Kabanata XIX

3062 Words
The Mysterious Client I never had the proper guidance and knowledge about the business. Hindi naman ito ang tinapos kong kurso. Nakakasunod lang ako kapag nandiyan si Tita sa tabi ko. Tinuturuan niya ako at isinasama sa mga meetings ng matataas na tao sa kumpanya. Tagapakinig lang naman nila ako at kapag magdedesisyon ay sumasama na lang ako sa karamihan. At ngayon na ako ang magrerepresenta ng kumpanya ay medyo kinakabahan ako. Tita's not with me anymore and I don't know what to do. Sabi niya, one of the biggest board iyong Filipino investor sa kumpanya. Mas lalo akong kinabahan nang napagtantung malaking tao rin pala iyon. Influential and high standard. Kung papalpak ako, baka makasira iyon kay Tita at sa kumpanya. Sa aking malalim na pag-iisip ay narinig kong tumunog ang aking cellphone, tumatawag si Isabella sa akin. Mabuti na lamang at traffic. "Isabella," I said as I answered the call. "Where are you? Nandito kami sa baba ng hotel. Sabi ng guard sa amin ay umalis ka daw. Bumalik ka na bang Manila?" Isabella asked continuously. Naririnig ko ang tinig ng aking ibang kaibigan sa kabilang linya. Siguro ay magkakasama ang mga ito. "Binisita ko ang bahay, nasa San Pascual na ako. I'm sorry." Umandar na ang trapiko, hinawakan ko ang manibela at nagmaneho habang nasa isa kong kamay ang cellphone. Kakaunting usad lamang ang naganap nang pinaandar ko ang sasakyan. Grabe ang trapiko at mainit pa ang panahon. "Malapit na siya!" Sigaw ni Isabella sa mga kasamahan. "It's okay, we will just wait here." She said to me as I ended the call. My plan on taking a dip has vanished. Nawala na iyon sa aking isipan nang tumawag sa akin si Tita for a very important matter. I should get back to Manila very soon because of that important client. Nakarating ako ng Bauan at around three in the afternoon, nanroon nga sila sa baba ng hotel at inaabangan ang aking pagdating. Agad akong lumabas ng sasakyan pagkatapos kong patayin ang makina. "I'm sorry for keeping you waiting. Hindi ko naman alam na pupunta kayo sa hotel." I said as I checked my phone for any messages. "Well, biglaan din naman kaya hindi ka na namin nasabihan." Bethany said. "Aalis na din kasi kami bukas, didiretso na ako sa Romblon para sa kasal namin ni Francis sa Saturday." Monica said. Her cheeks turned red when she mentioned her fiance. "Hindi na kami nakatira dito. Wala sa amin ang nakatira pa dito sa Bauan, dala na kami ng mga asawa namin!" Bethany hissed. "Okay I'm sorry, nasaan si Lauren?" I asks. Si Lauren lamang ang wala dito. Hindi nila siya kasama kaya nagaalala ako. Buntis pa naman ang babaeng iyon. "Nasa Manila na, umuwi din kinabukasan after the reunion. Busy'ng tao ang asawa!" Everly said. Ang asawa ni Lauren ay isang head chef ng sikat na buffet restaurant sa Taguig. Minsan ay bibisita ako doon kapag nakabalik na akong Manila. Umakyat na kami patungo sa room ko. Pagkabukas ko ng pinto ay nag-unahan pa ang mga ito sa pagpasok. Nagtungo agad ang mga ito sa sofa kung saan nakalagay ang aking mga pasalubong at agad nang pinagkaguluhan iyon. "Uuwi na din ako ng Manila bukas," sabi ko kahit hindi nila ako hinaharap. "Bakit? Hindi mo ba na-miss ang Bauan? Aalis ka agad. Magstroll pa naman sana tayo." Bethany said habang nangangalkal sa mga paper bags. "I have an important client to meet. Tita can't make it kaya ako ang magrerepresenta sa kanya." Hinubad ko ang aking relo at sapatos at inilagay iyon sa tabi ng aking kama. "Wow! Thanks for this Chloe. Ang gaganda nito." They said. Nagpaakyat ako ng pagkain dito sa room dahil hindi pa din naman sila kumakain. Hindi pa ako nanananghalian at gusto din naman nilang kumain. Hinihintay na lang namin ang pagkatok ng kung sino dala ang mga iyon. Nakaupo ang mga ito sa aking kama at ang iba ay nasa sofa. Tinitingnan nila akong lahat na para akong may tinatago. "What if magkita kayo sa Manila?" Bethany said intently. "Sa Manila din ba siya nakatira?" I asked them. Inisip ko na iyon noon bago ako umuwi dito. Hindi naman malabong mangyari iyon. "Oo naman! Ang alam ko ay sa condominium siya nakatira. Naroon ang kanyang kabuhayan, kaya doon din siya nakatira." Everly said. Kapag magkavideo call kami, tinatanong ko sa kanila ang tungkol kay Marco at minsan nilang nabanggit ang tungkol sa itinayo nitong negosyo. Ngunit hindi naman nila sinabi kung saang field ng negosyo siya naroon. "Anong business niya?" I asked. I suddenly get curious about him.  "Furniture and designing. Ang dali niyang napalago iyon. Iba talaga ang impluwensya kapag Gomez ka." Isabella answered. Furniture and design, iyon nga ang gusto niyang negosyo noon pa man. Naaalala ko pa noon kung gaano siya kaseryoso kapag nagdidisensyo at nag-iisip ng mga konsepto. Gustong-gusto kong nakikita ang mga disensyo niya, isa na iyon sa mga hobby ko noon. Gusto ko na ako ang unang makakakita ng kanyang idinisenyo. I suddenly feel so proud for him. For what he became right now. Tinuloy niya kung ano ang pangarap niya. Pero bakit iba kapag Gomez? Ano bang mayroon sa pamilya niya? Anong hindi ko pa alam tungkol sa kanya? "Bakit mo nasabi na iba kapag Gomez?" I asked to them. Bigla silang nagulat sa aking tanong. "Hindi mo alam? Naging magkasintahan kayo noon ni Marco pero bakit wala kang alam?" Bethany asked hysterically.  "Hindi ka pa ba niya nadadala sa Santa Rosa? Sa pamilya niya?" Monica asked. Tama si Monica, matagal nga kaming nagkakilala ni Marco pero kahit kailan ay hindi niya ako naipakilala sa mga magulang nito. Hindi ko alam kung may kapatid ba ito. "Hindi pa," sagot ko. "Nakapunta na kayo sa kanila?" I asked to them. "Oo, may bahay din sila dito sa Batangas. Doon ang napuntahan namin, doon nakilala ni Lauren si Gus. Hindi mo na naabutan kasi nag-Maynila ka na noong kolehiyo." Bethany said. That's why. "Bakit kayo nagpunta sa bahay nila?" Hindi ako sinabihan ni Marco noon tungkol dito. "Ang inimbitahan talaga ay sina Wilder, Oliver at Lauren. Pero nagpumilit itong si Isabella na sumama kaya pumayag na si Marco. Anniversary noon ng mga magulang niya." Everly said. "At talagang may pinagmanahan itong si Marco. Copy cut siya ng tatay niya! Tapos kutis naman sa ina niya." Isabella suddenly butt in. My curiosity filled me, I suddenly want to know more about him and his family. Pero para saan pa? Ano namang mapapala ko kung malaman ko? Dumating na ang pagkain kaya natigil ang aking pagtatanong. Tumagal pa sila dito ng halos kalahating oras at umalis na din. Maaga akong aalis bukas para maaga akong makarating sa Manila. Kinakabahan talaga ako sa Filipino investor na iyon. Sana naman kung magkamali ako ay huwag niyang ipaalam kay Tita. Hindi naman kasi ako perpekto at experto sa negosyo na ito. I'm just adopting what I heard and learned. Pinake at inayos kong muli ang aking mga gamit para bukas ay wala na akong malimutan. Nagising ako sa tumutunog kong cellphone. May tumatawag sa akin nang ganito kaaga? "Hello?" I said in a husky voice. "Sorry dear, nagising ba kita?" Oh it's Tita. Probably about the company and that Filipino client. "It's fine Tita. Maaga talaga akong gigising kasi uuwi na po ako ng Manila ngayon." Pagpapaalam ko sa kanya. "That's good. I already send you the details and other files na kakailanganin mo for the client." She said. Bumangon agad ako sa kama at nagbukas ng aking laptop. Dumiretso ako sa aking e-mail at