ang aking maxi dress. Nakatingin lamang si Marco sa akin habang ginagawa ko iyon.
Nagsimula na kaming kumain, ang mga magaasawa ay magkakatabing kumakain. Nagsusubuan at minsan nama'y nagkukulitan. I also wished to be like that. Iyong masaya lang, kayo lang dalawa. Nagulat ako nang lagyan ni Marco ang aking pinggan ng himay na karne. Kami naman ang magkatabi ngayon dahil wala nang bakante.
"Eat," Utos niya. Naglagay siyang muli ng ulam sa aking plato.
"Thanks," Sabi ko. Sinimulan ko nang sumubo ng pagkain para malihis ang nararamdang kabog sa aking puso. Simpleng gestures ay sobra na ang nagiging epekto niya sa akin.
"Ay! Husband material din pala. Maalaga!" Ani Bethany. Nasa harapan ko siya kaya mas nakikita niya ang ginagawa ni Marco. Uminit ang aking pisngi sa kanyang sinabi.
"Noon pa man. 'Diba Chloe?" Singit ni Isabella.
Gusto ko nang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan. Ayan na naman sila sa mga hirit nila. Nang matapos kaming kumain ay nagpresinta akong magligpit. May mga crew naman dito pero ayoko nang dagdagan pa ang trabaho nila. Pinatas ko lang ang mga plato at kubyertos para madali na sa kanila itong ligpitin. Pinunasan ko din ang lamesa para hindi na iyon gawin pa ng mga crew.
"Oh 'diba? Wife material!" Panunukso sa akin Bethany. Kanina pa ito!
"Marco! Ano na?" Sigaw ni Bethany. Nagtawanan naman sila sa sinabi nito.
"Magmadali ka. Ayaw naming magsisi ka." Ani Wilder. Ay talagang magasawa ang dalawa! Encourage pa more? Kung alam nyo lang, alam ko na ang lugar ko. Kaya tumigil na kayo.
"Tumigil na kayo," Sabi ko pagkatapos magpunas ng lamesa. "Kung nandito ang fiancé niyan sigurado akong magagalit iyon sa inyo."
"Wala naman eh! So walang magagalit!" Humalakhak si Wilder sa kanyang sinabi. Agad namang hinampas ng asawa ang kanyang braso para patahimikin ito.
Hindi ko maipagkakaila ang pait sa aking nararamdaman. Nang dahil sa pagtutulak nilang iyan ay mas lalo ko lang nabubuo ang konklusyong malapit na nga siyang matali. At ang masakit, hindi sa akin. Kahit sabihin niyang hindi niya gusto o umurong man siya, Iyon ang gusto ng mga magulang niya. Ano bang laban ko?
Naglatag ang crew ng tela sa buhangin dahil inutos iyon ni Monica. May maliit na lamesa sa gitna kung saan may mga wine, desserts at finger foods. Bumilog kami dito at umupo, magkakatabi pa din ang magaasawa at kami naman ni Marco.
"Hindi na natin ito magagawa bukas. Dahil alam niyo na." Paumpisa ni Monica.
"Oo alam namin!" Panunuya ni Isabella.
"Sayang lang. Lauren and Gus didn't make it," Malungkot sa sabi ni Monica. "Hindi tuloy tayo kumpleto."
"Maselan ang pagbubuntis niya. Hindi siya pwedeng bumiyahe ng malalayo." Singit ko.
"I still wished na nandito siya." Inalo ni Francis si Monica. Kahit kami ay nalulungkot na hindi kami kumpleto ngayon. Ngunit naiintindihan naman namin ang sitwasyon niya. Naramdaman ko ang malaking kamay ni Marco sa aking likod, napatuwid agad ako ng aking upo nang maramdaman iyon.
"Are we going to stay up all night?" Tanong ni Everly habang nakahilig sa kanyang asawa. Mukhang inaantok na.
"Kami ni Francis hindi. We need to rest early." Sagot ni Monica.
"So pwede namang magstay tayo 'diba? And the lovebirds can fly away na mamaya." Ani Bethany.
"Of course!" Isabela hissed.
Nasa likod ko pa din ang kanyang kamay. He's drawing small circles on my back that sent shiver down my spine. Nanigas ang aking katawan nang maramdaman ang kiliting hatid nito. Kinagat ko ang aking pangibabang labi para pigilan ang pagtili. Bukas ang aking likod dahil backless ang bikini at maxi dress kong suot. He have a better access to tickle me! Tumingin akosa kanya para pandilatan siya ng mata ngunit pumungay lamang ang kanyang mga mata. Nakapangalumbaba siya habang nakapatong ang kanyang siko sa kanyang tuhod.
"Since aalis kami ng maaga. Let's play a game." Ani Monica. Masyadong naaaliw si Marco sa pagguhit sa aking likod. At hindi ako makapaniwala na hindi iyon napapansin ng mga ito.
"Truth or dare!" Everly suggested. Pumayag naman agad ang aking mga kaibigan.
"Pangunahan nyo!" Sabi ni Isabella kina Monica at Francis.
"Okay!" Kinuha ni Monica ang boteng walang laman. Ubos na namin ang isang bote ng wine. Pinaikot niya iyon sa maliit na lamesa at lahat kami ay naghihintay kung kanino mapapatapat ang bunganga ng boteng ito.
