Chapter Five

1070 Words
Hide, keep and don't show your weak points Chapter Five Asprid THIS place sucks. Hindi ko alam na may mangyayaring ganito sa amin. Kung alam ko lang na may murder na magaganap ay hindi na ako sumama. We go here for the project tapos ganito? Nakakabaliw. Walang cellphone. Walang gadgets. Wala lahat. Nakakabored! Gusto ko na umuwi! Hindi ako makapag check ng mga social medias ko dito. Boring. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko habang nililibing si Claire sa isang hukay na lupa. Bagay lang naman kay Claire yan. Buti namatay na siya. Wala na akong kaagaw sa crush ko sa school. Masyado siyang papansin kasi. "Ok nayan. Mag-dasal muna tayo ng kaunti para sa katawan ni Claire." Sabi ni Gwyneth at nag sign of the cross at pumikit. Sumunod ang iba pero ako ay nanatiling nakamulat. Pinagmamasdan ko sila habang nag-dadasal nang mapansin kong may nakatingin sa akin ng diretso. Elijah Bakit siya nakatingin sa akin? May problema ba? Hindi ko alam ang dahilan ng pag-tingin sa akin ni Elijah. Parang may laman ang tingin niya. Parang may galit. Iniwas ko ang tingin ko at tinitigan nalang sila Gywneth na nag-dadasal. Pinikit ko ang aking mga mata hindi dahil sa gusto ko sumali sa pag-dadasal nila kundi dahil ramdam ko parin ang pag-titig sa akin ni Elijah. "Amen." Sabi ni Gwyneth ng mahina. "Tara na. Lets go back to the camp." Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakitang kong nag-lalakad si Elijah kasunod ang iba na nag-lalakad din. Dumaan siya sa harap ko at tumigil. "Your going to die." Sabi nito at tiningnan pa ako ng mariin bago umalis. Im going to die? Nag-simulang bumilis ang t***k ng puso ko at nerbyos. Hindi kaya si Elijah ang murderer? Bakit niya sinabing mamatay ako? Nag-simula na din akong mag-lakad habang nag-iisip. Warning kaya yun? Dahil ako na ang sunod niyang bibiktimahin? Kung ako na nga ang next na target ni Elijah ay hindi ako makakapayag na mamatay na walang ginawa. I will fight for my life, Fight in my very best. Hindi ako makakapayag na mamatay nalang sa mga kamay niya. Madami pa akong dapat gawin sa buhay ko. Selfish na kung selfish basta kahit mag-kaubusan kami dito ay ipaglalaban ko ang buhay ko. I will always think my safety before the others. "Kumain na kayo ng lunch guys. Alam kong gutom na kayo." Sabi ni Gwyneth nang makarating kami dito sa camp. Tiningnan ko ang oras ng relo ko. '1:00 PM' Hapon nadin pala. Pumunta ako sa tent ko at tiningnan kung ano ang pwedeng kainin nang biglang may nag-takip ng bibig ko at tinutukan ang leeg ko ng kutsilyo. "Gusto mo ba mabuhay?" Sabi ng tinig na alam ko kung kanino. Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Hindi ako makagalaw dahil baka sa isang galaw ko ay baka tumama sa akin ang talim ng kutsilyo. Anong gagawin ko? Buhay ko ang nakasalalay sa isang desisyon at kilos na gagawin ko. Sa hindi ko namamalayan ay tinatango ko ang aking ulo. "Good. Sundin mo ang mga sasabihin ko." Dominic Tiningnan ko ang mga kaibigan ko. Hindi sila mga nag-papansinan at kibuan. May mga sariling mundo at walang pakielam. Ganito ba talaga pag may nangyayaring sitwasyon na ganito? Pati ang tiwala namin sa isa't isa ay damay? 4 years na kami na mag-kakaibigan at ngayon ay may nangyayaring trahedyang ganito? Damn. Nag-lakad ako papunta sa tent ni Gwyneth. Pumasok ako sa loob at nakita ko siyang nakatingin sa kawalan. "Gwyneth." Tawag ko. Nilingon niya ako. Nakita ko sa mga mata niya ang kalungkutan at kawalan ng lakas. "This is all my fault. Sana hindi ko nalang naisip na maging lugar to ng pag-shoshootingan natin. Sana hindi nalang tayo pumunta dito. Sana---" Sabi niya at huminto. Unti-unting tumulo ang mga luha niya sa mata. Niyakap ko siya at inalo ang ulo. "Shh. Wag kang mawalan ng pag-asa. We can do this. Makakaya natin lagpasan to. Pagsubok lang to sa atin." "Yes, pagsubok to sa atin Dom pero itong pagsubok sa atin ay hindi natin alam kung mabubuhay ba tayo o mamatay. Ako talaga ang may kasalanan nitong nangyayari sa atin." Sabi niya na umiiyak at humihikbi. "Dont blame yourself. Hindi ikaw ang may kagagawan nito. Hindi ikaw ang pumatay kay Claire." "Pero ako ang tumatayong leader sa inyo, ako ang nag le-lead sa inyo kung saan ang tatahakin. Im the one who manage the decision for us. Nawawalan na ako ng pag-asa Dom. Parang hindi ko kaya ang nangyayari." "Dont Gwyneth, wag kang mawalan ng pag-asa. Be strong. Makakaya natin to." Sinandal niya ang ulo niya sa leeg ko. "Sana." Sabi niya at naghari ang katahimikan sa lugar namin. This is the girl i love for 4 f*****g years. Madaming babae ang nahuhumaling sa akin pero siya lang ang gusto ko. Hindi ko parin sinasabi sa kanya ang nararamdaman ko dahil natotorpe ako pero alam ko namang may alam siya. Kilala ko na siya sa apat na taon na pag-sasama namin. Alam kong ginagawa niya lang matapang ang sarili niya pag nasa harap namin dahil siya ang tumatayong leader pero pag siya nalang mag-isa ay doon niya nilalabas ang kahinaan niya. She's strong but not strong enough. She hides her weakness by being tough. By being authoritative. Hindi niya pinapakita ang kahinaan niya. She's afraid to show her misfortune, failures and pains. Not because ayaw niyang kaawaan siya, kaya niya ito tinatago ay para hindi makita ng mga tao ang kahinaan niya, To not everyone knows what is her weak point because once they know your weakness, Thats will be their target for you to crack, to snap and to fall and break. "Tulooooooooong!!!" Napahiwalay ako sa pag-kakayakap kay Gwyneth. Tiningnan namin ang isa't isa at tumayo saka lumabas ng tent. Nakita namin ang mga kaibigan namin papunta sa isang direksyon. Tumakbo kami para makasunod sa kanila. "Anong nangyari?" Tanong ni Gwyneth ng makalapit kami. "Hindi namin alam basta may sumigaw ng tulong sa direksyon na'to." Sagot ni Jericha. Nakita namin si Asprid na tumatakbo na parang nag-mamadali at hindi alam kung saan pupunta. "Asprid!" Tawag ni Gwyneth. Huminto ito at lumingon sa amin. Tumakbo kami papunta sa kinakatayuan niya. "Ikaw ba yung sumigaw? Anong nangyari bakit ka tumatakbo?" Tanong ni Gwyneth. "Wa-wala lang. Tumatakbo lang ako." Sagot nito na uutal-utal at titingin sa likod niya at sa paligid. "Oo ako yung sumi---" "Tulooooooooong!!!" Napatingin kami sa direksyon ng humihingi ng tulong. Binalik namin ang tingin kay Asprid at binalik uli ang tingin sa sumigaw. Nag-simula muli kaming tumakbo papunta sa lugar nang sumigaw hanggang sa makita namin si Lyn na nanghihina at pinipilit tumayo. Lumapit kami sa kanya at inalalayan siya tumayo. Nakita namin ang mga hiwa at sugat sa pisngi, braso at tuhod niya. "Anong nangyari?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD