Never Be The Same Limang buwan kong tinago ang totoo kong pagkatao. Sa limang buwan na iyon, ginagawa ko ang lahat para maghanap ng mga ebidensya. Buo na ang desisyon ko na ipagtanggol ang nanay ko. Hindi na ako naiilang sa kanya, pumapayag siya na tawagin ko siyang Mama at tatawagin niya akong Cheska dahil iyon naman talaga ang pangalan ko noon. "Sigurado ka ba sa gagawin mo, Cheska?" Muli kong dinalaw ang nanay ko sa kulungan. Sa pagdaan ng panahon, wala akong ibang inisip kundi ang mailabas siya dito at mabigyan ng hustisya ang pamilyang naulila dahil sa ginawang krimen ng kinikilala kong ama. "Wala akong pakialam, Ma. Ilalabas kita dito. Hindi dito ang mundo mo." Ilang beses na akong kumonsulta sa abogadong kinuha ko para tulungan si Mama na makalabas siya dito. Sinabi niya sa akin