nakita ang newly entered messages ni Tita sa akin. "Okay Tita, I got it." Binuksan ko iyong lahat. May nakita akong contract letter at kailangan ko pa iyong ipaprint. "We need him so much for the company, dear. Kuhanin mo ang loob niya, anak. Mailap talaga iyan, habaan mo na lang ang pasensya mo." Tita said. Sa sinabi niyang iyon ay lalo lamang akong kinabahan. Mukhang mahigpit ang isang ito. "Ako na pong bahala Tita. As soon as makarating na po ako ng Manila ay magpapa-appointment na po ako sa kanya." I assured her. Natapos na ang tawag at tuluyan na akong nagising. Hindi na ako ganoong mahihirapan sa paghahanap dahil nasa contract na din ang address ng kumpanya. Bumaba ako ng hotel para kumain at pagkatapos ay nagayos na. Wearing a black sweat pants paired with white one piece tankini and a black air max. I did my hair on a ponytail as soon as it dried. Nag-check out na ako sa hotel na pinagtigilan ko. Hindi na ganoon karami ang aking bitbitin dahil nakuha na ito ng aking mga kaibigan. Laking ginhawa dahil gumaan na ang aking bagahe. "Thank you for staying with us, Ma'am. Come back again!" Sabi ng guard nang makalabas ako sa hotel. Ngumiti ako sa kanya bago ako naglakad nang muli. Nilagay ko na sa back seat lahat ng aking gamit at agad na pinaandar ang sasakyan.  Tumagal ng halos limang oras ang aking ibinyahe pabalik sa Manila. Dumiretso ako sa malapit na computer shop para ipa-print lahat ng aking kailangan. Dumaan din ako sa stationary shop at bumili ng presentableng folder at ballpen. Alam kong may dala naman sigurong ballpen ang kliyenteng iyon pero mabuti na iyong may reserba ako. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa condo para kumain ng tanghalian. Nagtext sa akin si Tita Mercy tungkol sa kliyente. Tita Mercy: Anak, three in the afternoon ang appointment mo sa kliyente. Hindi siya makakaalis ng building nila dahil madami siyang ginagawa. Perfect opportunity para mahagilap mo siya. Good luck dear! Make me proud. I love you. Ni-review ko ang laman ng contract, maging ang ipo-propose ko tungkol sa kumpanya ay sinaulo ko. Gumawa pa ako ng outline para lamang madali kong matandaan. I also practice my reporting skills habang ang aking audience ay ang mga throw pillow sa sofa. Gumawa din ako ng slide presentation para mas alam ko kung saan patakbo ang aking poposal. I applied my knowledge about presenting when I was in college defending our research paper. May panelist ba? "Para naman akong baliw sa ginagawa ko!" I hissed. I shaked my hands and my face to loosen the tension. Kinakabahan talaga ako. "You got this, Chloe. You got this." Ininom ko ang isang basong tubig at muling ipinagpatuloy ang pagpa-practice. "Oh s**t! I'm f*****g nervous!" I yelled in frustration. Binasa kong muli ang mga nakasulat sa contract. Maging ang aking ginawang presentation ay pinasadahan ko din ng basa. Nagbabakasakaling may mga typographical errors or maling impormasyon para maayos ko agad. Walang pumapasok sa aking isip sa lahat ng aking binasa. Tension and fear eats my system. But I need to do it for the company. For my Aunt.  Nang nag-ala una y media na ay naligo na ako. Nasasaad sa isang research na dapat ay good posture and apperance dapat kapag haharap ka sa kliyente. I need to be clean at mabango para hindi ma-disappoint ang client. Mas makikinig siya sa mga sasabihin ko kung presentable akong haharap sa kanya. I scrubbed the shower gel all over my body. It smells like a lavender and a peony. Kiniskis kong mabuti para kumapit sa aking katawan ang amoy. Ayon din sa research, dapat light makeup lang kapag haharap ka sa client. Hindi naman party ang pupuntahan para mag makapal na eyeshadow at lipstick. Hindi