I missed you
Sa aking biyahe, parang sirang plakang tumutunog ang boses ni Marco noong huli kaming nagkausap. Sa sobrang gulo na ng aking utak, lahat ay paulit-ulit na umiikot ang mga pangyayari. Ang dami kong iniisip. Hindi ko alam kung anong uunahin. Pero hindi ko lang talaga makalimutan na nagawa niya akong itaboy noon.
"Fine. Leave. And don't ever come back to me again." That's the last words he said. Kahit ang pagalis ko sa kanilang bahay ay hindi niya ako tiningnan. I can't just let it slide. Sinabi niya iyan, at hindi ko alam kung paano ko makakalimutan. Sobrang sakit ang binigay sa akin ng mga salitang iyan. Para akong pinatay.
Pupunta siya diba? Doon din siya nagtapos ng high school kaya may posibilidad na makakarating siya. Will he be with his new girlfriend? Dumadagundong ang aking dibdib sa sobrang kaba kahit naiisip ko pa lamang iyon. Paano ko ba siya haharapin ng hindi ako nasasaktan? Hindi dapat ako ang makaramdam ng ganito. Siya naman ang hindi nagparamdam, nawala ng parang bula. Naghintay lang ako. At hanggang ngayon, kahit mukha na akong tanga ay siya lamang ang aking hinihintay.
I always cared for him. Kapag tumatawag ako kina Isabella, palagi ko siyang ikinakamusta. I always wanted to know his whereabouts. I always wanted to know how he's been doing at his work. Palagi lang nilang sinasabi sa akin na ayos lang siya. Na wala naman daw masyadong pagbabago. They don't have much contact with him kaya wala rin silang masabing madami sa akin tungkol sa kanya.
I always wanted to stay updated about him. Why? For no reason. I can't even verbalize.
My vision became blurry sa nagbabadyang patak ng mga luha. Binagalan ko ang aking takbo at pinunasan ang aking mga luha.
"Why did you have to go that far?!" Pinaalam ko sa kanya ang plano kong pumunta sa Norway. Masakit sa akin ang naging desisyon ko, ang iwan siya dito at ipagpatuloy ang aking pag-aaral sa malayong lugar ay pumipiga sa aking puso.
"Why did you always want to go that far, f*****g far away from me?" He angrily asked.
"I swear, it is hard for me but I need this. Ayokong basta na lang umasa sayo. I need to go on with my life. The life that I wanted!" Nakapamaywang siya habang nakatalikod sa akin. Nakaupo ako sa kanyang kama. Binisita ko siya dito sa bahay nila dahil hindi na kami malimit magkita. We're both busy at hindi kami makahanap ng oras para sa isa't isa.
Simula noong mamatay si Daddy, tinulungan niya akong bumangon. Tinulungan niya ako sa lahat. Pagkain, bayad sa bahay, minsan ay pati na ang baon ko. Sakop ni Tita Mercy ang aking tuition kaya hindi mahirap sa akin ang makasurvive sa kolehiyo. Nakakahiya sa kaniya dahil tumayo siyang ama ko kahit hindi naman iyon ang responsibilidad niya sa akin.
"If that life means leaving me, then I forbid you!" Humarap siya sa akin na ganoon pa rin ang ayos. Galit na mga mata, maigting ang panga at hindi nagugustuhan ang aking desisyon.
"Aren't you being selfish?" Bakit niya ako pagbabawalan sa gusto ko? Hindi rin naman ito madali sa akin. Milyong beses kong pinagisipan bago ako nagdesisyon.
"Call me a f*****g stupid selfish. I don't care!" He hissed.
"Sa Manila na nga lang ay mahirap ko nang tanggapin. Tapos hindi ka pa nakuntento at magpapakalayo ka pa!" Namumula ang kanyang mga mata at nakakunot ang kilay.
I'm gonna miss this man. Damn!
He offered to sustain my need. Papagaralin niya ako huwag lang ako umalis. The offer was tempting pero hindi pwede. I have to live on my own at ayokong aasa na lang ako sa mga taong alam kong kaya akong buhayin. I also have my dream, at itong pag-alis ko ang makakapagpatuloy ng pagkamit ko sa pangarap kong iyon. This is my opportunity, ayokong pakawalan ito.
"I'm earning now, Chloe! Kaya na kitang buhayin!" Pagpipilit niya.
"May sapat na rin akong ipon. Ano pa bang gusto mo?" Sa tonong nagmamakaawa, nabuwag ako.
"It is my dream. You said you will support me for whatever I do. Why will you have to forbid me where this will be my chance to chase my dream?" Umiiyak na ako habang nagtatalo kami tungkol dito. Hindi ko mapigilan ang patuloy na pag-agos ng aking luha.
"Your dream is to leave me!" May diin ang bawat salita habang binibigkas niya iyon. Takot na takot akong sigawan niya ako. Parang kulog ang kanyang boses kaya natakot ako.
"I won't leave you! It's just six years, mabilis naman ang panahon-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita. Hindi niya ako pinatapos.
"Six years! Six. f*****g. Years! Really?" Hinilamos niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Frustrated na siya sa nangyayari sa aming dalawa.
Ako din naman, Marco. Alam kong mahirap tanggapin ito. But I need you to understand.
"Ayokong umasa lang sayo. Ayokong madagdagan pa ang mga utang ko sayo." Sabi ko sa malumanay na boses.
"Hindi ko sinabing bayaran mo ang lahat nang iyon. Hindi ko iyon kailangan." Malumanay rin ang kanyang pananalita ngunit ramdam ko pa din ang diin at galit sa kanyang mga salita.
"Please Marco, look at the better picture. See what it can do for me. It will suddenly show my worth. I'm doing this for the both of us. For our future." Nilapitan ko siya at unti-unting hinahawakan ang kanyang braso. Iniilag niya iyon sa akin. Ang makitang ganoon ang reaksyon niya ay dumudurog sa aking puso. Tumulong muli ang aking luha at napayuko na lamang ako.
"You're doing this for yourself. It was not according to our plan." Naglakad siya palayo sa akin patungong pinto. Binuksan niya iyon at walang lingong lumabas siya ng kwarto.
"Marco!" I called pero parang wala siyang narinig at tuloy tuloy lang sa paglalakad.
I covered my face with my hands and cry. Iyon na lang ang magagawa ko sa ngayon para ilabas ang sobrang bigat na nararamdaman. Hindi ko siya mantindihan kung bakit ayaw niyang umalis ako.
Gusto kong masabi sa mga tao na kaya ako nakarating kung nasaan ako ngayon ay dahil sa paghihirap at pagsisikap ko. I won't be this successful if I didn't chase what makes me happy. It's a battle between career versus love. Kailangan mong timbangin. Hindi sila pwedeng magpantay dahil hindi sila magkaparehas. It was for my dream but it seems like different for him. I wanted him to understand me, and I think he's being selfish. I have a life too. I also want to make for my living at gusto kong pinaghihirapan ang lahat.
Nakalabas na ako ng Tollway. Nasa Batangas na ako ngayon at tinatahak na ang papuntang Bauan. Ang haba ng biyahe ko. Nangangawit tuloy ako sa pag-upo.
Sinabi ko sa sarili ko na kapag nakarating na ako dito ay dadalawin ko agad sina Mommy at Daddy sa sementeryo. Ilang taon din akong hindi nakakadalaw sa kanila. I wonder kung ganoon pa din ang ayos nito noong umalis ako. Nasa tulay na ako ng San Pascual at naabutan kong may traffic.
Ngayon pa? Ngayon pa talaga?
Gutom na ako at nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan. May nakita akong dadaan kaya binuksan ko ang bintana ng driver's seat. He looks like a driver na gusto ding alamin ang nagaganap sa unahan. Kita ko ang iritasyon sa kanyang mukha. Who likes traffic? Neither I doesn't like it too. Para sa akin, naaabala ako kapag naaabutan ako ng traffic.
"Hello manong! Ano pong nangyari? Bakit po may traffic?" Tumigil siya sa tapat ng aking bintana at may itinuro.
"Ala ay may nagka-banggaan na naman doon sa bandang iyon. Kahapon ay ganoon din. Ano gang buhay iyan? Kainaman na eh!" Pinunasan niya ang kanyang pawis gamit ang puting tuwalyang nakasabit sa kanyang balikat.
"Anong oras pa po ba iyon?" Tanong ko. Gusto ko na ding magunat. Mahaba din ang aking biniyahe at ilang oras na din akong nakaupo sa sasakyan.
"Kanina pa iyan! Umaga pa laang. Napeperwisyo na ang mga pasahero ko eh!" Umiling siya at nilampsan na ako.
The accent of Batanguenos was evident to him. Napangiti ako dahil sa anim na taong nawala ako dito ay nakaka-aliw na marinig ulit ang ganoon.
Nagtagal pa ng trenta minuto ang trapiko bago ako tuluyang naka-usad. Titigil muna ako at kakain sa Jollibee. Ginugutom na ako kanina pa kaya agad akong pumasok at nagdiretso sa counter. Mahaba ang pila, patok talaga ang Jollibee dito sa Bauan.
"One order of Jollibee Supermeal, please." Bumunot ako ng pera sa aking wallet. Hindi ko pa din napapapalit ang aking pera. Mabuti na lamang at may natira pa ako.
"What's the drink, Ma'am?" Tumunghay ako sa babaeng kahera pagkatapos kong kumuha ng pera.
"Be it water," binayad ko na sa kanya ang five hundred pesos at naghintay na ng aking sukli.
"Hindi po kasi pwedeng matanggal yung soda sa Supermeal po," anito.
"It is fine. I'll just pay for it." I don't have a choice either.
Inasikaso na niya ang aking order. Nang natapos ito ay naghanap agad ako ng mauupuan. Puno na dito sa baba, siguro naman sa taas ay may mauupuan ako. Nagtungo ako sa hagdanan at umakyat. Nakasalubong ko ang isang crew at kinuha niya sa akin ang tray. Siya na ang nagdala at siya na rin ang naghanap ng aking mauupuan.
"Thank you," ngumiti ako sa kanya at ngumiti naman siya pabalik.
Sinimulan ko nang kainin ang aking order. Hindi ko pa pala nasasabi kina Isabella na nandito na ako sa Batangas. Hindi ko pa naaayos yung binili kong phone. Siguro mamaya na lang kapag nakahanap na ako ng hotel. It's already three in the afternoon at ngayon pa lang ako kakain. Kaya siguro sobra ang gutom ko noong nastuck ako sa traffic.
Pagkatapos kong kumain ay binuhay ko ang aking cellphone. Binuksan ko ang isa kong social media account at nagtingin-tingin sa news feeds ko. Sa pag-scroll ko pababa ay nakita ko ang post ni Marco. It was different from the last one that I saw. He was with Lauren at ipinapakita niya ang mga artworks nito.
He was supporting Lauren's exhibit. Wow! My friend is very talented.
She was disappointed nang hindi ako nakakarating sa mga exhibit niya last year. That was my last year of fellowship in that hospital that I've been training that's why I can't come. Gus supported her at ito pa mismo ang nagaasikaso. They we're married and I'm so happy for them.
Nang nakarating na ako sa Padre Pio Memorial Park kung saan nakalibing ang aking mga magulang. Nagpark ako sa pathway sa tapat ng puntod nina Mommy at Daddy. Hindi dito nakalibing noon ang katawan ni Mommy, pinalipat lang iyon ni Tita Mercy dahil iyon ang kahilingan ni Daddy bago ito mamatay.
"It's me Dad, Mom. Did I change a lot?" I am standing in front of them. Walang pinagbago sa puntod nila, malinis pa din ito kahit na matagal na akong hindi nakakadalaw. May caretaker ang sementeryong ito kaya namemaintain ang kalinisan. Ang mga d**o ay berdeng berde at nangingintab dahil basa pa. Siguro'y diniligan ito.
"How are you? You must have been happy together wherever you were." Pinagmasdan ko ang magkatabing marmol na lapida ng aking mga magulang.
"I just got home from Norway," I tried to sound happy but I guess I can't.
"Nagtapos na po ako ng medisina, thanks to Tita Mercy. Ang bait niya po. Siya po ang nagkupkop sa akin." Nagbabadya na ang aking mga luha ngunit hinayaan ko iyon. I let myself cry in front of them.
"I'm sorry po kung matagal na akong hindi dumadalaw sa inyo. Ang dami ko na pong dapat na kwento sa inyo." Humikbi ako at hinayaang tumulo sa damuhan ang aking mga luha.
Kinuwento ko lahat sa kanila ang nangyari sa akin sa loob ng anim na taon. Kung paano ako naghirap, nangapa at humalo sa mga tao sa Norway. Kung gaano kasakit na iwanan ang naging buhay ko dito para lamang ipagpatuloy ang pangarap ko. Umupo ako nung medyo matagal na akong nakatayo. Tumatawa ako habang kinukwento iyon na parang may nakikinig talaga sa akin.
"Marco and I broke up. Six years ago." Garalgal ang aking boses at parang gripo na umaagos ang aking mga luha. I became vulnerable and hopeless in front of them. I don't care. Kasi wala namang nakakakita sa akin. I feel week and this is my only haven for now.
"It was painful, but I need to go on to chase my dream." Hinaplos ko ang lapida, bawat letra na nakaukit dito ay dinaanan ng aking mga daliri. Suminghot ako.
"Kahit mahirap ginawa ko, kahit masakit kinaya ko at kahit mabigat sa puso, kinimkim ko." Hindi ko alintana ang aking paghagulhol. Ngayon ko lang ito nailabas sa loob ng anim na taon. Hindi ko ito magawa kay Tita dahil ayokong makita niya na mahina ako.
"Sino po bang dapat kong sabihan ng mga ito? Iniwan niyo na po ako, mag-isa ko pong hinarap ang lahat ng sakit at hirap na naranasan ko. Pero 'wag po kayong magalala, maayos na po ako." Nagbunot ako ng d**o at inipon ko iyon sa tabi. Gumawa ako ng maliit na umbok sa aking tabi.
"Nahihiya po ako kay Tita Mercy, Mommy. She stood as my Mommy for six years. She did everything she can yet hindi ko magawang mag-open up sa kanya." It feels awkward at pakiramdam ko para akong bata. Nang nagkulay kahel na ang langit, hudyat na iyon para ako'y umalis.
"I have to go Mom, Dad. Maghahanap pa po ako ng hotel na tutuluyan ko." Saglit pa akong tumigil habang nakatitig sa lapida. Huling tingin. Huling sulyap. Matagal na bago ako makadalaw ulit.
Tatlong minuto pa ang lumipas at naglakad na ako palayo sa puntod. Sumakay na ako sa kotse at binuhay na ang makina. Umalis ako sa semeteryo na magaan na ang loob, sa ilang taon ko itong itinago ay ngayon ko lamang ito nailabas. Nabunot ang lahat ng nakabaon sa aking dibdib matapos kong masabi ang lahat ng gusto kong sabihin. Gumaan ang aking loob.
Nagcheck in na ako sa hotel dito sa Bauan. I can't wait na makapasok na sa room at makapagpahinga. The whole trip got me exhausted. And all I want now is a good rest. Nakapasok na ako sa room na binigay sa akin, agad kong inayos ang aking mga gamit at pinaglalagay sa cabinet.
I saw a box of phone na binili ko pa noong nasa Manila ako. I need to maneuver it right away para maitext ko na sina Isabella na nandito na ako sa Bauan. I registered my number and copy all the contacts of my other phone. Agad akong nagtipa ng mensahe sa aking mga kaibigan, telling them that I am already here in Batangas.
Hindi nakaligtas sa akin ang numero ni Marco. Hindi ko alam kung ito pa rin ang kanyang gamit na numero. I grabbed my other phone and checked if I copied the right number. Binuksan ko ang textbox namin ni Marco. The last message I sent to him was six years ago.
Ako:
I'm sorry...
I hope you understand...
Please, don't get mad at me.
Ayokong umalis na galit ka sa akin.
Let's talk about this please...
He didn't even bother to reply. Parang wala siyang pakialam kung magtext man ako. Nagpadala din ako ng mensahe sa iba pa nilang kasambahay na nakagaan ko ng loob. Kinakamusta ko siya sa mga ito ngunit ang tangi nilang sagot ay nagkukulong ito sa kwarto. Hindi kumakain. At hindi rin lumalabas ng bahay.
Nagsisi agad ako noon. Nang dahil sa akin kaya siya nawalan ng gana na kumilos. Nang dahil sa akin ay naging mailap din siya sa mga tao pati na sa mga kaibigan namin.
Namuo agad ang aking mga luha. Pinalis ko agad iyon at may bumagsak na naman na panibagong luha. Suminghot ako at inexit na ang palitan ng aming mensahe. Matagal ko nang iniisip kung buburahin ko na ba iyon. Ngunit hindi ko kaya. Sa tuwing susubukan ko ay nanghihina lamang ako.
Nagtungo ako sa aking photo gallery. Huling larawan na nandoon ay ang aming picture ni Marco. Graduation ko niyon sa College, magkaiba kami ng school na pinasukan at ako ang unang grumaduate. His arm was snaked around my waist. Locking and keeping my body closer to him. Kissing my forehead habang ako'y nakapikit at malawak ang ngiti. It was full of affection. I can see his love for me in this photo. His care, his happiness as if I was the cause of it. It was captured by his nanny without me knowing it. Nalaman ko na lamang iyon ng binuklat ko ito kinagabihan.
"I wanted to come back to your embrace, Marco." I whispered dizzily.
I suddenly missed those happy years of me. Gusto ko na lang bumalik sa nakaraan and be the girl on that photo again. Gusto ko na pang bumalik sa nakaraan para baguhin ang lahat. Gusto kong bumalik sa umpisa kung paano kami nagkakilala. Kung paano ako nahulog sa kanya.
I wonder if memories will stay just a memory. Will it happen again? By the same place, same time, same feelings, same person. Will there be a miracle to live inside that memory? I guess there are none.
And I just realized, memories cannot be repeated. You made it to save inside your memory, for there will be times that you will browse it. Smile when you remember it. Laugh when that memory is funny. And cry if that memory makes you sad and in pain.
Just like a file that you saved in your phone. The only change that you can do is to rename it. You can't edit it the way you wanted and if you can, it will never be the same.
Memories can be changed, but in another situation.
I want to feel his care and love again. I want his hugs and kisses one more time. I need his attention again.
"I missed you," I cried.