The Phone Call Totoo ngang maliit lang ang mundo. Kahit sinong magkalayo, magkakalapit pa din. Kung sinong hindi magkakakilala, makikilala din ang isa't isa. Kung ang hindi mo inaasahan ay nangyari, magugulat ka na lang. Matalino ang tadhana, gumagawa siya ng hakbang na nakakamangha. "I know it's hard to believe, kahit naman ako noong una ay hindi din maniwala." Bigkas ni Dorothy. Kapatid ko siya sa aking ama. Pabalik balik ang tingin ko sa mga papel na nasa aking mga palad at pagkatapos ay sa taong nasa harapan ko, na kapatid ko daw. Nandito na lahat ng ebidensya, hawak ko na at nakikita na ng aking mga mata, pero bakit ang hirap pa ding paniwalaan? Bakit naman biglaan? "Hindi kita pipilitin na tanggapin ako agad. Maghihintay ako, Chloe, kahit sabik na sabik na ako sayo." Kita ko ang

