Deal for the Win
Nakababa na kami sa van nang nasa bayan na kami ng Tingloy, nagbayad pa kami ng parking fee para lamang may mapagiwanan ang sasakyan. Alas sinco y media nang nakasakay kami sa bangka. First time kong sumakay dito kaya kabado ako at kung ano-ano ang iniisip. Masisilayan pa namin ang sikat ng araw. Medyo madilim pa kaya pahirapan kami sa paglalakad. Bitbit ko sa aking likod ang aking bag, mabigat ito kaya marahan akong maglakad. Pinsan ni Monica at Bethany ang nagbayad sa bangka at isa-isa na ang mga itong umakyat.
"Ang bagal mong maglakad," Marco's behind me. Hindi ko alam kung bakit kailangan nasa likod ko siya kung pwede naman siyang mauna.
"Mauna ka na," I hissed. Ang aga-aga, iniinis ako.
"Kung mauuna ako, maiiwan ka." He chuckled. Hindi agad nagsink in sa akin ang kanyang sinabi. Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi na lang siya pinansin.
"Desisyon mo yan kung gusto mong mauna," I said. Ang bigat ng aking bag ang nagpapabagal sa aking paglalakad. Pumantay siya sa aking paglalakad.
"Kaya nga hindi ako umuuna, kasi hinihintay kita. Gusto ko kasabay kita." Pinagsiklop niya ang aming mga kamay at hinila ako palapit sa bangka. Sa simpleng paglapat ng aming mga balat, bolta-boltaheng kuryente na ang pumipitik sa aking katawan. Kinuha niya ang aking bag at siya na daw ang maglagay nito sa bangka.
"Ano bang laman ng bag mo at halos hindi na madala?" Sabi niya habang inaalalayan akong makasakay sa bangka. Hawak niya ang aking magkabilang tagiliran at inaangat ako patungo sa bangka. Impit akong napatili at mabilis na napakapit sa kanyang balikat nang mawalan ako ng balanse.
"Wala kang pakialam," inis kong sinabi. Nagtungo na ako sa upuan at tumabi kay Everly.
May bakante pa sa likod namin at panigurado akong doon siya mauupo. Hindi ko naramdaman ang kanyang paglapit kaya nagulat ako ng hawakan niya ang aking palapulsuhan at hilahin ako sa likod para doon umupo. Dala niya parin ang aking bag at nakasagbit naman ang kanya.
"Wala akong kausap kaya dito ka umupo," he said. He plastered a smile in front of my face. So iyon lang pala ang purpose ko sa kanya? Ang galing! My heart skipped a bit dahil hindi kilig ang naramdaman ko, kundi pagkabwisit. Kung hindi lang gwapo itong katabi ko, hinampas ko na! Sayang kasi, may kontribusyon din iyan sa ekonomiya.
"Kumpleto na ba ang lahat? Nandito na?" Tanong sa amin ng girlfriend ng pinsan ni Bethany at Monica.
"Oo Ate, dumating na ang love birds." Si Bethany habang malisosyong tumingin sa direksyon namin ni Marco. Umirap lang ako at binalewala ang sinabi ni Bethany. Napuno na kantyaw at biruan ang bangka habang tumutulak na ito papunta sa bundok. Gusto ko na amang lamunin ako ng tubig para lang hindi marinig ang mga sinasabi nila.
"Kayo ha, hindi niyo sinasabi sa amin." Ang alin?
"Akala ko naman si Isabella lang ang patay na patay." Ano daw?
"So kayo na?" Kami? May kami ba?
"Tigilan niyo nga ako. Naririndi ako." Sinimangot ko ang aking mukha para mas convincing. Ayoko na napagtutumbukan ako ng tukso at kantyaw ng mga ito. At alam kong mamaya pa titigil ang mga iyan. Hindi sila napapagod!
"Sus! Kunwari ka pa." Tuloy ni Monica.
Ano bang sinasabi ng mga ito? Maliwanag pa sa ilaw ng Meralco kung ano ang sinabi sa akin ni Marco. Na kailangan niya lang ng kausap kaya siya ang kasama ko. Kaya niya ako hinihila o sinasabayan kasi nga gusto niyang dumaldal. Iyon lang ako sa kanya. Wala nang iba pa, hindi na hihigit pa. Kahit pangarapin ko, hindi mangyayari.
"Hindi mo sinasabi sa akin na crush mo pala ako," bulong ni Marco habang ang kanyang mga mata ay mapangasar akong tiningnan. Ang kanyang mga labi ay malawak na nakangiti at may ibig ipagkahulugan.
"Wala akong sinasabi," umusog ako para magkaroon kami ng distansya. Hindi ko kayang tagalan na malapit kami sa isa't isa. Baka mapatunayan ko lang na tama nga ang sinasabi niya. Ayokong ipakita na malapit na nga akong mabaliw sa kanya. No f*****g way.
"In denial," bulong nito.
"Don't make me throw punches on your face," my mood immediately changed.
"Go on. I would be willing to endure it. Kasi galing sayo." Sinusundot niya ang aking tagiliran kaya napapausog ako. Nakikiliti ako sa kanyang ginagawa kaya nahahampas ko ang kanyang dibdib.
Mabuti naman at tumahimik na siya. Napalitan na ang usap-usapan ng aking mga kaibigan. Pinag-uusapan nila kung gaano sila ka-excited na makaakyat na ng bundok. Kung ano ang maaabutan namin sa tuktok. Kung ano ang matatanaw namin sa baba ng bundok. Nakarating na kami sa dalampasigan, nag-uunahan na silang bumaba para lamang makaakyat na.
"Sandali lang! Ako muna." Pigil ni Isabella kay Everly.
"Ako muna." Sumbat naman ni Monica.
"Ako na ang mauuna." Puno ng awtoridad na sinabi naman ni Bethany.
"Malapit ako sa hagdan. Sisingitan mo pa!" Sagot naman ni Everly kay Isabella.
Hindi sila magkandaugaga sa pagbaba. Nagpapaunahan pa kung sino ang mauuna. Hindi muna ako tumayo sa upuan dahil ayoko munang makisali sa komosyon nila sa pagbaba.
Hinintay kong matapos ang diskusyon nilang iyon bago ako tumayo. Naabutan ng aking mga mata ang pagiging maingat ni Oliver kay Isabella. Inaalalayan niya itong makababa ng bangka. Balita ko ay nagliligawan na ang dalawa. Hindi ko nga lang alam kung sino ba ang nanliligaw. Si Bethany naman ay inis na inis habang bumababa ng hagdanan. Nakaabang si Wilder sa tapat niya para alalayan din ito. Nang hindi na nakapaghintay ay si Wilder na mismo ang nagbaba dito. Hinawakan nito ang magkabilang bewang ni Bethany at binuhat ito pababa. Maingat ngunit may halong inis. Agad namang pinagpapalo ni Bethany si Wilder nang makaapak na ito sa buhangin.
"Ang sabi ko, huwag mo akong hahawakan 'diba?!" Sigaw niya kay Wilder. May kasama pa iyong suntok sa tiyan.
"Ang bagal-bagal mo. Bababa na nga lang ang dami pang arte. Hindi ka reyna!" Singhal naman nito pabalik kay Bethany. Sinakbit ko sa aking likod ang aking bag at nagtungo na sa dulo ng bangka para bumaba. Ginamit ko ang hagdan para makababa at inabot ni Wilder ang aking kamay para alalayan akong makababa sa buhangin.
"Thank you, Wilder." I said as I put my feet on the ground.
"Sira ulo talaga itong si Marco," he whispered. Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Bakit naman niya sasabihan ng ganoon ang kaibigan niya? Bahala nga sila.
Nasulyapan ko ang pangunguna ni Marco sa paglalakad habang kasabay nito si Oliver. Hinaglit muna ni Bethany si Isabella para silang dalawa ang magsabay. Iyon ba ang tinutukoy ni Wilder? Dahil hindi ako sinabayan at hinintay ni Marco? Kaya ko ang sarili ko.
Sumunod na ako sa aking mga kaibigan. Alas sais nang makababa kami ng bangka. Hindi na namin naabutan ang pagsikat ng araw dahil sumikat na agad ito. Mabuti na lamang at tanaw namin iyon nang nasa gitnang bahagi pa kami ng dagat. Nakuhanan naman din namin ng litrato iyon kaya hindi na rin masama sa aming loob.
Nasa kalagitnaan na kami ng pag-akyat. Namahinga muna kami sa malaking puno dahil halos trenta minutos na kaming naglalakad nang wala man lang tumitigil. Uminom ako ng aking tubig, kalahati na lamang iyon kaya nabitin ako. Kanina ko pa iyon iniinom dahil nakakapusan ako ng aking hininga.
"Monica, may tubig ka pa?" Tanong ko kay Monica nang nakitang uminom din ito.
"Wala na din eh. Uhaw pa rin ako." She was panting and galloping some air to properly breath. Inabot naman sa akin ni Marco ang kanyang bottled water. Bawas na iyon pero kaunti lang.
"Iyo na iyan, nagdala talaga ako ng marami para sayo." Kinuha niya ang aking kamay at pilit inilagay dito ang bote. Napatunganga ako sa kanyang ginawa. Magulo ko siyang tiningnan habang nakakunot ang aking mga kilay.
Napuno na naman ng kantyaw nang narinig iyon ng aking mga kaibigan. Agad na nag-init ang aking mga pisngi, lumandas ang aking pawis sa aking noo. Lumapit sa akin si Marco dala ang kanyang puting tuwalya at agad iyong pinunasan. Naupo pa ito sa aking tabi para lamang mapunasan ako ng ayos at maabot pati ang pawis na tumutulo sa aking batok.
"Iba ka Marco! Iba ang galawan mo!" Sigaw ni Wilder nang napansin nito ang ginawa ni Marco.
"Proud ako sayo kaibigan!" Nakipagapir pa itong si Oliver kay Marco kaya mas lalong lumakas ang tawanan.
Nahuhulog na naman ako sa simpleng gestures na pinapakita niya. Kahit na kaunting kibot niya lamang, kumakabog na ng sobra ang dibdib ko. Ayaw kong magpatalo sa nararamdaman ko, masyadong maaga para maramdaman ko ito. Sobra ang epekto niya sa akin. kahit wala namang kasiguraduhan itong nararamdaman ko ay nagagawa niya akong baliwin ng ganito.
Patuloy ang paglandas ng aking mga luha. Pumasok ako sa loob ng bahay, ang mga furnitures at ibang muwebles ay nababalutan ng puting tela. Ang disensyo nito ay pinaghalong Spanish at modern interior. Umakyat ako sa hagdanan at nagtungo sa aking kwarto. Ganoon pa din ang ayos nito kahit ilang taon na ang nakalipas. Ang mga agiw sa haligi at mga gabok sa sahig ang nagsasabing matagal na itong hindi naaalagaan. Nababalutan rin ng puting tela ang aking kama, ang sofa at ibang appliances ko dito sa kwarto.
Nagtungo ako sa aking kabinet, hinila ko ang telang nakatabon rito at natanaw ang aking sarili sa salamin. Nakita ko ang aking repleksyon, pinagmasdan ko ang aking mukha hanggang paa. Marami na ang nagbago sa akin. Sa aking mukha, sa katawan, sa aking pananamit at pamumuhay.
Hindi na ako ang batang bumubuo ng kastilyo gamit ang buhangin. Hindi na ako ang batang inaapi sa eskwelahan dahil walang kaibigan. Pero hindi ko maaaring talikuran kung ano ako noon. Kung saan ako nagsimula. Kung paano ako nakumpleto. Dahil iyon ako. Parte na iyon ng pagkatao ko. Iyon ang naging pundasyon ko para pagtibayin ang pagbuo ng aking pangarap.
Lumandas ang panibagong luha sa aking pisngi. Tanaw ang aking repleksyon, nakita ko ang dating Chloe na simple, walang arte at tahimik. Ang Chloe na maagang naulila sa mga magulang ngunit hindi pinabayaan ng mga nagmamahal sa kanya.
"Ang hirap naman nito Chloe! Turuan mo naman ako." Pagsuko ni Isabella. May assignment kami sa Basic Calculus at kahit ako ay hindi ko din iyon masagutan.
"Sa akin ka pa talaga magpapaturo. Wala pa din akong sagot riyan." Sagot ko. Ngunit hindi nakuntento si Isabella at kinukulit pa din ako tungkol sa assignment na iyon. Recess ngayon at nandito kami sa Science Park. Napagdesisyonan naming huwag munang bumili ng pagkain hangga't hindi pa namin nasasagutan ang assignment.
"Hindi pa ba kayo nagugutom? Ako gutom na." Ligalig sa amin ni Everly. Nakatingin lang siya sa aming ginagawa habang nakapangalumbaba.
"Hindi ka marunong manindigan. Hindi ba nga napagkasunduan natin na hindi tayo bibili ng pagkain hangga't hindi natin ito nasasagutan." Singhal ni Bethany.
Tiningnan ko ang mga scratch papers na pinagsulatan ko ng mga equations. Kung ano-ano na ang ginamit kong formula pero hindi ko talaga makuha ang sagot. I am not a big fan of Mathematics, but I love the numbers. I love to count them and add or multiply. In short, basic math lang ang gusto ko. Ayoko nang pahirapan pa ang sarili ko. Hindi ko naman magagamit sa trabaho ang derivative of eight o ang trigonometry. Pati iyang mga sine at cosine, bahala na sila.
"What's that?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Marco. Umupo ito sa aking tabi pero sa akin siya humarap. Hindi ko naramdaman ang kanyang pagdating. Hindi ko din alam kung saan siya dumaan.
"Basic Calculus, but it seems very difficult. Hindi dapat basic pangalan nito." Reklamo ko sa kanya. I wonder kung siya lang ba magisa, pero noong nakita ko si Wilder na katabi si Bethany at tinuturuan na ito at si Oliver na nakikipaglampungan na kay Isabella ay nasagot na ang tanong ko.
"Everything is difficult," he chuckled. Oh damn! That chuckle makes my heart skip a bit.
"And even winning you is difficult," bulong nito na hindi nakatakas sa aking pandinig. Lalo lamang lumakas ang kalabog ng aking dibdib sa kanyang sinabi.
"Yabang ah! Usog nga!" Pambabalewala ko. Pumunta lang ata ang isang ito dito para lang gambalain ako. Hindi na nga ako magkandaugaga sa pagsasagot dito, manggugulo pa.
"Give me that. Eat first." Nilagay niya sa aking harap ang isang mamon at tubig. Kinuha niya ang aking notebook at ballpen na nasa aking kamay at dinala iyon sa kanyang harapan. Agad naman siyang nagsulat sa aking notebook. Sinasagutan ang five given equation na assignment ko.
"We made a promise not to eat kung hindi pa namin nasasagutan ito," sabi ko.
"Eat. Ako ang magsasagot." Pangungumbinsi niya.
"Thanks," binuksan ko na ang mamon at kinagatan ito. Hmmm, butter mamon.
"You want some?" Alok ko sa kanya.
"No, I'm full." Sagot niya nang hindi ako tinitingnan. Pinapatuloy ko na lamang ang aking pagkain habang sinusundan kung paano niya sinasagutan ang aking assignment.
Nagiging magaan na ang relasyon namin ni Marco. Masasabi kong magkaibigan na kami ngayon because he cares for me so much. Kapag uwian, sumasabay siya sa akin para maihatid ako sa apartment. Hindi iyan aalis hangga't hindi ako nakakapasok sa loob ng bahay.
Grade eleven na kami ngayon, he's still on A section with his friends and Lauren. Sina Bethany, Everly, Monica at Isabella ay nasa section C. Ako ang napahiwalay sa kanila at napunta ako sa section B. Gayunpaman, magkakatabi naman ang room namin, kaya hindi naman ganuon kahirap at nakakalungkot. But the sectioning is not based on grades, shuffled kami at minalas lamang ako dahil ako ang napahiwalay.
"Stop gawking. You might fall hard." Marco whispered in front of me. Nagbalik ako sa ulirat sa kanyang sinabi. Tapos niya na palang sagutan ang aking assignment at sarado na ang aking notebook.
"Feeling gwapo, hindi naman ako sayo nakatingin." I faked my laughed to show my irritation.
"Gwapo naman ah, hindi ba?" You were so full of yourself! Kinagatan ko na lamang ang mamon para hindi na ako makapagsalita.
Nagpasalamat ako sa kanya nang natapos niya itong sagutan. Huling subject ko pa naman iyon, samantalang kina Bethany naman ay after recess. And I bet na sinagutan na rin iyon nina Wilder. Nauna na silang maglakad sa amin dahil may gagawin pa ang mga ito at hindi pa nakakabili ng pagkain.
"Paano mo ba na-gets agad ang sa Basic Cal? Ako nga hirap na hirap, kahit dumakdak ang teacher namin wala namang pumapasok sa utak ko." Reklamo ko sa kanya.
Bakit kaya may mga taong nadadalian sa Math at may mga tao namang hirap na hirap unawain ang malalim na parte ng matematika?
"Iba kasi ang iniisip mo. Huwag puro na lamang ako." Nasamid akong bigla sa kanyang sinabi kahit wala akong kinakain o iniinom. Ang lakas talagang mang-asar ng isang ito! Sarap pektusan! Hindi naman ito ganito noon. Siguro nga, kapag matagal mo nang nakakasama ang tao, nagiging komportable na silang ilabas ang iba pang parte ng kanilang personalidad.
"Mr. Gomez, hindi ka na nakakatuwa." I hissed. He only chuckled.
Mabagal ang aming paglalakad, ayokong bilisan dahil ayokong matapos agad ito. Kahit inaasar niya lang ako, basta kasama ko siya ngayon, ayos na.
"Chloe, have you ever experienced having a boyfriend?" Natigilan ako sa kanyang sinabi. Maging ang aking paglalakad ay tumigil din. Dumagundong ang aking dibdib sa lakas ng t***k ng aking puso. Ewan ko kung ano ba dapat maramdaman ko.
"Is this still part of your lame jokes?" Tanong ko. O baka naman iniinsulto niya na ako.
"I'm serious," sagot nito. Nakatingin siya sa akin ng diretso.
"Palagi tayong magkasama kahit noong middle school pa. Walang lumalapit sa akin kasi natatakot sila sayo!" Sambit ko. Naalala ko noon na may nagpapabigay ng isang pulang rosas sa akin ngunit nang makita iyon ni Marco ay agad niya iyong tinapon sa basurahan.
"Wala pa nga? Hindi naman kita palagi nakikita. Malay ko ba kung may nililihim ka." Anong klaseng mindset iyan? I'm busy, you know.
"Wala pa akong nagiging boyfriend," nauutal kong sinabi habang hindi siya matingnan ng diretso.
"Good," nakita kong sumilay ang kanyang kalahating ngiti at nagpatuloy ito sa paglalakad. Sandali akong natulala at kumunot ang aking mga kilay sa pagkalito. Agad ko siyang sinundan, namuo ang napakadaming tanong sa aking isip. Hindi ko iyon maisatinig sa takot sa kung ano man ang kanyang isasagot.
Maaga akong nakauwi sa apartment. Hindi kami magkasabay kanina dahil may try-out siya sa basketball. Pinilit ko siya na manonood ako ngunit hindi siya pumayag. Sa isang linggo ay intramurals na kaya nagpapa-try-out na ang bawat coaches.
I still remember what he said. A deal. A very interesting deal.
"Let me watch, please?" Pakiusap ko sa kanya habang hinahatid niya ako hanggang sa gate ng school.
"You will just distract me if I let you," para namang mage-eskandalo ako doon. Manonood lang naman, hindi sisigaw, hindi sasayaw.
"I will hide, I'll make sure na hindi mo ako makikita." Pilit ko sa kanya. Just let me watch!
"No," mariin niyang sabi. Puno iyon ng awtoridad kaya sumuko na lamang ako. Hindi din naman ako mananalo kung pipilitin ko.
When he says no, it's just a no. No maybes.
He's wearing a red jersey, and I can't deny how dashing he looks. His messy and a bit damp hair because of his sweats makes him extraordinary. Lumulutang lalo ang kagwapuhan niya kapag sinusuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.
"Let's have a deal," sabi niya nang malapit na kami sa gate.
Madami na rin ang naglalabasang seniors. At sa nakikita ko, napapadako ang kanilang tingin sa direksyon namin. Alam ko kung sino ang tinitingnan nila, hindi ko sila masisisi. Dahil kahit ako, parang gusto kong i-uwi na lamang siya at pakatitigan magdamag. Masyado siyang gwapo sa mundong ginagalawan ko.
"Chloe, look at me, please?" He hissed. Agad ko naman siyang nilingon nang nahimigan ko ang kanyang pagkainis.
"What?" Tanong ko nang hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi. Hindi ko iyon narinig dahil sa aking iniisip.
"I want to have a deal with you," he said. Nasa lahi mo nga talaga nito ang pagiging businessman.
"Anong deal?" I answered. He look me in the eyes. Tila sinasaulo ang bawat detalye ng aking mukha.
"If I pass the try-out, you will let me court you." Dumagundong ang aking dibdib sa kanyang sinabi. Court me? Does he like me?
"And if not?" I said intently. Dumadagundong na parang tambol ang aking puso.
"You will immediately be my girlfriend," he said while looking at me, not breaking the stares he gave me.
"No buts, no ifs, no either the two." Dugtong niya. Seriously?
"Is that even a deal?" Singhal ko sa kanya. Sumilay ang kanyang mapang-asar na ngiti sa kanyang labi. Nilagay niya sa kanyang magkabilang tagiliran ang kanyang kamay.
"You leave me no choice even!" I hissed. Nag-iingat na may makarinig sa amin. May dumadaan ding ibang senior sa dinadaanan namin kaya hindi ko iyon masyadong nilakasan.
"See you tomorrow," He said. He winked at me before turning his back.
And just like that, he leaves. Iniwan akong naguguluhan pa rin sa areglong binigay nito sa akin.
He wants to court me? That mean he likes me? What's with the deal? I don't have any other option. He just stated it himself!
Hindi na maalis ang aking ngiti hanggang sa makauwi ako ng apartment. Palagi ko iyong naiisip kahit na wala na siya sa paningin ko.