Unplanned Reward
Pinapalibutan ng mga tao ang aming basketball team. Nagtatakbo, nagtatatalon at sabay-sabay na kumakausap sa mga ito. Hindi ko malaman kung kino-congratulate, pinupuri o gusto lang magpapansin. Lahat sila ay may ngiti sa mga labi. Lalaki at babae maging ang hindi ko masabi kung anong kasarian ay pumapalibot sa mga ito. Pinagmamasdan ko silang lahat mula dito sa taas habang unti-unting kinakain ng mga tao si Marco. Nakikita ko kung gaano siya pinupuri ng mga tao. Kung paano siya napapansin ng mga ito.
Bakit hindi ko iyon magawa sa kanya? Bakit kailangan ibang tao pa? Sa tuwing malapit siya, nawawala ako sa sarili, nauutal at parang naputulan ng dila. Malakas na kumakabog ang aking dibdib na tila gustong kumawala ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit ganito ka-grabe ang epekto niya sa akin.
"Tara! Batiin na natin sila." Pag-anyaya sa amin ni Isabella.
"Baliw ka ba? Halos magkaroon ng stampede diyan sa baba. Tapos sisingit tayo?" Pagrereklamo naman ni Bethany.
"Mamaya na lang kapag humupa na ang mga tao," suhestyon naman ni Lauren. Sumang-ayon dito si Monica at Everly at iyon nga ang aming ginawa.
Nandito kami sa gymnasium para sa mga awarding na ibibigay sa mga deserving na manlalaro. Naka-line up na sa unahan namin ang mga players kada team. Lahat sila ay may ngiti sa mga labi, nawawaring maganda ang kanilang kinahantungan. Kahit mainit at masikip, hindi alintana ng mga ito iyon.
"I'm sure, MVP na ang tatlo. Kasali din yan sa mythical five!" Lauren said. Katabi ko siya ngayon at hindi pa din maka-recover sa victory ng aming team sa basketball. Para din pala itong si Bethany.
"Oo nga, ang galing nga nilang maglaro. For sure, kukunin sila ng school to represent the basketball team." Sabat naman ni Everly. Sinang-ayunan naman iyon ni Bethany at nakipag-apir-an pa dito.
Nagtipon ang mga estudyante at guro sa gymnasium kinabukasan. Nakapila ang mga ito by team at naghihintay na sa pagsisimula ng programa. Ngayon gaganapin ang awarding at iba pang acknowledgements na naganap sa tatlong araw na intramurals. Pangungunahan iyon ng aming principal at iba pang head teachers sa pagpapakilala ng mga masters of ceremony.
"Good morning Technites!" Sigaw ng MC sa mikropono. Tumunog ang tambol kasabay ang hiyawan ng mga tao.
"Excited ang mga technites sa magaganap ngayon. Sa tatlong araw na ginugol natin para maipamalas ang ating galing sa larangan ng isports, bibigyan natin sila ng pagkilala sa kanilang ipinamalas na diskarte at galing." Muling tumunog ang tambol at nagtatalunan na ang mga tao.
Nagsimula ang pagbibigay ng sertipiko sa mga kalahok ng bawat team na pirmado ng aming punongguro. Sumunod ang mga nagkamit ng mga pwesto sa bawat larong naganap sa intramurals. Malimit tawagin sa entablado ang mga kalahok ng aming team sa iba't ibang larangan ng sports na kanilang sinalihan. Pinahuli ng MC ang basketball dahil iyon ang pinaka-inabangan ng mga tao dito sa loob ng gymnasium, mas malakas at puno ng enerhiya ang mga estudyante nang ang basketball na ang bibigyan ng parangal at mga pagkilala.
"Ang team na nagkamit ng unang pwesto..." Sambit ng MC. Nagkaroon pa ng drum roll para daw mas intense ang dating.
"Golden Eagle!"
Naghiyawan agad ang aming grupo nang marinig ang pangalan ng aming team, nakisali pa ang aking mga kaibigan sa pagsigaw. Tumatalon-talon pa ang mga ito at naiipit nila akong lahat. Iniilag ko ang aking sarili para hindi ako matamaan dahil nagiging agresibo na ang mga tao sa paligid ko, pero hindi iyon sapat sa dami ng mga taong nagsasaya at nagdidiwang ng aming pagkapanalo.
May mainit na kamay ang humawak sa aking braso para ako ay higitin, inalis niya ako sa gitna ng mga agresibo kong kaibigan na sumisigaw at tumatalon. Sa lakas ng kanyang pwersa ay napasubsob ako sa kanyang dibdib. Agad niyang ipinulupot ang kanyang mga braso sa aking baywang para ako ay alalayan. Naamoy ko ang kanyang bango na nanuot sa aking ilong at pumasok iyon sa aking isip. Unti-unti kong inangat ang aking paningin. Madilim at malalim niyang mga mata ang aking nakita, puno ng pag-aalala at pag-iingat. Inaayos ko ang aking balanse para hindi kami matumba ngunit kahit ang aking mga binti ay hindi sumusunod sa akin. Humigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin dahilan ng mas lalo naming paglalapit. Sininghap ko ang lahat ng hanging malapit sa akin at mas namayani pa din ang kanyang bango sa aking pang-amoy. Nanigas ang aking katawan nang bahagya niyang haplusin ang aking likod. Naramdaman ko ang gaspang ng kanyang palad kahit napapatungan iyon ng aking uniporme.
Bakit ganito? Ayaw umalis ng katawan ko sa katawan niya. Bakit ganito ang puso ko? Parang hindi na ako ang nagmamay-ari nito. Hindi na ako pinapakinggan. At may kusa na itong isip para tumibok sa tuwing malapit ako sa kanya.
"Maggagawad din tayo ng mga special awards sa mga manlalaro. Ito ay base sa markang ibinigay ng mga committee at general coach ng Technites Basketball." Ang tinig ng MC ay tila nagiging bulong na lamang sa aking pandinig. Lalo na ngayon na siya lamang ang nakikita ko.
Nagwawala ang mga paruparo sa aking sikmura. Kumakabog ng malakas ang aking dibdib at hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang kumilos at ayusin ang aking tayo. Ito ba ang pakiramdam kapag mahal mo na talaga ang isang tao? Parang kapag malapit kayo sa isa't isa ay hindi ka nagiging komportable. Nagtataksil ang iyong puso dahil sa malakas na pintig nito. Nagtataksil ang iyong labi dahil hindi man lang makapagsalita. maging ang buo mong katawan ay hindi na sumusunod sayo. Being wrapped in his arms makes me stiffened. I feel safe whenever he touch me.
Narinig ko ang marahas na pagtikim sa aking likod, iyon ang naging hudyat kaya agad akong tumayo ng maayos at humarap sa entablado. Humupa na ang pagiging histerikal ng mga tao at bumungad sa akin ang mapanuksong ngiti ni Bethany. Agad niya akong hinila palapit sa kanya para bumulong.
"Make it private naman," Bethany whispered against my ear.
"Na-out of balance lang," pagpapalusot ko. Alam kong hindi naman iyon bebenta sa kanya, si Bethany ang isa sa mga kaibigan ko na mahirap maloko.
"Really? Bakit naman siya nasa likod?" Tanong niya. Pinagkibitan ko lamang siya ng balikat dahil maging ako ay hindi alam ang sagot. Hindi na muli akong lumingon sa aking likod para tingnan kung nandoon pa ba siya. Alam kong may nakakita din sa naganap sa amin kanina kaya nahihiya na din ako.
Tinaguriang MVP si Marco, tuwang-tuwa ang mga estudyante nang tawagin ang kanyang pangalan para gawaran ng medalya at kung ano mang sertipiko. Kasama naman sa mythical five sina Oliver, Wilder, Marco at dalawa pang kasapi nila sa team. Silang tatlo din ang napili ng coach para sa Technites Basketball team. Tuwang tuwa ang aking mga kaibigan nang nakasali ang tatlo. Nagpipilit pa ang mga ito na magpalitrato dahil baka daw maunahan pa ang mga ito. Ilang oras lamang ay nagpadismiss ng maaga ang principal para makapagpahinga ang mga estudyante.
"Saan mo gustong kumain?" Marco asked.
Nilalakad na namin ang kahabaan ng pathway palabas ng eskwelahan. Maliliit na hakbang lamang ang aking ginagawa kaya palagi siyang nauuna. Kapag nawawala na ako sa kanyang tapat ay binabalikan niya naman ako. Hindi sumabay sa amin ang aming mga kaibigan dahil iniutos iyon ni Marco. Si Wilder ang bahala sa kanila at hindi ko na alam kung saan sila nagpunta. Noong dumaan ako sa kanilang room ay wala na sila at umalis na.
"I'm full," I simply said.
He sighed heavily after a few seconds. "What's the problem?" He whispered, allowing me to properly hear what he said.
"Nothing," I said as I continue to take small steps on the road.
"Baby, please." He blocked my way and equaled our sights. "What's bothering you?" He asked.
Hindi ako nagsalita, tinikom ko ng mariin ang aking bibig at pinipilit na huwag bumigkas ng kahit isang salita. Tanging paghinga ko lamang ang nagiging responde ko sa kanyang bawat tanong. Hinawakan niya ang aking palapulsuhan at hinila ako palabas ng gate. Nauuna siya sa paglalakad at malalaking hakbang ang kanyang ginawa. Nakasunod lamang ako sa kanya at hindi magawang magreklamo dahil halos kaladkarin na niya ako. Pagkalabas namin ng gate ay agad na may tumigil sa aming harap na itim na Subaru. Natigil kami sa paglalakad at bumukas ang driver's seat upang iluwa ang lalaking nasa early twenties ayon sa aking tantya. Nakasuot ito ng puting unipormeng pangkusina at may logo ng isang prestihiyosong unibersidad sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.
"Give us a minute, Gus." He commanded. Tumango iyong lalaki at pumasok ulit sa kotse para maipark sa isang tabi at hindi makaabala sa iba pang estudyanteng kasabayan naming lumalabas. Hinila ako ni Marco palapit sa sasakyan nang ma-park iyon ng maayos at binuksan nito ang shotgun's seat.
"Gusto ko nang umuwi, Marco." I said. Pinalumbay ko pa ang aking tono kahit hindi ko siya tinitingnan.
"We will, baby. But please, let us talk first." Iminuwestra niya sa akin ang pagpasok sa kotse. Sumuko na lamang ako at sinunod ang kanyang gusto. Pagkapasok ko ay siyang paglabas ng lalaking tinawag nitong Gus. Sinarado niya ang pintuan at umikot sa kabila para ibigay kay Marco ang susi.
"Nasa bahay si Tita Thalia, hinahanap ka. Damn! Palagi na lang akong na-iipit pagdating sayo. Nagiging makasalanan ako para lang pagtakpan ka. " The man said. Nagpakawala pa siya ng maikling halakhak.
"Anong ginagawa ni Mama dito?" Marco said in low tone. Dahil hindi pa sarado ang pintuan sa aking gilid ay naririnig ko ang kanilang usapan.
"She's with a girl," the man said.
"Bullshit!" Marco heavily sighed as he closed the door beside me.
Ang tagal ko nang nakakasama si Marco, pero hindi ko pa pala talaga siya kilala. Madami siyang hindi sinasabi sa akin, hindi din siya nagkukwento. Wala akong alam tungkol sa pamilya niya. Hindi naman siguro sila sangkot sa sindikato 'diba? Pero bakit parang napaka-makapangyarihan ng pamilya niya? Kahit simple lamang ang kilos ni Marco ay may pagkakataon na maawtoridad siyang humaharap sa mga tao. Hindi ko pa din nakikilala ang pamilya niya.
Marco, anong hindi ko pa alam tungkol sayo?
Bumukas ang driver's seat at pumasok si Marco. Luminga ako sa paligid at nakitang wala na iyong lalaki kanina sa aking gilid. Nakita ko siyang pumasok sa isa pang SUV na nakapark sa hindi kalayuan at umalis na din agad. Sinarado niya ang pinto at tinapon sa dashboard ang susi. Narinig ko ang mabibigat niyang hininga na parang mabigat ang kanyang pinapasan ngayon.
"I want to go home," I whispered.
Hindi siya nagsalita, tinignan ko siya sa gilid ng aking mata. Nakasandal ang kanyang ulo sa back rest ng kanyang upuan at mariing nakapikit ang mga mata. He's mysterious, and that's the way he is. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ko siya minahal. Minulat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin. Nagtama ang aming paningin nang harapin ko siya. Mapungay at tila pagod ang kanyang mga mata, namumula iyon dahil sa pagtagal ng kaniyang titig sa akin. Nilaksan niya ang aircon dahilan ng aking sandiling panginginig.
"You've changed," he said. Leaning against the backrest, he was so frustrated.
"Bakit nagiging mailap ka sa akin?" Nilingon niya ako nang hindi inaalis ang pagkakasandal ng kanyang ulo sa backrest. Nakapaling ang kanyang leeg sa aking direksyon.
"Bakit tinatanggihan mo na ako? Bakit nanlalamig na ang mga trato mo?" Nahihimigan ko ang frustation sa kanyang tono. Tuluyan na niya akong hinarap, hinawakan niya ang aking magkabilang siko at hilahin dahilan ng paghilig ko palapit sa kanya.
"You've been like this for three days until now," he said.
"Tell me, baby. Please don't make it hard for me." Pumiyok siya sa huling salita. Namumuo na ang luha sa kanyang mga mata.
"Please, Marco." I pleaded. Binaba niya ang kanyang paningin sa aking mga naglalabang mga daliri. Tumango siya at binitawan ang aking mga siko. Lumipat ang kanyang mga haplos sa aking mga kamay dahilan ng pagpirmi ng aking mga daliri.
"You like keeping secrets?" He asks.
"What?" I also asks. Hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi kaya sinagot ko siya ng tanong din.
Inangat niya ang kaniyang paningin. Nagtama ang aming mga mata, seryoso iyon at punong-puno ng determinasyon. Pinantayan ko ang aming titig kaya lalo lamang iyon lumalim. Lumalapit ang kanyang mukha sa akin, hindi ko magawang umatras man lang at parang nagkukusa akong humilig pa lalo. Pinagpapawisan ang aking leeg ng malamig. Kahit malakas na ang aircon ay nararamdaman ko pa din ang paglandas ng pawis sa aking batok. Kumakabog ang aking dibdib sa samu't saring nararamdaman.
Is he going to kiss me? Right now? What to do?
"I'm sorry. I just can't hold it anymore." Nagpakawala siya ng marahas na hinga bago sakupin ang kanyang mga kamay ang aking magkabilang pisngi. Naglapat ang aming mga labi. Malambot, at puno ng pagmamahal ang halik na iyon. Nakapikit ang kanyang mga mata at nakakunot ang noo. Ganoon siguro dapat kaya ipinikit ko din ang aking mga mata. Hindi ako kuntento na magkalapat lamang ang aming mga labi kaya nagkusa akong galawin ang aking bibig. Hindi ako marunong humalik, ito ang kauna-unahan kong makakatikim ng halik sa labi. Inisip ko ang mga napapanuod ko sa TV at iyon na lamang ang aking kinopya.
Tinted ang mga salamin ng kanyang sasakyan kaya walang makakakita ng tunay na nangyayari sa loob. Naglakbay ang kaniyang kaliwang kamay sa aking baywang na naghatid sa akin ng kiliti. Hinapit niya iyon dahilan ng mas lalo kong pagkakahilig sa kanya. Hinawakan ko ang kaniyang kwelyo nang naramdaman na may sinasama na siyang dila. Mariin ko iyong hinawakan at mas pinapalapit pa ang kanyang mukha sa akin. He licked my lips without breaking the kiss. Naglakbay ang kaniyang kanang kamay sa aking batok. It sent shivers down to my spine. Marahan niyang sinabunutan ang aking buhok. He gently pulled it downward to have a better access to my lips.
Bumaba ang kanyang halik sa aking panga pababa pa lalo sa aking leeg. Umawang ang aking bibig para sumagap ng hangin sa tagal ng halik na ginawad niya sa aking labi. Hinalikan niya ang aking leeg ng paulit-ulit dahilan ng aking pagpikit. Kakaibang sensasyon ang hatid niyon sa akin at hindi lamang kiliti ang aking nararamdaman. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang nagpipilit na lumabas na ungol. I am now gasping for air but I don't want him to stop. This was the best thing I want to experience with him. His kisses, his touch and his care for me. Those were the best thing I want forever.
"We should stop," sabi niya sa gitna ng paghalik sa aking leeg. Naghatid iyon sa akin ng kiliti nang maramdaman ko ang kanyang hininga kapag siya ay nagsasalita.
"No!" I breathes. Hindi ko nagustuhan ang tonong aking nailapat sa salitang iyon. Para akong nagmamakaawa. Muli kong hinigpitan ang kapit ko sa kanyang kwelyo at pinaglakbay ang aking mga kamay sa kanyang dibdib.
He chuckled against my skin. "My baby wants more of my kisses," he said.
Tumaas ang kaniyang halik sa aking labi. Agad ko iyong sinuklian na tila gutom na gutom ako. I felt the throbbing sensation inside my core kaya agad kong pinagdikit ang aking mga tuhod. Pinutol niya ang halik at agad na sumandal sa aking balikat. Pumungay ang aking mata habang pareho kaming naghahabol ng hininga. Pinulupot niya ang kanyang mga braso sa aking baywang sa paraang para akong niyayakap. Mahigpit at tila ayaw akong pakawalan ang hatid ng kanyang yakap.
"Where did you learn to kiss?" He said as he looked at me intently. There's a ghost smile trying to hide behind his lips.
"Ginaya ko lang naman iyong mga napapanuod ko sa TV," I said innocently. He cursed at the wind in a foreign language. Tuluyan nang kumawala ang kanyang pinipigilang ngiti. I can't help but looked at his lips. Mapula pa din ito galing sa halikan namin kanina. He likcked his lips, sinundan ko iyon habang unti unting umaawang ang aking bibig.
"I have a short temper, baby." He said.
"This is my reward," I said. Hindi pa man ako nakakabawi sa mainit na halik kanina ay muli niya akong sinunggaban. Muli niyang binuhay ang apoy na naglilingas sa aking loob nang ilapat niya ang kanyang labi sa aking bibig.
Nakita ko ang aking repleksyon sa salamin. Hawak ko ang aking labi habang natutuyo na ang aking mga luha sa pisngi. It felt so real. Parang nangyari iyon ngayon lang. I can feel his lips brushing into mine endlessly. Pinunasan ko ang aking mga luha at lumabas na ng bahay. I checked my phone and it's already one thirty in the afternoon. Hindi pa ako kumakain ngunit hindi pa naman din ako nagugutom. I have a late breakfast kanina kaya hindi pa ako gutom sa ganitong oras. Nanghahalina ang dagat at parang gusto ng aking mga paa na magtampisaw sa tubig dagat. Wala namang problema dahil may baon naman akong pamalit. Tumunog ang aking cellphone nang alisin ko ang airplane mode nito. Tita Mercy is calling me.
"Thank goodness Chloe! I called you multiple times at ngayon ka lang sumagot. What happened? Are you alright?" Nahihimigan ko ang pag-aalala sa kanyang boses.
"I'm fine Tita, nandito po ako sa bahay sa Batangas. Binisita ko lang po." I said.
"Is that so? Oh God, you made me nervous." She sighed. Pinapakawalan ang pag-aalalang naramdaman kanina.
"Nasa opisina na po ba kayo?" I asked. Ako naman ngayon ay parang hindi mapakali para sa kanya.
"Yes, dear- Cancel my lunch meeting with a Filipino investor. I want Chloe to handle it." She said. Sumingit ang kanyang sekretarya kaya hindi niya natuloy ang sasabihin.
"Tita, what is it?" I asked. Nang narinig ko ang aking pangalan ay alam kong may ipapagawa siya sa akin.
"May meeting sana ako mamaya sa isang Filipino investor natin through video call. Pero mas gusto ko na ikaw ang makipag-meet sa kanya to represent the company. And he also approved kanina lang. He's one of our major stock holder." She said continuously.
"Okay Tita, hindi pa po ako nakakauwi ng Manila." Bukas pa ako uuwi ng Maynila dahil sabi ko ay hanggang tatlong araw ako dito sa Batangas.
"Busy ka pa ba? I will message him to reschedule the meeting once your free." Narinig kong bumukas ang pintuan ng kanyang opisina.
"Once I get back to Manila, Tita." I said.
"Sure dear, I have to go. I will just send you the details." She said and ended the call.
Akala ko exclusive for Norway lang ang estate ni Tita. Hindi ko alam na may Filipino kaming board of director. Whoever he is, I'm sure I can handle it. Tulong ko man lang sa kumpanya at kay Tita Mercy.