Trip To Jerusalem
Bitterness filled all over me. It feels like I just swam in the bitter flavored water.
I want to be lured tonight.
Sa totoo lang, naiinggit ako sa kanya. Inggit na inggit. Parang wala na siyang hinahanap. Kumpleto na siya. May tao palang ganoon, pakiramdam mo perpekto na siya. Unang kita mo pa lang, alam mo na, na hindi mo siya kayang tapatan.
Who won't envy her? She got everything! Looks, money, class, and him.
All my life, all I did was to be the best. If not the best, at least be the second best. I don't want to settle under. I want to be at least in the middle, highest average. There's a better view up there. There's a better opportunity for those who did everything they can. That's why I leave, I don't want to settle on things that are inside my comfort zone. I want to explore. I want to challenge myself even more. I know the purpose of my living. It's to be happy or make other people happy.
I want Marco to be happy. And I love him, that's why I want to make him happy. And that woman, I think he found his true happiness. Puro sakit lang ang dulot ko sa kanya.
Ayoko nang bumalik sa party na iyon. Gusto ko na lang umuwi. Nakita kong may bar malapit sa hotel na tinitigilan ko. Gusto kong doon na lang magpunta at magpakalasing. Magpakalunod. Magpakasira. Gusto kong doon magpakasawa hanggang sa mawalan ako ng malay.
Image of my friends filled my mind. Anger and disappointment was evident to their faces. At kung iisipin kong umuwi na lamang ay paano naman sila? Hindi dapat ako maging makasarili this time. Paniguradong magagalit sila sa akin. Ngayon na lamang ulit kami mga nagkita pero ako pa pala ang sisira niyon. Naririnig kong sinasabi nila sa akin ang mga salitang nagbibigay sa akin ng disappointment.
"Wala namang ganyanan. Hindi ka na nga namaalam noong umalis ka, pati ba naman ngayon? Huwag mo namang gawing habit iyan." In the tone of Everly.
"Pagbigyan mo na kami. Minsan na lamang ito mangyari. Minsan na lamang tayo makumpleto." In the tone of Isabella.
"Give us your little time. After this, wala na ulit." In the tone of Monica.
"Stay, Chloe." In the tone of Lauren.
Iniisip ko pa lamang ay mapapaurong na ako sa binabalak ko. Tama naman sila. Pagkatapos nito, wala na. May sari-sarili na kaming buhay. At mabibilang ang mga araw bago kami makumpleto nang ganito. Kaya sige, pagbibiyan ko kayo.
Bumalik akong tamad na naglalakad. Worried faces of my friends ang agad na sumalubong sa akin. Naupo ako sa aking upuan at nakitang dessert na ang nakahain.
"What took you so long? Kinuha na nila ang meal mo." Boses ni Bethany ang narinig ko nang papalapit ako sa aming mesa.
Buko pandan, leche flan at macaroni salad ang nakahain na sa aming lamesa. Typical Filipino dessert which I love the most and it's hard to choose. May mga maliliit na plato at kutsara ang isa isang nakahain sa aminng tapat. Bigla akong ginanahan sa mga pagkain. Gusto ko silang ubusin lahat. Una kong kinuhanan ang Leche Flan. Nilantakan ko agad iyon na parang gutom na gutom.
"Hey! Eat slowly, hindi ka mauubusan." Sabi sa akin ni Lauren. Wala na akong pakialam kung sinong makakita ng paraan ng pagkain ko. I desperately need a diversion. At ang pagkain lamang ang tanging naisip kong paraan para lamang hindi ko sila tingnan.
"Who made this? Perfect ang tamis!" Inubos ko ang kalahating lanera ng Leche Flan. Sunod kong kinuhanan ang fruit salad. Limang sakop ng malaking kutsara ang nilagay ko sa aking platito. I'm pretty sure pagsisisihan ko ito mamaya. At ngayon pa lamang, I feel bloated.
"Ganyan ka ba talaga kagutom?" Tanong sa akin ni Isabella. Hindi ako makapagsalita dahil puno ng pagkain ang aking bibig. Nginitian ko siya saka pinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko pinapansin ang pagkausap nila sa akin. Food is what's more important to me now. Food as a diversion of my attention.
"She probably missed the food here," Monica said. Lumingon ako sa kanya at sinangayungan ang kanyang sinabi. Tinango ko ang aking ulo at muling sumubo ng salad.
"Definitely," I agreed.
My tummy feels like a cement. Busog na busog ako at halos hindi ako makatayo. I feel like I need to p**e or something. I missed the food here. Ibang iba sa mga pagkain na kinakain ko noong nasa Norway pa ako. Kahit minsan ay nagluluto si Tita ng pagkaing Pinoy, hindi ko pa din maiwasang hanap hanapin ito.
"What was that? You act so strange lately." Bethany hissed. Natapos ko na ang aking pagkain at halos hindi man lang sila tumikhim. They were busy looking at me. Ang dami pang nakahain sa mesa pero ni isa ay hindi nila iyon ginalaw.
"The way you eat kanina. 'Di ka ba nahihiya? You're not a child anymore." Isabella looked at me with disappointment. She's definitely a nag. I agree with Bethany this time.
Hindi ko pinansin ang kung ano mang panenermon nila sa akin. Alam kong nakakahiya talaga yung ginawa ko. Sinong hindi mahihiya? Ganoon ba dapat kumain ang isang babae? With a formal event like this, I should be prim ang proper. Lalo pa at nakikita iyon ni Marco panigurado. May mga dumadaan ng waiter para ligpitin ang aming mga pinagkainan.
"Excuse me, waiter." I called. Lumapit siya sa akin at bahagyang yumuko.
"Is there any hard liquor that you serve aside from wine and champagne?" I asked.
"Aba! At may balak ka pang maglasing?" Bethany hissed again. Lumingon ako sa kanya at pinandilatan siya ng mata.
"Water, Ma'am." Sagot sa akin ng lalaki. Umikot na lamang ang aking mga mata. May pagkapilosopo din pala ito.
"Aside from water, wine and champagne," paguulit ko.
"Hindi po ako sigurado Ma'am. Sandali lang po magtitingin ako." He smiled at me before turning his back.
"Hindi pa malalim ang gabi, Chloe." Sabi ni Lauren. Ngayon na nga lang ulit ako makakapaginom, pagbabawalan pa.
"Just let me, ang tagal ko nang hindi nalalasing." Humalakhak ako para hindi nila mapansin ang pait sa aking boses. Ang iba ay umirap at ang iba ay umiling. Supportive nyo ha!
"Hard headed doctor," Bethany whispered. Ngumiti lamang ako sa kanya nang marinig kong sinabi niya iyon. Lauren is on her phone typing something. Nang matapos siya ay uminom siya ng wine sa kanyang kopita.
"Ilang taon kang nanirahan sa Norway. Marunong ka na bang magsalita ng language nila?" Tanong sa akin ni Everly para ilihis ang usapan.
"Marunong pero hindi fluent," Sagot ko. Hinihintay ko ang pagbabalik ng waiter na pinagtanungan ko. Sana lang ay may dala siya. Ilang minuto lang ay papalapit na sa akin ang waiter ngunit nang nakita kong wala itong dalang bote ay agad na bumusangot ang aking mukha.
"Ma'am pasensya na po, ang mga inumin pong aming hinahatid sa inyo ay galing pa mismo sa permiso ng punongguro." Saad ng waiter na inutusan ko. Bumusangot lalo ang aking mukha sa nalaman. Bakit naman pati ang mga liquors ay kailangan pa ng approval ng principal? Come on! Malalaki na kami!
"Vodka? Tequila? Cocktails? Margarita?" Nagpilit pa din ako baka sakaling pagbigyan.
"Wala po talaga Ma'am. Pasensya na. Kung gusto nyo po ay hahatidan ko kayo dito ng champagne." Mabuti pa nga! Sige at pagtyatyagaan ko na iyon.
"Okay," huminga ako ng malalim at uminom ng tubig.
Panay ang paninitig sa akin ng aking mga kaibigan. Tila naghihintay ng aking mga sasabihin. Noon pa man ang ganito na sila sa akin. Hindi man ako ang pinakabata ay ako ang palaging sinesermonan.
"Oh com'on! I'm a hard drinker! I can handle a champagne!" Hindi ko inaasahan ang pagtaas ng aking tono. Nakita ko agad ang pagbaling ng tingin sa akin ni Marco. Nakakunot ang noo. Binaling ko sa iba ang aking tingin nang magtama ang aming mga mata.
Isang kopita lamang ang inihatid sa akin ng waiter. Saka na lang daw niya ulit ako bibigyan kapag naubos ko na ang isang ito. Ano ba naman iyan? I expected a bottle of champagne not a glass of it. Pinangahalatian ko agad iyon dahil isang lagok ko lamang iyon. I missed being drunk. Nabaling lamang ang aming atensyon ng magsalita ang MC.
"Good evening everyone. So to spice up the party, we're having a game." Agad na naghiyawan ang mga lalaki kasama ang mga asawa ng aking mga kaibigan. Magkahiwalay ang aming lamesa sa mga lalaki pero katapat naman namin ang mga ito at tanging amin lang ang naiiba.
"Mukhang magugustuhan ito ng mga kalalakihan, partner. Lalo pa at ang game na ito ay para sa mga single!"
Stereotyping ang kinahantungan.
"We need five men and six ladies. Single lang po muna." Agad akong pinagtulakan ng aking mga kaibigan. Pinipilit na papuntahin sa gitna ng bulwagan kahit panay ang aking pagiling.
"Walang boyfriend. Walang asawa." Madiing paalala ng MC.
"Chloe here! She's still single!" Narinig kong sigaw ni Isabella at itinuro pa ako.
"Oy single daw, pumunta ka na doon!" Itinulak ako ni Bethany para mapatayo ako sa aking upuan.
"Ayoko!" Sagot ko. Halos ipagkanulo ako ng aking mga kaibigan. Napansin iyon ng MC kaya agad itong lumapit sa aming lamesa. Gusto ko na agad magpakain sa lupa nang lapitan nila ako. Maging ang mga tao dito ay sa amin ang naging atensyon.
"Naririnig kong single ka pa din Ms. Madrigal. At bakit naman?" Am I supposed to really answer that? Natahimik bigla ang madla at tila naghihintay sa aking isasagot.
"I don't have any comment for that," I said. Tinutulak pa din ako ni Bethany ngunit iwinawaksi ko lamang ang kanyang kamay.
"Ala pa-showbiz ang isang ito. Halika na sa gitna." Wala na akong nagawa nang hilahin na ako ng MC, tumulong pa si Bethany at Monica sa pagpapapunta sa akin sa gitna. Mayroon nang apat na lalaki at apat na babae, dumagdag pa ako at naging lima na ito. Naghiyawan ang mga tao, ipinapanalangin kong sana ay kainin ako ng lupa ngayon. But I realized something, semento pala tinatapakan ko.
Kaya naman. Semento! Kainin mo na ako!
"Chloe! Siya daw! Single pa din!" Pagtukoy ng mga tao sa lalaking katabi ko. Lumingon ako sa kanya at ngumiti na lamang.
"Ayun oh! Ngumiti!" Sigaw ng tumpukan ng mga lalaki sa aking kanan. Sinabayan ko ang kanilang pagtawa nang aksidente akong mapatingin sa gawi ni Marco. Iba ang kanyang tingin. Parang hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari sa akin at sa mga lalaki kanina.
"Kulang pa tayo ng isang lalaki at isang babae, partner. Hanap ka pa, dali!" Excited ang isang MC sa palarong naisip. Ang iba kong kasamahan ay tuwang tuwa din sa nangyayari.
"Ang alam ko, si Engr. Gomez ay single pa din. Ano kaya at isali natin siya dito?" Puno ng kantyaw ang boses ng MC.
Did I hear it right? Akala ko ba may girlfriend na siya? Are they telling me lies?
"May girlfriend iyan! Katabi pa nga!" Sigaw naman ng isang lalaki na katabi ng mga ito sa kanilang lamesa.
Kusang tumayo si Marco at naglakad papuntang gitna. Pinagpapawisan ang aking kamay habang siya ay papalapit. Nakapirmi ang mga mata sa akin at hindi man lang lumilingon sa iba. Ako na ang nagputol niyon at yumuko. Ipinunas ko ang aking mga palad sa aking gown. Pumwesto siya sa aking harapan at naroon pa din ang kanyang mga titig. Bahagyang akong yumuko at nagpalit ng pwesto. Kahit saan basta hindi siya ang kaharap ko. Ngunit kapag lumalayo ako ay sumusunod siya. Pinipilit niya na ako ang kaharap niya.
"May kusang loob si Engineer!" Nabuhay ang halakhakan ng mga tao sa sinabi ng MC.
"Umaamin na single pa din, partner. Pero kulang pa din tayo ng isang babae." Lumiwanag ang aking mukha sa naisip. Paraan ko ito ng paghihiganti. Tiningnan ko si Monica at nginisian ito. Pinanlakihan niya ako ng mata dahil alam niya ang gagawin ko.
"Si Monica! Single pa yan! Hindi pa naman iyan ikakasal! Malayo pa!" I shouted with my highest pitch at siniguradong maririnig ni Monica. Pinaglakhan nya ako ng mata at wala nang nagawa nang hilahin na din siya ng MC. Hindi ko maitago ang aking ngisi kay Monica.
"What kind of revenge is this?" Monica hissed.
Humalakhak lamang ako at napapikit. Sa aking pagmulat ay nakaharap ko si Marco. Pinirmi ko ang aking katawan, his dagger eyes says na hindi siya natutuwa na nandito ako. Bumaling na lamang ako sa MC at nakinig ng mechanics ng game. This is just a game. Nothing's big deal.
"This game is called Trip to Jerusalem but with a twist. Hindi nyo kakailanganin ng mga silya. Mag-iikutan kayong lahat at kapag tumigil ang tugtog at kung sino ang mapatapat sa inyong mga babae,ay siyang bubuhatin ng mga gentlemen in a bridal style." I frowned at that thought. Samantalang ang mga lalaki ay natutuwa pa. Pinisil ni Monica ang aking kamay.
"Francis will be mad at me kung malaman niya ito. I wanna back down!" Hinila ko si Monica para hindi siya makatakas. Hindi pwedeng ako lang ang magdusa.
"Okay lang iyan, he will never know." I reassured her. I shouldn't have forced her. Agad naman akong nagsisi. Ayokong magaway ang dalawa. But it's just a game.
"Well, how sure are you?" She asks. Kinibitan ko lamang siya ng aking mga balikat.
Nagsimula na ang game. Kaming mga babae ang umiikot sa mga lalaki. Binibilisan ko ang lakad para ako na ang matanggal agad. Unang hinto ng tugtog at sigurado na akong walang magbubuhat sa akin. Hindi ko naman kilala ang mga lalaking nandito kaya sigurado na ako.
Nang huminto ang tugtog ay naglakad na ako palayo, tatakas syempre, nakakadalawang hakbang pa lamang ako ay may humila na sa aking braso at walang pasubali akong binuhat. Hindi ko kilala ang lalaking ito, napakapit ako sa kanyang braso. Sa aking bigla ay kinabahan ako. Ngunit nang dumulas ito at niyakap ko ang kanyang leeg. Sa takot na ako ay mahulog ay hindi na ako nakapag isip. Nang tiningnan ko ang lalaki ay may malawak na ngiti ang kanyang mga labi. Ito ang lalaking katabi ko kanina na kinakantyawan ng kumpulan ng lalaki sa aming gilid. Pumiglas ako ng kaunti para maibaba ako ngunit agad na nagsalita ang MC.
"Sandali lang, huwag munang ibaba ang inyong mga partner." Bilin ng MC nang makita niyang pumipiglas ako.
Lumingon ako sa direksyon ni Marco. Buhat nito si Monica at may pinag-uusapan ang dalawa. Hindi ko alam kung ano iyon dahil malayo ang mga ito at hindi ko mabasa ang galaw ng kanilang mga labi. Seryoso silang dalawa. Ano kaya iyon?
Stop being curious! It will serve you no good!
Naghintay pa ako ng sampung segundo bago ako tuluyang naibaba nung lalaki. He touched the small of my back at agad akong napasinghap. Iginiya niyang muli ako sa gitna para maipagpatuloy ang laro. Unang natagtag ang naging kaklase ko noong grade eleven, at nang tingnan ko ito ay malawak na ngiti ang iginawad sa amin. Nagpapahiwatig na siya ay nagtagumpay dahil siya ang unang natalo dahil walang bumuhat sa kanya.
Aba!
"I wanna back down," sabi ko sa lalaking bumuhat sa akin kanina.
"Hindi pwede," sagot niya sa akin. Bumusangot agad ang aking mukha at agad na nagpakita ng pagkadisgusto.
"Please," pagmamakaawa ko sa kanya.
"Walang papalit sayo," anito at muli akong iginiya sa gitna. Napasimangot na lamang ako.
I saw Marco looking at my direction. His piercing eyes told me that he is furious and disgusted.
Muling umingay at nagsimula na ulit magikutan. Maliliit na galaw ang aking ginawa, ang mga babae ay umuna sa akin sa paglalakad. Hindi gumana ang taktika ko kanina na mabilis ang lakad kaya sumubok ako ng ibang ideya. Nakayuko lamang ako hanggang sa nagtapat kami ni Marco. Patuloy lang ang aking lakad hanggang sa tumigil muli ang tugtog. Napapikit ako sa irit ng mga babae at sa biglaang paghinto ng musika. Bigla akong lumutang at napagtantong may bumuhat na naman sa akin. Ang pamilyar na bango ay nanuot sa aking pang amoy. Ayokong magmulat dahil nasisigurado kong siya na iyon.
He didn't change his perfume.
Sa pagkawala ng aking balanse ay napamulat ang aking mata at impit na napatili. Agad kong naipulupot ang aking mga braso sa kanyang leeg. Inayos niya ang pagkakabubat niya sa akin. Binaon ko ang aking mukha sa kanyang balikat at biglang namayani ang kanyang bango sa aking katawan. It sent shiver down my spine. Kahit ang kanyang amoy ay may pambihirang kakayahan para ako ay mapirmi.
It's still my favorite.
"Five more seconds to go!" Sigaw ng MC. Ang limang segundong iyon ay tila naging mabagal. Naririnig ko ang bilangan ng mga nanonood.
Umangat ang aking ulo at agad na nagtama ang aming paningin. I stiffened at that moment. Dalawang segundong natitira ay tila naging dalawang minuto. He changed a lot. Mas nagmukha siyang mature at maskulado. Kung noon ay gwapo na siya, ngayon ay mas lumala pa. Ngunit nakikita ko pa din ang Marco na nakilala ko. Ang Marco na minahal ko. Ang Marco na hanggang ngayon ay mahal na mahal ko.
"I want to go out now," bigkas ng aking bibig. Hindi ko iyon inaasahan ngunit wala na din akong nagawa. Muli kaming nagtitigan at hindi man lamang siya nagsasalita o sagutin man lang ang aking sinabi.
"You've changed," I whispered. Hindi ko maalis ang aking pagkakapalupot sa kanya. Tila nakadikit na ito at ayaw ko nang tanggalin. Hindi din naman niya ako binababa.
Humigpit ang aking kapit sa kanyang batok. Nalapatan ng aking kamay ang kanyang buhok. Ang lambot nito ay nagpapaalala sa akin na minsan ko na itong nahaplos. Ito ang parte ng kanyang katawan na gusto ko palaging hawakan. Napakalambot. Napakabango. Makapal. Minsan ko na siya napatulog habang minamasahe ko ang kanyang ulo habang nakahiga siya sa aking hita.
"Mahirap ba ang kurso mo?" Tanong ko sa kanya habang pinaglalaruan ko ang kanyang buhok.
Napapalibutan kami ng mga berdeng d**o dito sa parke. May mga batang nagtatakbuhan. May mga nagtitinda ng ice cream, cotton candy, at mga laruan.
"Oo, mahirap. Pero mayakap lang kita, hindi ko na naiisip ang hirap na iyon." Nakahiga siya sa aking hita at nakapikit ang mga mata.
"Bolero ka talaga," pinisil ko ang kanyang matangos na ilong sa aking panggigigil.
"Kailan kita binola?" Tanong niya.
"Maraming beses na," pangangantyaw ko sa kanya. Napabangon siya sa paghiga at hinarap ako. Tinitingnan ako na parang sinusukat ang aking mukha. Maya-maya lamang ay dinampian na niya ng halik ang aking labi. Sa aking gulat ay nahampas ko ang kanyang braso.
"Ang daming tao, Marco." Nginitian niya lamang ako at muling humiga sa aking hita.
Minasahe ko ang kanyang ulo habang pinaglalaruan ang kanyang malambot na buhok. Tinitingnan ko ngayon ang lalaking hindi ako sinukuan kahit baon na baon na ako. Sa dami ng nangyari sa akin, nandito pa din siya at hindi ako iniwan. Minulat ang kanyang mata habang nakatingin sa akin at muling ipinikit nang nakuntento na sa nakita.
I love this man so much.
Seeing those eyes nearer than ever makes me feel safe. Parang wala akong dapat ipagalala dahil malapit ako sa kanya. Namuo ang aking mga luha, mabuti na lamang at hindi niya nakita dahil binaba na agad niya ako.