The Necklace and The Memory
Nagising ako kinabukasan sa alarm ng aking cellphone. Tinama ko na ang oras nito noong nasa eroplano pa lang ako. Sa kagustuhan kong maibaling sa iba ang aking atensyon, ay nagkalikot ako sa aking cellphone. Gusto kong mabawasan man lang ang kaba sa aking dibdib.
It is seven o'clock in the morning and it is my first morning here in the Philippines after six long years. It was nice to be back home. Wala pa akong plano kung ano ang gagawin ko ngayon. Hindi pa din nalilipat ang mga gamit ko sa closet. Kaya naman iyon ang tatapusin ko ngayong araw; to pack out my things and maybe go to the mall after. Buy groceries and sort. I rise to my bed and folded my sheets.
Our brain loves to have achievements even if it is small things. Starting your day with a small achievement will make your mind at ease and focused. Pagkatapos niyon ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Skin care is really important for me. It is a must to my lifestyle.
Because I believe in less is more.
Mas pokus ako sa pag-aalaga ng aking balat kaysa sa paglalagay ng makeup. A light coverage concealer to correct the blemishes all over my face is enough, filling my brows naturally, adding some cheek tint or blush and lip tint and a powder will do. Lalo na noong nasa Norway pa ako, iba't-iba ang klima doon kaya mabilis mag-react ang balat ko. Simula noong tumira ako sa malamig na bansa, iba na ang reaksyon ng balat ko sa klima. After my skin care, I brushed my teeth. Naninibago pa din ako. Kahit dito naman ako lumaki. Ganoon nga siguro kapag nag-iba ka na ng environment. You have to make adjustments.
I unpacked all my things on my bed, binalandra ko silang lahat para mas makita ko ang aking mga gamit. Una kong tinupi ang mga pambahay kong damit. Kaunti lang dinala ko dahil hindi ako pwedeng mag-over baggage. Inilagay ko sila sa bottom part ng aking cabinet. Sunod kong tiniklop ang mga pangalis kong damit. Inilagay ko naman iyon sa itaas ng mga pambahay ko. Lahat ng dapat naka-hanger ay nilagay ko na. Tiniklop ko na din pati ang mga underwears ko at nilagay sa sliding door mini cabinet. I only packed five pair of shoes; sneakers, pumps, flats and flip flops. Actually, pinagkasya ko silang lahat sa isang maleta. Nilagay ko ang mga sapatos ko sa katapat na bahagi ng isa pang cabinet. For the bags, hindi naman ako mahilig sa bag collection. I only packed six bags including my luggages; two handbags, one gym bag, two clutches, two backpacks, one duffel bag, two satchels and two suitcases. I'm a little careful sa mga bags. Kumpara sa mga damit, mas delicate ang mga ito. It can be folded pero mag-iiba ang hulma. Kaya maingat at sinigurado kong maayos silang nakalagay sa aking maleta. Nilagay ko ang mga iyan katabi ng cabinet ng mga sapatos.
All my toiletries and makeup ay nilagay ko na sa banyo. Yes, dinala ko pati skincare products ko dahil nahiyang na ang balat ko kapag iyon ang gamit ko. Saka ko na lamang palitan kapag napacheck up ko na sa Dermatologist. And my jewelries are still laying on my bed. Mas gusto kong gawing collection ang relo. I only stick in three colors, black, brown and white, para universal, pwede sa lahat at kayang bagayan sa kung ano man ang suot ko. Kaya naman I have five kinds of watches. The leather type, the stainless steels or golds and sport watches. I maintain it small and less detail as possible.
Matapos kong ayusin ang aking mga gamit ay naisipan kong maligo na. Humarap ako sa salamin at sinuklay ang aking buhok. Brushing my hair helps to entangled the strands. Mas buhay ang cells ng buhok kapag nasusuklay ito, kaya ang shampoo at treatment na ginamit ay madaling ma-absorb ng iyong buhok which gives me the effects that I want with my hair.
Napansin ko ang gintong kuwintas na nasa aking leeg. Nasa akin pa din ito at hindi ko magawang tanggalin. Matagal na din itong nasa akin, hindi ko iyon tinatanggal dahil para akong kulang kapag hindi ko ito suot. Dahil na din siguro sa nakasanayan ko na itong nakikita sa aking leeg. Hinaplos ko ang pendant at tinitigan ang repleksyon nito sa salamin. Hindi siya agaw pansin at parang simple at mumurahin lang ito. Dahil sa simple nitong detalye kaya hindi siya kapansin-pansin sa iba. Ang manipis na kadena nito ay tipong madaling mapigtas. It was my only memory of him aside from our previous messages that we have shared long years ago.
Kapag tinanggal ko ito, para ko na rin siyang binitawan.
I can clearly remember noong araw na sinagot ko siya at ito ang binigay niya sa akin. I feel the clouds touching my heart every time he touched me. At sobrang saya ng aking puso nang makita kong masaya siya sa naging sagot ko.
Ang mga mata niya. Ang mga kumikinang nitong mga mata sa tuwing nakikita ko siya. Gusto ko na muli silang masilayan.
Nakaupo ako sa bench sa may Science Park at nagrer-eview. Finals are quick approaching kaya todo aral na din ako. Lunch ngayon kaya may free time ako para makapagbasa para sa review quiz ko mamaya. Tapos ko nang kainin ang aking lunch na fried chicken at kanin. Kinuha ko ang aking tubig at uminom muna. Muntik ko nang maibuga ang aking iniinom dahil sa nanggulat sa akin. Matalim ko siyang tiningnan bago ko nilagok ang tubig sa loob ng aking bibig.
"Kahit kailan talaga! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Sobra ang galit at inis ko na kahit ang ngiti niya ay walang nagawa para pawiin iyon. Tumayo siya at pumwesto sa aking likuran.
"Wala akong panahon sa mga kalokohan mo Marco ha! May exam ako mamaya inaabala-" Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang maramdaman ko ang lamig galing sa metal na bumalot sa aking leeg. Tiningnan ko ito at namangha sa simpleng disenyo mayroon ang kwintas na ito. Hinaplos ko iyon at naramdaman ng aking mga daliri ang gaspang ng metal na iyon.
"You like it?" Umupo siya sa aking tabi at niligpit ang aking mga gamit sa lamesa. Sinarado niya ang aking notebook at tinakluban ang aking ballpen. Nanuyo ang aking lalamunan sa samu't saring emosyon na namumuo sa aking puso. Tumango na lamang ako at bigla na lamang nawala ang galit na inalagaan ko kanina. Hindi ito ang unang pagkakataon na binigyan niya ako ng materyal na bagay bilang regalo. Ngunit ang kinagagalit ko lang ay ang presyo ng mga ito.
He is willing to throw cash just to buy me expensive gifts. Hindi man niya sabihin sa akin ang mga presyo ng mga ito, alam kong mahal iyon dahil sa mga bands pa lamang nito. I surfed the brand online and saw the exact design of those. It cost a fortune, for Pete's sake!
"How much is this?" Tanong ko. Sa klase pa lamang ng metal at sa pakiramdam nito sa balat ay alam kong mamahalin na.
"It is a secret," he whispered. Bumusangot ang aking mukha at humaba ang aking nguso. Bigo kong binalingan ang aking mga gamit at doon binaling ang tingin. Hindi niya talaga masabi sa akin kahit saang brand man lang galing ang kuwintas na ito.
"Are you still mad?" Mapangasar niya akong tiningnan na tila naghahamon at naghihintay ng kung ano man ang aking sabihin.
"Sa tingin mo ba materialistic ako? Makukuha mo na dahil lang may binigay ka? Sorry, pero hindi kita sasagutin. Tigilan mo na ang panliligaw mo sa akin." Tumayo ako at kinuha na ang mga gamit ko.
Ano bang masama kung tanungin ko ang presyo ng mga bigay niya? Alam kong mahal pero gusto ko lang naman malaman. Bilang ganti, magpapakipot muna ako. Wala akong ibang maisip para lamang masuklian ko lahat ng bigay niya. I don't have flowing cash at the bank kaya hindi ko mapapantayan ang mga binibigay niya.
I have an idea on my mind. Kung gagawin ko iyon, baka matuwa siya. Panigurado! Makita ko lang na masaya siya, para na din akong nagregalo ng milyones sa kanya. Naglakad na ako palayo at pabalik sa aking classrom. Hinigit niya ang aking braso dahilan ng pagkakaharap ko sa kanya.
"I'm sorry, alam kong galit ka kasi ginulat kita. Hindi ko naman sinasabi na materyal na bagay lang ang habol mo sa akin. I gave it to you because I want to. Hindi mo iyan hiningi at kusa ko iyang binigay sayo. Please I'm really sorry." Hinawakan niya ang aking magkabilang siko para mas mapalapit ako sa kanya. Pumipiglas ako para kunwari galit pa din ako.
"Let me go. Malilate ako kung hindi mo pa ako bibitawan!" Patuloy pa rin akong nagpupumiglas at mas humihigpit ang hawak niya sa aking siko. Napapatingin ang ibang estudyante sa amin, pero parang wala siyang nakikita kundi ako lang. Wala siyang pakialam kung napagtitinginan na kami. Hindi man lang niya magawang lingunin ang mga ito dahil sa akin ang pokus ng mga mata nito.
"Bawiin mo muna iyang sinabi mo. Na hindi mo ako sasagutin. f**k! I am willing to give you the moon just to prove how serious I am." Hinapit niya ang aking baywang at ang isang kamay ay nasa siko ko pa din. Patuloy lang ako sa pagpiglas para hindi niya mahalata na bumibigay na ako.
"Luma na iyang banat mo! Mag-isip ka ng bago!" Hinampas ko ang kanyang dibdib dahilan ng kanyang bahagyang pagkalas sa akin. Matigas ang kanyang dibdib, alaga na ito kaagad.
Damn! Chloe, anong palusot iyan?
Matalim ang aking tingin sa kanya habang siya ay seryosong nakatitig sa akin. Ang kanyang mga kamay ay nasa aking mga siko at hindi na ganoon kahigpit. Pagkakataon ko ng pumiglas ngayong mahina siya pero hindi ko ginawa. Masyado akong nalulunod sa mga titig niya.
"You know what?" Bigla nitong sabi.
"Ano?" Kumunot ang aking noo dahil hindi ko alam kung ano ang kanyang tinutukoy.
"I should not get another star or moon. You yourself are the star of my life. That is all I know, all I need to know and all I wanted to know. If this is a dream, please... Don't ever try to wake me." He said without blinking an eye. With those serious piercing eyes.
At nag-isip nga! He's really willing to do what I wish him to do.
Bumagal ang takbo ng paligid ko, nanlabo lahat ng mukha ng mga tao. Para akong lumulutang sa sobrang kilig na nararamdaman. Konting salita lang pero natibag na ako. Simpleng mga salita lang pero malalim na ang ibig sabihin niyon. Tagos sa aking puso.
"Ikaw mismo ang bituin ng buhay ko," pahabol pa nito. Tama na, parang awa mo na.
Huminga ako ng malalim at yumuko. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata bago tuluyang tumunghay at hinarap siya. Heto na, ito lang ang regalong alam kong mapapasaya ko siya ngayon.
"You want an answer? Maybe I should say yes." Uminit ang pisngi ko sa aking sinabi. Parang kinilig ako sa sarili kong mga salita. Hindi agad siya nakapagsalita. Naka-awang ang kanyang bibig at tila hindi makagalaw.
Speak up man! Hindi mo dapat ako binibitin ng ganito!
Sa aking inis ay tumalikod ako at naglakad palayo. Akala ko ba mapapasaya ko siya kapag sinabi ko ang hinihintay niyang sagot mula sa akin? He's not even speaking! Nakakatatlong hakbang pa lamang ako at muli niyang hinigit ang aking braso. Marahan at puno iyon ng pag-iingat niyang hinaplos ang aking siko. Ang isang kamay nito ay naglakbay papunta sa aking pisngi.
"That's the prettiest words I could ever heard from today," hinalikan niya ang aking noo at bahagya akong niyakap. Nagalak ang aking puso nang marinig ko ang pintig ng kanyang puso habang nakasandal ang aking tainga sa kaniyang dibdib.
"I reached you," dugtong niya. Naramdaman ko ang vibration ng kanyang boses.
"I will promise to make you happy even if the world does not want to. I will promise to give you everything even if I suffer. And I will promise to make you feel beautiful every single day even in those days that I can't see you." I looked in his eyes and held his face. Sa kanya lang ang buong atensyon ko. Wala na rin akong pakialam sa mga taong nanonood sa amin.
I don't want to ruin everything. Ayokong masira ang galak sa aking puso ngayon.
"I love you."
"I love you too."
That day, napasaya ko siya. The happiness that he could always wish for.
Sobrang kaligayahan ang hatid sa akin ng alaalang iyon.
Ang malamang mahal nya ako at gagawin niya ang lahat para sa akin ay nakakataba ng puso. Hindi ko namalayang lumandas sa aking pisngi ang mainit na luhang kanina ko pang pinipigilan. Agad ko iyong pinalis habang parang gripo na tumutulo ang mga sumunod na luha. Walang epekto ang pagpupunas kong iyon dahil napapaltan agad iyon ng panibagong patak. Ang alaalang iyon ay nagdudulot pa din sa akin ng sakit kahit anim na taon na ang nakalipas.
Dumiretso na ako sa banyo at naligo. Sa paglandas ng tubig sa aking katawan, sana ay gayun din ang aking nararamdaman.
Sana ang sakit ay parang putik. Kapag nabasa ng tubig ay kusang magpapaagos sa daloy nito kapag gusto mong alisin sa iyong katawan. Kapag nandidiri ka na. Kapag nabibigatan ka na.
Kailangan kong libangin ang aking sarili. Kailangan kong maging busy para hindi ko maibalik ang mga alaalang nagdudulot sa akin ng sakit at sobrang kalungkutan.
Wearing a black off shoulder top paired with faded skinny jeans and a white sneakers. I combed my black wavy hair after I blow dried it. And put some minimal makeup, a cheek and lip tint. I grabbed my bag and the keys of my condo and car. Balak kong bumili ng bagong cellphone, hindi kasi naka-open line ang phone na ginagamit ko ngayon. Doon tumatawag si Tita kaya hindi ako pwedeng magpalit ng number. Unexpected na may signal pa ang numerong iyon dito. Hindi naman iyon dito rehistrado kaya nakakagiliw na pwede pa akong tawagan ni Tita sa numerong iyon.
Nagtungo na ako ng mall malapit sa aking condo. Lunch na ngayon at hindi pa ako kumakain, kaya pinili kong kumain sa Jollibee. Miss na miss ko ang pagkain dito. Simula nung bata ako, dito na ako dinadala nina Mommy at Daddy.
"One order of C3, no soda, make it water. One order of Y2, dispose the drinks and add a chocolate sundae." Nilubos ko na dahil ngayon na lang ulit ako makakatikim ng lutong Jollibee. Masyado ko itong namissed kaya madami akong na-order.
Pinangako ko noon sa sarili ko na kakainin ko ang lahat ng gusto kong kainin paguwi ko.
I waited on my order at para malibang ako ay nag-online ako sa mga social media accounts ko. Hindi ako mahilig mag-f*******: pero dahil matagal ko nang hindi ito nabibisita ay madami akong notifications, friend requests at tags galing sa mga kaibigan at kakilala. Hindi ko iyon maisa-isa dahil sa sobrang dami at tamarin lamang ako.
Binuksan ko din ang aking i********: at tiningnan ang aking profile, medyo matagal na ang aking profile photo at gusto ko na itong paltan. Naghanap ako sa aking gallery ng pwede kong maging profile photo. Pagkatapos kong magpalit ay nagbrowse na ako sa news feed. Nakita ko ang mga post galing sa mga kaibigan. Nakita ko ang isang post ni Marco. Wala namang kung anong mayroon sa post niya pero abot-abot na ang tahip ng aking puso. We didn't communicate before. Kahit noong pagalis ko ay hindi man lang siya nagpakita sa akin. Ang ihatid ako sa airport ay hindi rin niya ginawa.
'Waiting' lang ang nakalagay sa post nya na may itim na background. He's quite famous. Perks of being in a rich family. Madami ang comments kahit simpleng post lang ito.
Sino kayang hinihintay mo Architect/Engineer?
Ms. Dorothy Salazar, hinihintay ka po ni Mr. Gomez. Naka-mention po ang pangalang iyon. Sino iyon?
Ako po ba hinihintay niyo? Nasaan ka? Darating ako.
Engineer, naghihintay po kami ng bago mong post.
Ilan lang iyan sa mga comments na nakita ko. Hindi ko na natagalan dahil madami nang tanong ang bumuhos sa aking isip.
Dahil sa aking kyuryosidad, dinala ako ng aking mga kamay sa profile niya. Tiningnan ko lahat ng mga post niya, hindi siya mahilig sa social media kaya limang post pa lamang ang nasa kanyang profile. Pinaka-latest pa iyong 'waiting' at thirty minutes ago lang. Madami din siyang followers, aabot na sa daang libo at nasa singkwenta lamang ang followings niya.
Dumating na ang aking order at hindi na ako makapagconcentrate sa pagkain. Gumugulo sa aking isip ang kanyang post, para bang may sinasabihan siya at gusto niyang iparating iyon sa isang tao. Ayoko lang mag-assume pero iyon ang aking nararamdaman.
Habang kumakain ay nakatanggap ako ng isang mensahe sa isang numerong hindi nakarehistro sa aking contacts. Binuksan ko iyon at binasa ang laman ng mensahe.
Unknown:
Good afternoon, Dr. Madrigal. This is the hospital that sent you the email of our request weeks ago. I hope that you already read the content of our request. We will be happy if you join our department. We heard of your arrival here in the Philippines and our head officer wants to book an appointment with you. We are hoping for your kind consideration. Thank you.
"Which hospital?" Tanong ko sa aking sarili.
Which hospital? I can't remember. Sa kadamihan ng mga mensahe sa aking email account ay hindi ko pa iyon nabubuksan lahat. Binaba ko ang aking cellphone at pinagpatuloy ang aking pagkain. Saka ko na isipin ang tungkol sa mga offer na iyon.
"Mamaya ko na lang tingnan," sabi ko pagtukoy sa mga emails at text messages na natatanggap ko.
Kanino niya pinapabatid ang mensaheng iyon? May hinihintay siya. Naghihintay pa rin ba siya sa akin? May bago na ba siyang girlfriend o baka naman kasal na siya?
Shit! Kahit isipin ko lang ngayon ay sobra na ang sakit. Tila napupunit at unti-unting napipigtas ang mga ugat sa aking puso.
Ang sakit pala, habang iniisip ko ang mga ito ay nasasaktan ako. Para akong nilagay sa gilingan ng niyog dala ang samu't saring nararamdaman.
Tinapos ko na ang aking pagkain at walang pagaalinlangan na lumabas ng Jollibee at umakyat na sa second floor ng mall. Tinungo ko na ang mga tindahan ng cellphone at nagtingin tingin na ng magaganang disenyo at specifications. Napili ko ang latest phone ng Samsung at iyon na ang aking binili. Kulay black ang aking piniling kulay para maiba naman. Bumili na din ako ng iba pang kailangan ng bago kong biling cellphone.
Nang matapos ay bumaba na ako gamit ang elevator hanggang parking lot. Kinapkapan ako ng lady guard at tiningnan nila ang bag ko, pagkatapos niyon ay naglakad na ako kung nasaan ang aking sasakyan. Pinatunog ko na ito at pumasok na sa loob. Hindi na ako makapaghintay na makalabas dito kaya naman paharurot kong pinatakbo ang kotse hanggang sa makalayo ako ng mall na iyon.