Katorse
"Sa stage tayo pupwesto ha. Mas kita kasi doon kapag may naglalaro." Bethany suggested.
"Oo, kaya dapat ay mauna tayo dahil paniguradong madami din ang pupwesto doon." Sambit ko.
Kakatapos lamang ng naganap na parada, narito na lahat ng estudyante sa gymnasium para ipakilala ang mga muses at escorts ng bawat team.
"Oo na! Alang-alang sa iyo. Masulyapan mo lamang si Wilder mo." Biro ni Isabella kay Bethany. Agad namang nag-iba ang ekspresyon niya na lalong kinatuwa ng aking mga kaibigan.
"Chloe, bakit hindi ka kasama sa mga muses? Pambato ka ng B, hindi ba?" Pag-iiba ni Bethany sa usapan.
"Ayoko, nahihiya ako. Tingnan niyo naman kung gaano karami ang nanonood, I will surely tremble to death." Tiningnan ko ang mga taong hindi maabala sa panonood. Rumarampa na ang mga muse at escort sa stage, nakasuot ang mga ito ng iba't ibang klaseng sportwear and gears.
"Isipin mo na lang na langgam sila. Kung nakasali ka panigurado, babakuran ka na ni Marco pababa ka pa lang ng stage!" Mapagbiro at puno ng malisya ang tono ni Everly. Sa lakas ng kanyang boses, hindi malabong marinig ito ng mga taong malapit sa amin.
"Huwag kayong maingay!" Pagsaway ko sa mga ito. Ayokong pinaglalandakan ang tungkol sa amin ni Marco. Kapag madaming may alam, madaming nakikialam.
"Bakit hindi ka nga pala nag-try out sa volleyball, Ate Beth?" Tanong ni Monica sa kanyang pinsan.
Sa tagal kong nakasama si Bethany, nalaman ko na mahilig ito sa sports. Lalo na ang panonood ng mga laro ng basketball at volleyball. Hinahangaan pa nga nito ang isa sa prestihiyosong unibersidad ng Ateneo dahil sa angking galing ng mga manlalaro sa unibersidad na iyon. Sa international naman, si Kyrie Irving ang gusto niya. Nalaman kong kaya siya naging atleta ay dahil sa inspirasyon niya sa kanyang mga napapanood.
"Wala lang, ayokong maglaro ngayon." Bethany said lazily. Pinag-krus pa nito ang kanyang mga braso habang tamad na nanonood sa nagaganap sa entablado.
"Ipinagpaliban mo dahil gusto mong manood ng laro ni Wilder." Litanya naman ni Lauren na kinainisan naman nito. Kahit ito ay naniniwala din na nagkakamabutihan na ang dalawa.
Kahit ako naman ay napapansin din iyon. Wilder showed his affection through teasing and making Bethany angry. It was his way of confessing. Samantalang itong manhid ko namang kaibigan ay tila hindi talaga iyon napapansin. Ngunit alam ko, nararamdaman ko na malambot ang puso nito pagdating kay Wilder.
"Tigilan nyo ako. Hindi nakakatuwa." Bethany hissed. Hindi man lang ito tumingin sa amin, nakadirekta ang kanyang mga mata sa entablado. Isa pa itong moody, paiba-iba ng emosyon.
"Oh tama na, galit na ang bebe ni Wil." Sabi ni Isabella na lalong ikina-inis ni Bethany.
Natapos na ang ganap sa entablado. Idineklarang panalo sa pagiging muse ang kaklase nina Lauren, sa escort naman ay sa grade twelve nakuha ng mga hurado. Sa loob ng bente minuto, magsisimula na ang unang laro. Inayos na ng mga komite ang set up sa basketball court. Ang unang dalawang team na maglalaro ay naghahanda na din sa magkabilang benches na inilaan para sa mga players. Hindi ko inakala ang paglapit sa amin ni Marco, kasama nito si Wilder at Oliver. Agad namang dumiretso sa kasintahan si Oliver. Dahil katabi ko lamang si Bethany kaya hindi na umalis sa pwesto si Wilder.
"Siguro kung kasali ka sa mga muse, ikaw na pinakapangit." Asar ni Wilder kay Bethany.
Ngunit para sa akin iba ang ibig sabihin niyon. Kung makasali man si Bethany sa paligsahan ng ganda at talino, paniguradong mababakuran at hindi mapapakali si Wilder sa pagprotekta dito.
"Nakakasira ka ng araw," usad ni Bethany at agad umalis sa aking likuran. Tinapik ni Wilder ang balikat ni Marco bago sinundan ang aking kaibigan.
"Ang hilig talaga nilang mag-away. Tapos kapag nagalit si Beth, susuyin naman agad ni Wilder." Iniling ko ang aking ulo at tuluyang hinarap si Marco. Nakatingin ito sa akin, tila may hinihintay sa aking sasabihin o gagawin. Naguguluhan talaga ako sa dalawang iyon. May pagkakataon na maayos naman sila at madaming pagkakataon naman ang ganyan, awayan at asaran na nagreresulta ng sakitan. Lumalabas ang pagiging sadista ni Bethany at ito namang si Wilder ay hindi nagrereklamo.
"Where's my lucky charm?" Marco asked. Humakbang siya ng isa pang beses. Trying to eat the space between us. Naging malalim ang kanyang titig sa akin, tila ayaw niyang mabaling ang atensyon ko sa iba.
"Lucky charm?" Tanong ko. Lumitaw sa kanyang labi ang ngisi, pagkatapos ay unti-unting kumurba ang labi nito sa malawak na ngiti.
"What?" I asked when he didn't answer. Humaba pa ang pagkurba ng kanyang labi. Nanlaki ang aking mga mata sa napagtanto. He wanted a kiss. Wrong place.
"Isa lang," he pleaded. Trying to lean closer.
"No!" I hissed. Naglakad ako sa kinatatayuan ng aking mga kaibigan. Nasa stage ang mga ito at naghilera na sa taas.
"Marco!" Napalingon kaming pareho sa tumawag sa pangalan niya. Sunod kong nakita ang paglipad ng bola sa ere dahil sa pagpasa ng kanyang kakampi niyon. Walang hirap niya iyong sinalo ng kanyang dalawang kamay bago ako muling harapin. Ang bolang iyon ang kumumpleto ng kanyang porma ngayon. A wild enormous basketball player.
"One day, you will beg for my kisses. One day." Usad ni Marco.
"Dream on, Mr. Gomez." Sabi ko. Tinalikuran ko na siya para magpatuloy sa aking paglalakad. Naramdaman ko na nanatili siya sa aking likod, naglalakad papunta sa stage.
He reached for my hand. "I will, Mrs. Gomez." He said.
Binitawan na niya ang aking kamay at pumunta na sa bangko ng kanilang team. Parang bumagal ang paggalaw ng paligid. Kaming dalawa lamang ang naging malinaw sa aking paningin. Nakikita ko ang kanyang matamis na ngiti habang ako ay hindi na maintindihan ang gagawin. Kumakalabog ng malakas ang aking dibdib at namamawis ang aking leeg. This is not good. Iba na ang nagiging epekto niya sa akin.
Dumiretso na ako sa stage. Tumabi ako kay Bethany dahil doon lamang may tirang espasyo. Ilang minuto na lamang ang natitira at magsisimula na ang laro. Naghahanda na ang magkabilang team, pumapalibot ang mga ito sa kanilang estudyanteng tagapayo. Sa tapat namin ang pwesto ng team, kaya madali lamang kay Marco na sumulyap sa akin kung may pagkakataon.
"Marco talaga, imbis na makinig kay coach, sayo nakatingin." usad ni Bethany. Mahina ang kanyang boses at malapit sa aking tenga ang kanyang labi. Hindi ko masagot si Bethany dahil pinapantayan ko ang tinginan namin ni Marco. Hindi ko iyon mabali dahil parang nagsasabi ang kanyang titig na huwag iyong baliin.
"Hindi ka naman mawawala kung magpopokus muna siya sa laro," bulong sa akin ni Bethany na hindi ko na lamang binigyan ng pansin.
Nagsalita na ang komite. Magsisimula na ang laro at pumili na ang bawat team kung sino ang unang sasabak sa laro. Kasama sa first five si Marco at Wilder. Agad namang nabuhay ang kantyawan sa aking mga kaibigan. Pinupuro kami ni Bethany nang nakita ng mga ito na maglalaro ang dalawa.
"Hoy! Cheer niyo mga boylet nyo!" Everly hissed. Agad na nag-ingay ang mga tao, kanya-kanyang sigaw sa kanilang mga team.
"Shut up!" Saway ni Bethany sa kantiyawan.
Nasalo ni Marco ang tinapong bola kaya sa kanila ang bola. Agad naman niya itong itinakbo kung saan ito dapat ma-shoot. Mabilis ang kanyang takbo patungo sa kabilang ring habang dinidribble ang bola ngunit hinarangan ito ng dalawang kalaban kaya napatigil siya. Kinabahan ako nang muntik na niya mabitawan ang bola dahil sa kagustuhan nitong maiwas iyon sa mga kalaban. Sumabay naman ang hiyawan ng mga tao nang makapagdesisyon na ang mga ito kung sino ang kakampihan para sa cheer. Malinis at mabilis ang kanyang mga galaw. Kahit ang mga kalaban ay hirap na habulin at harangan si Marco. Ipinasa niya ang bola kay Wilder nang makahabol ito, maging ito ay maliksi din ang galaw na mahirap tapatan ng mga kalaban. Magka-iba sila ng stratehiya pero parehong magaling.
Wilder is dribbling the ball. Sa tabihan ito dumaan habang nakasunod sa kanya ang isang kalaban. Lumusot ito sa gitna ng dalawang kalaban na humarang sa kanyang daan patungo sa ring, una niyang nilusot ang bola sa gilid ng kalaban bago siya lumusot sa gitna ng mga ito para malito. Nakita kong nahagip ng isa ang damit nito kaya nadala ito pabalik.
"s**t! Madaya iyon!" Bethany hissed in anger.
Hinihintay ko ang pagpito ng referee ngunit wala akong narinig. Mahirap mapansin iyon dahil nahaharangan iyon ng dalawang kalaban. Nagpatuloy pa din si Wilder, nang hindi na siya makawala ay pinasa niya ang bola sa isa pang kakampi. Ito naman ang hinabol ng mga kalaban. Agad namang humarang si Marco at Wilder sa lalaking may hawak ng bola para ito ay agawin. Mabilis na kumilos ang dalawa para magpunta sa gilid ng may hawak ng bola. Hindi alam ng kalaban kung sino ang dapat niyang bantayan dahil pareho silang nasa gilid nito. May isang tumakbo papunta sa kanilang direksyon para tumulong sa kalaban ngunit bigo niya iyong napasa dahil nahaglit iyon ni Marco at siya na ang nag-shoot niyon sa ring. Laking pasalamat ko nang na-shoot ang bola kahit nahirapan siyang tumalon dahil sa mga humaharang dito. Two points iyon at sa team namin may puntos.
Nakuha ng kalaban ang bola. Agad namang humarang si Marco para nakawin dito ang bola. Nakikita ko kung gaano siya kaseryoso sa kanyang ginagawa. Punong-puno ng determinasyon ang kanyang mga mata na mapanalo ang laro. Hindi ko nasundan ang galaw ni Marco, mabilis iyon at tila walang nakakita sa kanya. Nasa kanyang mga kamay na ang bola at itinatakbo na ito habang nangdidribble.
"Grabe! Ang bilis, hindi ko napansin iyon ah!" Bethany hissed. Pagtukoy sa ginawa ni Marco.
Naghiyawan ang mga tao sa ipinakitang galaw at liksi ni Marco. Hindi man alam ang ginawang pagpuslit nito ay naghiyawan pa din ang mga ito para sa kanya. Maging ang mga komite ay sandaling natigilan sa kanyang ginawa. Nabuhayan muli ako ng kaba nang harangan siya ng tatlong kalaban. Sa unahan at dalawa sa tagiliran nito. Patuloy lamang ang kanyang pag-dribble sa bola habang alisto ang mga mata sa mga kalabang nakapaligid sa kanya. Maya't maya siyang nagpapalit ng pwesto para lituhin din ang mga kalabang humaharang sa kanya. Pinagpapalit niya ang pagdribble ng bola sa kanyang kanang kamay palipat sa kaliwa. Nakita ko ang pagsenyas ni Wilder kay Marco na dito ipasa ang bola dahil mahihirapan silang makapuntos dahil sa tatlo niyang bantay. Mabilis niya itong ipinasa kay Wilder. Sa ilalim niya iyon pinatalbog, sa gitna ng mga hita ng lalaking nasa kanyang harapan.
"Wow! Nice one, Katorse." Sabi ng committee. Tinutukoy nito ang numero sa likod ng jersey ni Marco.
"Chloe nakita mo yun? Ang galing niya!" Bahagya pang niyugyog ni Bethany ang aking balikat.
"There you go, Wilder!" Bethany yelled.
Patuloy pa din ang hiyawan ng mga tao. Maging ang aking mga kaibigan ay nakikisigaw na din. Nagtatatalon pa ang mga ito kapag nakaka-score ang aming team. Natatawa na lamang ako kapag napapadako ang tingin ko sa kanila. Nahuhuli ko din ang papuslit na sulyap ni Marco at Wilder sa aming direksyon. Hindi nakatakas sa akin ang pagiging makulit ni Wilder kay Bethany. Kahit nasa court ito ay inaasar niya pa din ang aking kaibigan. Tumunog ang buzzer, hudyat na tapos na ang first quarter ng game. Bumalik ang mga players sa kanilang mga estasyon.
Habang naglalakad si Marco ay sa akin ang kanyang tingin. Pawisan na ito at dumidikit na ang kanyang damit sa kanyang katawan. Sinusundan ko ang patak ng kanyang pawis mula sa kanyang noo pababa sa kanyang panga.
He's a God. A sinful God to be this hot.
Tumikhin si Bethany nang napansin nito ang paninitig sa akin ni Marco. Napabaling agad ako sa kanya at may multong ngiti naman ang kanyang mga labi.
Simula na ng second quarter game, pumunta nang muli sa gitna ang mga players. Ngayon naman ay kasama na si Oliver, nakipagpalit muna siguro ang isa nilang ka-team dito. Si Isabella naman ngayon ang napagbuntunan ng kantyaw. Nakita ko ang kanyang pagpipigil na sumigaw o magwala sa aming tabi. Nakapirmi ang kanyang katawan habang ang mga kamay nito ay nasa braso ni Lauren, pinipisil-pisil pa. Naririnig ko ang taimtim na reklamo ni Lauren sa ginagawa ni Isabella.
"Isabella is killing my arm," reklamo niya.
Nasa kalaban naman ngayon ang bola. Agad na pumwesto ang aming team upang agawin ang bola. Itinakbo ng kalaban ang bola nang hindi man lang ito dinidribble. Pumito ang referee at nagsensyas sa committee. Agad na sumigaw si Bethany, inunahan pa kung ano ang sasabihin penalty ng committee.
"Traveling!" Sigaw ni Bethany doon sa lalaking itinakbo ang bola. Nakita ko ang mga mata ni Wilder na tila hindi nagugustuhan ang inaasal ni Bethany. Umiling na lamang ito at agad na pumwesto.
"Ang tanga lang. Basketball ito, hindi Football." Sabi sa akin ni Bethany. Sinabayan ko na lamang ang kanyang pagtawa. Naaalala niya kung paano yakapin ng lalaki ang bola na parang Football ang kanyang nilalaro.
Patuloy pa din ang sigawan ng mga tao. Kani-kanilang cheer sa kanilang mga team. Nasa kalaban muli ang bola, ngunit nagulat ako nang hablutin ito ni Marco at dalhin sa ring para ma-shoot. Sa kanyang pagtakbo, nakasunod si Wilder at Oliver para protektahan ito. Hinaharangan ang posibleng humarang sa ring kay Marco. Patuloy niya itong dinidribble. Tumingin siya sa kanyang dalawang gilid, wala siyang kakampi na mapapasahan ng bola. Nakaharang ang mga ito sa kalaban. Halos lahat ng kalaban ay nasa kanyang palibot habang nakasangga sa mga ito ang kanyang mga kakampi. Isang kalaban ang kanyang nasa harapan at binabantayan ang kanyang kilos. Mas matangkad ito kay Marco kaya kinakabahan ako sa posibleng mangyari, pareho sila ng laki ng katawan ngunit hindi ang tangkad. Alerto ang kanyang mga mata, nag-iingat ang mga galaw.
Dalawang dribble pa ang kanyang ginawa at agad na itong pinalipad sa ere. Nakaabang ang mga kalaban sa bola. Laking tuwa ko nang mag-shoot ito sa ring na gumulong muna sa palibot ng bilog bago tuluyang mahulog. Hindi ko napigilan ang aking ngiti dahil sa ginhawang aking naramdaman. Tiningnan ko ang kanyang pwesto at nakitang wala siya sa line para sa three points. Nasa gitna siya ng court kung saan nakapinta ang abbreviation ng pangalan ng school at nagawa niyang ma-shoot iyon sa ganoong kalayong distansya. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya iyon.
"Three points!" Tuwang-tuwa si Bethany. Nagawa pa nitong itaas ang kanyang dalawang kamay at iwagayway pa ito.
Sinulyapan muli ako ni Marco, hinihingal siya na nakapamaywang pa. Ngunit nagawa niya pa ring gawaran ako ng isang malapad na ngiti. Hindi ko siya kayang gawaran ng sukling ngiti dahil gulat pa din ako sa pangyayari. Agad na nag-init ang aking mga pisngi, hinawakan ko ang mga ito at itinago sa pamamagitan ng pagyuko.
"I love you Katorse! Ang sexy-sexy mo!" May grupo ng mga babae ang sumisigaw sa aking kaliwang gilid. Nasundan agad iyon ng kanilang pagtalon at pag irit. Napatingin agad ako sa kanilang direksyon. Nasa baba sila ng stage at nasa gilid lamang ng bench ng aming team. Hindi ko kilala ang mga iyon, siguro ay taga ibang section lang.
"Selos ka?" Tanong sa akin ni Bethany.
"Hindi," I said. Iniling ko pa ang aking ulo kasabay ang isang ngiti.
Sa totoo lang, hindi ako nagseselos. Napakadaming dahilan kung bakit hindi dapat ako magselos. Una, hindi naman kami. Wala akong karapatang magselos. Kahit na nililigawan pa niya ako, yet, hindi pa kami. Pangalawa, hindi selos itong nararamdaman ko kundi ay inggit. Nakaka-inggit kasi may lakas sila ng loob para ipakita kung gaano sila ka-proud sa kanya. Nakaka-inggit kasi ang dali nilang nasasabi ang totoo nilang nararamdaman para kay Marco. Nakaka-inggit kasi sa simpleng pagsuporta nila, naipaparamdam nila sa tao na mahal nila ito. Hindi ako ganuon. Hindi ko kaya kung ano ang ginagawa nila. Kung paano nila ipakita na mahal nila ang isang tao. Hindi ko kayang ipagsigawan ang totoong nararamdaman ko. Unang pagkakataon ko na maligawan ng isang lalaki kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin.
"Hoy! Nasa tabi ko ang girlfriend! Huwag kayong maharot!" Narinig kong sigaw ni Bethany sa tumpulan ng mga babaeng sumigaw kanina.
Oo, mahal ko na. Mahal ko na si Marco. Nakakatawa lang na ang tagal na naming magkakilala pero ngayon ko lang napangalanan kung ano itong nararamdaman ko sa kanya. Sa tuwing nandiyan siya, kumakabog ang dibdib ko. Sa tuwing malapit siya, kulang na lang isuko ko ang sarili ko. At sa tuwing magtatagpo ang aming paningin, natutunaw ako. Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko. Anong madudulot nito sa akin, sa kanya, sa mga tao sa paligid namin?
Natapos na ang laro. Masasabi kong luto ang laban dahil napakalaking lamang ang naiwan sa kabilang team. Second game na ngayon at magkaibang team ulit ang maglalaro. Nanalo ang aming kuponan at napakalaking lamang ang naganap.
"Bangis mo Marco! 67-32! Ikaw na!" Bethany hissed. Nakalapit na ang mga ito sa amin, pababa pa lamang kami ng hagdanan ay nag-aabang na ang mga ito.
"Hindi ba dapat ako ang purihin mo Beth? Akin ka, kay Chloe si Marco." Sambit ni Wilder. Agad namang nabuo ang kantyaw at idinerekta ito kay Bethany. Nang nakalapit si Wilder ay agad nitong pinagpapalo ang braso. Sinabunutan pa niya ito at halos walang awang kinaladkad palayo sa amin.
"Sabi na nga ba, tahimik lang iyang si Beth. Sila rin pala." Monica said happily.
Dumadagundong ang aking dibdib habang papalapit ako kay Marco. Sa akin lamang ang kanyang tingin at wala man lang balak na putulin iyon kahit saglit. Gusto ko siyang salubungin ng yakap o kaya naman ay halikan sa pisngi, ngunit hindi ko magawa. Naaalala ko kung paano ako nanliit kanina, napakawalang kwenta dahil hindi ko masabi sa kanya ang nararamdaman ko kagaya ng mga babaeng iyon kanina.
"Congratulations," simpleng salita ngunit halos magbuhol ang aking dila.
Marco tilted his head, "I prefer a hug," he said.
He opened his arms waiting for embrace pero hindi ko iyon pinansin. Hindi ako lumapit o matakam man lang sa alok niya. Alam kong iniisip ko iyon kanina ngunit ano ba kami? Tinignan ko siya at ganoon pa din ang kanyang ekspresyon. Magaan at masaya.
"You're soaked," palusot ko.
"We will surely be sharing our sweats someday, baby." He said maliciously. Agad na nag-init ang aking pisngi. Mabuti na lang at wala na ang aking mga kaibigan. Kung narinig pa nila iyon ay papalakihin lamang ang usapan.
"Tara na, I'm hungry." I said at nauna na sa paglalakad. Hindi ko na magawang ngumiti dahil sa aking mga iniisip. Nagkakabuhol-buhol na ito sa aking utak.
Mahal ko na siya.
I am supposed to be happy because I love him, finally. And I think he feels the same way. Pero bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa ang aking puso? Bakit mabigat? Bakit ba parang ang hirap-hirap niyang abutin? Para bang may pumipigil sa akin na mahalin siya.
It hurts and it is tearing me apart into pieces.