na ako naglagay ng foundation para magaan sa mukha. Hinayaan kong makita ang mga freckles sa aking mukha. I did my brows naturally, curled my lashes and put some mascara. I put a light amount of cheek tint just to add some color. I put light amount of red lipstick just to paint my lips. I wore my business attire way back in Norway. Ginamit ko din ito noong nag-aplay ako para sa residency ko sa ospital. A black dress with quarter length sleeves and Sabrina neckline na umabot hanggang tuhod ang haba at kulay gray na blazer na tinernohan ko na itim na stiletto. Nilagay ko sa folder lahat ng mga dokumento, nilagay ko sa aking black tote bag ang aking laptop at cellphone. Humarap akong muli sa salamin at tiningnan ang aking repleksyon. Nang nakuntento ay bumaba na ako ng building. Alas dos y media pa lamang ay tinatahak ko na ang daan papuntang Makati. Sa McKinley Road ako dumaan para mas mapabilis akong makarating. Tiningnan kong muli ang address sa contract at muling tumulak sa daan. Nang nasa tapat na ako ng building ay naghanap agad ako ng parking. Punong puno dito ng sasakyan kaya hindi ko alam kung may bakante pa ba para maparadahan ng aking sasakyan. Humigit kumulang na bente minuto ang lumipas bago ako nakarating sa building na ito. I parked my car properly at tumingin sa front mirror. Nang nakuntento ay bumaba na ako sa sasakyan at muling tiningnan ang aking repleksyon sa bintana ng aking sasaksyan. Inayos ko ang suot kong dress at inayos ang hawi ng aking buhok. Kinakabahan ako habang pumapasok sa loob ng building. Bawat hakbang, kumakabog ng malakas ang aking dibdib. Chloe, lobby pa lang. Wala ka pa sa conference room.  May mga nakakasalubong akong empleyado na lumalabas ng building. Siguro ay break time ngayon. Nginingitian ko ang lahat ng bumabati at ngumingiti sa akin. Dumiretso ako sa front desk at nagtanong. "Hi. Good afternoon, I want to ask if the president is here?" I asks. Hindi ko nga pala alam ang pangalan pero hayaan na. Malalaman ko din naman mamaya. "For which company, Ma'am?" The reception asked. Pinakita ko pa sa kanya ang detalye ng aking kliyente sa nakasulat sa aking notebook. "May appointment na po ba kayo kay Sir?" Tanong niya din sa akin. Tinitingnan niya ang kanyang notebook na naglalaman siguro ng schedule ng kanilang employer. "Yes, ngayong three in the aftenoon, actually." Inayos ko ang aking damit. "Representative lang ako ng Twin Tower, the CEO couldn't make it kaya ako ang pinadala niya." I explaind. "Twin Tower? Sandali lang po Ma'am check ko lang po." May tiningnan siya sa kanyang computer bago muling humarap sa akin. "Mrs. Mercylyn Andersen po ang nakalagay dito, pero tumawag po siya kanina sa secretary ni Mr. President na representative daw po ang pupunta." She said. "Yes, ako nga ang representative. Mrs. Andersen is my aunt." Sabi ko sa kanya. Medyo naiinip na ako dito at hindi na ako mapakali. Gusto ko nang masimulan ang meeting para matapos na agad. Baka makalimutan ko pa ang mga sinaulo ko. "Ano pong pangalan nyo ma'am?" The lady asked me. "Chloe Scarlet Madrigal," I said. Ipinakita ko pa sa kanya ang aking visa sa Norway na nasa aking passport. "Sandali lang po Ms. Madrigal," kinuha niya ang telepeno at may tinawagan. Hindi ko naririnig ang kanilang pinag-uusapan sa sobrang hina ng kanyang tinig at bahagyang lumayo pa ito sa akin. Nang natapos ang tawag ay muli niya akong hinarap. She smiled, "Mr. President is still in the meeting. Dumiretso daw po kayo sa Office of the CEO at doon siya hintayin." She said. "Dito na lang ako maghihintay kung nasa meeting pa siya. Tawagan mo na lang ako kapag tapos na." Didiretso na sana ako sa sofa para umupo ngunit maagap