Kabanata XXII

3741 Words
Sparring Partner Pinaulanan agad ako ni Isabella ng mga mapanuyang tanong. I called her para tanungin siya kung binigay ba niya ang number ko kay Marco. Nagsend din ako ng mensahe maging kina Bethany at Lauren, ngunit wala akong nakuhang matinong sagot sa mga ito. Kahit si Everly at Monica na busy ngayon ay hindi rin magkamayaw sa pagirit nang sabihin ko sa mga ito na tinawagan ako ni Marco. "Didn't you happy? Ikaw na nga tinawagan." Isabella said giggling. "How would I be happy? I want to forget him completely, pero heto na naman at nagpaparamdam." The day I left my home will be the day that I decide to pursue my dreams. Pero kaakibat niyon ang hindi pagkibot at pagpaparamdam sa akin ni Marco. I never thought this would come. He supposed to be mad at me for leaving. But he didn't. "He's still pursuing you, Chloe. Hindi mo ba iyon gusto?" Isabella asked. I want it, pero hindi pwede. "He's with Dorothy," Kahit gusto kong bumalik sa kanya, hindi na pwede. Hindi na maaari dahil sa iba na siya nakalaan. "Tinanong mo na ba siya about that? Maging kami ay hindi din naman namin alam. He's family's secretive, especially to that. Malay mo pinsan lang pala" What's the use? Kapag naman sinasabi ko iyon sa kanya ay hindi naman nito tinatanggi. He even chuckled or make fun at me kapag sinasabi ko iyon. "Pinsan? Malabong mangyari. Noong tinawagan kong fiance niya si Dorothy ay hindi naman siya umapela. So I guess, totoo nga." Litanya ko. "You should asked. Para maliwanagan ka." I can't. I just can't. Maybe natatakot ako sa magiging sagot. Paano kung totoo? Wasak na naman ako. Naputol na ang tawag nang tapos na akong makipagusap sa kanya. It's still evening in BGC at hindi man lang ako nakakaramdam ng gutom. I'm still on my robe at nagkalat pa din sa sahig ang aking mga damit at sapatos. Tamad na tamad akong kumilos at maging ang aking paghakbang ay nagmistulang pasan ang mabigat na sako ng semento. Tinitigan kong muli ang numerong gamit ni Marco noong tinatawagan ako. Anong kailangan niya? Kung totoo man na kinukuha niyang muli ang loob ko, dapat ba akong maging masaya? Nakatulugan ko ang pagiisip ng madaming tanong tungkol sa numerong iyon. Tumama ang sikat ng araw sa aking mukha mula sa bintana. Hindi ko pala iyon nasaraduhan kagabi. Anong gagawin ko ngayon? Wala naman akong trabaho pa kaya hindi ako makakaalis ng condo. It's Thursday, unang linggo ko sa Pilipinas. Maybe I will go down for gym. Nakakita ako ng gym with martial arts training malapit lamang sa tower ng condo. Konting lakad lang iyon mula dito. Niligpit ko muna lahat ng nagkalat sa sahig at nilagay iyon sa laundry basket. It's only six in the morning kaya may oras pa ako para kumain ng almusal bago tumulak sa gym. Nilinis ko muna ang aking kwarto bago ako lumabas para dumiretso sa kusina. I prepare an egg and mayo sandwhich. Gumawa din ako ng smoothie with some greens and fruits. This is my usual breakfast kapag gusto ko ng masyadong mabigat sa tiyan. Magpapapawis ako ngayon kaya paniguradong magugutom ulit ako pagbalik ko dito. Naglinis ako ng katawan, mamaya na ako maligo kapag tapos na ang session ko. I am wearing a black leggings paired with red racer back loose tank top and a black sports bra. I put on my grey Huarache shoes. I infused my water with lemon and cucumber, I like my water that way because of its flavor. Mas ginaganahan akong inumin iyon. My hair is on high ponytail and I don't have any makeup on. Kitang kita ang namumula kong mga pisngi at labi, I pressed my lips hard together to add more redness to it. Nagdala ako ng putting ball cap at isinuot iyon sa aking ulo, kahit maaga pa ay mainit na sa labas. I brought a waist bag to store my phone, keys and my wallet. Dala dala ang aking water bottle ay sinarado ko na ang aking condo.  Pinindot ko ang down button ng lift at naghintay ng pagbukas nito. May iilan na din akong kasabay na naghihintay sa aking tabi, nginingitian ko ang mga ito kapag napapadako ang tingin ko sa mga ito. Bumukas ang lift at isa isa na kaming pumasok. Sumiksik ako sa dulo para bigyan sila ng espasyo para makapasok. Sinarado na ng nasa unahan ko ang lift, habang nasa loob ay iniisip ko kung ano ang gagawin ko sa gym. Usually, I did boxing, muay thai or toning but this time I want to hit something hard. Gusto kong ilabas lahat ng bigat na aking nararamdaman.  Kakaiba ang kinikilos ng lalaki sa aking tabi. Nakasuot siya ng itom na hoodie at balot na balot ang katawan, kahit mukha niya ay hindi ko makita. Matangakad ito at hanggang balikat lamang ako. Kakaiba talaga siya, iba ang pakiramdam ko sa kanya. Tumunog ang lift nang nasa ground floor na, dirediretso ang aking lakad palabas ng tower. Pinagbuksan pa ako ng security guard ng glass door. "Thank you po," Sabi ko kay manong at ngumiti, sinuklian din ako nito ng ngiti at sumaludo pa sa akin. Nagjogging ako papunta sa gym. This will be my warm up para hindi magulat ang katawan ko. Naramdaman ko na may sumusunod sa akin. Alam kong marami akong kasabayan sa paglalakad ngunit iba talaga ang pakiramdam ko. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa aking likuran. Nang tingnan ko naman ay walang suspicious na tao ang sumusunod. Bigla kong naisip ang lalaki sa elevator. Binilisan ko ang aking pagtakbo para makarating na agad ako. Nabubuhay sa aking loob ang kaba kaya bumubilis lalo ang t***k ng puso ko. Five minutes of jogging at narating ko na ang gym. Second floor iyon kaya inakyat ko na ang hagdanan patungo dito. "I would like to enroll in Kickboxing, Miss." Sabi ko sa babaeng nasa front desk. Hinihingal pa din ako habang nakikipagusap sa kanya. Nilibot ko ang aking mata sa natatanaw nito mula sa aking kinatatayuan. Malaki din ito at may iba't ibang bahagi din. Sa kanang bahagi ang weightlifting, katapat nito ang ring ng boxing. Sa likod ng weightlifting ay ang studio para sa mga nagsuzumba. "One month po ba?" Tanong niya. "Yes please." Sinabi niya sa akin ang presyo at inabot dito ang exact amount ng pera. Nagpafill up din siya ng form sa akin para sa membership. Ngayon ang first day ko kaya naglog in din ako sa isa pang notebook. May mga dumadaan sa aking likuran at bahagyang sumisipol ng palihim. Umiirap na lamang ako at umiiling. "Si Coach Kobe po ang trainer niyo, nasa ring na po siya." Sabi ng babae. Binigay niya sa akin ang kopya ng aking membership at itinago na ito sa aking bag.  "Sige, salamat." Dumiretso na ako sa boxing room na sinasabi ng babae. Nakita ko doon ang maskuladong lalaki na nakaupo sa hagdanan ng ring, naggigitara pa ito. Naririnig ko ingay galing sa zumba studio kahit kulong na ang mga ito. "Kayo po ba si Coach Kobe?" Tanong ko sa lalaking naabala sa aking biglaang pagsasalita. Tumunghay ito sa akin at ngumiti. "Ako nga, ikaw ba ang bago kong kliyente?" Tanong nito. Ibang iba ang kanyang aura sa kanyang katawan. Sa kanyang maskulado at matangkad na pangangatawan ay halos manliit ako. Sa tangkad kong five foot and five inches ay naliliit pa din ako. Hanggang balikat lang ako nito kaya tumutingala ako kapag nakikipag usap sa kanya. "I just enrolled today. Kickboxing." I said. Nakangiti ito sa akin ng malawak. Sa laki ng kanyang katawan ay matatakot kang makagitgitan ito, pero kapag nagsasalita ay mahihimigan ko ang pagiging mahinahon at jolly nito. "Kung ganoon ay magpakilala muna tayo sa isa't isa. I am Coach Kobe, your trainer for the month. What's your name?" Tanong nito sa akin. "I am Chloe," I said. Kinuha niyang lahat ng gagamitin at inilagay iyon sa loob ng ring. "Warm up ka muna kahit fifteen minutes sa treadmill o kahit anong cardio equipment ang gusto mo." Utos niya na agad ko namang sinunod. Tinanguan ko ito at iniwan ko ang aking waist bag sa gilid ng hagdanan.  Inayos ko mula sa pagkakabuhol ang aking earphone at isinuksok iyon sa aking cellphone. Naghanap ako ng kanta at pinatunog iyon. Dumiretso na ako sa mga nakahilerang treadmill. Pumwesto ako may gitna at tumungtong na dito. I got my speed slowly for walking, for three minutes I did walking on the treadmill. For five minutes I jog on the treadmill. My heart is slightly pumping because of the intensity I put to it. When it's over, I jumped at the side of the treadmill and took a quick rest. My heart is racing and I am panting. I increase the speed to six and jog again for another five minutes. The loud music in my earphone makes me want to dance because of its harmony. Paborito ko ang kantang ito kaya humihimig din ako. Napapadako ang aking tingin sa mga kasabayan kong nasa treadmill. They were gawking at me as if I am their prey. The five minutes is over and I jumped out of the treadmill. I am gasping for air as I took a quick rest again. Hindi ko pa pinapatay ang treadmill dahil babalik pa ako dito. Nang nakabawi ako ay umakyat ulit ang aking mga paa sa magkabilang gilid ng treadmill. Inayos ko ang pagkakapusod ng aking buhok at tinaasan ko pa ang bilis nito sa eight at tumakbo na ng mabilis. For the first minute, my heart is pumping really hard. That's what I like. Tumakbo ako ng mabilis habang nakatingin sa unahan. I am watching myself run as my hair swayed side to side. Nang isang minuto na lamang ang natitira ay binaba ko na ang speed ng treadmill at naglakad na lamang. Tumutulo ang pawis sa aking noo at leeg. Nangingintab din ang aking balikat dahil sa pawis at nararamdaman ko ang lagkit sa aking likod. I checked my phone for any notifications and I saw one. Papatayin ko sana ang music nang makaagaw ng atensyon ko ang isang mensahe. It was a text from Marco using that number again. Unknown: I'm a sinner. But damn, you're hot! Kumunot ang aking noo sa mensaheng nabasa. What's gotten into him? This was sent twenty minutes ago. Tumunog muli ang aking cellphone at isang mensahe ulit ang pumasok. Unknown: They were gawking at you. I wanna punch them in the face. Nanlaki ang aking mga mata sa nabasang mensahe. Pinatay ko ang tumutunog sa aking cellphone at inalis ang aking earphones. Pinatay ko ang makina ng treadmill na aking ginagamit at tiningnan muli ang mensahe. How the hell did he knew? Tumingin ako sa harapan kung nasaan ang malaking salamin. Nilibot ko ang aking paningin gamit ang salamin na iyon. Nabaling ulit ang aking atensyon ng tumunog muli ito sa isa pang mensahe. Unknown: Now, I got your attention. Oh my gosh! Nandito ba siya? Where?! I'm really freaking out! Nakatingin ba siya? Sinapo ng aking palad ang aking bibig.  Unknown: Don't cover your mouth. That was also sexy. Damn! He's here! Pero bakit hindi ko siya makita? Not that gusto ko talaga siyang makita. Magpapakain ako sa lupa kapag nagkita kami dito. Bago pa ako makabawi sa gulat ay may sumigaw na sa aking likod. "Stop gawking pals! She's sold!" Pamilyar ang boses na iyon at paniguradong boses iyon ni Gus. Tumingin ako sa salamin at nakita si Gus na nakapamaywang sa aking likod habang nakatingin sa mga lalaking tumititig sa akin. "Sorry guys! Better luck next time." Sumaludo ito sa kanila at tumingin din ito sa salamin. He's wearing a black sweatshort, a grey long sleeve shirt and a black Roshe. Basang basa na siya ng pawis at dumidikit na ang kanyang damit sa kanyang katawan. Maging ang mga babae dito ay nababali ang leeg kakatingin kay Gus. What if kung si Marco ito? Sinandal ko sa railings ng treadmill ang aking kamay ay pumantay sa tingin ni Gus. "Really? Iniwan mo na naman ang asawa mo." May ngisi sa aking mga labi habang nakatingin sa kanya. Hinagis niya sa aking towel na nakasabit sa kanyang balikat. Sinalo ko iyon at iyon na ang ginamit para punasan ang pawis ko. "Tulog iyon nang umalis ako. Mamaya pa ang gising niya." He said. Dumidilim ang kanyang ekspresyon habang tumatagal kaming nag uusap sa salamin. My phone beeped again. Unknown: I'm done. Those punks were really getting into my nerves. "Hindi nagugustuhan ni Marco ang nakikita niya." So I'm right? He's here. "I don't pleased them. Hindi ko naman pinapansin kung nakatingin sila." Bumaba ako sa treadmill at hinarap siya. Ang mga babae ay bahagyang sumimangot nang nakita akong lumapit sa kanya. Dream on bitches! He's sold. For Lauren. "Chloe, five minutes!" Nakadungaw sa akin ang aking trainer at nagmwestra pa sa kamay niya na limang minuto na lang. Tumango ako sa kanya at hinarap ulit si Gus. "He's here?" Bulong ko. Para makasigurado. Tumango ang kanyang ulo. "Staring at you intently," He whispered. Suminghap ako sa nalaman. May assumption na ako na nadito nga siya pero hindi ko akalain na totoo ngang nandito din siya. "Does he call you?" He asked. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata sa gulat. "How did you know?" I whispered. "I gave him your number," He said. Mas lalong nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. I never expect this! My speculation was Tita gave it but I was wrong.  "Why'd you do that?!" Lumakas na ang aking boses at wala na akong pakialam. Parang hindi na mitts ang gusto kong masuntok ngayon.  "Makulit iyon. At wala na akong nagawa kaya binigay ko na. He even blackmailed me na sasabihin niya kay Lauren na nambababae nga ako." He hissed. "Lauren's right. You're crazy." Umalis ako sa kanyang harapan at naglakad patungong ring. "Ayoko lang magalit ang asawa ko. Papalayasin niya ako sa sarili kong bahay." Sumusunod siya sa aking likod habang nagsasalita. "May sarili ka bang hand wraps?" Tanong sa akin ni Coach. Umiling lamang ako at kumuha na din siya ng hand wraps para sa akin. "Baka sa labas ng kwarto niya ako patulugin," Dugtong ni Gus. Umirap sa hangin ang aking mga mata. Anong pakialam ko? "Go away. Baka lalo kitang masuntok sa mukha." Pagbabanta ko sa kanya. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay na tila sumusuko. "Hindi ako lumalaban sa babae," Umatras siya ng tatlong beses at tuluyang umaalis. Umirap ako sa hangin t bumuntong hininga. Itinago ko sa aking bag ang aking cellphone at earphones. Ipinulupot na niya sa aking kamay ang itim na hand wraps sa paraang pangboxing. Maumbok ang aking mga knuckles para mas maprotektahan ito. Pagkatapos ay isinuot na niya sa akin ang itim na boxing gloves na may nakaukit sa gitna na Everlast. "Everyday ang session natin. Sunday ay day off ko kaya wala tayong meeting. After the punches and kicks ay sinasamahan ko din ng toning for the glutes and abs." Sabi niya habang tinutulungan akong makapasok sa loob ng ring. "Kalimitan one and a half hour ang session natin. Pero umaabot iyon ng dalawa o tatlo depende kung gusto ng kliyente ng extend." Paliwanag nito sa akin. "Pwede po bang maiba ang workout ko? For example, gusto ko pong magcrossfit or toning lang sa araw na iyon." I asked. Sometimes, I don't feel like punching and kicking especially when I'm on my period. "Pwede naman. Basta magsasabi ka lang sa akin." He said. Tumabi sya sa akin at pumwesto in boxing stance. Hindi na ito bago sa akin kaya madali ko iyong nagaya. "Shadowboxing muna tayo. Gayahin mo lang ako. Okay?" Tumango ako sa kanya at sumunod dito.  May lubid siyang ikinabit sa magkabilang dulo ng ring. He slip from side to side while punching combos. He slipped on the left and did a jab and straight, after that he slipped on the right and do the same thing. He stepped forward  to do squat and repeat the routine. Gumaya lang ako sa kanya, kapag nasa left at sa right ako nagtutungo and vice versa. Kapag napupunta na sa dulo ay babalik ako sa aking posisyon at uulitin lang iyong ginagawa ko. "Go! Go! Faster! Punch hard!" Sigaw ni Coach Kobe para mas mapabilis ang galaw ko. Sa loob ng tatlong minuto ay iyon ang ginawa ko. Nakakahingal din iyon at nakakaubos ng hininga. Kinuha ko ang aking tubigan at uminom dito. "Magaling ang stance mo, Chloe. Mabilis kang gumalaw." Pagpuri niya sa akin. Kinuha niya ang mitts at isinuot iyon sa magkabila niyang kamay. "We're doing it with the mitts. Kagaya lang ng kanina pero dito ka na susuntok." Itinuro niya ang mitts habang nagsasalita. Tumunog ang bell hudyat na simula nang muli ang three minutes. Kagaya lang ng kanina ang ginawa namin. Nakaharap siya sa akin at sumusunod sa aking galaw. Kapag nasa kaliwa ako ay nandoon din ito, sumuntok ako sa mitts at lumipat sa kanan. Hindi na kami bumalik sa aking posisyon kanina. Pabalik naman ngayon ang aming ginawa. Humkbang ako ng isang beses at lumusot sa kanan, sinuntok ko ang mitts na sumasabay sa aking pagsuntok. Tumunog ulit ang bell hudyat na tapos na ang three minutes. "Five minutes rest," Sabi ni Coach Kobe. Hinubad niya ang mitts at uminom din sa kanyang tubigan. "Ang lakas mong sumuntok ah," Litanya nito pagkatapos lumunok ng tubig sa kanyang bibig. "Sorry," I am gasping for air. "No! No! That's okay. Actually maganda iyon kasi malakas ang wrist mo." Kinalas niya ang lubid at itinabi ito sa may hagdanan. "Sa mitts na tayo ngayon, it will take for around ten minutes then five minutes rest." He said.  Isinuot niyang muli ang mitts at pumwesto na sa gitna. Sumunod ako sa kanya at na pumwesto. I am in a boxing stance, my fists that are covered with gloves covered my mouth. Tumunog ang bell at agad nang sumigaw ang trainer kung anong suntok ang aking gagawin. Nililibot namin ang tabihan ng boxing ring habang sumusuntok ako sa mga mitts sa kamay ni Coach Kobe. Mabilis ang aking mga galaw gayundin ang pagkukumando nito sa suntok na aking gagawin. Jab, straight at hook ang common na boxing combo na pinapagawa sa akin. Minsan naman ay dumadagdag ang uppercut at elbow punch. Umiilag ako kapag si Coach naman ang susuntok sa akin gamit ang mitts. Jab ang suntok na ginagawa ng kaliwang kamao. Ang katawan ay align dapat sa aking shoulder kaya tumatagilid ako. Straight naman ang suntok na ginagawa ng kanang kamao. Cross din ito kung tawagin ng iba dahil iniikot ang torso para sumuntok. Ang hook naman ay ginagawa ng kanan at kaliwang kamay. Pwede ito sa ulo at tagiliran. Ang baso ay dapat ninety degree angle at aligned on shoulder. Ang uppercut naman ay ang pagsuntok sa baba at tiyan. Nakayuko ang aking ulo pero nakatingin pa din sa aking opponent. Ginagawa ko iyon para protektahan ang aking mukha. Iyon ang turo sa akin ni Marco noong nasa Batangas pa kami. Wait! What? Marco again?! The bell rang and the first ten minutes was over. Hingal na hingal ako habang pabagsak na umupo sa gilid ng ring. Umuga iyon kaya natumba ang aking tubig. Hinubad ko ang boxing gloves. Dinampot ko iyon at ininuman ito. Pinangahalatian ko kaagad iyon sa aking pagod. "Nagbaboxing ka na ba noon?" Tanong sa akin ni Coach habang siya ay nakaupo sa kabilang dulo ng ring. "Yes, noong nasa ibang bansa pa ako." I answered. I am still gasping for air but I still manage to smile. "So you were trained by the best?" Manghang tanong nito sa akin. "Not really," I chuckled. "Ang bilis bilis mo at ang stance mo, parang sanay ka." Uminom muli siya sa kanyang tubig bago ako binalingan ng tingin. "Just become my hobby. I've been training for three years." I answered. "If you really love what you do, you will be the perfection of it." Litanya ni Coach Kobe. Namangha ako sa kanyang sinabi. Narinig kong may pumapalakpak sa hindi kalayuan sa boxing ring. Nang lingunin ko ito ay halos lahat ay nakadungaw at nanunuod sa amin ng aking trainer. Mapababae at lalaki ay natigilan sa kanilang ginagawa at nannuod sa amin. Nalipat ang aking tingin sa taong pumapalakpak. Gus was clapping and he's smiling wildly. Behind him was Marco looking intently at me. Bahagyang nangingiti ang kanyang labi habang nakatingin sa akin. Nahigit agad ang aking hininga ng magtama ang aming paningin. "Praised you, Chloe! Wow!" Litanya ni Gus habang unti unting lumalapit sa ring. Nakasunod sa kanya si Marco at sa akin lamang nakatingin. "Mas magaling pa nga sa akin," Sabi ng aking trainer. Hindi ko iyon malingon dahil abala ako sa paninitig sa akin ni Marco. Nandoon pa din ang kanyang tinatagong ngiti habang papalapit din sa akin. He's wearing a black sweatpants, black T-shirt and an Addidas sneakers. Hindi ko alintana ang aking pawis na tumutulo sa aking noo at leeg. Nakalimutan ko palang magdala ng pamunas kaya magtitiis ako sa pagtulo nito sa aking mukha. Hindi ko inaasahan ang pagakyat nito sa ring at pagtabi sa akin. Maging si Gus ay umakyat din at nakipagkamayan kay Coach Kobe. "Chloe, regular client din kami ni Coach Kobe." Sabi ni Gus. Hindi ko iyon napansin dahil naiilang ako sa liit ng distansya namin ni Marco. Inusog ko ang aking katawan para gumawa pa ng distansya. Hindi pa man ako nakakagalaw ay ay hinawakan na niya ang aking braso at pinaharap ako sa kanya. May ibang usapan na sina Gus at Coach kaya hindi nila kami napapansin. Ang kaninang mga nanunuod sa baba ay nagsibalikan na din sa kanilang mga ginagawa. Kinuha nito ang tuwalyang nakasabit sa kanyang balikat at pinunasan ang aking noo. Nakatuon ang kanyang pansin sa pagpupunas ng aking pawis. Nakaawang ang kanyang mga labi at halos maliyo ako nang dilaan niya ito. Kinagat niya ang kanyang mga labi in a sexy manner. Oh God! "If you continue to be like that. I'll kiss you right away." Nakatuon lang ang aking paningin sa kanyang mapulang labi. Kumukurba ito kapag siya ay nagsasalita. Lumipat sa aking leeg ang pagpupunas niya ng pawis sa akin. Hindi ko iyon napapansin dahil lulong ako sa paninitig sa kanyang labi. "Baby," He whispered. Mapupungay ang aking mga mata habang umaangat ang aking tingin sa kanyang mga mata. Narinig ko ang kanyang pagmumura in foreign language. It sounded so sexy at parang hindi yon mura para sa akin kapag siya ang nagsalita. "This Saturday, maybe we can spar?" Narinig kong sinabi ni Gus. Napabalik ako sa huwisyo nang narinig kong magsalita si Gus. Tumikhim ako sandali at tuluyang umusog para magkaroon kami ng distansya ni Marco. "Coach, I think I found my new sparring partner." Marco said. Sa akin pa din siya nakatingin habang pinagmamasdan ko siya sa gilid ng aking mga mata. Narinig ko ang paghihisterya ni Gus sa sinabi Marco. Tila hindi ito sumasang ayon sa gusto ng kanyang pinsan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD