The Text Message
Alas sinco ng madaling araw ako nagising. Lunes ngayon at panibagong araw na naman. Hindi pa din maalis sa isip ko ang pinagkasunduan namin ni Marco. Halos hindi nga ako nakatulog sa kakaisip dito.
Is he even serious about it. Seryoso ba siya tungkol sa deal? I can clearly remember how he treats me when he's bored. Sabi niya, kaya niya ako kinakausap dahil wala siyang magawa at kausap. Does it still be the same? Liligawan niya ako kasi bored siya? He just wants a challenge? Am I just a game for him? I know I like him, pero kung iyon ang dahilan kaya niya ako liligawan ay huwag na lang.
Habang naliligo ay iyon parin ang laman ng utak ko. Hindi mawala-wala at pinapanalangin na lamang na sumabay na iyon sa agos ng tubig sa aking katawan.
"Bakit wala ka noong nag-try-out si Marco sa basketball?" Tanong sa akin ni Bethany. Hindi rin sila sumabay sa akin sa pag-uwi dahil nanood raw sila ng game. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit.
"He never let me. Sabi niya makakadistract lang daw ako sa kanya." I slightly pouted my lips. Ipinapakita kung gaano ako nanghihinayang na hindi ako nakapanood ng try out. I like basketball, I like to shout and cheer for the players. I'd like to support them for being an audience mix with the crowd.
"Ang galing nga niyang mag-steal, pati mag-guard kapag nasa kanya ang bola. As in wala talagang maka-agaw." Sambit ni Everly. Kitang-kita na bilib na bilib siya sa ipinakitang gilas ni Marco sa try-out. Na-iimagine ko lahat ng inilalarawan nila sa akin habang nag-try-out si Marco. Kung paano niya i-dribble ang bola, bantayan iyon at ikulong sa kanyang mga bisig at mag-shoot ng three points. Kung naroon lamang ako ay sisigaw ako kasama ng mga tao.
"Nakapasok ba siya?" Tanong ko. Still remembering our deal. Kinakabahan ako na parang natutuwa pa. He gave me no choice pero parang gustong gusto ko naman.
Ikaw na ang ligawan ng isang crush ng bayan sa school. Tatanggi ka pa ba? Mababaw lang naman ako, kaya sige go na.
"That kind of strategy and tactics are highly needed in the basketball team, Chloe. Imposibleng hindi siya makapasok!" Lauren hissed. Nakapanood din siya ng try-out kaya malakas ang kutob niya na nakapasok nga si Marco.
"Mismo!" Singit ni Bethany. Sa katulad niyang mahilig din sa sports, naniniwala ako sa kanyang mga sinasabi. She knows how to play at kaya niya ring maging judges sa isang palaro dahil alam niya kung ano ang ginagawa niya.
Naglalakad na kami papunta sa Senior High School building. Habang papalapit kami ay hinihila ako ng aking kaluluwa pabalik. Sinasabi nito na huwag na akong tumuloy dahil sa nagbabadyang pagkalabog ng aking puso. Seeing those eyes lingering on me makes my chest tightened. Naroon siya sa kanilang corridor, nakasandal ang mga braso sa barandilya looking like a predator. Ang madilim niyang mga mata at ang nakangising labi ay naghudyat na naaalala pa niya ang deal at may gusto siyang ibalita sa akin. Hindi ko alam kung totoo bang gusto niya ako.
"Chloe, punta na kami sa room ha. See you later!" Hindi na naghintay ng aking isasagot ang apat at nagdiretso na sa kanang classroom. Naiwan sa aking tabi si Lauren, mabagal ang aming lakad habang papaakyat kami sa unang palapag. Ang room namin ay nasa first floor lamang kaya hindi ganoong nakakapagod sa pag-akyat.
"I smelled something fishy," bulong niya sa akin bago dumiretso sa kaliwang classroom. Kung nasaan ang classroom nila ni Marco.
Nagtama ang aming mga mata. Agad na nanikip ang aking dibdib, walang tigil at halos hinahabol sa bilis ng t***k ang aking puso. Parang gusto na nitong makawala mula sa aking dibdib. Hinintay niya akong maka-akyat sa aming corridor, didiretso na sana ako sa pintuan ng marahan niyang higitin ang aking braso. Pinipilit kong ikalma ang aking sarili. Parang tambol ang aking dibdib. Kalmado ako sa labas pero para akong sinisilihan sa loob.
"Inagahan ko nga ang pagpasok para maabutan kita. Ikaw naman ang iiwas." Iginiya niya ang aking katawan paharap sa kanya. Nag-iinit ang aking mga pisngi sa kanyang ginawa. May pagitan pa rin naman kaming dalawa, ngunit parang sobrang lapit na ng aming mga mukha. Natatakot akong makita niya ang pamumula ng aking pisngi.
"I got in," he said while looking at me. Nakatingin lamang ako sa aking sapatos. Inangat niya ang aking baba gamit ang kanyang mga daliri.
"Didn't you hear what I just said?" Nahimigan ko ang lungkot sa kanyang boses. Nagtamang muli ang aming paningin, agad na may dumaloy na kuryente sa aking buong katawan. Stinging my muscles.
"Narinig ko. Congratulations." Nanginginig ang aking mga labi habang pinipilit na ikurba iyon sa isang ngiti at pagkatapos ay mariin kong pinagdikit ang aking mga labi.
"You're uncomfortable," he clenched his jaw. Naglakbay ang aking mga mata sa kanyang panga. The way he clenched it was very sexy.
Tinanggal niya ang kanyang mga daliri sa aking baba, inabot nya ang aking mga siko at marahan itong dinaanan ng haplos. Bolta-boltaheng kuryente agad ang dumaloy sa aking sistema sa pagdirikit pa lamang ng aming mga balat.
"I can wait, I don't want to pressure you. Hindi iyong ganito, iniiwasan at hindi mo ako kinakausap." Niyuko ko ang aking ulo at tumingin na naman sa aking sapatos. Ano ba dapat ang gawin ko? Nahihiya ako sa kanya kasi ngayon ko pa lang naman mararanasang maligawan.
"I don't know, it's my first time. I don't know what to feel, to say, what to do. I'm sorry." Hindi ko siya matingnan ng diretso, nanginginig pa din ang aking mga labi lalo na kapag nagsasalita ako. Nakayuko lamang ako at natatakot na tingnan siya sa mga mata. Hinaplos niya ang aking mga siko, nilagay nito sa likod ng aking tainga ang mga takas kong buhok mula sa pagyuko.
"I don't know how to deal with you," I said softly.
"Is that so? Okay, we will take it slow." He caress my face, tumatatak sa aking pisngi ang kanyang mga haplos. Mainit at sobrang lambot. Napangiti ako.
"Do you really like me?" Tanong ko. Nararamdaman ko iyon ngunit gusto kong sabihin niya din iyon. Gusto ko sigurado ako.
Ito ang unang beses na kakagat ako sa ganitong klaseng aspeto ng buhay. Kaya gusto ko sigurado ako. Ayokong magkamali.
"Yes," walang pag-aalinlangan niyang sagot.
"Kailan pa?" Tanong kong muli. I can feel butterflies inside my stomach when he says yes that he likes me.
"The very first time I met you," he said, without breaking his stares. Pareho kami. Pareho na naming gusto ang isa't isa simula noong una naming pagkikita. Kumalabog ang aking dibdib nang makita ko siyang ngumiti.
"Nililigawan mo na ba ako?" Hindi ako naging komportable sa sarili kong tanong. Kahit ang tingnan siya ng tuwid ay hindi ko rin magawa.
"Simula ngayon," sagot nito.
I know heart, alam ko ang pakiramdam mo. Alam kong gusto mo na siyang yakapin sa oras na ito dahil iyon rin ang gusto ko. Pero hindi dito ang tamang lugar para gawin yun. Kalma lang tayo.
Hindi siya muling sumabay sa akin sa pag-uwi. Magkakaroon daw sila ng meeting, lahat ng nakapasok sa basketball ay ipinatawag. Hinatid niya lamang ako sa gate bago pumasok ulit at dumiretso na sa auditorium.
Nanlalambot at tila tinatamad ako habang naglilinis sa apartment. Alas sinco na ng hapon at maya-maya ay darating na si Daddy. Nakapagsaing at nakaluto na rin ako ng aming ulam, paniguradong pag-uwi niya ay pagod ito kaya minabuti kong lutuin iyon ng maaga.
Tumunog ang aking cellphone, bihira ko naman ito magamit kaya hinayaan ko iyon sa unang beses. Ngunit nang tumunog muli ito ay itinigil ko muna ang pagpupunas sa mga bintana at tiningnan ang aking cellphone. Isang mensahe ito galing sa hindi nakarehistrong numero sa aking cellphone. Binuksan ko iyon at agad na nagtahip ang aking dibdib. Natigil ako sa aking paghinga at muntik ko nang mabitawan ito.
Unknown:
Hi Chloe.
Hindi ko pa man sigurado kung si Marco nga ito, pero parang nabubuhayan na ako ng loob. Sa pakiramdam ko pa lamang sa kanyang mensahe, namumuo na ang aking konklusyon.
Ako:
Who's this?
Maniguro muna tayo.
Ilang minuto ang aking hinintay para sa kanyang reply. Umupo ako sa aming sofa at taimtim na nananalangin na sana ay siya nga ito. Hindi namamalayan ang naiwang gawain.
Unknown:
Marco, baby.
Impit akong napatili nang tiningnan ko ang kanyang mensahe. Simple lang iyon, pero sobra na agad ang naging epekto sa akin. Naglulundag pa ako bago ko siya mareplayan.
Nilagyan ko na agad ng pangalan ang kanyang numero. Hindi ko pa maisip kung ano ang ilalagay kong pangalan sa kanya. Buo bang pangalan o yung tawag ko na lang sa kanya? Sa huli ay napagdesisyonan ko na lang na kung saan ako komportable ay iyon na lang ang nilagay ko.
Ako:
Oh Hi! Where did you get my number?
Mabilis na ang kanyang reply ngayon. Siguro ay wala na itong ginagawa. Nakauwi na ba siya? Nakakain? Is he tired? Is his body sore from the practice?
Marco:
Lauren.
Kaya pala, at ang gaga binigay agad. At bakit? Hindi mo ba gusto, Chloe? Nahihinuha ko na agad na iyan ang sasabihin sa akin ni Lauren kapag tinanong ko pa siya sa pagbibigay ng aking numero kay Marco.
Ako:
Okay. Ngayon ka pa lang umuwi?
Marco:
Oo, nagtagal ang meeting. Sa unang araw ng intrams, kami ang first game.
Promise! Manonood ako. Kahit ayaw mo pa. Pag-iingay iyan ng aking utak. Sa unang pagkakataon ay nagkasundo ang aking utak at puso. Pareho sila ngayon ng gusto.
Ako:
Mabuti kung ganoon. Siguro naman papayagan mo na akong manood? Instrams naman iyon.
Marco:
You will just distract me, baby. Baka hindi na lang ako maglaro.
Ang arte! Manonood lang naman ako eh. And I'm also there to cheer the team. Hindi na nga ako kasali sa mga games, dapat may pakinabang din ako sa araw na iyon bilang cheerer para naman may ambag ako.
Ako:
Please? I really like watching basketball.
Marco:
No.
Ang damot naman!
Ako:
My friends will surely watch the game. At ako, hindi mo papayagan? Anong gusto mong gawin ko?
Paniguradong maiiwan ako kapag hindi niya ako pinayagan manuod ng game. Wala naman akong sinalihang ibang sports kaya wala akong magagawa sa intrams. I don't like to be part of the game, I'd like to just watch and cheer. Bawal naman tumigil sa mga classrooms kasi order iyon ng Prefect of Discipline.
Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang pagbubukas niyon. Pumasok si Daddy na pagod na pagod at parang inaantok na siya.
"Daddy!" Tumakbo ako papunta sa kanya. I hugged and kissed his cheek bago bumalik sa sofa. Tapos na ako sa paglilinis, itinutuloy ko iyon kapag napapatagal ang reply sa akin ni Marco. I looked up to my Dad nang naramdaman na hindi pa siya nakakaalis sa may pintuan.
"What's with the smile?" Tanong niya. Napansin niya ang aking malawak na ngiti habang nakatingin sa aking cellphone.
"Nothing, Dad." Sambit ko. Hindi siya kuntento sa aking sagot, ngunit hindi na din naman ito nangulit pa. Tumunog muli ang aking cellphone at pasimple ko iyong binuksan.
Marco:
Fine. If I lose my control, what will you do?
Hindi ba talaga siya makakapaglaro ng maayos kapag manonood ako? Maraming tao panigurado sa gymnasium na gusto ding manood. Hindi naman niya ako makikita kasi sa laro ang focus niya at madami ang tao. And besides, manonood din naman mga kaibigan ko. Kaya sa kanila na lang ako sasama.
Ako:
Hmmm, I don't know.
Marco:
A kiss will do.
Nanlaki ang aking mga mata sa huli niyang mensahe. Hindi ko inaasahan na iyon ang kanyang tinipang mensahe. I know that he knew how to joke. But it seems serious kasi hindi naman iyon nasundan ng panibagong mensahe na nagsasabing joke lang pala iyon o wrong type lang.
Ako:
Nanliligaw ka pa nga lang. Masyado kang mabilis.
Hindi ko alam kung tama ba ang ni-reply ko. Pero hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko. Iniisip ko pa lang siya ay gumugulo na ang utak ko. Sinasakop ang aking buong utak at nagpipilit na siya lamang ang aking isipin.
Marco:
Sorry, baby.
Sinamahan pa niya ng smile emoticon ang kanyang pinadalang mensahe sa akin. Hindi ko na lamang maiwasang kiligin sa mga ginagawa niya.
Magsisimula ang opening ng intramurals sa magaganap na parada. Bawat team ay nakapila na sa Rizal Park. Sa bawat team, binubuo ito ng tatlong grade twelve, tatlong grade eleven at tatlong juniors. Magkakateam kami ng section A, B at C. Ang alam ko ay naging bunutan ang pagsasama sama ng team. At sinuswerte lang ang aming team manager kasi magkakasunod kaming nabunot niya.
"First game daw ang laban nina Marco. Are you gonna watch?" Tanong ni Isabella. Mainit sa Rizal Park kaya tinatakpan niya ng kanyang kamay ang kanyang mukha para hindi masilaw.
"Baka hindi na naman! Hindi ba nga, distracted sa kanya si Marco." Utas ni Monica. Sa lakas ng kanyang pagkakasabi ay narinig ito panigurado ng mga taong malapit sa pwesto namin. Napatingin kasi ang mga ito sa aming direksyon.
"Huwag nyo ngang bigyan ng malisya iyon," agad naman nagkantyawan ang lima. Binabalewala ang aking sinabi. Hindi sila maniwala na wala naman talagang namamagitan sa amin ni Marco. Nanliligaw pa naman siya kaya hindi ko alam kung anong label na ba itong sa aming dalawa.
"What's the real score between you two?" Tanong sa akin ni Bethany. May malawak itong ngiti na tila mapupunit na. Hindi ko sinasabi sa kanila na nagsimula nang manligaw sa akin si Marco. Paniguradong mas kikiligin pa ang mga ito kaysa sa akin.
"Friends," simple kong sagot. Ayaw ko munang aminin sa kanila dahil hindi pa naman kami stable. Doon din naman ang punta namin kaya doon muna ako sa safe.
Nakita ko si Marco na palapit sa aming direksyon. Nahirapan pa itong sumingit sa dami ng tao dito sa Rizal Park. Lahat kasi ng estudyante ay narito at nakapila sa likod ng mga players ng kanilang team. Nang makalapit na ito sa amin, agad na nagtipon ang lima sa aking likuran. Pasimple pa akong tinutulak para mas mapalapit sa kanya. Nang magharap kami ay ngumiti siya. Isang ngiti na nagpaliwanag pa lalo sa sikat ng araw.
"Wear it, masyadong mainit." Isinuot niya sa akin ang itim na ball cap niyang dala, sakto ito para sa aking ulo. Agad namang natakluban ang init na dumadampi sa aking mukha.
"Thanks," sambit ko. Inayos ko pang lalo sa aking ulo ang sumbrero para maayos ang suot niyon.
"Are you sure you're gonna be okay here?" Bumaba pa ang kanyang mukha para lamang magpantay ang aming mga mata. Hanggang balikat niya lamang ako kasi nga matangkad siya.
"Hay nako, nasaan na ba iyang si Oliver? Nakakainggit naman." Isabella hissed to my back.
"I'm here!" Nagsalita si Oliver nang hanapin siya ng kanyang girlfriend. Agad namang pinuntahan ni Isabella si Oliver at nagkaroon na naman sila ng sariling mundo.
"Ang crush ko kaya, kailan ako mapapansin?" Si Bethany naman ang nagsalita sa aking likuran. Narinig ko ang tawanan ng iba dahil sa sinabi ni Bethany.
"Sinong crush mo, Beth?" Inosenteng tanong naman ni Lauren na nasundan agad ng kanyang tawa.
"Hinahanap mo ba ako, Beth?" Sumulpot si Wilder sa likuran ni Marco. Nakasuot din ito ng jersey na katulad ng kay Marco. Maging si Oliver ay kasali rin sa team.
Sinulyapan ko si Bethany sa aking likuran at nakita ko itong umirap. Ganyan talaga siya kapag kay Wilder. Sinabi pa nga niya minsan sa amin na gusto na niyang basagin ang mukha nito dahil nakakainis daw. Inaasar kasi siya palagi ni Wilder at itong namang kaibigan ko ay madaling mapikon.
"Taray naman. Halikan kita diyan." Sa sinabi ni Wilder ay agad naman umalis si Bethany sa aking likuran para pagpapaluin si Wilder. Mabilis niyang pinaghahampas ang braso nito kaya dumaraing naman ito sa sakit. Mabigat ang kamay ni Bethany.
"Sinong may sabing tawagin mo akong Beth? Close ba tayo?" Panay ang hampas ni Bethany sa braso ni Wilder kaya numingiwi na lamang ito. Isinasangga iyon sa kanyang mukha dahil iyon ang puntirya ni Bethany na hampasin.
"Aray ko! Tama na." Hinawakan ni Wilder ang magkabilang palapulsuhan ni Bethany para matigil ito sa paghampas sa kanya.
"Baby," Marco called in a whisper. Napalingon agad ako sa kanya. Napapadalas ang tawag niya sa aking ganoon. Pero syempre, hindi ako nagrereklamo. Gustong gusto ko pa nga.
"Tigilan mo nga ako, Wilder! Baka isang araw ay wala ka nang mukha!" Gigil na gigil na sinabi ni Bethany.
HIndi ko na lamang mapigilang matawa sa kanilang dalawa. Kahit ganoon sila, Widler still cares for Bethany. I sometimes thought that Wilder only did those teasing just to express his feelings towards my friend. Itong kaibigan ko nga lang talaga ang hindi makaramdam.
"I'm okay here," I said pleasantly. Ngumiti pa ako sa kanya para matigil siya sa pag-aalala.
"When the game's over, kain tayo." Alok niya sa akin. Mabuti at wala na sa aking likuran ang aking mga kaibigan dahil kung narinig nila iyon ay panigurado akong sasama ang mga ito.
"Where?" Tanong ko.
"Anywhere you want," palagi siyang ganito. Hindi ko alam kung yung napipili ko ba ay gusto niya din. Kung ang kinakain ko ba ay kinakain niya din. Mas mataas siya kaysa sa akin pagdating sa pamumuhay, nakakasigurado ako. Palagi kong iniisip, sanay ba siya sa kinakain namin kapag kasama niya ako?
"Are you sure?" Tanong kong muli. Wala namang problema sa akin kahit saan niya ako pakainin. Saka lamang ako nagrereklamo kapag nakikita kong mahal ang mga menu. Pinipilit ko siyang lumipat sa iba dahil allowance naman niya ang nagagastos. Hindi niya ako hinahayaang hatian siya sa pagbabayad.
"I'll be back," he whispered. Hinaplos niya ang aking magkabilang siko bago ako talikuran. Hindi na hinintay ang aking pagtango. Hinigit niya naman si Wilder at sinama ito sa paglalakad pabalik sa kinatatayuan nila kanina. Nagmamartsang bumalik naman si Bethany sa aming direksyon at hinarap ako.
"Ganoon ba ang friends lang?" Bethany said. Nagtatago ang kanyang ngiti.
"Friend na sobrang mag-care?" Pagsegunda naman ni Isabella.
"At friend na halos titigan ka na lang palagi?" Bulong sa akin ni Lauren.
"Hindi ba ganoon din naman kayo sa akin? Ganoon naman tayo sa isa't isa. We care for each other because we're friends!" Depensa ko.
"It's not the same thing. I know you know that." Bethany said.
Pinalibutan ako ng aking mga kaibigan at pinaulanan ng mga tanong. Hindi sila makuntento sa mga sagot ko kaya nadadagdagan pa ang mga tanong. Sumulyap ako sa direksyon ni Marco, naabutan ko itong nakatingin sa akin. Ginawaran niya ako ng matamis na ngiti, walang rason para hindi ko iyon suklian.
"Take care," He mouthed.