niya akong pinigilan. "Ma'am iyon po ang ipinaguutos ng President. Fifteenth floor po." She said nervously. Natatakot ba siya sa kanilang Presidente? Nakakatakot ba siya? I forgot! I need to impress him, kaya dapat ay sumunod ako. "Okay thanks," tumango ako sa kanya at dumiretso na sa elevator at pinindot ang up button. Habang nasa elevator, sinasaulo ko sa aking isip ang ipapakita kong presentation. Ni-recall ko lahat ng natutunan ko kay Tita para maiapply ko iyon ngayon. Tumunog ang elevator nang nasa tamang floor na ako. Pagkalabas ko ay tahimik na palapag ang bumungad sa akin. May hagdanan pa sa aking harap na iyon siguro ang daan papunta sa opisina dahil wala na namang ibang kwarto dito. Nang makaakyat ako ay nakita ko sa aking gilid ang nakahilerang tinted glass window na kita mula sa loob ang buong Makati. Dumiretso ako sa babaeng nakaupo sa kaisa-isahang cubicle na nandito. Mag isa lamang siya sa floor na ito? Katapat niya ang isang pintuan sa kalayuan na hindi ko alam kung ano iyon. "Excuse me, saan dito ang Office of the President?" I asked. Tumunghay siya sa akin at mataman akong tiningnan. "Kayo po ba ang representative ng Twin Tower?" Naglakbay ang kanyang mata sa akin. Mula ulo hanggang paa. I suddenly feel uneasy. "Yes," I smiled. Tinanguan niya ako at may tinawagan sa telepeno. Sobrang tahimik ng palapag na ito. Iisang pinto lamang ang nandito. "Sir, nandito na po siya." Sabi niya sa taong nasa kabilang linya. Tumatango tango pa siya habang nakikinig sa kabilang linya. Nang natapos ay binaba niya iyon at tumayo. "This way Ma'am," nauna siyang maglakad at sumunod lamang ako sa kanya. Papunta kami ngayon sa pintuan na may sign board sa taas niyon. Office of the CEO. Binuksan niya ang double doors at pinaubaya sa akin ang pagpasok. "Dito niyo na lang daw po hintayin si Sir," sabi niya at sinarado ang pintuan. Napaka-aliwalas ng opisinang ito. Minimalist lang ang design. All white ang mga pader at brown ang mga furnitures. May touch of green din dahil sa mga halaman na nandito. Sa glass window ay kitang-kita ang kabuuan ng Makati. Maganda dito kapag gabi, kitang kita ang city lights. Ngunit parang hindi ito isang opisina. May mga division pa ang kwartong ito. Katapat ko ang lamesang naglalaman ng name plate ng may ari. Isa itong penthouse, may kusina, kwarto, banyo at walk in closet din. Wala pa naman siya kaya naglibot muna ako. Tinanggal ko ang aking blazer at ipinatong iyon sa sofa kasama ng aking bag. Malawak din ang kanyang tanggapan, parang isang sala na ito sa aking condo. Napatingin ako sa nag-iisang table dito sa silid. Natuon ang aking tingin sa plaque na nasa gitna kung saan nakaukit ang isang pangalan. "Tobias Marco N. Gomez. President." Binanggit ko iyon isaisa habang nag-sink in sa akin ang lahat. Siya ang kliyente namin? Siya ang tinutukoy ni Tita na Filipino inverstor sa kumpanya. Isa siya sa biggest board of directors ng Twin Tower at major stock holder pa! Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto sa aking likuran. Isa pang click ang aking narinig at sigurado akong lock na ang kanyang ginawa. Mabibigat na yapak ang aking naramdaman na palapit siya sa aking kinatatayuan. Nag-ugat bigla ang aking mga paa sa semento at hindi ko magawang pumihit para siya ay maharap. Diretso ang kanyang lakad papunta sa kanyang lamesa nang dumaan siya sa aking gilid. Saka lamang nagtama ang aming paningin nang nagkatapat kami. Umupo siya sa kanyang swivel chair at sumandal dito, without breaking our eye contact. Naghuhuremantado ang aking puso at hinihigit ang aking paghinga. Damn those eyes. Those eyes that made me tremble.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD