Kabanata XX

2983 Words
The Uneasy Business Hindi na nakakagulat na siya nga iyon. Hindi lang agad nag-sink in sa akin na maaaring siya nga iyong Filipino investor sa real estate ng Andersen at isa pa siya sa major stock holder ng kumpanya. Ang mga Hansen ang may pinakamalaking share sa Twin Tower at pumapangalawa si Marco. He shifted on his seat. Tila nagiging komportable pa sa paninitig sa akin. Tumunog ang aking cellphone dahil sa tawag. Pumunta ako sa sofa at hinalughog ko iyon sa aking bag at agad sinagot. "Hello, Tita?" I answered the call as I turned my back on him. "Did you meet him? Pinirmahan ba yung contract?" She asked. Hindi niyo naman po sinabi sa akin na si Marco pala ang bagong Filipino investor natin. "Bakit hindi niyo sinabi sa akin na si Marco pala ang ka-meeting ko ngayon? Tita, we're not in good terms." I hisses. Alam ni Tita ang relasyon namin noon ni Marco pero hindi ako mahilig mag-open up sa kanya dahil nahihiya ako. "I'm sorry, dear. Pero nagpumilit siya at malinis naman intensyon niya. Kung hindi kayo maayos, siguro this is the perfect time para sa closure." Sambit niya. Is she even serious? Ano ba talaga ang pinunta ko dito? Ang kontranta o ang closure sa aming dalawa? "Pero Tita-" hindi ko natapos ang aking sasabihin nang patigilin niya ako. "It's okay, Chloe. Kaya mo iyan. Nagkita na ba kayo?" Bumuga ako ng hangin at sumuko na lamang. Wala na akong magagawa kasi nandito na ako. Hindi na ako makakatakas.  I entered this s**t, so I need to get out in it as soon as possible.  "We already met Tita, ngayon ko pa lang ididiscuss sa kanya ang contract." My hands are shaking for unknown reason. "What? Ano bang oras na diyan? Pinahirapan ka ba anak?" Nahihimigan ko ang concern sa kanyang tono. "I'm sorry, dear." She said. "Tita hindi po, I'm fine. Galing po siya sa meeting nung dumating ako dito. Tinapos po muna niya iyon." I assured her. "Ganoon ba? I trust you in this, anak. We really need his company to boost our business. Alam kong kaya mong kunin ang loob niya. May pinagsamahan naman kayo. Good luck dear! I love you." She said as she ended the call. I put my phone back inside my bag. Nakikita ko sa gilid ng aking mata na sinusundan niya ng tingin ang lahat ng aking galaw. And it feels uneasy! "So it's you," I said. Filling some bitterness to my voice. Tama nga si Bethany, hindi malabo na magkikita kami dito sa Maynila. At ang nakakatawa pa, ako pa pala iyong lumapit. I never thought that we will cross paths again in this situation. Oh great! Here we go again. "Uhuh," he murmured. Hinawakan niya ang kanyang labi habang naglalakbay ang kanyang paningin sa akin.  I need to compose myself. You are here for business!  I sighed. "Okay, I think we already knew each other-" he cut me off. "Yes, we really know each other." He said. Gritting his teeth while talking to me. No, Marco. You are wrong. I barely know you. Sa tuwing titingnan ko siya, hindi ko alam kung natutuwa ba siya na nasa harapan niya ako ngayon o gusto niyang umalis na agad ako. Ang galing niyang lituhin ang utak ko kung ano ang maaaring hula ko sa nararamdaman niya. Noon pa man, ganito na siya. Hindi ko siya minsan ma-pinta, ang hirap-hirap niyang espilingin.  "I will now proceed to the business. No need for the introduction." Bitterness is evident. Sana lang ay huwag niyang mahalata. Pumunta ako sa sofa at kinuha ang aking laptop at folder na naglalaman ng mga dokumento. "Mrs. Andersen couldn't make it, that's why I'm here. I will be the representative of the CEO to propose the pending project of my aunt. Unless you want me out of your office and just sign the paper so nothing will be a burden." I said as I walked towards his table. Hindi ka mahihirapan na makita ako, at hindi din ako masasaktan dahil kapag tumitingin ako sayo, naaalala ko na may kapalit na agad ako. Binigay ko sa kanya ang folder na naglalaman ng contract paper at hard copy ng aking presentation. Binuksan ko ang aking laptop at binuksan ang file na naglalaman ng aking presentation. He scanned the contract at tinabi niya iyon pagkatapos basahin. He just browse it, actually. Holding the hard copy of my presentation, he flipped the pages as he looked at me intently. "You're right. I want you out of my office, with me." There's a ghost smile plastered on his lips as he looks at me.  "If you want me out of your office, hindi mo na sana ako pinapunta dito. We can just meet somewhere, coffee shop or restaurant. Baka gusto mo ng madaming tao, kasi naiilang ka." Tinapangan ko ang aking boses. Ayokong matalo na naman ako ngayon. Alam kong irresistable siya lalo na ngayon na nasa harapan ko na siya. "Ako ba talaga ang naiilang? Hindi naman ako ang nagpapunta sayo dito. Am I right?" He's really testing my freaking patience! Kaunti na lang at baka magpatalo na lang ako. Hindi naman talaga siya naiilang sa akin, ako iyon at ramdam ko naman. Kung titingnan ko siya ay wala siyang kahirap hirap na kausapin ako. At hindi naman talaga siya ang nagpapunta sa akin dito, si Tita. Pero ganoon na din iyon!  "I prepared some presentation for you to be able to fully understand what the project is," iniba ko na lamang ang usapan dahil talo na naman ako. Wala talaga akong magawa kapag siya na ang kaharap ko. Hinarap ko na sa kanya ang laptop ko at sinimulan na ang first slide. "For the sake of my good flow of presentation. Hello Mr. Gomez, I am Chloe Scarlet Madrigal, the representative of Mrs. Mercylyn Andersen of Twin Tower Hotels and Residences." I faked my smile and I extends my hand to him, agad niya naman iyong inabot. Electricity flows to my system. The same feelings I feel whenever we touch bugs me. Agad kong hinila ang aking kamay. Umatras ako ng isang beses para makadagdag sa distansya naming dalawa. My knees are trembling making me hard to balance my posture especially when I'm in heels. "The Andersen Twin Tower Hotels and Residences provides cozy, neat and enough space for the clients. It's called Twin Tower because of the two similar towers composed of four hundred and fifty rooms. Each floors will have a total of fifteen units." Pinakita ko sa kanya ang mga larawan na inilagay ko sa slides. "Hotels are one of our agenda too. A single tower with twenty floors and an underground parking lots or basement." Habang ginagawa ko iyon ay sa akin lamang siya nakatingin. Kahit panay ang aking tikhim ay hindi ito natitinag. "Our mission is aiming to provide the clients with comfortable, cozy, happy and spacious shelters with exceptional real estate services without invading the client's privacy. As for our vision, we aim to be the real estate company of choice not just in Oslo but also all over Norway." Pinindot ko ang sunod na slides para mas maintindihan niya. "We created our own values for the estate. First, commitment. We promise to stay loyal and have a good connection with the clients. Second is the environment, the company aims on creating a healthy environment by following the 3 R's. The reduce, reuse and recycle." I said. Hindi naman nakikinig ang lalaking ito. Kapag nagsasalita ako ay sa akin lamang siya nakatingin. Hindi man lang sumusulyap sa aking binigay na hard copy o 'di kaya ay sa laptop ko na lang. Hindi ba sumasakit ang mga mata nito? Halos hindi na kumukurap. "You've gotten more beautiful," he butted in. I stiffened. Kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig ng lalaking ito.  Don't you know that you're distracting me? "I-innovation, by d-developing creative and latest security solutions for the safety of all residences. Integrity, by communicating with transparency and integrity; no unrealistic expectations or hidden catches. W-we include passion because we want to put our heart on the business and love for work." He shifted on his sit, trying to find some way to be comfortable. Ang aking pagsasalita ay naapektuhan na din.  "We also value the people by giving equal respect and care for our staff, customers and communities in which we operate the business. And lastly, professionalism we provide ongoing employee training to maintain a premium service to the clients. We will make sure that we solve circumstances professionally." I sighed after I spoke.  Marco can you please look at my report not on me?  Sinarado niya ang aking laptop at pinindot ang intercom. "Iya, what's my next appointment after this?" He asked his secretary thought the intercom. Hindi niya ba nagustuhan ang presentation ko? Hindi pa naman ako tapos. Hindi niya ba naiintindihan mga sinasabi ko? Am I doing it wrong? "Sir, two appointments lang po. At five thirty in the afternoon, rounds niyo po sa factory in Santa Rosa. Seven thirty naman po ay dinner niyo with the Gomez and Salazar." She said as of what I heard. Kaya pala, nagmamadali. He's going to be with his family and probably the family of his soon to be wife. Bitterness poured all over me. Para na akong kinakain nito na gusto ko na lamang ipagpatuloy ang aking trabaho dito para makaalis na agad ako dito. I am not going to intrude because I am just here for pure business. No time for my shitty feelings. As if he cares? Tiningnan ko ang aking relo at fifteen minutes na lang bago mag five thirty. Babyahe pa siya papuntang Laguna kaya dapat umalis na siya ngayon. "Cancel it all, tell them that something urgent came up." He said. Bakit naman niya ipapacancel? Kung sana ay ipatuloy mo na yung report ko para matapos na agad at makapagdate na kayo ng fiancé mo. "Pati po iyong dinner?" Ay bingi lang? Lahat nga daw diba? All! So lahat! "Yes, reschedule it tomorrow." He said bago patayin ang intercom. Hindi ko alam kung ano nang itsura ko ngayon. Ang alam ko lang ay naiinis ako at gusto ko nang umalis ng building na ito. Specifically, sa office na ito. He looked at me intently. May multong ngiti sa kanyang labi na tinatakpan ng kanyang mga daliri. He seems so fond of gawking at me and it made me feel uneasy and at the same time, furious. I cleared my throat for any lumps na kanina pa bumabara sa aking lalamunan. Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri habang nakatingin sa mga ito. Nageespadahan ang mga ito na parang totoong mga espada at nakikipagtalo sa isa't isa. "Shall I continue?" I said without looking at him. It took him seconds bago siya sumagot. "Come here," he ordered. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakabukas ang kanyang kanang braso. Looking at me seriously while his arm is extended like he wants me to be in it. "Huh?" I asked innocently. "Come here," he repeated. This time, mas lumalim ang kanyang boses at tila nag-uutos na kailangan ko iyong sundin. I took baby steps towards his direction. Nang nakalapit ako sa gilid ng kanyang table ay tumigil na ako. I still want to maintain the distance between us. He patted his lap wanting me to sit there. I gulped the lumps inside my throat. What are you doing to me, Marco? "I think I should continue, Mr. Gomez." I said bravely. Tinalikuran ko siya para lapitan ang aking laptop. Hindi pa man ako nakakahakbang ay hinuli na niya ang aking palapulsuhan. In instance, hinigit niya ako ng marahas dahilan para mapa-upo ako sa kanyang kandungan. "Marco!" I called. Nagulat ako sa kanyang dalusang kilos. Agad akong nakaramdam ng pagkalam ng aking sikmura. Piniglas ko ang aking buong katawan. The chair rocked at my sudden movement. Hindi nya ako hinayaang makatayo, he spread his legs widely making me fall on the small space he gave in between his legs. Impit akong napatili nang bumagsak ako sa kanyang inuupuan, sa gitna ng kanyang mga hita. Inipit niya ang aking mga paa, making my legs close together. Sinikop niya ang aking mga braso at ipinatong iyon sa aking kandungan para ito ay mapirmi. "Marco, ano ba?!" Piniplit ko pa ding pumiglas kahit nahihirapan na ako. He's bigger now. Para lang akong isang unan sa kanyang gitna. Hindi ko na siya kaya dahil mas malakas ang pwersa niya. Ngunit pakiramdam ko ay hindi pa ito ang buong lakas na ipinapakita ko, kaya ko pa ngunit ayaw na ng katawan kong manlaban pa. Naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking pisngi. Agad akong natigilan at nagtaasan ang aking mga balahibo sa braso at binti. Hinaplos niya ang aking magkabilang braso, pabalik-balik niya iyong ginagawa sa mabagal na ritmo. "I still have that effect on you," he whispered against my ear. Hindi ko na magawang kumilos. Kahit ang pagpiglas ay hindi ko na magawa. Nanghihina na ang aking buong katawan para manlaban pa. Maramdaman ko lamang ang kanyang mga haplos, nawawala na ako sa katinuan. Maglapat lamang ang aming mga balat ay nalilimutan ko na ang lahat. Kung paano ako napunta dito. Kung ano ba ang ginagawa ko dito. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ito. Kaming dalawa. "Very good," he murmured.  Inikot niya ang kanyang swivel chair paharap sa malaking glass window sa likod. Kita ang kabuuan ng Makati City. Kung gaano kaingay at kagulo sa labas ng bintanang ito, ay ganoon naman katahimik ang kinalalagyan ko. Ipinatong niya sa aking balikat ang kanyang baba. Naglapat ang aming mga pisngi. Sobrang lapit ng aming mukha na hindi ko magawang harapin siya. "I will sign the contract later," he whispered. "Bakit hindi pa ngayon?" Tanong ko. Muli niyang hinaplos ang aking magkabilang braso. "I just want to feel my home," He breathes. Iginiya niya ang aking katawan pasandal sa kanyang dibdib. Wala na akong lakas para magprotesta kaya nagpaubaya na lamang ako. Sumandal din siya sa kanyang upuan para mas maging komportable kaming dalawa at nadala nito pati ang aking katawan. "I'm sorry," pabulong kong sinabi. Naalala ko ang pagtatagpo namin noong reunion. "I'm sorry for slapping you that night," sinandal ko pang lalo ang aking ulo sa kanya. Leaning all my weight to his chest. "Nagulat lang ako kaya ko iyon nagawa," I murmured. Hindi siya nagsalita. Pinaglalaruan niya lamang ang aking buhok habang pareho kaming nakatingin sa labas ng malaking bintana. "It's your fault! Bakit mo kasi ako basta hinalikan? I was shocked!" I hissed. "Am I not allowed?" He asked. Hindi naman sa ganoon. But we're not in some kind of relationship anymore. You already have a new woman. "Of course you're not allowed anymore! Your girlfriend was watching!" Anong gusto niyang gawin ko? Matuwa at sabayan na lang ang kalam ng sikmura ko? Hindi ko naman ugaling agawin ang taong hindi na sa akin.  "Is that all you have to ask for forgiveness?" He said as he caressed my hair. "Yes, hindi ko naman sinaktan ang fiancé mo. Hindi ko naman sinira ang pangalam mo." I hissed. He chuckled at my thought.  Ano pa bang dapat kong ikahingi ng tawad? Wala na naman akong ginawang kasalanan sa kanya recently. Ah! The drunk scene! Yeah that's right. Baka masyado ko siyang naperwisyo since siya ang nagalaga sa akin noong lasing ako. Wala man akong malay pero alam kong siya iyon dahil siya naman ang naabutan ko paggising. "Okay, sorry. Naging babysitter pa kita noong nalasing ako." Nag-isip pa ako ng mga kaganapan noong reunion na naging kasalanan ko sa kanya. "You danced sensually with the guy you don't even know," he said. Gritting his teeth. "And so? It's normal! It's like an acquaintance party." I hissed. I'm a modern woman but not a w***e. "It broke me," He whispered.  "Seeing you with other man is like killing me slowly," ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa aking baywang. Natigilan ako. "Even when you were in Norway," he kissed my temple softly. Nararamdaman ko ang sakit sa kanyang tinig. Parang nasasaktan din ako. I know I shouldn't, kasi wala na akong karapatan. "How did you know?" Tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot. Bakit siya masasaktan kung may kasama akong iba? May Dorothy na siya, at ikakasal na sila for sure. Ayoko lang i-open up dahil baka madurog lang ako. Noong sinabi kong fiancé niya si Dorothy, hindi naman siya umapela. So I guess that's true. Hindi dapat ako nagpapadala sa nararamdaman ko. Kahit na dapat sundin ko kung alam kong tama, kung alam kong doon ako sasaya. Pero hindi na pwede, hindi na pwedeng sundin pa ang puso kung mali na ang magiging kasiyahan nito. Hindi dapat ako nandito. Hindi dapat kami ganito. Wala akong karapatan na manatili pa sa mga bisig niya. I closed my eyes tightly nang naramdaman ang kamuntikang pagpatak ng aking luha. You see, you still affect me. Pero ano itong ginagawa mo? This is cheating! Pero hinahayaan ko, kasi gusto ko. Kailangan ko. Tumunog ang isang cellphone, sa kanya iyon dahil hindi naman ganoon ang ringtone ko. Nakita ko kanina na pareho kami ng phone. "I think someone is calling you," I said rattling for words.  Binasag niyon ang katahimikang namamagitan sa amin. Minulat ko ang aking mga mata nang mawala ang aking mga luha na kamuntikan nang pumatak. Hindi man lang siya kumibo para tingnan ang kanyang cellphone. Nanatiling mahigpit ang yakap niya sa akin at hindi man lang lumilingon sa tumutunog niyang telepeno. "Marco," I called. "Hmm?" He hummed. Hindi niya ba naririnig na may nag-riring? "Tumutunog ang cellphone mo," I said. "I know," alam mo naman pala bakit hindi mo sinasagot? Baka importante iyon, mas importante pa sa akin.  Bago pa ako makapagsalita ay namatay na ang tunog. Muling natahimik ang buong silid. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nakatingin lang ako sa bintana at nananalangin na sana huwag na itong matapos. Kung panaginip man ito, sana huwag na akong magising. Pagbibigyan ko ang sarili ko. Kahit ngayon lang, kahit ngayon lang ako sumaya. Dahil alam ko pagkatapos nito babalik na kami sa normal. Malayo sa isa't isa, at parang hindi na magkakilala. Kahit ngayon lang, maramdaman ko na naabot ko na siya muli. "Is there a need to continue my presentation?" I said. Tinutukoy ko ang presentation na naudlot kanina. "This is the business," he whispered. Humigpit ang kanyang yakap sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD