Same Blood Kaya pala kapag tinitingan ko siya, nararamdaman ko na may koneksyon ako sa kanya. Nararamdaman ko na nakikilala ko siya. Hindi ko kayang magalit sa kanya dahil kapatid ko siya. We're half-sisters, but still, kapatid ko siya. Tinatanaw ko ang prisintong pinamamalagian ng aking tunay na ina. Ito ang prisintong nakasaad sa address na binigay ni Daddy. Bakit ko pa nga ba gustong malaman ang tungkol sa mga magulang kong nagbenta sa akin? Maganda na ang buhay ko ngayon, may trabaho at pamilyang inuuwian kahit hindi sila ang totoo kong pamilya. Hindi ko alam kung bakit gusto ko pang makita ang babaeng nagbenta sa sarili niyang anak. Kahit ilan beses kong tanungin ang sarili ko, nasa akin pa din ang sagot. Dahil gusto kong malaman ang parte ng buhay ko na ngayon ko lang nalaman. Hin

