Memories
"Daddy, is Mommy happy there in heaven?" Tinanong ko si Daddy nang nagbubukod ako ng mga buhangin sa tabi ng dagat. Naalala kong bigla si Mommy habang gumagawa ako ng kastilyong buhangin. She likes it. We used to like to build castles together.
"Oo naman, she's watching us, anak." Tumulong si Daddy sa ginagawa kong sand castle. Pinipitpit kong maigi ang mga buhangin para hindi agad ito mabuwag. Itinuro iyon sa akin ni Mommy, para daw magkaroon ng matibay na pundasyon ang kastilo, kailangang siksikin ang buhangin. Pinatong ni Daddy ang kanyang kamay sa maliliit kong kamay para makadagdag ng pwersa sa pagpipitpit ng buhangin.
"Really? Can I talk to her, then?" I looked innocently on him.
"Of course, I'm pretty sure that she can hear you." Daddy patted my head.
"Can I talk to her now? I want to show her our sand castle." I said.
"Sure, you can. We can also talk to her at night, when we pray." Daddy said convincingly.
Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng kastilyong buhangin. Patapos ko na ito at konting pagpapaganda na lang ay makakabuo na ako ng kastilo. Ilang araw na akong pabalik-balik dito sa dalampasigan para balikan ang nasimulan kong kastilyo. Pagkatapos ng klase ko sa hapon ay ito ang nagiging libangan ko habang hinihintay ko ang pagdating ng aking ama galing trabaho.
"Princess lives in castles, Dad. You said that I am your princess. And look! I just made my castle!" I said that to my Dad pleasantly. Masayang-masaya ako na nakagawa ako ng kastilyo gamit ang mga buhangin. Sa wakas natapos ko na.
"You are a princess, of course." Daddy kissed my forehead.
Napadako ang aking tingin sa mga batang tumatakbo malapit sa dalampasigan. Maingay ang mga ito habang nagtatawanan at nagkukulitan. Naghihintay sila sa pagdating ng kanilang ama galing sa pangingisda. Sumunod sa mga ito ang kanilang ina. Tila nag-aalala na dumiretso ang mga ito sa dagat.
"I missed my Mommy," I whispered. Bumaling ang aking tingin sa aking ama. Narinig iyon ni Daddy kaya lumapit siya sa akin at ako'y niyakap.
"Me too, princess." Humigpit ang yakap sa akin ni Daddy. Mahigpit na ayaw akong bitawan.
Naramdaman ko ang pagtulo ng tubig sa aking noo. Nang ako'y tumingala ay nakita kong nakapikit ang kanyang mga mata at tahimik na umiiyak. Kumalas ako sa kanyang yakap at maayos na lumuhod. Gamit ang aking mga daliri, pinunasan ko iyon. Mumulat ng mata si Daddy at ngumiti. Sumabit ako sa kanyang leeg, kalaunan ay binuhat ako ni Daddy at naglakad na patungong bahay.
Natanaw ko ang mga bata na naroon pa din sa dalampasigan. Dumating na ang bangkang araw-araw nilang hinihintay. Bumaba doon ang lalaki at lumapit sa mga bata. Sinunggaban agad ng mga bata ng yakap iyong lalaki. Hinalikan naman niyon iyong babae na kasama ng mga bata.
Pamilya. Bata pa lamang ako ay ipinaramdam na iyan sa akin. Ngunit dahil walang permanente sa mundo, agad din iyong binawi. Namatay si Mommy sa murang edad ko pa lamang. Nakikita ko ang pagtangis ng aking ama sa tuwing naaalala niya si Mommy. Dahil hindi ko pa alam noon ang gagawin, tumitingin lang ako sa kanya. Sa malayo, habang tanaw ko ang aking ama. Hihintayin ang pagtahan niya at babalik sa normal na parang walang nangyari. Na parang hindi siya nangulila. Hindi ko na iyon sinasabi sa kanya dahil ayokong magalit siya sa akin.
Masakit sa parte ng aking ama ang mawalan ng katuwang sa buhay. Ang pangako nila sa isa't isa ay parang kay daling pinalasap. Kahit na ganoon, nandyan si Daddy. Hindi niya kailanman pinaramdam sa akin na kulang kami. Kahit siya lang yung tagataguyod sa akin, doon ko naramdaman na buo pa rin ako. Para bang sumapi sa kanya si Mommy para lang iparamdam sa akin na mahal nila ako. Ang pakiramdam ng buong pamilya ay nararamdaman ko pa din kahit wala na ang ilaw ng aming tahanan.
"Ayoko nga eh! Doon nga kayo! Nasisira ang kastilyo ko!" Sigaw ko sa mga bata na pumipilit sa akin na kagatan ang kanilang pagkain. Inaalok nila ako ng parang malagkit na kaning nakabalot sa dahon ng saging.
"Ang sungit mo naman. Ang pangit naman ng kastilyo mo!" Tinadyakan iyon ng isang lalaki dahilan kaya nasira ang itaas na bahagi ng aking kastilo. Tinawanan nila iyon kaya lalo akong nagalit.
Naalala ko ang sabi sa akin ni Daddy. Na hindi dapat ako basta-basta makikipagaway o mananakit ng kahit sino. Pero kung ako naman ang tama ay dapat lang na lumaban ako. Wala akong ginagawang masama sa kanila para ganituhin nila ako. Naiiyak na ako at ayokong ipakita iyon sa kanila. Tuluyan na nilang sinira ang ginawa kong kastilyo dahil pinagsisipa nila iyon. Buwag na mga buhangin ang tumumpok na ngayon sa aking harapan.
"Hoy! Aba't ang mga batang ito! Alis!" Narinig ko mula sa aking likod ang boses ni Daddy. Agad namang nagsialisan ang mga batang iyon nang marinig nila ang parang kulog na sigaw ng aking ama. Lumapit sa akin si Daddy at ako'y pinatayo para pagpagan ang aking tuhod.
"Sira na po yung kastilyo ko," hindi ko na napigilan ang umiyak. Hagulhol ang aking ginawa nang yakapin ako ni Daddy habang nakatakip sa aking mukha ang aking mga palad.
"Tahan na anak, tahan na. Hayaan mo na iyan, ibibili kita ng kastilyo mo." Pinapatigil ni Daddy ang aking pagiyak. Nakadamit pangtrabaho pa din ito at dala ang kanyang bag na nakasabit sa kanyang balikat. Siguro ay kadarating lang nito at naabutan niya ako ditong pinagtutulungan ng mga batang iyon.
"Saan na po titira ang prinsesa kung wala na ang kanyang kastilyo?" Pinunasan ko ang aking mga natirang luha. Medyo nahimasmasan na ako at gumaan na ang aking loob. Ngunit hindi mawala sa isip ko na wala nang matitirahan ang prinsesa.
"Ang mga prinsesa, may itinakdang magliligtas sa kanila. Kung tawagin nila ito ay prince charming." Inayos niya ang aking buhok, hinuli ang mga takas kong hibla at inilagay ito sa likod ng aking tainga.
"Isang prinsipe?" Tanong ko. Inosente at nalilito sa sinabi ni Daddy.
"Oo, isang prinsipe. Magugustuhan iyon ng prinsesa, at mabibighani naman ang prinsipe sa kagandahan ng prinsesa." Inakay na niya ako papasok sa bahay. Malapit nang magkulay kahel ang langit at marapat lamang na manatili na ako sa loob ng bahay.
"Kung ganoon, kayo po ang aking prinsipe. Iniligtas nyo po ako kanina sa mga bata eh." Inosente kong usad sa aking ama. Humalakhak naman ito sa aking sinabi. Lumuhod siya sa akin para magpantay ang aming paningin.
"Hindi ako anak, hindi mo pa siya nakikilala. Kapag lumaki ka na at natagpuan mo siya, mahalin mo siya ng buong puso. Ngunit huwag mong kalilimutan na magtira ng pagmamahal para sa sarili mo. Mahalaga na mahalin mo muna ang sarili mo, para kapag dumating na ang prinsipe, madadagdagan ang pagmamahal diyan sa puso mo." Utas niya. Itinuro niya ang aking dibdib kung nasaan ang aking puso bago ako ngitian.
Bata pa lamang ako pinaniwala na ako ng aking ama sa happy ending, perfect love story at tragic ending. Iba't iba iyon na naghalo na sa aking isip. Pero habang lumalaki ako, naisip ko.
Fairy tales doesn't exist. Happy endings will only mean your happy. And the perfect love story will be the story that you wrote to the stars. Mga kathang isip lamang. There is no perfect love story. Both partners have flaws, relationships sometimes are incomplete.
"Ate, babayaran ko naman. Kailangan ko lang para makalipat kami ngayong buwan." May katawagan si Daddy ngayon sa telepeno. Labing dalawang taon na ako ngayon. At sa isang buwan ay pasukan na ulit. Hindi pa ako nakakapagenroll sa High School dahil sabi ni Daddy ay huwag muna.
Kapatid ni Mommy si Tita Mercy. Bunsong anak si Mommy at panganay naman si Tita Mercy. Sumunod kay Tita Mercy si Tita Fely, ang aking tiyahin na naninirahan sa Maynila. Ngunit wala na kaming naririnig na kahit anong balita sa kanya. Habang lumalaki ako ay nagiging katuwang ni Daddy si Tita Mercy sa pagpapalaki sa akin. Walang anak ang tiyahin ko kaya sa akin niya binubuhos ang pagmamahal at pagsuporta. Buwan-buwan ay nagpapadala siya kay Daddy na pandagdag para sa gastusin namin.
"Pagdating natin sa Bauan, mag-enroll ka na agad sa gusto mong pasukan doon. Hindi kita sasamahan dahil may trabaho pa ako, anak." Nagmamaneho si Daddy ng aming lumang sasakyan ngayon.
"Ayos lang Dad, kaya ko na pong mag-isa. Gusto ko pong sa Bauan Tech pumasok. Maganda daw po ang turo doon saka nangunguna sila sa kahit anong larangan dito sa Batangas." Naaliw siya habang nagkukwento ako. Sumisilay ang kanyang mga ngiti kahit sa daan siya nakatingin.
"Kahit saan mo gusto anak, walang problema." Anito. Sabi ni Daddy, nakikita niya sa akin si Mommy. Kamukhang-kamukha ko siya dahil sa hugis ng aking mga mata. Palagi niya iyong tinitingnan pagkatapos ay ngingiti.
Nang nakarating kami sa Bauan, nag-renta kami ng apartment malapit sa school na gusto kong pasukan. Agad kong inayos ang mga papeles na kakailanganin ko sa enrollment. Late enrollee ako kaya kakaunti lamang ang aking kasabay sa pag-enroll. Nagkaroon pa ng entrance exam, school orientation at campus tour. Tinandaan ko ang lahat para sa unang pasukan ay hindi ako maligaw. Malaki pa naman ang eskwelahang papasukan ko at hindi imposible na hindi ako maligaw lalo na sa mga magkakahiwalay na departamento.
Unang araw ng pasukan, maaga akong gumising. Alas kwatro y media pa lamang ay gising na ako. Bumaba ako sa may kusina at naabutan ko si Daddy na nagkakape at busy sa kanyang laptop.
"Good morning, princess." Daddy said while smiling at me. Agad niya namang binalik ang tingin sa kanyang laptop.
Accountant ang aking ama sa bangko. Kahit umaga ay kaharap nito ang kanyang laptop para simulan ang trabaho. Hindi ko alam ang kanyang ginagawa ngunit isa lamang ang pamilyar sa akin, finance. Financial status and data of the bank ang kanyang inaasikaso.
"Good morning, Dad." I kissed her cheek at ako na ang naghanda ng aming umagahan. Naghanap ako sa aming refrigerator ng pwedeng lutuin at inilabas ko iyon para hugasan.
Natuto akong magluto noong walong taon pa lamang ako. Sa tuwing wala si Daddy sa bahay dahil sa trabaho, kumukuha siya ng katulong para magbantay at asikasuhin ako. Tinuruan niya din akong magluto at maglaba ng sarili kong damit.
"You're excited?" Tanong ni Daddy habang sumisimsim sa kanyang kape.
"Ayaw ko lang po na magkaroon sila ng impresyon sa akin na late-comer ako sa school. It's my first day, Dad." Sabi ko habang nagtitimpla ng tsokolate.
Maagang umalis si Dad dahil sa Batangas City pa ang kanyang pinagtatrabahuhan. Iniwan niya sa akin ang susi ng apartment. Mauuna akong umuwi sa kanya kaya ako ang may hawak. Nilakad ko ang street papunta sa school. Malapit lang iyon mula sa tinitirahan namin. Alas sais pa lamang ay naglalakad na ako. Ayokong mahuli sa unang araw ng pasukan. Well, that's not cool.
Hindi naman ganon kabigat ang nangyari sa unang araw. Puro pagpapakilala at introduction tungkol sa mga subjects ang aming ginawa. Galing sa iba't ibang school ang aking mga kaklase. Sa pagkakaalam ko, second section daw kami. Ayon iyon sa pagpupulong ng dalawang babae sa aking likuran.
"Akala ko nga mapupunta ako sa first. Kung ganoon, magkakahiwalay tayo."
"Taas ng pangarap ah! First agad?"
"Totoo naman, nandoon din kasi ang pangalan ko noong nagtingin ako ng mga sections."
"Edi ikaw na! Mabuti at pinili mo dito."
Natutuwa ako sa kanilang pag-uusap. Ayaw nilang maghiwalay dahil ayaw lang nila na maiwan ang isa't isa. Hindi ako nagkaroon ng ganyang klaseng pagkakaibigan noon. Malimit akong nilalayuan dahil sabi nila ang weird raw ako at sobrang tahimik. Tumpulan din ako ng tukso dahil nakikita nilang mahina ako. Kaya naman hindi ko maiwasang hindi matakot gayong ibang environment na naman itong nakapaligid sa akin.
"My name is Chloe Scarlet B. Madrigal. I am twelve years of age. And I want to be a doctor someday. I hope we can be friends." Pagpapakilala ko. I smiled at them before walking back to my seat. Pagkaupo ko ay kinulbit ako ng dalawang babae sa aking likuran.
"Hi Chloe, I am Isabella and this is my friend Bethany." They smiled at me sweetly. Ngumiti din ako sa kanila at nakipag-shake hands.
"May kasabay ka ba mamayang lunch? Kung wala ay sa amin ka sumabay." Isabella said.
"Wala akong kasabay," I said. Naiilang ako dahil sila pa lamang ang unang kumausap sa akin sa loob ng eskwelahang ito.
"Well, that's great! Sa amin ka na sumabay ha." Bethany smiled at me. She's pretty. And tall.
Nang naglunch na ay sa kanila nga ako sumabay. They were friendly, kapag may nakakasalubong kami na kakilala nila ay nakikipag-usap sila sa mga ito. Hindi nila nalilimutan na ipakilala din ako. Bumili ako ng aking lunch. Nauna ako sa table na nireserve ni Isabella dahil sa kadamihan ng estudyante dito. Kalimitan ay nagkakaubusan na ng mga lamesa at upuan. Kagaya ngayon, puno ang buong canteen ng estudyante lalo na at first day. Nandoon pa sila sa counter at namimili ng kakainin. Binuksan ko ang aking tubig at ininuman iyon.
"Grabe, hirap makipagsiksikan!" Nilapag ni Bethany ang kanyang pagkain sa lamesa at naupo sa aking tapat. Tumabi naman sa kanya si Isabella.
Nagsimula na kaming kumain.
"Chloe, may crush ka ba sa kaklase natin?" Isabella asked me out of nowhere.
"Wala," simple kong sagot.
"Wala ka naman dapat maging crush sa mga boys sa atin. Ang pa-pangit kaya!" Bethany hissed. Nakapanglait agad. Hindi ko mapigilan ang pagtawa sa kanyang sinabi.
"Oo nga eh, mabuti pa sa first section. Nandun lahat ng gwapo eh!" Ngumiti si Isabella na para siyang kinikilig.
"Gaga! Sumilip ka? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Mahinang pinalo ni Bethany ang braso ni Isabella.
"Aba, ang daldal mo eh. Kung sino-sino kinakausap mo." Humalakhak silang dalawa. Napapailing na lamang ako sa kabaliwan nilang dalawa. Mahilig sila sa mga gwapo. Ang dahilan nila ay pipili na nga lang ng kausap, doon pa sa halos isinumpa ang mukha. They were hard sometimes, pero alam kong katuwaan lang nila iyon.
"Sa susunod dadalhin ko kayo roon. May kakilala ako sa section na yun." Sabi ni Isabella.
"Sige, sabi mo yan ha!" Bethany said and then they laughed again.
Nang natapos na kaming maglunch ay bumalik na kami sa classroom. Kakaupo ko pa lamang sa aking armchair ay may lumapit nang isang lalaki.
"Hi," he said. Nginitian ko lamang siya at nag-ayos na ng aking gamit. Hindi ko na siya muling tiningnan. This was the usual scenario when I will get bullied. Kaya naman umiiwas ako ngayon pa lang.
"Ako si Peter, ikaw?" He asked. Oh, impressive move.
"Hindi mo ba narinig pagpapakilala ko kanina? Paulit-ulit pa nga iyon eh." Patuloy lang ako sa pag-aayos ng aking gamit.
"Hindi ko na iyon napagtuuan ng pansin. Nakakadistract ka. Ang ganda mo kasi." Ang bata bata, ang galing mambola. Hindi ako naniniwala kay Bethany na mapapangit ang kaklase naming lalaki. May iba naman na kagwapuhan at kabilang itong si Peter. But I don't like him.
"Anong pangalan mo?" He asked again.
"Chloe," marahas akong bumuga ng hininga. Hindi ko gusto ang tinging binibigay siya sa akin.
"Sabay tayo umuwi mamaya?" Ang kulit mo! Ngayon nga lang kita nakilala. Ang bilis mo naman dumiskarte.
"Sorry, kasabay ko sila." Tinuro ko sa kay Peter sina Bethany at Isabella.
"Oo, kami ang kasabay niya." Bethany hissed.
"Sa ibang araw ka na lang," Isabella also hissed.
Sa pangalwang araw, ganoon pa din ang eksena. Pakilala dito, pakilala doon. Nakakasawa man pero kailangan. Wala pa daw binibigay na modules and department kaya iyon muna ang aming gagawin.
"Daan tayo sa G7 A." Isabella requested.
"Ay oo! That was your promise from yesterday." Bethany giggled.
Iyon nga ang ginawa namin. Madali naming tinapos ang aming tanghalian para lamang magpunta sa G7 A. Totoo nga na may kakilala si Isabella dito. Tinawag niya agad iyon at mabilis na lumapit sa amin ang isang magandang babae.
She is also tall. Ngunit hindi naman papantay sa tangkad na taglay ni Bethany. Katamtaman lang. Her skin tone is beige and clear. She is not skinny and I like how healthy looking her body looks. Not too skinny and I think that she has an hourglass figure.
"Lauren, this is Bethany and Chloe. Classmate ko sila sa kabilang section." Pakilala ni Isabella sa kay Lauren. Ngumiti ito at nakipagshake hands sa amin. Napakapormal niyang humarap sa amin. Para bang mature na siya.
She's not like Isabella, who's vocal and pretty . Not like Bethany, who's annoyingly sexy. But she's attractive. I see those curves, to die for.
"Grabe Lauren, ang daming gwapo ah!" Deklara ni Isabella habang namumula ang kanyang makinis na pisngi. Halos mabali ang kanyang leeg kakasilip sa bintana para maghanap ng mga lalaki.
"Oo nga eh, ayaw ko tuloy umalis dito sa room." Lauren giggled and they laughed together. Madaming babae sa section na ito. Kakaunti ang nakikita kong mga lalaki.
It is the room for geniuses. Those who passed with high grades were included in this section.
"Hoy sali niyo naman kami diyan," Bethany said. Lumabas ang tatlong lalaki at dumaan ang mga ito sa likod ni Lauren. Impit na napatili sina Bethany at Isabella nang sumulyap ang tatlo sa mga ito.
"Oh! Air please." Pinaypayan ni Bethany ang kanyang sarili gamit ang kanyang mga kamay.
"Sino ang mga iyon?" Hinawakan naman ni Isabella ang magkabilang braso ni Lauren at bahagya itong inalog. Tinawagan ni Lauren ang tatlong lalaki. Hindi pa nakakalayo ang mga ito kaya narinig pa nila.
"Guys, mga friends ko. Pakilala naman kayo." Bigla akong nahiya sa ginawa ni Lauren. Samantalang ang dalawa ay nagtutulakan pa kung sino ang unang tatanggap ng kamay nila. Nasa likod ako nina Bethany at Isabella, dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganyang klaseng pagpapakilala. Nakipagkamayan sila sa dalawa. Nakikita ko ang pagpipigil ng mga ito na huwag kiligin. Nagpipigil din ang mga ito sa pag-irit at tahimik na pinapadyak ang paa. Or should I say, pagpipigil ni Isabella. Bethany is tolerable, but the other one is vulgar.
"Tabi nga kayo. Hindi makita si Chloe." Hinila ako ni Lauren at ako naman ngayon ang nasa unahan.
Sa aking gulat ay napasunod na lamang ako. Muntikan pa akong sumubsob sa lalaking nasa gitna kaya hinawakan niya ang aking mga braso para sa suporta. Namayani ang kaba sa aking dibdib habang tinitingnan ako ng tatlong lalaki sa aking harapan.
"Oliver," sabi niyong lalaking may dimple sa kaliwang pisngi. The cute one.
"Wilder," sabi naman ng lalaking kasing tangkad niyong si Oliver. He's quite the bad boy type.
"Marco," sabi ng lalaking nasa gitna. The most handsome of them all.
Naglahad sila sa akin ng kamay. Ito ang nakita kong ginagawa nila kina Bethany at Isabella. Tanggapin ang kamay tapos marahang alugin. Naglahad din ako ng kamay at isa isang tinanggap at nakipagshake hands.
"Nice meeting you all. I'm Chloe." I said.
Huli kong tinanggap ang kamay ng lalaking nasa gitna. Dalawang bounce ang kanyang ginawa at marahang pinisil ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakitang sa akin lamang siya nakatingin. Babawiin ko na sana ang aking kamay ngunit hindi niya iyon hinayaan. Humihigpit ang kanyang hawak kapag babawiin ko iyon.
Ang kapal ng kanyang kilay ay katamtaman lamang sa kabuuan ng kanyang mukha. Ang kanyang mga mata ay madilim at misteryoso, matangos ang ilong at mamula-mula ang labi.
Sa unang pagkakataon, para akong nakuryente sa titig ng isang lalaki. Kumakalam ang aking sikmura at bumibilis ang t***k ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman.
Sa kanyang mga mata, nakita ko na.
Mahirap siyang abutin.