Unang natapatan si Francis kaya agad na tinanong ng mga ito kung ano ang kanyang pipiliin.
"Truth," Aniya.
"Monica! Ikaw magtanong." Sabi ni Bethany. Tiningnan ni Monica si Francis habang nagpipigil ito ng tawa.
"Uurong ka ba sa kasal natin?" Ani Monica. Sigurado ba siyang iyan ang tanong niya?
"Do I have a choice?" Panunuya naman ni Francis.
"Francis!" Monica hissed. Humalakhak si Francis bago hawakan ang kamay ng kanyang kasintahan.
"Of course not. Ang tagal kong hinintay ito. Sino ako para umurong?" Lumapit ang kanyang mukha kay Monica at dinampian ng halik ang labi nito. Naghiyawan naman ang aking mga kaibigan sa ginawa ni Francis.
"Oh my gosh! Ako naman!" Kinuha ni Everly ang bote at pinaikot ito. Tumapat ang bunganga ng bote kay Wilder. Pinili nito ang truth at agad na naghiyawan ang mga lalaki.
Hinapit ni Marco ang aking katawan palapit sa kanya, napatingin ako sa kanya sa kanyang biglaang kilos. Mapupungay ang kanyang mga mata habang tumititig sa akin. Kumalam ang aking sikmura nang maramdaman ang paglalim nito. Bahagya niyang pinisil ang aking baywang at nagtagis ang kanyang bagang.
"Ako ang magtatanong!" Agad ni Isabella. "Bakit lagi mong inaasar si Bethany?" Humalakhak ito sa kanyang sariling tanong.
"Kasi ang sarap niyang asarin." Tiningnan nito si Bethany. "Pero gusto ko, sa akin niya lang pinapakita ang galit niyang mukha kapag inaasar ko siya." Hinalikan naman ni Wilder ang likod ng kamay ni Bethany at agad namula ang mga pisngi nito. Parang hindi nagaway ang dalawa kanina.
"Bakit parang ang daming langgam?" Singit ni Isabella sa dalawa. "Parang hindi totoo!" Tinapik ni Bethany ang kamay ni Wilder at kinuha ang bote at agad na pinaikot. Tumapat iyon sa akin kaya agad na nagsigawan ang aking mga kaibigan. Nahahalata ko na excited sila sa maaari kong piliin.
Pumirmi ang kamay ni Marco sa aking likod nang sa akin tumapat ang bote.
"It's your time to shine!" Ani Everly.
"Chloe, honest ka dapat ha! Huwag kang madaya!" Singhal ni Bethany.
"Truth or dare? Dali!" Tanong ni Isabella sa akin. She giggled.
"Magdare ka Chloe!" Utos sa akin ni Monica.
Hindi ko alam kung sino sa kanila ang aking titingnan. Parepareho silang nagsasalita at hindi ko alam kung sino ang aking papakinggan. Huminga ako ng malalim bago ko sabihin ang aking napili.
"Dare," Matapang kong sagot.
Agad naman akong kinabahan nang makita ko ang mapanuyang mga mukha ng aking mga kaibigan. Nagbulungan ang mga ito sa aking harapan.
"Ako naman ang dinadaya niyo! Huwag niyo naman akong pagtulungan!" Singhal ko.
"Anong madaya? Pinagiisipan naming mabuti ang ipapagawa namin sayo. Since ikaw ang unang nagdare." Sabi ni Isabella.
Kumakabog ang aking dibdib, kinagat ko ang aking pangibabang labi para pigilan ang panginginig nito. Nakaramdam ako ng lamig nang umihip ang panggabing hangin sa aking likod. Kaagad gumapang ang malaking kamay ni Marco sa aking braso. Para akong niyayakap para maibsan ang lamig na nararamdaman. Napatingin ako sa kanya at seryoso na ang kanyang ekspresyon.
"Oh heto na!" Nalipat lamang ang aking atensyon nang magsalita si Monica. Nakita ko kung paano lumipad ang kanilang mga mata sa malaking kamay na namamahinga sa aking braso. Hindi na nila naitago ang ngisi kaya lalo lang akong kinabahan.
"Sabihin mo sa harap namin, ni Marco ang lahat ng hindi mo pa nasasabi sa kanya." Sabi ni Bethany.
"Matagal kang nawala kaya panigurado akong may gusto kang sabihin sa kanya." Ani Oliver.
"Kung alam mo lang, Chloe. Ako ang pinahihirapan ng gagong iyan noong wala ka!" Singhal naman ni Wilder kay Marco.
"Shut up," Marco commanded.
"Oh huwag KJ!" Agap ni Everly.
Sobra sobra na ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung gagawin ko ba iyon o hindi. It's too personal!
"Masyado namang personal ang pinagagawa niyo," Agap ko.
"Personal din naman ang amin. Kaya dali na, gawin mo na!" Monica hissed.
Huminga ako ng malalim at nakapagdesisyon. Simpleng sagot lang, okay na yun. Basta magawa ko lang ang dare. That's right, Chloe! Don't make it a big deal. Kumalas ang braso ni Marco sa aking balikat dahil sa aking pagkakaharap sa kanya. Muling umihip ang panggabing hangin kaya nanginig ang aking labi. Ininda ko muna iyon.
"T-thank you, for l-loving m-me." I said while stuttering.