Kabanata XXI

2952 Words
She Was The Proven Mistake I am happy. I never thought I would be this happy again. Ako, siya, sa isang silid, tahimik at payapa ay sa panaginip ko lamang nararanasan. I forgot everything. I forgot why I am here. What was I supposed to do here? He's so hypnotizing, I can't even resist. And I loved it. Pero ang kaligayahang aking nararamdaman ay naagos bigla sa aking isip. Napalitan iyon ng takot. Kung pagbibigyan ko na naman ang sarili ko, masasaktan na naman ba ako? Kung hahayaan kong magpaanod sa kagustuhan niya, wala bang hahadlang? Kung kakalimutan ko ang lahat, magiging masaya ba talaga ako? Ngayon lang naman. Hindi ko naman siguro ikakamatay kung maging masaya ako kahit ngayon lang. Nagkukulay kahel na ang langit sa likod ng mga gusali. Ganitong mga tanawin ang gustong makita ng mga mata ko. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming mananatili sa ganitong posisyon. Baka kapag nagtagal pa ay masanay na ako. Paniguradong hahanap hanapin ko na ito. "I need to go home," I whispered. Nakatingin pa din kami sa naglalakihang mga gusali sa aming harapan.  "Wait 'till it's seven. We'll having dinner." He said as he caress my hair, he sniffed the scent of my hair. "You never changed your shampoo." He whispered. "Iyon na ang nakasanayan ko," Umalis ako sa aking pagkakasandal sa kanya, I'm pretty sure nabibigatan na siya. Hindi naman kami sanay pareho sa ganitong posisyon kahit noon. Tatayo na sana ako pero muli niyang hinila pasandal ang aking likod sa kanyang dibdib. Ang kanyang isang kamay ay namamahinga sa aking hita para ipirmi ang aking katawan. "Because that's how I like it," It's not an insult, it's a statement. Kung ano ang ginagamit ko noon, ay iyon pa din hanggang ngayon. He shifted on his seat. We stayed like that for another set of minutes. Tuluyan nang umitim ang langit at isaisa nang umiilaw ang mga ilaw sa bawat building. This is what I wanted. The city lights. So beautiful.  "This was the best view here in the city," Muli niyang pinadaanan ng haplos ang aking buhok. Iyon ang paborito niyang gawin sa akin kanina pa. Hindi ako magrereklamo, dahil gusto ko. "It's beautiful," Sagot ko.  "I'm referring to you," I stopped for a second. Inangat ko ang aking paningin sa kanya, ang kanyang mga mata ay sa akin nakatuon. Hindi ko alam kung gaano na iyon katagal. Hindi ko alam ang aking gagawin nang papalapit ang kanyang mukha. Nahalikan na niya ako noon, pero iba na ngayon. Bumabalik sa akin ang kaba. Hindi ko alam kung ipapagpasalamat ko ba o ikakagalit ang nakakaistorbong pagtunog ng kanyang intercom at nagsalita ang kanyang sekretarya. "Sir, excuse me po. Nandito po si Ms. Salazar, papapasukin ko na po." Sabi ng babaeng nasa kabilang linya lamang. Wala talagang permanente sa mundo. May mga bagay na ipaparamdam at ipapahawak sayo, pero hindi iyon pwedeng magtagal sa mga kamay mo kasi hindi naman sayo. Kahit itong kaligayahan ko may katapusan din. Kahit ang ikaluluwag ng dibdib ko ay may hangganan din. Bumigat ang aking puso sa narinig. Bakit ang bilis naman? Hindi ba pwedeng konting oras pa? Ito na nga ba ang sinasabi ko, kapag hinayaan kong pagbigyan ang sarili ko, masasanay na ako. Hindi na ako makukuntento kasi hahanap hanapin ko na. "I really need to go home," Nagmamadali ako sa pagtayo at hindi man lang niya ako pinigilan. Nakita ko ang kanyang seryosong expresyon. Mapupungay ang mga mata ngunit baligtad niyon ang kanyang ipinapakita. "It's not yet seven," Wala na akong pakialam. Nandyan na ang bago mo! Ano bang dapat ko pang gawin dito? Panuorin kayo para madurog sa maliliit na piraso ang puso ko? "Can you please sign the contract now?" Dali dali kong nililigpit ang aking mga gamit.  Sinuot ko ang aking blazer at nilagay sa aking bag ang aking laptop. Nang humarap ako sa kanya  ay hindi man lang ito natitinag. Bumalik na sa dating tayo ang kanyang swivel chair pero nandun pa din siya at nakaupo. Nakatingin sa akin at tamad na tamad ang mga mata. "Mr. Gomez, please sign the contract now!" I sounded so pleased. Kailangan ko nang umalis dito dahil una pa lang, hindi na dapat ako nagtagal. Humahapdi ang aking mga mata. Nag iinit ang mga ito at tila gustong lumabas ng aking mga luha. Not now, please. He sighed harshly before getting the pen. Muli niyang binuklat ang folder at itinapat ang pirma sa kanyang pangalan. Pagkatuldok pa lamang ng kanyang ballpen ay agad ko nang hinigit ang kontrata. Isinakbit ko ang aking bag at agad na nagtungo sa double doors. Pagkabukas ko sa pintuan ay nasa tapat ko na ang babaeng hindi ko inaasahang makita. Tumulo ang aking luha na kanina ko pang pinipigilan. Kumunot ang kanyang mukha sa biglaang pagtulo ng aking luha. Bumuka ang kanyang bibig ngunit walang lumalabas na salita. Nilagpasan ko siya at dumaan ako sa kanyang gilid at naamoy ko ang kanyang bango. It's not floral but sensual. I guess his taste has already changed. Nagmamadali ang aking mga hakbang hanggang sa makalampas ako sa fiancé ni Marco. Nalampasan ko din ang kanyang sekretarya sa kagustuhang makaalis na agad sa building na ito. Hindi ko na nagawang magpasalamat dahil wala na ako sa kondosyon. Nanginginig ang aking mga tuhod palapit sa elevator. Pinindot ko ang down button at naghintay sa pagbukas nito. Bumuhos ang mga luhang kanina pa gustong pumatak. Naramdaman ko ang paglandas ng mga ito sa aking pisngi. Napapapikit na lamang ako habang pinupunasan ang mga luha gamit ang aking mga daliri. Bumukas na ang elevator at tamad akong pumasok dito. Pinindot ko ang ground floor at close button ng elevator. I sighed in relief pero patuloy pa din ang agos ng aking mga luha. Nasa tamang floor na nang bumukas ang elevator. Dirediretso ang aking lakad palabas sa building. Wala akong pinapansin kahit sino, kahit ang gwardya na nagbukas ng pintuan para sa akin ay hindi ko pinansin. I am so eager to leave this place. Natatanaw ko na ang aking sasakyan mula sa aking kinatatayuan. Hinalughog ko ang aking bag para hanapin ang susi nito, nang nakita ay agad ko na itong pinatunog. I am still trembling at hindi na ganoong kabalanse ang aking lakad. Ganito kalakas ang epekto niya sa akin. Nakakawala sa sarili. Isang hakbang pa ay tumagilid na ako. Mabuti na lamang at nasalo ng mainit na bisig ang aking katawan. "You don't even smell like a rum," Sabi ng lalaking sumalo sa akin. Tiningnan ko siya at agad nakilala. "Gus," Inayos ko ang aking pagkakatayo at hinarap siya. "Hi!" I said. "Anong ginagawa mo sa building ni Marco?" He asked.  "Some business matter," Sagot ko. "Where's Lauren?" Pagwala ko sa usapan. "In the house, I can't even control her!" He hissed. Kapag ganito siya, nag away silang dalawa. I chuckled. "Ano na namang ginawa mo?" I asked. Parang gusto ko na lang puntahan si Lauren ngayon. "Wala akong ginagawa! She was just paranoid. Damn pregnancy!" He hissed. He seems frustrated about Lauren. Ganyan talaga kapag mga buntis. "What happened?" He's still wearing his uniform from work. Siguro ay kalalabas lang nito. "She went to the restaurant because she brought me lunch. She didn't have to, and then naabutan niya akong kausap ang babaeng waiter na pinagbilinan ko ng menu sa araw na ito. She got mad! And worse, sinampal pa niya ang waiter. Nakakahiya sa mga costumer." Litanya niya, hindi pa din nawawala sa kanyang mukha ang frustration. "I tried to call her so many times but she wouldn't answer. Hindi ako makaalis dahil sa trabaho ko." Para siyang nagsusumbong ngayon sa harapan ko. He seems worried dahil hindi niya makontrol ang asawa. "I swear Chloe, wala akong ginagawa! It was all for work! Nothing else." He hissed. Pumiyok pa siya sa huling salita. Nakakaawa ang Gus na kaharap ko ngayon. Problemado sa asawa. Lauren is moody because of her pregnancy. She's sensitive and delicate because of her condition. There will be time na aawayin na lang niya bigla si Gus without knowing the reason. Nasaksihan ko iyon one time na magvideo call kami. May kausap sa telepeno si Gus kaya hindi niya matabihan ang asawa. It was all for business and his work, pero malingat lang ito kahit sandali ay inaaway na siya ni Lauren. And thank to Gus dahil maintindihin siya sa asawa. Lauren is still lucky. "It was your fault, actually. Nagmamadali ka kasi masyado. Ikaw ngayon ang nahirapan." Paninisi ko sa kanya. Lalo lamang siya nafrustrate sa aking sinabi. At iyon ang gusto ko, ang makitang mahirapan itong si Gus. Napapangiti na lamang ako dahil sa sitwasyon nila ngayon ni Lauren. "We're married and she's mine. I want children, is that bad?" He asked. Binuntis mo na nga, hindi pa kayo kasal. Umiling na lamang ako sa kanyang sinabi. I remember kung gaano niya kaayaw kay Lauren noon. And now, the table has turned. Parang siya naman ngayon ang baliw na balik sa kaibigan ko. "She thinks you're cheating," Marco was now behind Gus. Dorothy's arm was clinging on Marco's. Humarap si Gus sa dalawa. "I'm f*****g not!" Gus yelled. "I will never do that to my Lauren," He said to Marco. Marco's eyes fixed on me. Kahit nagsasalita si Gus ay hindi niya ito nililingon dahil nakapirmi sa akin ang mga mata niya. Maging si Dorothy ay titig na titig sa akin. Hindi ko siya magawang tingnan dahil sa pait na aking nararamdaman. Is they're here to prove to me that I was just a mistake? Okay, fine! Then, you win! I was just a mistake to you Marco. Kaya nga hindi mo ako sinundan. Hindi mo ako hinanap. Hindi ka man lang gumawa ng paraan para pigilan ulit ako sa pagalis noon. Baka sakaling magpapilit pa ako. Nakakapagsisi din kasi. Itong nararamdan ko, pagkakamali din ba? "Saan ang lakad niyo? Hi, Dory, by the way." Gus said to them. Naitsapwera na agad ako. "Send her home," Marco said. Ang kanyang mga mata ay nananatiling sa akin lamang nakatingin. "I brought my car, Marco. You don't have to." Dorothy caress his biceps. Papilit masyado! "Leave it here. Dadalhin ko na lang bukas sa parking ng condo mo." My lips was pressed in thin line, my eyes are roaming around just to escape his stares. Ang utak ko ngayon ang nagsasalita, wanting to pass those words on my lips. "So you gonna fetch me tomorrow morning?" Dorothy said with pleasant tone.  "Yes," Chloe? Ano pang ginagawa mo diyan? Nanunuod ng teleserye? Leave that place! I cleared my throat and Gus faced me. "Paano si Chloe, Marco? Hindi mo siya ihahatid?" Nasaksihan ni Gus ang relasyon namin noon ni Marco. Kaya nasisiguro kong ramdam niya ang pagkailang ko sa sitwasyon ngayon. "I have my car," Itinuro ko pa sa kanila ang itim na Murano sa aking likuran. "Oh! Independent woman." Gus teased me. "Mauna na ako. I want to rest now." I said. Parang naghatid iyon ng dalawang kahulugan? Bahala na! Tatalikod na sana ako sa kanilang lahat ngunit nagsalita naman ang babaeng nakalingkis kay Marco. "Wait! Did we met before?" Dorothy asked directly at me. Humarap akong muli sa kanila. Ay hindi! Actually, dumaan ka lang then nagngitian lang tayo. We never really met! "Yes, at the homecoming." I said. "You two have met?" Marco asked to Dorothy. How I wish to be in her position again. "Sa CR lang, naabutan niya lang ako doon." Sabi ko. "I have to go." Pagpapaalam ko. "Can we meet formally? Coffee sometimes? I want to know more about you. Palagi kang kinukwento sa akin ni Marco noon." Oh really? You want to meet the ex? That's new! "Sorry, I'm busy." Tinalikuran ko na silang lahat. May tumulong luha na naman sa aking mga pisngi.  "Bye Chloe!" Narinig kong sabi ni Gus. Ikinaway ko lamang ang aking kamay habang palapit ako sa sasakyan. Binuksan ko ang driver's seat at agad pumasok. I manuevered it faster than before para lamang makaalis na ako sa lugar na ito. You want to meet me formally? Bakit? Bakit kailangan pa natin makilala ang isa't isa? I'm not even interested! Gusto mo bang ipamukha sa akin na ikaw na ngayon at hindi na ako? Wow! Then, you win! So what?! Really Chloe? So what? I remember kung gaano mo gustong manatili kanina sa loob ng maiinit niyang yakap. Naaalala ko pa kung gaano mo gustong palitan ang posisyon niyo kanina nang Dorothy na iyon. "Get to your senses, Chloe. You're okay. You're done. Hindi na ulit kayo magkikita." I whispered to myself. Pumapatak ang aking mga luha blocking my vision on the road. Ngunit wala akong balak na punasan iyon. Nakabalik na ako sa building ng aking condo. I can't wait to rest my feet on my soft bed. I want to rest my whole body from the tiring day today. Binuksan ko ang pintuan ng aking condo at binuksan ang mga switch ng ilaw. Hinubad ko ang aking stiletto at hinayaan lang ito sa sahig. Habang papunta ako sa aking kwarto ay hinuhubad ko din ang aking mga suot na damit, leaving my undies on. Iniwan ko din itong nagkalat sa sahig. Bukas ko na lang ligpitin dahil pagod na ako ngayon. I usually sleep naked way back in Norway. I love the cold air in my room when it hits my skin. Mas nakakatulog ako ng maayos kapag nakaunderwear lang ako. Gustong gusto kong nararamdaman ang malamig na kumot na bumabalot sa aking katawan, sa ganoong paraan ay mas madali akong nakakatulog ng mahimbing. Hinubad ko ang aking relo at ipinatong ito sa side table ng aking kama. The curtains in my bedroom is still parted. Kumuha ako ng roba at isinuot. Dumiretso ako sa kusina at nagtimpla din ako ng tsaa. Hmmm, city lights. Perfect. Binaba ko sa maliit na lamesa ang aking tsaa. Sinandal ko sa barandilya ang aking mga braso habang nakatingin sa tanawin. Ito lang naman ang gusto kong tanawin sa syudad. I remember our setup earlier. Seating on his swivel chair while I'm in between his legs. Curling to fit in. Staring at the buildings and ignoring the interruptions. It was the best feeling so far. Feeling his touch again is so magical. Para bang haplusin niya lamang ako ay nawawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Feeling his heat is so overwhelming. I can live with that. Ang taksil kong mga luha ay pumapatak na naman. Lumalandas ito sa aking magkabila kong pisngi. Naririnig ko na din ang aking mga hikbi. Hindi yata sapat ang tsaa lang. I need something hard and hot inside my throat. Narinig kong tumunog ang aking cellphone mula sa loob. Naagaw niyon ang aking atensyon kaya pumasok ako at kinuha iyon sa loob ng aking bag. Agad sinagot ang tawag without looking at the screen. Si Tita lang naman ang maaaring tumawag sa akin sa numero kong ito. "Hello," I said lazily. Hindi ko pa pinupunasan ang aking mga luha. "Baby," The voice was husky and very sexy. Natigilan ako nang banggitin niya ang salitang iyon. Tiningnan ko ang tumatawag. It's not even registered! At hindi ito ang cellphone na kalimitan kong ginagamit kapag tinatawagan ako ni Tita. Bigla tuloy akong kinabahan. "Who's this?" I lied. Endearment pa lang, alam ko na kung sino siya. "Marco, baby." I am rattling for words. Kahit unknow number iyon, alam kong siya iyon. "Marco," I called. I heard him chuckle. "You still remember that?" How would I forget that? That's the last thing I want to forget. Nang nakumpirma ko na si Marco nga iyon ay agad kong pinatay ang tawag. Without even thinking ay napatay ko ang tawag. Hindi ko na muling tiningnan ang aking cellphone. I was so stunned and all I could think of is a drink. Muling tumunog ang aking cellphone. This time ay sa isa iyon kung saan tumatawag si Tita. Muli kong hinalughog ang aking bag para hanapin iyon at agad sinagot. "Dear, kamusta?" It's Tita. "I got the deal Tita. Everything's fine." I said. Kumakabog pa din ang aking dibdib. "Thank you anak! You made me proud!" She said happily. "You're welcome, Tita." Bumalik ako sa veranda at ininuman ang aking natitirang tsaa. Lumamig na ito nang lumapat iyon sa aking labi. "How did you get it? Pinahirapan ka ba?" Tanong niya. "Hindi po Tita. I just present what I know about it." I dipped the sachet of tea to the cup. Muling lumabas ang katas niyon. "Nagkaayos na ba kayo?" I am very much aware na isa iyon sa dahilan kung bakit ako ang pinadala niya kanina. I know that it's for convenience. "Sort of," Hindi ko naman talaga alam kung maayos na kami. We just cuddled and not much talk. "I'm really glad about that news, anak. But I won't be long for us to talk more, I'm very busy." She is, indeed. Naririnig ko sa background ang ingay ng mga empleyado pati ang kanyang sekretarya. It's still office hours there. "It's okay. Gusto ko na din po matulog at makapagpahinga. It was a long day." Palusot ko. Ayoko lang talagang pagusapan pang muli iyon. "I'm sorry dear. But I need to go." She said as she ended the call. Muling bumalik sa akin ang mga tanong sa aking isip. How the hell did it happen? Saan niya nakuha ang bago kong number? Hindi naman siguro ibibigay ng mga kaibigan ko iyon. They know what happened between us. And they know that I want to forget. Sa aking pag iisip ay muling tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko iyon pareho at unregistered number na naman ang caller. Kung hindi ako nagkakamali ay ito din ang number na gamit niya kanina. What now? Bakit pa niya ako tinatawagan? Doesn't he feel guilty? He has Dorothy but he can't even leave me alone. Ayokong magselos si Dorothy dahil wala namang dapat ikaselos. How can I move on if he's doing this? Did I ever want to forget him? Mabuti na lamang ay namatay na ang tawag bago ko pa man mahawakan ang aking phone. Ngunit pagkaunlock ko dito ay tumunog itong muli dahil sa isang text. Unknown: Baby... God let me breath for a second.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD