Kabanata XXIII

3858 Words
Five Minutes "Marco! Kakasabi ko lang na sparring this Saturday. Hindi ko sinabing palitan ang partner!" Singhal ni Gus sa pinsan nitong si Marco. "Ang layo naman ng saprring sa partner. Malaking difference!" Sigaw nito. Hindi man lang iyon pinagtutuunan ng pansin ni Marco. Sa akin lamang ito nakatingin at sinisipat ang buo kong katawan. "You should wear something covered next time," He said. What?! I am covered! My boobs aren't showing. Ano bang sarili niyang kahulugan sa salitang covered? "Hindi pa ba covered itong suot ko?" Sabi ko sa kanya. Pinagtaasan ko siya ng kilay nang nakitang bahagya pa itong nangingiti sa aking sinabi.  Inirapan ko siya at tumayo, dinampot ko ang boxing gloves. Wala akong mapapala kung makikipagtalo na naman ako sa kanya. Baka mamaya sumulpot dito si Dorothy at putulin na naman ang kaligayahan ko. Ayoko nang masanay. Hindi ko pa man iyon nahahawakan ay nakuha na niya. Hinablot niya ang aking palapulsuhan at isinuot dito ang gloves. "I can do it myself!" May diin kong sinabi. "I know," He said. "You knew, then why are you doing this?" Singhal ko sa kanya. "Because I want to, baby." Pumungay ang kanyang mga mata nang harapin niya ako. Tapos na siya sa paglalagay ng mga gloves sa aking kamay. Don't you ever fall, Chloe! Just don't! "Co-Coach, let's do it again." Hinarap ko ang aking trainer at iniwan si Marco sa aking kinatatayuan kanina. "With kicks naman?" Tanong nito sa akin. "Anything, Coach." I said. Kung may kasama nang sipa ay kailangan ko nang magtanggal ng sapatos. "Do I need to remove my shoes?" I asked. "Yes, of course." Sabi nito. Umupo ako sa may gilid. Kung ganoon, ay kailangan ko din munang tanggaling ang aking gloves? Too much work! Bago ko pa matanggal ang gloves ay inaalis na ni Marco ang pagkakatali ng aking sintas. Dahan dahan niyang hinubad ang aking sapatos at inilagay niya pa ito sa tabi. Maging ang aking low cut socks ay hinubad nito at ipinasok sa loob ng aking sapatos. "I know you can do this. But I insist. It will be too much work for you kung tatanggalin mo pa pati yang gloves mo." Pangunguna niya sa akin. Bumubuka ang aking bibig ngunit walang lumalabas na salita. Nakita kong naglalakad na palayo ng boxing ring ang pinsan nitong si Gus. Bakit hindi pa siya sumunod? Pumwesto ito sa aking likod at sinikop ang aking katawan para mapatayo. Tumama ang aking likod sa kanyang dibdib. Pareho pa kaming pawisan kaya init ang aking naramdaman nang maglapit ang aming katawan. Pasimple pa niyang hinaplos ang aking mga braso na naghatid agad sa akin ng kiliti. Ang aking mga balahibo ay nagsitaasan nang daanan niya iyon ng haplos. Umiwas kaagad ako at lumayo. Pumunta na ako sa kinatatayuan ng aking trainer at hindi na siya nilingon. "Just do as I say. Okay?" Tinanguan ko ang aking trainer at inayos na ang aking pagkakatayo. Pinaltan na niya ng wide pads ang kanyang hawak at iyon na ang aking susuntukin at sisipain. Muling tumunog ang ang bell at nagsimula nang magkomando ang aking trainer. Madali ko namang nasundan ang kaniyang komando. Pamilyar ako sa iba't ibang klase ng sipa kaya nasusundan ko siya. Front, side, push and roundhouse kick ang mga klase ng sipa na kanyang pinagawa sa akin. Sinamahan ko iyon ng knee and elbow strikes dahil pinagawa niya rin iyon sa akin. Nang tiningnan ko ang orasan ay dalawang minuto na lang ang natitira. Tinodo ko na ang aking lakas sa pagsipa habang sinusundan lahat ng minamando ng aking trainer. Nasilip ko na may nanunuod na naman habang ginagawa namin iyon ni Coach. Nasulyapan ko din si Gus at Marco sa gilid na manghang mangha sa aking ginagawang moves sa pagsuntok at pagsipa. Sampung segundo na lang ang natitira. Gumanti ng sipa ang aking trainer at nakaiwas agad ako. Hinuli ko ang binti nito gamit ang aking kaliwang kamay at ito'y sinikop. Pinagsusuntok ko gamit ang aking kanan ang nakasanggang pads sa kanyang mukha at tiyan. Dinadala ko siya sa gilid para makorner. Limang sengundo at huling sipa ang ginawa ko. Nilagay ni Coach ang isang pad sa kanyang kaliwang tainga at agad ko iyong sinipa. Napatiad ako habang sinisipa iyon dahil mataas na bahagi iyon. Tumunog ang bell at lumayo ako kay coach. "Halos alam mo na ang lahat ha. Ang bilis mong magcatch up." Hinihingal kaming dalawa at pawisan. "Thanks to you," Lumapit ako sa aking tubigan at hinubad ang gloves. Dinampot ko ang aking tubigan at inubos ang laman nito. Alas nueve nang matapos ang unang session sa kickboxing. Nagpaalam na ako sa aking trainer at naglakad na palabas ng gym. May mga gustong kumausap sa akin habang palabas ako ng gym kaya natagalan ako. Nginingitian ko na lamang ang mga ito o 'di kaya'y sinasagot ang kanilang mga tanong na alam ko namang sagutin. They want to know me and that's all. Nang makababa ako sa hagdan ay isinuot ko ang aking ball cap. Tiktik na ang init kaya masakit na iyon sa balat. Hindi ako nakapagdala ng jacket dahil sa kalapitan ng aking condo mula sa gym. Hindi na din ako nakapagdala ng pamalit na damit kaya basa sa pakiramdam ang aking suot. Hindi pa man ako nakakahakbang ay nasulyapan ko na si Marco sa hindi kalayuan. Nakasandal ito sa isang itim na Cayenne at mukhang bagong ligo. Iba na ang kanyang damit ngunit iyon pa din ang sapatos. He's wearing a faded jeans and a white round neck T-shirt. Nakatungo ito at tila nagtitipa sa kanyang cellphone. Umaangat ang kanyang tingin sa gym at pagkatapos ay sa kanyang cellphon naman. Umangat muli ang kanyang tingin at nang nagtama ang aming mga mata ay agad niyang tinago sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone. Naglakad siya malapit sa akin at abot abot na ang tahip ng aking puso. Gusto kong humakbang pero nawalan ng lakas ang aking mga binti. "Where do you live? I can offer you a ride." Nakatingala ako sa kanya habang siya ay nagsasalita. Sa tangkad niyang five foot and ten inches ay hanggang leeg niya lamang ako. "Diyan lang ang condo ko. Nilalakad ko lang." Sabi ko. Narinig ko siyang bumulong at nangiti na lamang sa kanyang sinabi. "I brought my car for you. Malapit lang pala." Bumuntong hininga pa siya. So that's his car. Hmm, umangat na nga talaga siya. Dati ay sedan lamang ang ginagamit naming dalawa pero ngayon ay luxurious na ang sasakyan niya. What more kung pati ang bahay niya ay luxurious din. Dorothy's a lucky woman, then. "I'll go now," Tumalikod na ako sa kanya at naglakad. Hindi na ako naghintay ng kanyang sagot. Ngunit napatigil ako sa paglalakad nang harangin niya ang dinadaanan ko. "Want something to eat?" He asks. "No. Magluluto na lang ako sa condo. Thanks." Nilagpasan ko na siya at muling nagpatuloy na sa paglalakad. Binuksan ko na ang pintuan ng aking condo at dumiretso sa kusina. Hinubad ko ang aking sumbrero at nagbukas ng ref. Kumuha ako ng pitsel ng tubig at nagsalin sa baso. Tumunog ang aking cellphone sa isang mensahe. Inubos ko muna ang tubig na nasa baso at kinuha sa aking waist bag ang aking cellphone. Nakita ko sa screen ang numerong ginagamit ni Marco. Unknown: Baby... let's have lunch together. Wala ba itong trabaho at ako ang ginugulo? Ano na lang ang sasabihin ng mga makakakita sa amin? That I am his b***h? Oh please! Unknown: I'll fetch you. Hindi niya ba talaga ako titigilan? Alam ko kung saan ang lugar ko. Paano kung malaman ito ni Dorothy o kaya ng pamilya niya? I will be damned for sure.  Unknown: Please, don't be hard on me. Ako pa ba? Ako pa talaga? Ako: Please Marco. Stop bugging me. I know where my place is. At gusto ko lang na manahimik na tayong dalawa. Alam kong hindi naging maganda ang huli nating pagkikita. If this will be your revenge, okay fine. I will accept my defeat. Just stop getting involve with my life again. I want to forget you. I want to completely forget you. But I couldn't. Sa unang pagkakataon ay nagawa kong magtipa ng mensahe para sa kanya. Nahihirapan pa ako sa pagpindot ang 'send' dahil nagdadalawang isip ako. Sa huli ay pinindot ko na ito at bahagyang tinapon sa lamesa ang aking cellphone. Hindi na siya nagreply o tumawag man lang pagkatapos kong magreply sa kanya. Mabuti na iyon dahil ayoko nang magkaroon pa kami ng komunikasyon. Hindi ko maitatago na nagugustuhan ko ang pagiging pursigido niya sa akin. Pero sa kabilang banda, alam ko ang dapat kong lugaran. I was never sure kung totoo ba iyung balibalita sa kanila nang Dorothy na iyon. Ayoko lang magassume. Baka kapag sumunggab ako, tripleng sakit lang ang iparamdam nito sa akin. Iba ang pagiging pabebe sa hindi agad nagaassume. Lumikdang ako ng isang araw sa gym. I am sore all over my body especially my arms. My hands are shaking and it gets numb any moment. Pinagpahinga ko ito kahit isang araw lang. Mabuti naman at agad humupa ang sakit at bigat ng aking katawan. Kahit ilan taon ko na itong ginagawa ay hindi pa din nasasanay ang katawan ko. Biyernes na at mamayang tanghali ang flight ko papuntang Romblon. Kasal nina Monica at Francis sa sabado at ako ang kanilang maid of honor. Madali lang naman ang magiging byahe dahil eroplano naman ang sasakyan ko. Nilakad ko ulit ang papuntang gym sa mas maagang oras. This time, nagdala na ako ng jacket at towel para sa pawis at mapantakip ko kapag pauwi na ako dahil sa init. Inayos ko ang pwesto ng aking waist bag habang nagjojogging. Hinihingal agad ako pagkadating ko sa front habang naglalog in. "Aga natin ngayon, Chloe!" Pambungad sa akin ni Gus habang bumubili ito ng tubig sa counter. Please don't start with me, hindi maganda pakiramdam ko. "Nandito ba si Coach?" Tanong ko sa babae, binalewala ang pagbati sa akin ni Gus. Kakaunti ang tao ngayon kaya maluwag pa ang daanan. "Opo, maaga din po iyon ngayon." Sagot niya sa akin. Nang natapos ako sa log in ay naglakad na ako papunta sa boxing ring. "Ang sungit naman. May dalaw?" Pangungulit ni Gus sa likod ko. Sinundan pala ako ng hinayupak na ito! "Shut up!" I hissed. Napatingin ako sa room ng weightlifting at agad na nagtama ang mata namin ni Marco. Pawisan na ito at nakaupo sa bench, siguro ay namamahinga matapos gawin ang kanyang workout. Agad na nagtahip ang aking puso sa klase ng tingin na iginawad niya sa akin. Mabigat at puno ng kadiliman ang kanyang mga mata. Kagaya noon, misteryoso. "Ano ka ngayon? Tiklop ba?" Gus whispered to my ear. Napatingin si Marco sa aking likod kung saan naroon si Gus at bumubulong sa akin. "Ivan Augustus," Marco called. Kaagad namang lumayo sa akin si Gus. Bago ito makalayo ay sinipa ko ang kanyang binti. Nagsumigaw ito sa sakit dahilan para mapatakbo ako papasok ng boxing ring. Naabutan ko si Coach Kobe na nagsasanitize ng mga equipment sa rack kung saan nakalagay ang mga gamit pang boxing. Lumingon ito sa direksyon ko nang maramdaman na may tao na sa ring. He smiled. "Wala ka kahapon?" Tanong nito sa akin. "Pasensya na po hindi ko nasabi. I'm sore and can't get out of bed." I chuckled. Kumuha siya sa rack ng mga gagamitin namin para sa session ngayon. Inilapag niya iyon sa hagdanan ng ring at bumalik ulit sa rack para kumuha ulit. Tinulungan ko siyang magakyat ng mga ito sa loob ng ring. "Hinahanap ka ng mga lalaki dito kahapon," Sabi niya sa akin. "Bakit naman po?" Tanong ko. "They seemed to have fun watching you," Sabi nito habang umaakyat sa ring. "Pwede ko bang subukan na ako ang magwrap nito sa kamay ko?" Tanong ko. Pambabalewala ko sa kanyang sinabi.  "Oo naman. I believe, pro ka na dyan!" He chuckled at his thought. I can't help but to laugh. Sinimulan ko sa kaliwang kamay ang pagpulupot ng tela. Isinabit ko sa aking thumb finger ang loop sa dulo ng tela at pinadaan ang unang ikot nito sa aking wrist. Mahaba naman ang tela kaya anim na ikot ang nagawa kong pagpulupot niyon sa aking knuckles. Isiningit ko sa bawat gitna ng aking daliri ang tela para masecure ang ginawa kong loop. Kapag pinapaikot ko iyon ay tinitikom ko pagkatapos ang aking kamay, para malaman ko kung gaano pa kasikip o kaluwag ang akig gagawing pag ikot nito sa aking kamay. Isang ikot pa sa aking palapulsuhan at natapos na ako sa kaliwang kamay. "I told you," He said. Pinanuod niya ako habang pinupuluputan ng tela ang aking kamay. I just smiled at him at nagsimula na sa aking kanan. Ginaya ko lamang ang proseso na aking ginawa sa kaliwa. "Anong oras ang alis mo papuntang Romblon?" Nakasilip si Gus sa baba ng ring. Hindi niya kasama si Marco kaya bigla akong nanlumo.  What's that Chloe? Anong nangyari? Akala ko ba you know your place? "Mamaya pang eleven. Bakit?" Tanong ko sa kanya habang binabalot ang aking kamay ng tela. "Wala naman. Tinatanong ko lang." Nakatingin ito sa aking mga kamay habang binabalot ko ito ng itim na tela. "Kamusta si Lauren? Hindi na siya pwedeng bumiyahe ng malayo, so hindi kayo makakasama?" Tanong ko. Si Isabella ang doktor ni Lauren hanggang sa makapanganak ito. Pinayuhan niya si Lauren na huwag nang bumiyahe ng malayo dahil sa kanyang kalagayan. "Nahihirapan na nga siya kahit hindi niya pa kabuwanan. Umiiyak tuwing gabi, sumasakit daw ang kanyang tiyan. Hindi nga kami makakasama kung ganoon ang kalagayan niya." Sabi nito sa akin. Natapos ko na ang pagbabalot ng aking mga kamay, umupo ako para maglebel ang aming paningin. "Poor her, it's your fault. Masyado kang straight to the point!" Panunuya ko sa kanya. May ngisi ang aking mga labi at unti unting sumilay ang kanyang ngisi. Inaamin ko na may pagkakatulad sila ni Marco. Dahil sa magkadugo ang dalawa, pareho sila ng mata. Pitch black and mysterious. Pareho din sila ng kapal ng kilay ng umaangkop sa features ng kanilang mukha. Sa kutis ay nagkakapareho din ang dalawa, hindi gaanong maputi at mas lalong hindi maitim. More of a cool toned neutral brown. Fair but not as porcelain. Mas matangkad si Marco sa kanya at mas malaki ang pangangatawan. "I can't help it. She's just irresistible." He whispered. Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Magpinsan nga ang dalawa!  "Oh my god! You freaking jerk!" Sigaw ko sa kanya. Binato ko sa kanya ang aking tuwalya at tumama ito sa kanyang mukha. Humalakhak ito ng malakas dahilan para mapabaling ang atensyon ng ibang nandito sa gym. Nasulyapan ko si Marco na nakasandal sa hamba ng pintuan sa boxing studio. Nakaekis ang mga braso nito sa kanyang dibdib. Kitang kita ang pagkakahati hati ng kanyang mga muscles sa kanyang braso. Sa suot nitong tank top at sweatshort ay kitang kita ko ang pagiging ripped ng kanyang balikat, dibdib at mga braso. Napaawang ng bahagya ang aking bibig at parang may tumutulong invisible laway. Madidilim at mapanganib ang kanyang mga mata habang nakatingin sa aming direksyon. Nagiwas agad ako ng tingin nang tumama ang kanyang mga mata sa akin. Tinikom ko ng madiin ang aking bibig at tumayo. "Umalis ka na nga! Magsisimula na kami. Baka ikaw ang masuntok ko!" Inirapan ko si Gus at iniwan siya sa kanyang pwesto. Naguguluhan ang kanyang ekspresyon sa biglaan kong pagtataboy sa kanya.  "Nakita mo lang si Marco, nataranta ka na." Panunuya niya sa akin. Babatuhin ko na sana siya ng aking bag nang tumakbo na ito palayo. Ilang sandali lang ay umalis na ito at nagpunta na sa kabilang studio. Nilampasan niya si Marco at tinapik lamang ang balikat nito. Naiwang nakatayo duon si Marco habang nakatitig pa din sa akin. Hindi ko siya matingnan ng ayos sapagkat parang nanunusok ang kanyang mga mata. "Coach, can we spar? Ako na din muna ang magtuturo sa kanya." Hindi ko napansin ang kanyang paglapit at biglaang pagpasok sa loob ng ring. Nagugat ang aking mga paa sa aking kinatatayuan at hindi ko man lang siya malingon. "Pwede naman. Pero imbis na sparring ang gawin nyo ay ibang activity ang ipapagawa ko." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Coach Kobe. Sparring? Bakit? Kaming dalawa?! Hindi iyon dahil sa natatakot ako. Sanay ako sa sparring kahit noong nasa Norway pa ako. Sparring partner ko noon si Gab at hobby namin iyong dalawa tuwing gabi after school or work. "Para itong wrestling, maguunahan kayo sa pagkuha ng belt na isasabit ko sa gitna. Hindi iyon magiging madali dahil nga mag aagawan kayo. Kung sino ang makakuha ng belt, libre ng isang linggo dito sa gym. Madedevelop dito ang cooperation ng inyong katawan sa inyong isip." Litanya ni Coach. What kind of activity is this? Kami, mag aagawan ng belt? At kami, mag... wrestling?  "I loose. Ayoko Coach." I butted. "Hindi pwedeng umayaw," Nagsalita siya sa aking likod. Nagtaasan ang aking mga balahibo nang maramdaman ko ang kanyang presensya sa aking likod. Humarap ako sa kanya at nagbabalot na ito ng kanyang kamao. Seryoso siya habang ginagawa iyon. Mabilis ang kanyang pagbalot at sanay na sanay siya base sa kanyang bilis ng pagbabalot. Hinubad niya ang kanyang sapatos at medyas at tinabi iyon kung saan nakalagay ang aking tubigan.  "Don't worry, Chloe. He's a professional fighter." Sambit ni Coach habang kinakabit niya ang belt sa taas. "But I'm not!" I hisses. It's just my hobby at hindi naman ako kasing professional niya. Baka mabalian ako ng buto. Bumaba siya sa ring at dumiretso sa rack, may kinuha siya doong hindi ko alam at bumalik agad sa ring. Isinuot niya sa kanyang paa ang foot pads na kinuha niya kanina. Lumapit siya sa akin at mataman akong tiningnan. He's towering over me making me arched my neck. "Sit," He said firmly. Sa hindi ko malamang dahilan ay napasunod niya ako. Mabilis akong umupo nang sabihin niyang umupo ako. Pinagdikit ko ang aking mga tuhod sa aking dibdib. Umupo siya sa aking harapan at hinubad ang aking sapatos. Inilayo ko iyon sa kanya ngunit mariin niyang hinawakan ang aking bukong-bukong. "A-Ayoko," I said stuttering. Tiningnan niya ako sa mata. "Come on. Parang hindi mo ito ginagawa." He said. May ngisi ang gilid ng kanyang labi. Hindi dahil sa natatawa siya, para siyang galit at hindi makapaniwala ng tumatanggi ako. Nilunok ko ang aking laway habang inaalis niya ang aking sapatos. Dahan dahan at puno ng pag iingat niyang inaangat ang aking paa habang hinuhubad ang sapatos. Isinuot niya sa akin ang foot pads at hinigpitan ang dikit nito, tama lang para hindi agad iyon mahubad. Tumayo na siya at nakipagusap na kay Coach Kobe. May pulang belt na pang taekwondo ang nakasabit sa taas ng ring, nakalawit iyon at tatalunin ko lang ay maaabot ko na. Nakita kong umalis ng ring ang aking trainer palabas ng kwartong ito. Agad akong nabahala nang maiwan ako dito kasama si Marco. Kaming dalawa lang ang narito at sobrang tahimik pa. Nagulat ako sa biglaang pagtunog ng bell. Tatlong minuto ang nakasaad duon at dalawang segundo na ang nabawas. Hindi ko alam ang aking gagawin at hindi din naman siya gumagalaw. Naglakad ako sa gitna at tumiad para abutin ang belt. Hindi ko pa man naitataas ang aking kamay ay humampas na ang aking likod sa sahig ng ring.  "Are you hurt?" Nakapatong sa akin si Marco at mariing hinahawakan ang aking palapulsuhan, inilagay niya iyon sa taas ng aking ulo at hinigpitan ang hawak dito. "Bitawan mo ako!" Sigaw ko. Pumipiglas ako sa kanyang ilalim ngunit nakaipit ang aking mga hita sa kanyang mga binti. Mabigat siya kaya nahihirapan akong makawala sa kanyang ilalim. Nakatitig siya sa akin at seryoso ang kanyang mukha. Walang ipinapakitang ekspresyon ang mga ito. Nakawala ang aking kaliwang kamay at agad kong pinagsusuntok ang kanyang dibdib. Dumaing siya sa sakit at nagluwag ang kanyang hawak sa akin. Gamit ang aking kanang paa, nilagay ko iyon sa kanyang tiyan at hinawakan ko ang kanyang balikat. Buong lakas ko siyang tinulak para maalis siya sa aking ibabaw. Bumagsak siya sa aking ulunan at rinig na rinig ko ang kalabog ng kanyang pagkakabagsak. Mabilis akong tumayo at pumwesto sa gitna. Nilundag ko ang aking katawan para abutin ang belt nang bigla itong tumaas. Somebody's controlling it? "What the f**k?!" Napamura ako nang hanggitin ni Marco ang aking palapulsuhan at hinila ako sa isang corner ng ring. Idiniin niya ang katawan niya sa akin at sobrang lapit ng aming mukha. Halos maduling ako nang tingnan ko siya. "Let's see what you've got," He said. Umatras siya ng kaunti at inilagay ang magkabilang kamay sa lubid. Still cornering me. "What is this, Marco?!" I hissed. "Nagpunta ako dito para sa session ko, hindi para makipaglaro sayo!" Tinulak ko ang kanyang dibdib ngunit hindi man lang siya naalis sa kanyang pwesto. Walang naging epekto ang pagtulak ko sa kanya. "Ako muna ang trainer mo ngayon," Hell no! Sinipa ko ang kanyang binti at tinagilid ang aking katawan. Buong lakas kong binunggo ang aking braso sa kanyang dibdib. Napaatras siya sa aking ginawa at nakalas ang hawak siya sa mga tali. Sinipa ko ang kanyang tiyan at umatras ang kanyang katawan. Pumwesto akong muli sa gitna at lumundag para abutin ang belt. Muling tumaas ang tali, sa aking pagbagsak ay siya ding bunggo ng katawan ni Marco. Imbis na katawan ko ang bumagsak sa sahig ay katawan niya ang bumagsak. Ako ang nasa kanyang ibabaw habang mahigpit niyang yakap ang aking katawan. I am straddling my legs on his waist and my head is resting on his chest. Inangat ko ang aking katawan ngunit hinawakan niya ang ang palapulsuhan. Nakaupo ako ngayon sa kanyang ibabaw habang mariin niyang pinipirmi ang aking mga kamay sa kanyang dibdib. "Marco, I'm tired of this! Let's just stop!" I yelled. Pawisan na kaming dalawa at pareho na kaming hinihingal. Hindi niya pinapansin ang aking sinabi at mataman lang akong tiningnan. Sumilay ang kanyang malawak at matamis na ngiti. That smile make me damn so weak. "You're now on top of my world," He whispered. Tama lang para maayos ko iyong marinig. Naramdaman ko ang kanyang erection sa gitna ng aking mga hita. Nanlaki ang aking mga mata habang gulat na gulat ko siyang tinitingnan. "Hoy! Iba na iyan!" Sigaw ni Gus sa hamba ng pintuan. Napalingon ako sa gawi niya at nakatingin ito sa amin at tila kanina pa kaming pinapanuod. May ngisi ang kanyang labi at nagthumbs up pa ito sa amin. May hawak siyang tansi at sinundan ko iyon kung ano man ang hinahawakan niya. Nakakonekta iyon sa belt na nakasabit sa gitna at siya ang nagtatas nayun kapag kukunin ko na.  Kumunot ang aking noo sa kanyang ginawa. What's the meaning of that thumbs up? Binaling ko ang aking tingin kay Marco, dumaan sa kanyang mga mata ang lust and desire. "I'm gonna kill you!" Hindi ko magawang makaalis sa ibabaw ni Marco dahil kapit niya ako. Gusto kong putulan ng hininga ngayon na si Gus dahil pinaglalaruan niya ako kanina. Binitawan na nito ang tali at bumagsak sa aming tabi ang pulang taekwando belt na kanina ko pang inaabot. Umalis siya sa kwarto at hindi ko na alam kung saan nagpunta. "He's saluting my queen. I guess." His hardness was in full blast now. Kinagat niya ang kanyang labi habang tinititigan ang aking mukha. Piniglas ko ang aking mga kamay sa kanyang pagkakahawak. Nakalas naman iyon at parang hinyaan niya pa. Itinakip ko iyon sa aking mukha dahil sa kahihiyan. Hindi ko man lang magawang kumilos at umalis sa kanyang ibabaw.  I heard him chuckled at marahang umupo. "Oh damn, baby." He said. The bell rang and the five minutes has ended.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD