Reached
On my eighth grade, I met Monica and Everly. Nasa kabilang section lang sila. They were best friends before we met and Monica was Bethany's cousin na galing pa ng La Union. That's why she introduced them to me. On my ninth grade, naging kaklase ko sila except Lauren. Nanatili siya sa top section kasama si Marco at mga kaibigan nito.
"I wanted to visit Lauren, I missed seeing Oliver. Kahapon pa." Pagmamaktol ni Isabella. Malungkot ang kanyang tono at kapani-paniwalang nadidismaya ito.
"Gagamitin mo pa si Lauren para lang diyan sa crush mo! Aba matindi!" Bethany clapped at Isabella face. She got annoyed kaya tinapik niya ang palad nito.
Recess ngayon at nandito kami sa Science Park. Nakasanayan na naming dito tumigil para kumain at tumambay kapag hindi pa oras ng klase. At kapag lunch break ay sa school canteen naman. Science Park rin ang nagiging study place namin kapag gagawa kami ng assignments o kaya ay magrereview dahil sa magaganap na exam. We always go here because of the peaceful atmosphere, it helps us remember things especially in exams.
"She will understand! Basta, mamayang lunch daan tayo doon ha?" Isabella pleaded to us. Umiling si Bethany at kinagatan ang kanyang biniling burger. Totally ignoring Isabella's request.
"Ang nega mo!" Isabella hissed. She then turned to me. "Chloe, please?" Pumayag na lang ako. Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Bethany dahil sinunod ko na naman si Isabella. Hindi ko lang sila matanggihan.
Nang naglunch na nga ay dumiretso na kami sa canteen para bumili ng makakain. Kasabay na din namin sina Monica at Everly. Mahaba agad ang pila na aming naabutan sa kadamihan ng estudyante. Kasabay namin ang lahat ng juniors ngayon, mamayang twelve thirty naman ang mga seniors.
"Alam mo ikaw Chloe, napapansin ko ha! Type ka talaga ng mga classmate nating lalaki." Pagbasag ni Isabella sa katahimikan. Walang nagsasalita sa amin habang kumakain. Siya lang.
"They were just being nice to me," sumubo ako ng hinating pork chop at kanin. Nginuya ko iyong mabuti bago lunukin. Ininuman ko ang dala kong tubigan pagkatapos sumubo.
"Iyon na nga, sa pagiging nice nila sayo may malisya na palang kasama. They're hitting on you!" Bethany hissed. Napuno naman ng kantyaw ang aming lamesa. Narinig iyon ng mga kalapit lamesa namin at napatingin sa aming direksyon.
"Sinong may crush kay Chloe? Madami? Pahingi namang isa." Bumungisngis pa si Everly sa aking tabi.
"Magsitigil nga kayo! Nakakahiya!" I hissed.
"Anong nakakahiya kung maraming nagkakagusto sayo?" Patuloy pa rin na kantyaw ni Monica.
Natapos na ang aming pagkain ngunit patuloy pa din ang kantyaw nila sa akin maging sa paglalakad pabalik sa classroom. Papunta na kami ngayon sa classrom, pero bago iyon ay madadaan namin ang section ni Lauren. Kaya't hindi na matali itong si Isabella sa aking tabi. Hindi ko rin naman gusto na dumaan pa dito dahil sa pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng dumadaan pati na sa kabilang section.
"Ayan na! Malapit na tayo!" Impit pang tumili si Isabella habang papalapit kami. Hindi na ito makapagpigil kaya pinisil nito ang palapulsuhan ni Bethany at Monica. Nagreklamo ang dalawa sa ginawa ni Isabella ngunit para itong walang naririnig.
"Bitawan mo nga ako, Isabella!" Bethany cried.
Si Isabella na ang sumungaw sa pintuan nang mapatapat kami sa classroom nina Lauren. Nakita kong sumensyas si Lauren na pumasok na kami dahil may ginagawa itong kung ano sa kanyang upuan. At si Isabella pa ang nangunguna sa pagpasok. Hindi man lang nahiya! Si Monica ay umiirap na sa hangin dito sa aking tabi kaya napapatawa ako sa kanyang ginagawa.
"Huwag na! Ikaw na lang. Nakakahiya kaya." Pilit akong hinihila ni Isabela na makapasok sa loob. Kahit sina Bethany ay ayaw din pero hindi na nagpahila pa. Ako lang ang nagpumilit na umalis kaya hinabol ako nito at hinila. Pumasok ang mga ito ng kusa.
Nagtagumpay si Isabella na hilahin ako papasok sa silid. Nakayuko lamang ako habang tinatahak ang papunta sa kinauupuan ni Lauren. Sa dulo ito nakaupo at sa likod nito ay may tatlong upuan pa. Si Bethany, Monica at Everly ay sa unahang upuan umupo. Hinila ako ni Isabella sa likod ni Lauren para doon maupo at tabihan siya. Inusog ni Lauren ang kanyang upuan para kaming lahat ay maharap niya, na paikot ang aking porma. Inayos ko muna ang bag na nakapatong sa arm rest ng upuan at isinabit iyon sa likod ng back rest ng upuan. Kung kanino man iyon, mamaya ko na lamang ihingi ng tawad dahil ginalaw ko iyon.
"Alam ko kung sino talaga ang hinahanap mo," bungad ni Lauren kay Isabella. Agad namang namula ang magkabilang pisngi nito na parang sinampal ng makapal na blush on.
"Nasaan ba?" Hinahanap ni Isabella sa buong silid ang gusto niyang makita.
"Lumabas eh, baka nagbabanyo lang." Bumusangot naman agad ang mukha ni Isabella sa sinabi ni Lauren. Halata ang kanyang panghihinayang na hindi niya ito naabutan. Halos magmadali ito sa pagkain para lamang may oras pa itog makita si Oliver.
"Madali lang naman sila, may kailangan pa kasi kaming maipasa ngayon kaya alam kong hindi sila magtatagal sa labas." Pasegunda naman ni Lauren upang hindi na malungkot ang aming kaibigan.
Inayos ko sa aking kandungan ang aking bag. Makalipas ang limang minuto, napagdesisyonan ni Isabella na umalis na lamang. Tatayo na sana ako nang bigla itong nagpapadyak ng kanyang mga paa. Ang mga kamay nito ay mariing nakatikom, ang kanyang labi ay mariing magkadikit at nakatingin ito sa hamba ng pinto.
Sa aking pag-aalala ay tumungin din ako sa pinto. Ang aking mga kaibigan ay dumako din ang tingin sa pinto nang mapansin ng mga ito ang kakaibang kinilos ni Isabella. Naroon ay ang tatlong lalaki na nakilala ko noong grade seven pa lamang ako. Natatandaan ko pa din sila at ang isa dito ay gusto ni Isabella. Sa pagkakaalam ko ay si Oliver iyon.
Palapit sila sa aming direksyon. Agad naman akong kinabahan dahil sa titig na binibigay sa akin ni Marco. Tanging siya pa lamang ang tumitingin sa akin ng ganoon. Ang kanyang madilim na mata ang nagpapakabog sa aking puso. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto niya sa akin. Ngayon ko na lang ulit siya nakita at ngayon ay palapit pa siya sa direksyon ko.
Nang tuluyan nang nakalapit ang mga ito sa amin ay abot na ang tahip ng aking dibdib. Pinagpapawisan ang aking mga palad at pakiramdam ko ay malamig. At hindi ko alam kung bakit!
Umupo si Oliver sa dulong upuan katabi si Isabella. Agad namang hilablot nito ang aking palapulsuhan at mariing pinipisil. Agad na gumuhit sa akin ang sakit kaya ako ay napangiwi. Umupo naman sa tabi ni Bethany si Wilder at isiningit nito ang kinuhang upuan sa tabi, agad namang nag-asaran ang dalawa.
Naiwang nakatayo si Marco sa aking gilid. Nilibot ko ang aking mata sa aming bilugan at nakitang wala nga itong mauupuan. Napagtanto ko na baka dito siya nakaupo sa upuang inuupuan ko kaya agad akong tumayo at hinarap ito. Umangat ang aking kamay na mahigpit na hawak ni Isabella kaya nadala iyon.
"Dito ka ba nakaupo? Sige sayo na yan." Sabi ko habang tinatanggal ang mahigpit na hawak ni Isabella sa aking palapulsuhan. Naiiwan na ang kulay ng aking kamay sa aking braso dahil naiipit nito ang dinadaluyan ng dugo. Hirap akong tanggalin ito, habang si Isabella ay nakapirmi ang mga mata kay Oliver. At hindi magkamayaw sa grasyang nakikita ng kanyang mga mata. Tila hindi ito makapaniwala na katabi na niya ito ngayon.
Nakita naman ni Marco ang aking paghihirap sa pagtanggal ng kamay ni Isabella. Sa kabilang kamay ay hawak ko ang aking bag at kinikibot lang ang braso para alisin ang kapit ni Isabella na hindi man lang niya nararamdaman. Dumapo ang mga kamay nito sa akin braso at kamay ni Isabella, siya na mismo ang nagtanggal nito. Saka lamang naramdaman iyon ni Isabella kaya napatingin ito sa amin.
"Oh my gosh! Sorry Chloe, hindi ko sinasadya." She apologized.
"Okay lang," sabi ko at ngumiti.
Hawak pa din ni Marco ang aking braso, bumaba iyon hanggang sa aking palapulsuhan. Bahagya niya iyong hinaplos, tumatak ang mga daliri ni Isabella dito. Unti-unti namang bumabalik ang aking kulay dahil nakahinga na ang aking balat. Ngunit hindi pa rin mawala sa akin ang ideyang hawak ni Marco ang aking braso habang hinahaplos ito ng marahan. Malambot ang kanyang kamay ngunit magaspang sa kabilang banda.
"Sensitive," Marco whispered. Sa sobrang hina niyon ay ako lamang ang nakarinig.
Ang kanyang mga mata ay nakapirmi sa aking palapulsuhan. Hinablot ko iyon sa kanya ngunit bigo ako. Humigpit ang kanyang hawak ngunit hindi masakit. Pinaikotan niya ako at iginiya ako nito para muling makaupo sa kanyang upuan at saka lamang binitawan ang aking kamay. Hinaplos ko iyon na parang gagaling kapag aking dinaanan ng aking mga daliri.
Unti-unti na ring bumabalik ang naiiwan kong kulay sa kamay. Pumwesto ito sa aking likod at naglakbay ang kanyang kamay sa likod ng sandalan at ang isa naman ay nasa likod ng aking braso, namamahinga sa arm rest. Tumama ang aking ulo sa kanyang dibdib dahil sa kanyang pagyuko, bolta-boltaheng kuryente ang agad na dumaloy sa aking katawan. Maglapat lamang ang aming balat.
"May kasabay ka mamayang umuwi?" He whispered through my left ear. Agad akong umiling nang hindi siya tinitingnan.
"Good," he said.
May kanya-kanyang pulong ang aking mga kaibigan. Si Isabella ay kinakausap na si Oliver. Nawala na rin siguro ang pagkailang niya dito. Si Bethany at Wilder ay patuloy pa din sa pag-aasaran, kahit na hinahampas na ito ni Bethany ay tumatawa lamang si Wilder. Si Lauren, Monica at Everly ay humiwalay din ng pinag-uusapan at tila hindi kami napapansin. Tila hindi nila napapansin ang aming posisyon ni Marco.
Nananatiling nakahilig si Marco at wala man lang balak na ayusin ang kanyang tayo o humagilap ng upuan para doon maupo. Pinagtitinginan kami ng kanyang mga kaklase. Mayroong mga multong ngiti sa kanilang mga labi, mapangasar na mga titig at puno ng malisya ang tingin. Ang iba naman ay nakabusangot at halos manlisik ang tingin sa akin. Niyuko ko ang aking ulo para maiwasan ang pagkailang.
I heard him chuckled na agad nagpadagundong sa aking dibdib. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata, hinigpitan ang hawak sa aking bag at nagpaubaya na lamang sa daloy ng sitwasyon. Hindi na lamang ako makapaghintay na matapos ang lunch break na ito.
Sa aking ikasampung baitang, kalagitnaan na ng taon at semestral break na. Nagpaplano sina Isabella kung saan pwedeng mamasyal. Hindi raw nila kayang manatili lamang sa bahay at pagkabagot ang aabutin.
"What if, we go to the beach?" Isabella suggested. Lumiwanag ang kanyang mukha sa kanyang sariling ideya. Nakikita ko ang pagliwanang sa parte ng kanyang ulo na parang may bumbilya doon.
"Pwede, kasi mainit na nga naman." Everly nodded to Isabella's suggestion. Pinapahiwatig na sumasang-ayon ito sa gusto ng kaibigan.
"Hiking, ayaw niyo?" Monica said. Nag-alinlangan pa kung tama ba ang kanyang suhestiyon.
"Monica naman, ang init na nga gusto mo pa yung mapapawisan." Bethany hisses to her cousin. Nagkibit na lamang si Monica ng kanyang balikat.
"I like her idea, hindi ko pa naman nasusubukan iyon." Pagsang-ayon ko. Tabing dagat ang bahay namin sa Calatagan, kung may pagkakataon ay sumusulong ako sa dagat para mag-swimming. Gusto ko namang subukan ang maghiking at iba pang bagay na pupukaw ng aking interes.
"Okay, Chloe's the boss. We'll go hiking." Pinal na litanya ni Bethany.
"Sandali! Kagustuhan ko lamang iyon. Pero kung hindi niyo naman gusto ay hindi ako magpipilit." Sambit ko. Ayaw kong napipilitan sila sa gusto ko. Mas gugustuhin ko pa din ang madami kaming sumasang-ayon sa aktibidad na aming gagawin, hindi dahil sa gusto ko lang.
"Sabi mo hindi mo pa nasusubukan iyon, at kami rin. Kaya iyon ang gagawin natin ngayong sem-break!" Maligayang litanya ni Lauren. Kanina ay hindi rin niya gusto ang hiking ngunit isang iglap ay pumayag na din ito.
"Yeah, kahit na mapapawisan tayo. On the other hand it's good. Environment-friendly." Monica said.
"Yes! I will die in boredom kung sa bahay lang ako. So, let's go hike some mountain!" Everly hisses pleasantly. Excited na sa aming gagawin ngayong sem-break.
Excited na sila sa magaganap na hiking sa unang linggo ng sem-break. Hindi ko pa ito na-ipapaalam kay Daddy, hindi ko siya minsan maabutan sa umaga at sa gabi. Nagigising ako sa umaga nang wala na siya sa bahay, at dumadating naman siya sa gabi kung kailan tulog na ako. Kaya ngayong nagkaroon ako ng pagkakataon ay agad ko na itong sasabihin sa kanya.
"Hi Daddy," I kissed his cheek at dumiretso na sa sink para maghugas ng kamay.
"Hello princess," Daddy responded. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagpapaalam. He's strict when it comes to me, hindi niya ako minsan pinapayagan sa pag-alis ng bahay o iba pang aktibidad na gagawin ko dahil palagi niyang iniisip ang kaligtasan ko. Naiintindihan ko naman siya dahil ako na lang ang natitira niyang kasama ngayon.
"Dad, I have something to say." Sabi ko nang hinarap ko na siya. Sumandal ako sa sink at tiningnan ang aking ama.
"Sit here. What is it?" Sumimsim ito sa kanyang kape habang palapit ako sa upuang malapit sa kanya.
"I am requesting for your approval, Dad." Umupo ako sa katabing upuan ni Daddy. He looked at me seriously, waiting for me to speak.
"Go on, except marriage, okay?" He demanded. Agad nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng aking ama.
"Of course not, Daddy!" I hissed. Tumawa lamang ito sa aking naging reaksyon.
"My friends are going to hike this coming sem-break. Sa linggo po iyon, Dad. Gusto ko pong sumama sa kanila, I never experienced hiking. Will you allow me?" Tinitigan ko ang magiging reaksyon ng aking ama sa aking sinabi.
"Linggo iyon, anong oras naman?" Mapanuri nitong tanong. Ang kanyang mga mata ay nakapirmi sa akin, naghihintay ng aking isasagot sa kanya.
"Madaling araw po kami aalis Dad, susunduin po ako dito ng van nina Monica." Mabuti na lamang at nagprisinta si Monica ng sasakyan. Kung rerenta kami ay mapapamahal lamang.
"Saan naman kayo aakyat?" Naroon pa din ang pagka-mapanuri ng kanyang boses kahit na hindi ito nakatingin sa akin.
"Sa Tingloy pa Dad, they call it Mt. Mag-asawang Bato." I said. Waiting for his response.
"Marami ba kayo?" Sumimsim siyang muli sa kanyang kape habang panandaliang nawala ang tingin sa akin.
"Opo Dad, kasama din po namin ang mga pinsan nina Monica. They were older so you don't have to worry." I said.
"Okay. But be careful. Kailangan pa nating magsimba sa hapon." He responded.
"I will Dad. Thank you!" I hugged him tight and kissed his cheek. Dumiretso na ako sa kwarto para itext si Bethany na pumayag na si Daddy. Talagang gumising pa ako ng maaga, kahit walang pasok para lamang maabutan ko siya.
Ako:
Beth, Daddy's okay with it. Pumayag na siya!
Ilang minuto ang aking pinaghintay para sa reply sa akin ni Bethany. My phone beeped and I immediately open the message.
Bethany:
That's great! 4:00 ka namin susunduin diyan.
Ako:
Okay.
Kahit linggo pa iyon ay nag-aayos na ako ng gamit. Kinuha ko ang camping bag na hiniram ko pa kay Daddy, nilabas ko lahat ng aking maaring dalhin. Nang natapos ay inilagay ko na iyon sa sofa ng aking kwarto. Ang gagamitin kong mga damit at sapatos ay maayos na nakapatong din sa ibabaw ng bag.
Maaga ang aking naging alarm, alas tres pa lamang ay bumaba na ako para maghanda ng pagkain. Tulog pa si Daddy kaya wala pang ilaw sa baba. Linggo ngayon at wala siyang trabaho, tiyak na late na ang gising niya. Heavy breakfast ang kinain ko. Aakyat kami sa bundok kaya paniguradong pagdating sa tuktok ay gutom at uhaw na kami. Tapos na akong maligo at nakapagbihis na.
Binaba ko na ang aking bag at nagpatuloy na sa pagaayos. Nag-iwan ako ng lutong pagkain sa lamesa para kay Daddy para hindi na siya magluto paggising niya. I am wearing a black leggings, a T-shirt under my sports bra and running shoes. Nagdala din ako ng tsinelas para in case of emergency. Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok, basa pa ito kaya mamaya ko na lamang pupusudan.
Nang nag-alas kwatro na ay bumusina na ang van nina Monica sa labas. Kumuha ako ng kapirasong papel at ballpen. Nagsulat ako ng note kay Daddy at idinikit ito sa pintuan ng refrigerator. Lumabas na ako ng bahay ng tahimik para hindi magising ang natutulog ko pang ama. Maingat kong sinarado ang gate ng apartment at dumiretso na sa van. May nagbukas na nito sa loob, narinig ko agad ang malakas na soundtrip nila sa loob. Nagulat ako duon at agad na napatingin sa kanila.
Akala ko ba kami lang? Bakit kasama pati sina Marco?
Dumagundong ang aking dibdib nang nagtapo ang aming paningin. Sa kanyang tabi na lamang ang bakanteng upuan, at doon ako mauupo. Lumunok ako ng isang beses bago napagpasyahang pumasok na. Ang nagmamaneho ng van ay ang pinsan ni Monica at sa passenger seat ang girlfriend nito. Sa unang hilera ay sina Bethany, Monica at Everly. Sa pangalawang hilera ay si Marco at bakanteng upuan pa. Sa likod naman ay si Wilder, Oliver at Isabella. Sinarado na ni Everly ang pintuan at agad nang umandar ang sasakyan.
"Hi! Pasensya na hindi ko na-text sayo na sasama sila. Nawalan na ako ng load eh." Bethany said. Para bang ayaw ko silang kasama?
"Hindi, okay lang naman. Mas marami mas masaya." I said, and then chuckled.
Mahaba pa ang magiging byahe namin dahil sa Tingloy pa iyon. Mabuti na lamang at hindi kami naabutan ng traffic. Alas sinco pa lamang ay malapit na kami. Iiwan namin ang van sa bayan dahil magbabangka kami, bago kami makarating sa Tingloy.
Sa byahe ay hindi ako makabasag pinggan. Tahimik lamang ako habang pirming nakaupo. Magkabilang gilid ang aming inuupuan, ang aming gamit ay nakalagay sa baba. Sa biglaang pagliko ay napasandal ako sa dibdib ni Marco. Dumadusdos ang aking katawan papunta kay Marco. Halatang nagulat siya sa biglaang paglalapit naming dalawa. Ang kanyang mga braso na namamahinga sa kanyang ulo ay lumipad patungo sa aking baywang at ang isa naman ay sa aking kanang braso para ako'y masalo. Pumitik ang mga kuryente sa aking katawan nang maglapat ang aming balat. Bumilis ang t***k ng aking puso.
Sa simple niyang haplos ay sobra ang epekto nito sa akin. Sinulyapan ko ang kanyang mukha at nakita ko ang kanyang mga titig. Madilim at mapangakit, nang tiningnan ko ang kanyang labi ay may ngising sumilay dito na agad naman ding nawala. Agad kong inilayo ang aking sarili nang tumuwid na ang daan at mabilisang bumalik muli sa dulo. Namuo naman ng kantyaw ang kinauupuan nina Isabella dahil sa nasilayan.
"Mabigat kaya si Chloe? Hindi nagtagal eh." Nilalaksan talaga ni Wilder ang pagkakasabi niya para marinig din ng iba.
"Hindi ako mataba!" Singhal ko.
"Wala namang kaming sinabi," pang-iinis ni Isabella.
"What is it? Sayang! Hindi ko nakuhanan ng litrato." Humarap sa amin si Bethany nang marinig niya ang sinabi ni Wilder.
Sa aming paglalapit, naramdaman ko. Sa aming pagdidikit, naramdaman ko. I reached him. Kahit panandalian lamang.