The Confession
Parang walang epekto ang pagtakip ko sa aking mukha. Mainit iyon at paniguradong namumula na ito sa kahihiyan. Inalis ko ang aking mga kamay sa aking mukha. Niyuko ko ang aking ulo at kitang kita ko ang pagsaludo ng kanyang alaga sa gitna ng aking mga hita. Sa ganitong pagkakataon pa talaga. Inayos ko ang aking posisyon at tumayo, hindi pa man ako nakakaangat ay pinigilan na niya ako. Hawak ang aking baywang ay marahan niya itong pinisil. Naramdaman ko agad ang bolta boltaheng kuryenteng dumaloy sa aking sistema. Nanigas ako sa kanyang biglaang haplos dahilan ng pagangat ng aking tingin sa kanya.
"Patulugin mo muna iyan bago ka umalis sa ibabaw ko," Bulong niya sa akin. I'm not that innocent. Lalo pa't napapaligiran ako ng mga taong may karanasan na sa ganito. Hindi na mahirap sa kanila na itanim sa aking utak ang mga ganitong bagay.
"Paano iyan tutulog kung mananatili ako dito?" I murmured. Niyuko ko ang aking ulo at pinaglaruan ang aking mga daliri. Ano bang palusot iyan? Iba ang nilalaman.
"He will be calm," Gumapang sa aking likod ang kanyang kamay. Duon naman niya ako hinaplos.
"Hindi naman eh," I said. It became harder every second na nananatili ako sa ibabaw niya. Tinuon niya ang kanyang kamay sa sahig at humilig dito. You became more comfortable huh?
"It will," He breaths. He's drawing small circles on my back, focusing more on my bare skin. Crop top loose T-shirt ang suot ko kaya nilusot niya iyon sa loob. Madali lang para sa akin na kilitiin ako lalo na't ramdam niya ang balat ko.
"What are you doing?! They're looking at us!" I whispered. Kahit ang pagtayo ko ay hindi niya payagan. Napapadako ng kanilang tingin sa aming dalawa ni Marco. Nakakailang lalo pa at nasa ganito kaming posisyon. Very intimate.
"You worrying?" He asked. Bakit hindi ako magaalala? Pinagtitinginan na kami dito. Masyado na kaming PDA sa loob ng boxing ring.
"Of course!" I hisses. Sinubukan ko muling tumayo ngunit hinawakan niya ang aking braso at pinirmi ang aking tayo.
"Marco naman!" I hisses. He chuckled.
"Want another round?" He asked. At may balak ka pang maulit ito?!
"No!" I yelled. Tuluyan na akong nakatayo nang hindi niya pinipigilan. Hinubad ko ang foot pads at hand wraps na nakabalot sa akin. Kinuha ko sa aking bag ang aking cellphone at tiningnan ang oras. Maaga pa kung aalis ako ng gym at wala naman akong gagawin sa condo. Siguro magtoning na lang ako, tinatamad na akong magboxing. Wala naman din ang trainer ko.
"Nasaan si Coach?" Tanong ko sa kanya ng tinago ko sa bag ang aking cellphone.
"He's gone. I will be your trainer for today." He said. He smiled. What? How?
Hinarap ko siya. "What did you say? Gone? Umuwi na si Coach?" I asked.
"Uh hmm. May emergency siya kaya pinauwi ko na." He said.
"You have the power to command him?" I asked. Naguguluhan ako sa kanyang mga sinasabi. How could he?
"Yes. Gus owned it." That answers it.
"Well, since wala ang trainer ko, uuwi na lang ako. I need to pack." Sinuot ko na ang aking sapatos, binubuhol ko na ang aking sintas nang tumabi sa akin si Marco. Kinuha niya ang kanyang sapatos at isinuot din ito.
"Kanina mo pa ako tinatanggihan. Professional din naman ako." Pagmamaktol niya.
"Kahit na. Tinamad na ako ngayon." Sabi ko.
"When's your flight?" He asked while tying his shoes. Tapos na ako at hiniintay ko na lang siya matapos sa pagsisintas.
"Eleven," I said. Tiningnan niya ako ng mataman. Unti unting sumusilay ang kanyang ngisi. "What?!" I hissed.
"I'll fetch you. Sabay na tayo papuntang Romblon." He said.
"No!" Agap ko. "Hindi nila pwedeng makita na magkasama tayo. No way! No!" Lumabas ako ng ring at hinagilap na lahat ng aking gamit. Sinuot ko ang aking waist bag at jacket.
"Bakit hindi?" Sinusundan niya ako hanggang sa makalabas ako ng gym. Nasa huling baitang na ako sa pagbaba ng hagdanan ay hinigit niya ang aking braso dahilan para mapaharap ako sa kanya.
"Bakit hindi pwede?" Paguulit niya sa tanong kanina. Can't you see?
"It just can't," Piniglas ko ang aking braso at nagpatuloy sa paglalakad.
"What are you worried about? Bakit hindi nila tayo pwedeng makitang magkasama?" Hanggang ngayon ay sinusundan niya pa din ako. Malapit na ang tower ng aking condo at sumusunod pa din siya sa akin. Binibilisan ko na ang aking lakad ngunit mas matulin siya kaya naaabutan niya ako at nahigit ang aking braso. Hinarap ko siya nang hinihingal.
"Why can't you see it?! You were bound to marry someone! And if they see you with me, anong sasabihin nila sa akin? I promised them that I will forget you! I promised them that I will never fall for you! For the second time." Litanya ko. Pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan. Nakakahiya man na marinig nila iyon ay wala na akong pakialam.
"But I just can't," Tumulo ang aking mga luha. "I broke my rules, I broke my promises to them. I broke all my walls I built a long time ago." Parang gripo na umaagos ang aking mga luha. Dinadaanan kami ng mga tao at nakikita nila kung anong nangyayari sa aming dalawa. Ang aking pagluha ay kanila ding nasasaksihan.
"Alam mo kung bakit? Kasi, kung ano iyung bawal, kung ano iyung hindi pwede, kaligayan ko. I was happy when I'm with you but that's sounds illegal." Lumalapit na siya sa akin at hindi ko magawang umatras. Niyuko ko ang aking ulo at binuhos ang aking mga luha.
Marami na ang nakatigil at nakatingin. Some are even recording and some are taking photos. Kilala si Marco kaya mabilis siya sa mga ganito. Kahit pala dito ay hindi ako makakatakas sa mata ng mga tao. Kung noon sa Norway ay kay Gab, ngayon naman ay kay Marco. Sinuot ko ang hood ng aking jacket at pinunasan ang aking mga luha.
"I'm sorry," Tinalikuran ko na siya at naglakad ng nakayuko. Ayokong mahagip ng mga camera ang aking mukha. This will going to be viral kaya sinisikap kong itago ang aking mukha.
Nang nakarating ako sa tower ay tinakbo ko ang daan patungong elevator. Pinindot ko agad ang up button at naghintay na bumukas ito. Pinalis ko ang mga panibagong luha bumabagsak sa aking pisngi. Bumukas na ang lift at agad na akong pumasok, pinindot ko ang floor ng aking condo. Tulala ako sa loob ng lift. Nakatingin ako sa aking reflection sa pintuan ng elevator. What have I've done? Dinala ko siya sa kapahamakan! Sa kahihiyan! Kung magiging viral ito ay paniguradong papabulaan na ito ng mga tao. Kilala siya sa mundo ng negosyo at isa siya sa mga kilala at successful bachelor ng Pilipinas. I've researched all about him, mga hindi ko naabutan noong umalis ako. Masisira ang pangalan niya nang dahil sa akin kung maleak man ito. Kapag nalaman pa ito nang Dorothy na iyon ay baka mas lalong lumala pa ang gulo.
Tumunog ang lift sa tamang floor at agad akong lumabas at nagdiretso sa aking condo. Hinubad ko ang aking jacket at sapatos. Dumiretso ako sa aking kwarto at nilabas ang aking maleta. Isiniksik kong lahat dito ang aking mga dadalhin papuntang Romblon. Iyon na lang muna ang iisipin ko sa ngayon. Patatapusin ko muna ito bago ko harapin ang mga nagawa kong eskandalo. Naligo na ako pagkatapos kong magimpake ng mga gamit. Habang umaagos ang tubig sa aking katawan ay ipinapanalangin ko na sana ay kasabay na nitong umagos ang bigat na aking nararamdaman. Wearing a sleeveless black top and a faded high waisted boyfriend jeans covered with gray cardigan. Sinuklay ko ang mahaba at tuwid kong buhok habang ngtitipa ng mensahe kay Monica. Nagpapasundo ako sa mga ito kapag nasa Romblon Airport na ako. It's half past nine in the morning and I'm ready to go.
Air trip ang aking byahe para mapabilis at makadating ako sa resort ng hapon. Nakaupo ako sa waiting area ng NAIA habang naghihintay ng announcement para sa flight papuntang Romblon. Hindi ko dinala ang aking sasakyan dahil nagcommute ako. Alas diyes y media pa lamang kaya may trenta minuto pa ako sa paghihintay. I'm checking my social media accounts para malibang ako. I scrolled my feed on f*******: at tumigil sa post ni Monica. They were already at the resort, they were on their floral maxi dresses together with their husbands behind them. I smiled at that photo because it reminds me of our high school days. I never thought na si Bethany at Wilder ang magiging magasawa. Para silang aso't pusa at walang bukas ang pagaaway at pagaasaran. I typed my comment 'so sweet' and Monica immediately reply.
Monica Patrice Carluccio:
We're waiting for you! Huwag mo kaming paghintayin..
Hindi pa pala siya nagpapalit ng apilido niya. Well, because they are not yet married. Bukas pa.
Chloe Madrigal:
Darating na ako. Wait lang..
I countinued scrolling my feed nang mapatigil ito sa isang shared video galing sa isa sa mga friend ko sa f*******:. Malayo ang kuha ng camera at medyo malabo ang resolution. I tap it once at agad kong narinig ang aking sariling boses sa video. Hindi iyon malinaw pero nakakasigurado ako na boses ko ito. Pinakatitigan ko ang video at napagtanto na kanina lang ito nangyari.
That was me and Marco sa Fort Bonifacio Street!
I knew it. It's going to be viral. Madami na ang views at sandamakmak na ang comments. There were harsh words thrown for me. Some are even curse me by making scandal at the street.
Tangina! Ang tapang ah.
Diba si Mr. Gomez iyan? Sino si ate girl? Hindi naman yan si Dorothy.
Ang lakas ng loob na mageskandalo! Sa gitna pa talaga ng madaming tao.
Ang alam ko ay engaged na si Mr. Gomez kay Dorothy Salazar. They were even on magazine! So sino itong girl na ito? Mistress?
Hoy ate girl! Naninira ka ng relasyon ng ibang tao!
Tama ba yung narinig ko? Inlove yung babae kay Mr. Gomez? Can't forget daw eh.
Naluluha ako habang binabasa ko ang mga comments. They were hard on me even for Marco. Karampot na pangyayari lang naman ang nasilip nila pero kung makapagsalita ay parang ang laki na ng nagawa kong kasalanan. Nagpapasalamat pa din ako kasi hindi pa naman ito nakikita ng aking mga kaibigan. Hindi ko alam kung anong mangyayari kung malaman nila. I just confessed in front of big crowd. In front of Marco. Ang paninindigan ko na makalimot ay tila nabuwal.
Nang nag alas onse ay nagtawag na ng mga pasahero para sa papaalis na eroplano. Sa tabi ng bintana ay tanaw ko ang mga tao na nakapila at pumapasok sa loob ng eroplano. Madali lang naman ang byahe, mamaya na ako matutulog kapag nakarating ako ng resort. Dalawa at kalahating oras ang itinigil ko sa loob ng eroplano. Nasa Tugdan na ako at naghihintay na ng tricycle para maihatid ako sa Aglicay Beach Resort. Hindi pa ako nanananghalian kaya kumakalam na ang sikmura ko. Nasa daan na ako nang tumawag sa akin si Monica.
"Chloe! Anong oras ka pa dadating? Magalas tres na ng hapon at wala ka pa din?" Hindi ko siya masyadong marinig dahil sa humahampas na hangin na salungat ng aming direksyon.
"Malapit na ako. Sakay na ng tricycle." Nilaksan ko ang aking boses.
"Okay sige," Binaba na niya ang tawag.
Trenta minuto akong nakaupo sa loob ng tricycle nang makarating ako ng Tablas Island. Tinulungan ako ng driver na ibaba ang aking maleta at dinagdagan ang aking bayad sa kanya. Nagpasalamat ito sa akin at umalis na ng resort.
May lumapit sa aking staff ng resort. "Magandang hapon po Ma'am. Kasali po ba kayo sa guest ng ikakasal?" Tanong niya sa akin. Sarado ngayon ang resort dahil sa kasal na magaganap bukas.
I smiled. "Oo, ako ang bridesmaid." Sagot ko.
"Ano pong pangalan niyo Ma'am?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa kanyang papel. Listahan siguro iyon ng mga guests.
"Chloe Scarlet Madrigal," Sagot ko. Naghintay ako sa kanyang sagot habang hinahanap ang aking pangalan sa guests list. Tahimik ang buong resort. At naririnig ko na ang pagkalam ng aking tiyan sa gutom. Siguro ay nagpapahinga pa ang mga iyon. Mainit pa ngayon kaya mamaya pa siguro sila lalabas para sa dagat.
"Ay Ma'am. Hindi po kayo magisa sa suite." Sabi niya at kinuha ang aking maleta para ihatid ako sa suite.
"May kasam-" Hindi niya natuloy ang sasabihin nang bumuga ng malakas na hangin sa paligid. Ang mga buhangin ay sumasayaw sa hangin at nillipad nito ang aking buhok. Sinikop ko ito at narinig ang pagbaba ng sasakyang panghimpapawid malayo sa aking likuran.
Tiningnan ko ang direksyon kung saan nanggagaling ang malakas na hangin at agad nagsisi dahil tumama ang marahas na hangin sa aking mukha. Nakatigil doon ang chopper at may bumabang dalawang lalaki. Pareho sila ng suot at matipunong pumwesto sa baba ng hagdanan. Sunod na bumaba ang lalaking hindi ko inaasahan na muli kong makikita. May sinasabi ang staff sa akin ngunit hindi ko iyon marinig. Nakatuon ang aking tingin sa lalaking bumababa ng hagdanan. Nililipad ang kanyang damit dahil sa malakas na hangin. Nagtahip ang aking dibdib nang mapatingin siya sa aking direksyon. Nakashades pa ito pero sigurado akong sa akin siya nakatingin. Tumatagos iyon sa suot niyang salamin. Bumulong siya sa isa sa mga lalaki sa kanyang gilid pagkatapos ay naglakad na sa aking direksyon.
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Tila nagugat na ang aking mga paa habang masusi ko siyang tinitingnan. Sobra sobra na ang kabog ng aking dibdib habang unti unting lumiliit ang distansya naming dalawa. Humupa na ang hangin nang lumipad muli ang chopper. Maging ang gutom na nararamdaman ko kanina ay nawala.
"Siya po ang kasama niyo. Nandiyan na po ang asawa niyo." Utas sa akin ng staff. Agad akong napatingin sa kanyang gawi.
"Asawa?!" I hissed. Nagulat ito sa akin at kumunot ang noo.
"Iyon po ang sabi niya," Bago pa ako makaapela ay may malaking kamay ang sumakop sa aking baywang. Nanigas ako nang bahagya niya itong hinaplos. Napabaling ang aking tingin sa kanya, wala na sa kanyang mga mata ang salamin. Nagtagis ang kanyang bagang habang nakatingin siya sa akin.
"Let's go," He commanded. Iginiya niya ang aking katawan papunta sa nakalaang suite para sa amin.
"Pakidala na lang ng mga gamit namin," Sabi niya sa staff bago muling tumulak sa suite. Sumusunod ang aking katawan dahil sa kanyang paggiya dito.
"Sandali lang," Sabi ko ngunit hindi niya iyon pinansin. Patuloy lamang siyang naglalakad habang ginigiya ang aking katawan.
"Marco," I called. Tumingin lamang siya sa akin ng saglit at ibinalik din sa daan ang tingin. Nahuhulog sa aking balikat ang cardigan kaya tumigil ako sa paglalakad. Huminto din siya nang maramdaman ang pagtali ko sa aking kinatatayuan.
"Bakit tayo magkasama sa isang kwarto? At ano iyung sinasabi sa akin ng staff? Asawa?" Tanong ko sa kanya. Nauna nang naglakad ang mga taong may dala ng aming mga gamit at umakyat na sa isang kubo.
"Baby, I'm tired. Let's rest first." He said.
"No! Answer me. What is this?!" Kanina lang ay nagkaroon ako ng eskandalo, hindi pa ako nadadala kaya heto at panibagong eskandalo na naman ang ginagawa ko.
"You can't be seen with me! Ano bang hindi mo maintindihan doon?" Pagod ako galing sa byahe pero hindi ko papalampasin ang kahibangan na ito. Nagpunta ako sa front desk ng resort. Hindi ito pwede. Hindi ako makakapayag.
"Miss, wala na ba kayong ibang available na suite? O kahit small room lang." Tanong ko sa babaeng nasa counter kaharap ang computer.
"Ma'am pasensya na po. Puno po ng guests ang mga suite at maliliit na kwarto dito sa resort. Wala na pong available." Sabi niya sa akin matapos niyang i-check iyon sa computer.
"Isa ako sa guest. Wala bang nakareserve para sa akin?" Histerikal kong tanong sa kanya. Muli siyang tumingin sa computer sa kanyang harap.
"Ma'am mayroon po." Nabuhayan ako ng loob sa kanyang sinabi. Nagpatuloy siya sa pagcheck sa kanyang computer. "Presidential suite po, kasama niyo po si Mr. Marco Gomez." Agad bumusangot ang aking mukha.
"No! No! No! What I mean is wala akong ibang kasama." I said.
"Iyon lang po ang kwartong nakareserve sa inyo. Si Mr. Gomez po ang nagpareserve nayun." She said.
I sighed. "May telepono ba sa kwarto ni Monica Carluccio?" Tanong ko.
"Opo Ma'am." Sagot niya sa akin. Tiningnan ko ang telepono na nasa tabi ng kanyang computer. "Tatawagan ko po ba?" Tanong niya sa akin.
"Yes, please." Hinilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha. Diniretso ko iyon sa akin buhok. Nang nasa linya na si Monica ay ibinigay sa akin ng babae ang telephone.
"Mon, hindi ka ba nagpareserve ng room para sa akin?" Tanong ko sa kanya. Narinig ko ang kaluskos sa kabilang linya.
"Hmm. Check mo sa reception." Her voice was husky. Siguro ay natutulog ito at nagising lamang nang tumawag ako.
"Mayroon, pero bakit kasama ko si Marco doon?" Kinakagat ko ang aking kuko.
"Siya nagpareserve niyan. Wala ng ibang available. Puno na ng mga bisita." Narinig ko ang kanyang paginat. Naiiyak na ako sa frustration. Ibinigay ko sa babae ang telepono at kumaripas ng lakad palabas. Wala na si Marco sa labas. Dumiretso ako sa dagat, kahit mainit ay nagtiis ako.
Umupo ako sa sun lounger. Tumulo ang luha sa aking pisngi dahil sa frustation. Masikip ang aking dibdib at para akong hinihika sa sobrang sama ng aking loob. The sun rays hits my face. Masakit iyon ngunit tiniis ko. Mapayapang humahampas ang mga alon sa dalampasigan. Kumukinang ang tubig dahil natatamaan ito ng sikat ng araw. Siguro mamaya kapag lumilom ay sasaglit ako sa dagat. Pinunasan ko ang aking luha at kinalma ang aking sarili.
Nang matuyo ang aking mga pisngi ay tumayo ako. Dumiretso ako sa suite kung saan nakareserve ang aking pagtira dito sa resort. Nakalock ang pintuan kaya kumatok ako ng tatlong beses. Naghintay ako sa pagbukas nito, nakapagpalit na ng damit si Marco. Pumasok ako sa loob nang hindi siya tinitingnan.
Isang kama lang ang nandito at isang sofa. Okay lang sana kung dalawang kama, atleast hindi kami magkatabi. Kahit gaano kalaki ang kamang iyan, hindi kami pwedeg magtabi. Ang aking maleta ay katabi ng kanyang mga gamit. Kinuha ko iyon at dinala sa sofa, pinatong ko iyon sa maliit na lamesa.
"Dito na lang ako sa sofa tutulog," I said. Binasag ko ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko pa din siya tinitingnan kaya hindi ko alam kung anong reaksyon niya.
He sighed. "Hindi mo kailangang diyan matulog. Malaki ang kama." He said.
"Hindi ka magkakasya kung dito ka matutulog," Kumuha ako ng isang unan sa kama at dinala sa sofa. Nagbukas ako ng cabinet at nakitang may isang puting kumot, kinuha ko iyon.
"No one's going to sleep on that sofa," He said. Hindi ko iyon pinansin at umupo na sa sofa. Hinubad ko ang aking cardigan at ipinatong iyon sa lamesa. Agad bumalot sa aking katawan ang lamig ng aircon. Hinubad ko ang aking sandals at itinago iyon sa ilalim ng lamesa. Binuka ko ang kumot at tinaklob iyon sa aking katawan. Humiga ako sa sofa at tumalikod sa kanya.
"Don't push my buttons," He said. Pinikit ko ang aking mga mata at nagkunwaring tulog. Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Pagkatapos ay mabibigat na yapak ang aking narinig, umagat ang aking katawan nang buhatin ako ni Marco.
"Marco!" Napatili ako sa gulat nang bigla niya akong sikupin sa sofa at buhatin. Piniglas ko ang aking katawan, pinagsusuntok ko ang kanyang dibdib ngunit hindi siya natinag. Binaba niya ako sa malambot na kama.
"Baby, please. Huwag ka nang makulit." Nakapamaywang na siya sa aking harapan. Ako pa ngayon ang makulit? Sa aking pagiging puno ay tumayo ako at hinarap siya. Pinantayan ko ang kanyang tingin.
"Ako pa ngayon ang makulit? Ako pa ang matigas ang ulo? Bakit? Sino ba sa atin ang may gusto nito? 'Diba ikaw?! Hindi ito mangyayari kung sana ay hindi ka nakikialam!" Tumataas baba ang aking dibdib. Punong puno na ako na gusto ko na siyang sigawan.
"Hindi ko kailangan na kasama kita sa isang kwarto! Hindi ko gusto na nasa iisang bubung tayo! I am suffocating!" Sigaw ko sa kanya. Nananatiling mapupungay ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Bumagsak ang mararahas kong luha na akala ko ay naubos ko na kanina.
"Ako na nga ang lumalayo. Ako na ang nagaadjust. Kahit masakit para sa akin kasi mahal kita!" Lumalabo ang aking paningin dahil sa luha. Ang lamig ng aircon ay hindi ko alintana.
"Ano bang hindi mo maintindihan sa hindi ka pwedeng makita na kasama ako? Alin doon Marco! Ipapaliwanag ko ng paulit ulit sayo!" Unti unting nagiba ang kanyang ekspresyon. Naging seryoso na ito habang titig na titig sa akin ang kanyang mga mata.
"Grabe sila kung laitin ako. Ang sasakit ng mga salitang binabato nila sa akin. Parang hindi ako tao. Parang hindi ako katulad mo, nila! May damdamin din ako, Marco! Nasasaktan pa din kahit wasak na wasak na ako." Humahagulhol na ako kasabay ang aking mga luha. Kumakabog ng malakas ang aking dibdib. Inalala ko ang napanood kong video kanina, ang bilis namang kumalat.
"Bakit ba ako ang lumabas na masama kung nagmamahal lang ako? Bakit ba parang hindi ko pwedeng maramdaman iyon? Ganoon ba kadamot ang mundo para pagkaitan ako?" Pinunasan ko ang luhang lumalandas sa aking pisngi. May panibagong luha naman ang pumatak sa pagpupunas ko sa mga ito.
"Tanggap ko na Marco. Tanggap ko na na hindi ka na ulit magiging akin. Ang hindi ko lang matanggap, ginagawa akong demonyo ng mga tao. Itinuturing na salot at sagabal sa inyo." Kahit nanalabo ang aking mga mata ay nakikita ko pa din ang pagtatago ng kanyang ngiti.
"Pinagtatawanan mo ako kasi balewala na itong nararamdaman ko? Ang tagal na nito diba? At hindi man lang nabawasan." Huminga siya ng malalim habang lumalapit sa akin. Nakangiti pa din. Hinuhuli niya ang aking mga siko ngunit iniilag ko iyon.
"Tama na... Mahal kita, pero tama na. Ayoko nang magpakatanga." Umalis ako sa kanyang harapan at nagtungo sa pinto.
Ilang hakbang pa lamang nang nakalampas ako sa kanya ay hinablot niya ang aking braso, dahilan para mapaharap akong muli sa kanya. Lumapat ang kanyang labi sa akin, sa gulat ko ay napaatras ako hanggang sa maramdaman ko ang malamig na kahoy sa aking likod. Narinig ko ang click sa aking tagiliran, nilock niya ang pintuan. Umibo ang kanyang labi dahilan ng paggalaw ng aking bibig. Sumusunod ito sa kibot ng labi ni Marco. Pinikit ko ang aking mga mata nang maramdaman ang paglalim ng kanyang halik. Kinagat niya ang aking pangibabang labi bago hiwalayan ang aking labi.
"I missed you so much," He breathes. Unti unti kong minulat ang aking mga mata at nakita ko na sobrang lapit namin na isa't isa. Ang aking mga kamay ay nasa kanyang dibdib, nilulukot ang kanyang damit. Magkadikit ang aming noo.
"After everything you confessed, sa tingin mo papakawalan pa kita?" May panunuya ang kanyang tono nang sabihin niya iyon. Hinaplos niya ang aking balikat pababa sa aking mga siko.
"Yes, I am bound to marry Dorothy," Tumulong muli ang aking mga luha sa kanyang sinabi. I knew it, at ngayong nakumpirma ko na ay masakit pala talaga.
"But I don't care. I am bound to marry for love, not for that f*****g arrangement At matagal ko nang inurong iyon." Napaangat ako sa kanyang sinabi. Kahit papaano ay gumaan na ang aking loob. Pinunasan niya ang luhang pumatak sa aking pisngi.
"Seeing you cry is like stabbing my chest a million times," Sabi niya habang tinutuyo ng kanyang mga daliri ang aking pisngi. Muli niyang dinampian ng mababaw na halik ang aking labi. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at inilipat ang halik sa aking noo.
"I told you to don't push my buttons," He said. Damn heartbeat.