The Swift Kiss
Monica loses this time. Such a smart lady.
Agad akong dumistansya sa kanya nang makababa ako sa pagkakabuhat niya. Nakakatakot na makita niya ang aking mga luhang nagbabadya ng pumatak. Na kahit ang aking buhok ay hindi ito kayang takpan. Kinalma ko ang aking sarili para makapagpatuloy sa laro. Kahit gusto ko na lamang umupo at manood ay hindi ko magagawa dahil alam kong hindi ako papayagan. Paniguradong hihilahin lang ako pabalik dito.
Tumagal pa ang laro, kung sino-sino na ang bumuhat sa akin. At kapag napapadako ang aking tingin sa kanya ay para akong nahihigitan ng hininga. Those dagger eyes that used to linger on me. Tatlo na lamang kaming natitira. Ako, si Marco at isa pang babaeng hindi pamilyar sa akin. Nagsimula na kaming umikot kay Marco. Nakayuko lamang ako at naglalakad. Kahit hindi ako tumingin, nararamdaman ko ang mga tingin niya sa akin. Sinusundan ako. Napupuno na ng hiyawan at tuksuhan ang lugar.
"Ladies sayaw naman kayo!" Sabi ng MC.
"Ihinto na iyan!"
"Get it done girl!
"Huwag kang papatalo!"
"Sige lang! Tuloy mo lang!"
Mukhang narinig ng technical staff ang hinaing ng mga tao kaya huminto na ang tugtog at sa oras na iyon ay hindi ko na alam ang aking gagawin. Tumigil ako sa aking kinatatayuan at yumuko. Nakita ko sa gilid ng aking mata na lalapit na sana ang babae kay Marco ngunit tinaboy niya ito. Kumapit ang babae sa kanyang leeg ngunit kinalas niya iyon.
Sa isang iglap ako'y lumutang, sumabay ang aking katawan sa hangin at sa taong bumuhat sa akin. By instinct, agad kong pinulupot ang aking mga braso sa kanyang leeg. Kahit gulat ako sa nangyayari ay hinayaan ko siya.
Ten seconds starts ticking again. At kapag binibilang, lalong bumabagal.
Hindi ko na siya matingnan. Hindi ko na mapantayan ang mga titig niya. Bumaling ang aking mata sa aking mga kaibigan. Nagtipon ang mga ito sa tabi ng stage habang inaalalayan si Lauren. Hindi na maitago ang kanilang mapangasar na ngiti. Tila nagugustuhan pa ang nasasaksihan. Humigpit ang kanyang hawak sa likod ang aking mga tuhod.
"I probably gained so much weight," bulong ko. Hindi niya iyon pinansin. Hindi ko siya matingnan ng diretso.
"Pwede mo na akong ibaba kung nabibigatan ka, panalo na naman tayo." Mahinahon kong sinabi habang hindi ko pa din siya tinitingnan. Narinig ko ang kanyang marahas na paghinga na nagpabaling ng aking mga mata sa kanya. Umigting ang kanyang mga panga habang nakapirmi pa din sa akin ang kanyang mga mata.
"f**k!" He whispered harshly. What did I do?
"You're showing too much skin," he said heavily. I feel like he's gritting his teeth from the way he said it. He's conservative, I gave him that.
Sa loob ng anim na taon, hindi ko narinig ang kanyang boses. At inaamin kong may nagbago na ngayon. Mas naging buo, makapal at puno ng awtoridad ang kanyang boses. Pinagtayuan ako ng mga balahibo sa aking katawan at nangilabot. Hearing him speak to me again is unbelievable. Planting pain to his heart six years ago seems nothing when he speaks. Ngayon ko lang naalala, masyado nga palang daring ang aking suot. Ang mahabang slit sa aking kanang binti, ang parihabang butas sa baba ng aking likod, at ang malayang pagbunyag ng aking mga balikat ang nagsasabing daring nga ito.
"5...4...3...2...1! Okay put her down." Parang wala siyang narinig sa sinabi ng MC. Imbis ay umigting lamang ang kanyang panga. Nagkatitigan kaming dalawa at nabuhay muli ang saya sa aking puso. Parang iyon na ang pinakamasarap na pakiramdam na maaari kong maramdaman ngayon.
"Mukhang nasisiyahan pa si Engineer ah! Ayaw ibaba ang bride niya." Napuno ng kantyaw ang loob ng gymnasium.
"Bride agad?" I said stuttering. Sa sinabing iyon ng MC ay ako na ang nagkusang magpumilit na bumaba. Pumiglas ako para mahirapan siya sa aming posisyon at wala na siyang nagawa kundi ang ibaba ako.
Nilakad ko ang kinatatayuan ng table namin kanina. Nakakatatlong hakbang pa lamang ako ay pinigilan na agad ako ng MC. Marahang hinigit niya ang aking braso pabalik sa gitna.
"Congratulations for the both of you for winning the game. Aba teka! Parang magandang pares ito ha. Isang Engineer at isang Doctor!" Muling umingay ang mga tao. Kantyaw at mga tili ang aking naririnig.
Itinabi niya ako kay Marco, pinirmi na parang bata. Bahagya akong dumistansya ng mga dalawang pulgada. His girlfriend is watching. I just don't want to cause any scene.
"Pareho na palang successful ang pares natin ngayon. Makuha ngang ninong at ninang ng anak ko." Hindi naitago ng lalaking MC ang kanyang halakhak.
It feels awkward to be at the atmosphere like this. Niyuko ko ang aking ulo at uminit ang aking pisngi. They were like bringing back the past. What has been between us back then. Kilala kaming dalawa ng MC. They knew what's between us way back High School.
Naramdaman ko ang mainit na kamay sa aking likod, tila tinatakpan kung ano man ang nagpapakita. I immediately stiffened at his sudden action. I was caught off guard kaya napatingin ako sa kanya. He was all smile habang nakatingin sa MC. Hanggang baba ng tenga ang aking tindig sa kanya, kung aalisin ko ang aking stiletto, siguro ay hanggang balikat lamang ako. Hanggang saan kaya niya yung Dorothy? Halos pantay ang kanilang tangkad noong nakita ko silang pumasok dito. Napawi ang kanyang ngiti nang lingunin niya ako, nakaramdam ako ng pang-iinit sa aking pisngi kaya agad kong iniwas ang aking mukha.
"Ano pa bang ibig sabihin nito, partner? Sila na rin ba ang isang pares para sa susunod na laro?" Tanong ng babaeng MC sa kanyang kasama.
May isa pang game? At balak pa nilang isali kami? Ayoko na! Masakit na paa ko. Nagsisisi na akong ganitong sapatos pa ang sinuot ko.
"Iyon ay kung papayag sila?" Malisyosong tumingin sa aming direksyon ang MC.
"We're in," Marco said with full authority at walang sinuman ang makakabali niyon.
Sorry self. We've lost.
Ayokong sumang-ayon sa kagustuahan nila. Gusto ko nang umupo o 'di kaya'y umuwi na lamang. Magrereklamo na sana ako nang haplusin ni Marco ang aking likod kung saan nakapirmi ang kanyang kamay kanina. Bigla akong nanigas at nawala ang salitang dapat lalabas sa aking bibig.
He really knows my weak spots.
"That's good! Humanap na tayo ng couples na sasali sa second game natin." Suhestiyon nila.
Ngayon, mga couples naman ang maglalaro. At anong akala nyo sa amin? We're not even a couple! Kung si Dorothy pa ay hindi na ako magrereklamo. Sila naman talaga dapat!
"Your girlfriend might get mad at you," sambit ko. Narinig niya iyon kaya napalingon siya sa akin.
"She's not like that. She will understand the situation." He said. Agad gumuhit sa akin ang pait. Kilalang kilala niya na ang babaeng iyon. Nabaling ang aking tingin sa aking harap at hindi na siya nilingon pa. My lips were pressed in thin line at nagpipigil sa aking pagluha.
Hindi niya tinanggi! So it means they're really together.
"Okay," hindi ko napigilan ang pag-ikot ng aking mga mata sa ere.
"The second game are meant for couples. We need four more pairs to complete the competitors." Nakita kong naglalakad na papuntang gitna ang tatlo kong kaibigan kasama ang kanilang mga asawa. They were willing to play this game!
"May mga apples na nakasabit diyan. One apple each pair. Para lang itong paluglugan, kailangan niyo lang na makagatan kahit tig-isang kagat ang apple without using your hands." Tumingin ako sa taas at nakita ang mga apples na nakasabit. Nang nakumpleto na ang mga pares ay pumwesto na kami katapat ng mga apples.
"Remember players! Using your hands in any possible way is forbidden. Ready? Set. Go!"
Pinagmasdan ko ang aming kasamahan na tuwang-tuwa habang hindi makagatan ang mga mansanas. Ang kanilang mga kamay ay nasa likod at bahagyang pumupuslit ng hawak para mapirmi ang mansanas. Tumataas ang mansanas kapag kakagatan na ito at bumababa naman kapag sumusuko. Natatawa ako habang pinagmamasdan ang aking mga kaibigan na nahihirapan sa pagkagat sa mansanas. Para silang bumalik sa pagkabata sa paglalaro nito. Naiinis, nagagalit at nahihirapan ang mga ito habang pilit na kinakagatan ang mansanas. Patuloy sa pagtaas baba ang mansana para makadagdag sa paghihirap ng mga pares. Napansin ako ni Bethany kaya bigla itong naghisterya.
"Ang daya naman! Hindi naman sila kumakagat sa mansanas eh!" Tinuro pa nito ang aming direksyon kaya napatingin din ang iba sa amin.
Nasa gitna kami kaya siguro hindi masyadong pansin ito ng mga tao. Napansin lamang ito dahil kay Bethany. Papalapit sa amin ang MC at sa aking takot ay pilit na kinagatan na din ang mansanas. Sa paglapit ng aking mukha ay siyang pagtaas ng mansanas. Bumusangot ang aking mukha sa panghihinayang. Napatingin ako kay Marco na may multong ngiti sa mga labi. Pinipigilan ang sarili para hindi sumilay ang kanyang ngiti. Tila natutuwa ito habang pinagmamasdan ako. Bumabang muli ang mansanas kasabay ang pagyuko ng aking ulo.
Nakakahiya! Sobrang nakakahiya!
"Ay madaya talaga! Isang subok sumuko na agad!" Everly hissed loudly na nasisiguro kong narinig ng MC.
Lumingon ako sa kanyang banda at humahalakhak na ito. Talagang pinagkakatuwaan ako ng mga ito. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata at nilapit ang mukha sa mansanas. Hindi ko pa man minumulat ang aking mata ay alam ko nang natigilan na ang mga tao. Tanging ang tugtog na pinahina na lamang ang siyang naghahatid ng ingay sa buong silid.
Malambot at pamilyar na labi ang dumampi sa aking labi. Nang maramdaman ko ito ay nabitin na agad ako hindi pa man naghihiwalay ang aming mga labi. The familiar feeling when we kissed filled my body. It makes me want more. Dinilat ko ang mga mata para makumpirma ang nararamdaman. Ang kanyang mukha ay sobrang lapit sa akin habang magkadikit ang aming mga labi. Ang kanyang mga mata ay hindi man lang pumikit.
Sa aking gulat ay nanlaki ang aking mga mata. Pinutol ko ang halik at agad na dumampi ang aking kamay ay nagawi sa kanyang kaliwang pisngi. Suminghap ang mga tao sa paligid. Tila nagulat din sa aking ginawa. Binalingan ko ang aking nanginginig na palad at napatakan iyon ng luha. My vision became blurry at pumatak muli ang luha sa aking palad. Tiningnan ko ang kanyang mukha. Ang namumula nitong mga mata ang nagsasabing hindi niya nagustuhan ang aking ginawa. His lips was pressed in thin line at halatang nagpipigil sa ibubuka ng kanyang bibig. Umiigting ang panga. Bumakat ng kaunti ang aking palad sa kanyang pisngi.
Sinulyapan ko ang mga tao na nakatingin sa amin. Gulat na gulat pa din sila sa aking ginawa at nakikita ko iyon sa kanilang mga ekspresyon. Nagtagpo ang paningin namin niyong Dorothy at maging siya ay gulat din. Ang kanyang mga palad ay nasa kanyang bibig at tinatakpan ang pagkagulat. Inaasahan ko ang pagsugod niya sa aming kinatatayuan para sampalin o sabunutan ako, ngunit hindi. Walang nangyari. She just stayed there. Shocked. Stunned. Stiffened.Humakbang ako paatras ng apat na beses bago ko siya muling nilingon. Nanatiling ganoon ang kanyang ekspresyon. Ang kanyang dalawang kamay ay nakatikom. Bumuhos sa akin ang kaba at takot. Kung ano man ang kayang gawin sa akin Marco ay lalong nagpakaba sa akin.
"I'm sorry, I didn't mean it." Pautal kong sinabi.
I need to get out of this place.
Tinakbo ko palabas ang gymnasium. Dinala ako ng aking mga paa sa Science Park ng eskwelahan. Itong lugar na ito na lang ang tangi kong mapagtataguan ngayon. Naiwan ko sa loob ang aking clutch kaya hindi ako makadiretso sa aking kotse. Pinili kong pumwesto sa hindi agad makikita ng kahit sino. Humihikbi kong tinahak ang upuan at nanghihinang umupo. Hanggang ngayon ay nanginginig pa din ang aking mga kamay.
Memories of yesterday filled my mind.
"Bitawan mo ako! Ano ba?!" Pumipiglas ako sa mahigpit na hawak sa akin ng hindi ko kilalang lalaki. Hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong. Kung sino ang tatawagan ko. Dahil kahit ang mga tao sa paligid ko ay walang pakialam.
"Manahimik ka at huwag kang malikot! Kundi tatamaan ka talaga sa akin!" Patuloy akong kinakaladkad ng lalaki papasok sa isang puting van. Itinapak ko sa pintuan ng sasakyan ang aking paa para pigilan silang ipasok ako sa loob ng van.
Hindi ko alam kung sino ang may pakana nito. Madami akong alam kung sino pero sana naman ay mali ako. Malimit itong mangyari lalo na dito sa Maynila. Kukunin ka ng kung sino, pipilitin na sumama ka sa kanila tapos pagbebenta ka. Nagtagumpay ang lalaki sa pagpapapasok sa akin sa van. Agad itong tumabi sa akin nang tumayo ako para tumakas.
"Hi Chloe," natahimik ako dahil sa taong bumati sa akin. Inangat ko ang aking tingin at may kung anong nabubuo sa aking loob.
"Tita Fely?" She chuckled.
"Lalakas talaga ang kita ko sayo. Ben tara na." Umaandar na ang sasakyan at alam ko na agad kung saan niya ako dadalhin. Nilagyan ng mga tauhan ni Tita Fely ng duct tape ang aking bibig, pinagsiklop ang aking mga kamay ay pinaluputan iyon ng lubid. Hindi ako makasigaw dahil mapupunta lang iyon sa wala.
Si Tita Fely ang kaisa-isa kong kamag anak na naiwan dito sa Pilipinas. Nagtatrabaho siya sa isang private bar sa Maynila na tanging mayayaman at may kapangyarihan lamang ang nakakapasok. Ngunit ang hindi ko lang alam ay nangunguha siya ng mga dalagang walang trabaho para magbigay aliw sa mga lalaki o 'di kaya'y maging waitress sa bar na iyon.
Third year colloge ako ngayon at nilalakad ko lamang ang school na aking pinapasukan. Malapit lang ito sa dormitory na tinitirahan ko. Nakarating na kami sa tinatawag nilang headquarters. Hinila ako ng dalawang lalaki papasok. Dahil malakas ang mga ito ay wala akong nagawa.
"Hello ladies! Sige lang magpaganda lang kayo at mamaya ay tutulak na tayo sa bar." Bati ni Tita sa iba pang mga babae dito sa loob ng kwarto. Tiningnan ako ng mga babae ng may pandidiri. Para bang may nakakahawa akong sakit.
"Siya nga pala, ito si Chloe pamangkin ko. Bagong recruit ko iyan. Magpakilala kayo sa kanya." Tinapik ni Tita ang aking balikat.
"Magbihis ka na din at tutungo na tayo sa bar," agad ko siyang nilapitan at lumuhod sa kanyang harapan.
"Tita ayaw ko po. Ayaw ko po ng ganito. Hindi pa po ako tapos sa pag-aaral ko. Pakawalan nyo na po ako. Pangako ko pong hindi ako magsusumbong sa mga pulis." Patuloy ang aking pagmamakaawa ngunit parang wala siyang naririnig. Nakatingin lamang siya sa akin at wala ekspresyon ang mukha. Wala akong nagawa kundi ang umiyak nang umiyak habang binibihisan ako ng babaeng tauhan din ni Tita.
Nagtungo na nga kami sa bar na sinasabi niya. Sapilitan pa ang aking pagbibihis ng ganitong klaseng damit. Hapit na hapit ang kapirasong damit na ito sa aking katawan. Walang tigil kong tinataas ang tela sa parteng halos makita na ang aking maseselang bahagi ng katawan. Wala pang limang minuto ay may lumapit na agad sa aming isang lalaking nakakurbata. Nasa mid thirties ang tantya ko at sa akin agad ang tingin nito.
"Mr. Ardente! Gaya ng napagusapan, may bago ako para sayo." Hingit ni Tita Fely ang aking braso at hinarap doon sa lalaki. Naglibot agad ang mga mata nito sa aking katawan.
"I'll take her," he said. Walang pasubali akong binigay ng aking tiyahin kay Mr. Ardente. Bumuhos agad ang aking luha habang nagmamakaawa ako sa dalawa. Hindi nila ako pinapansin, hanggang sa igiya na ako niyong lalaki palabas ng bar. Tumigil sa aming harapan ang malaking SUV.
"Parang awa niyo na po. Hindi pa po ako tapos sa pag-aaral ko. Ayaw ko pong masira ang kinabukasan ko." I pleaded. Halos lumuhod na ako sa kanya sa loob ng sasakyan pakawalan niya lang ako.
"Don't worry, I won't hurt you." Inamoy nito ang aking buhok. Iniwas ko sa kanya ang aking sarili. Alam ko na ang kahahantungan nito. Ayokong masira ang kinabukasan ko. Ayokong mangyari sa akin ang ganito. Kailanman ay hindi ko pinangarap ito.
Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang five star hotel. Patuloy pa rin ang aking pagmamakaawa sa kanya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao maging ng mga staff habang naglalakad kami patungong elevator. Wala akong magawa habang tumataas ang elevator. Humihikbi ako sa tabi ni Mr. Ardente, tumitingin lamang siya sa aking repleksyon sa pintuan ng lift. Bumukas ang elevator at agad niya akong hinila papunta sa isang kwarto sa dulo. Nagmamadali siyang buksan ang pintuan at nang nagtagumpay ay agad niya akong inatake ng mapupusok na halik sa aking leeg. Iniiwas ko ang aking labi dahil ayokong mahalikan ito ng ibang lalaki.
Nagsusumigaw ako at pumipiglas, nagbabakasakaling may makarinig at ako ay maligtas. Dinala niya ako sa kusina nang hindi pinuputol ang nakakadiring halik sa aking leeg. Hinawi niya ang mga nakalagay sa lamesa at bumagsak ang mga iyon sa sahig. Tunog ng mga nabasag na gamit ang aking narinig kasabay ng aking pagtangis. Nakawala ako sa kanyang hawak nang pilit niyang buhatin ang aking katawan kaya tumakbo agad ako malapit sa kutsilyo. Agad ko iyong binunot sa lalagyan at itinutok sa kanya. Wala na akong ibang naisip na paraan para madepensahan ang aking sarili.
"Ibaba mo iyan," may pagbabanta sa kanyang boses. Ang aking kamay ay nanginginig sa takot. Mas lalo siyang lumalapit sa akin ay siya ko namang atras.
Sa mundong ito, kung hindi ka magiging matapang, hindi ka makakaligtas. Kung hindi ka makakasakit, hindi ka makakawala. Kailangan ko ding maging halimaw para makawala ako sa isa pang halimaw.
"Hindi!" Sigaw ko. Nangapkap ako ng iba pang matutulis na bagay na magagamit ko para maging sandata sa kanya. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko nililihis ang aking tingin sa kanya.
Kailangan kong maging alerto.
"Hindi mo ako kayang patayin," buong lakas niyang hinigit sa akin ang kutsilyo. Nag-agawan kami doon. Malaking tao ang kinakalaban ko, ngunit alam ko kung saan ko siya dapat atakihin. Tinuhod ko ang kanyang gitnang bahagi at nabitawan niya ang kutsilyo nang kagatin ko naman ang kanyang braso. Sinipa ko ang kanyang tiyan para mapalayo siya sa akin. Nang dumistansya siya ay pinulot ko ang kutsilyo at muli kong tinutok sa kanya ang kutsilyo.
"Pakawalan niyo na po ako," pagsusumamo ko sa kanya. Naramdaman ko ang lamig ng semento sa aking likuran, wala na akong mauurungan pa. Parang walang talab sa kanya ang ginawa kong pagsipa sa pribado nitong bahagi ng katawan, patuloy siyang lumalapit sa akin.
Wala na akong maisip na ibang paraan kundi ang sundin na lamang ang aking kutob.
Sa takot ko ay pumikit ako ng mariin at winagayway ang kutsilyo. Hindi siya makakalapit kung malikot ang aking mga kamay habang nakatutok sa kanya ang matulis na bagay sa aking kamay. Narinig ko ang kanyang malakas na sigaw, sa pagmulat ng aking mata ay nakahawak na ito sa kanyang kaliwang pisngi.
"Son of a-" dugtong na sigaw nito.Tumatagas ang dugo nito sa kanyang kamay.
Nakita ko ang aking repleksyon sa metal na aking hawak. May bahid ng dugo ang taga nito. Naginginig ang aking kamay at nabitawan ko ang kutsilyo. Pinulot ko sa sahig ang nahubad nitong amerikana at iyon ang aking ginamit na pantabon sa aking katawan. By instinct, tinakbo ko ang pintuan ng kwarto palabas hanggang elevator. Saka lamang ako kumalma nang nakalayo na ako sa hotel.