Chapter Four

1022 Words
Things will go right and wrong when you start moving on Chapter Four Gwyneth SA buhay natin dapat marunong tayong gumalaw. Mga problema, pagsubok at sitwasyon ang ating mga kalaban. At ngayon sa sitwasyon namin? Dapat marunong kang makipaglaro para manalo. Sa malinis o madumi mang paraan. Kasi hindi lang basta ito laro na bagay o karangyaan ang nakataya. Buhay ang nakasalalay dito at ang pag-katalo ay ang kamatayan mo. Nilingon ko ang mga kaibigan ko sa likod. Nandito na din kami sa wakas sa camp namin. Kita ko sa mga mukha nila ang pagod At puno ng paga-alala. Nakikita ko din na naguguluhan sila kung bakit kami bumalik dito. Hindi naman kami babalik dito dahil sa wala lang. Bumalik kami dito dahil may dapat kami o ako na gawin. Ang makipaglaro sa kanya. Ang mahanap at mapatay ang nasa likod nito. "Bakit ba tayo bumalik dito Gwyneth!? Nag-iisip ka ba? Mamatay tayo dito!" Bulyaw sa akin ni Rose. "May plano kaba Gwyneth?" Tanong ni Bryan nang mahinahon. Inayos ko ang sarili ko at tiningnan sila ng maigi. "Hindi tayo bumalik dito dahil sa wala. Bumalik tayo dito dahil may kaylangan tayong gawin, at iyon ay makipaglaro sa gumagawa ni---" "Whaaat!!? Gusto mo pang makipag-laro sa mamatay tao? Hindi lang to basta laro Gwyneth! May buhay na nakasalalay dito sa sinasabi mong laro!" Ani ni Rose. "Shh. Patapusin mo muna si Gwyneth." Pag-papakalma ni Greg. Inayos ko ang boses ko at huminga ng malalim. "Alam kong naririnig niya tayo. Pero kung hindi ko to sasabihin ay hindi niyo ito maiintindihan. Hindi ko lang basta basta naisip ang dahilan kung bakit tayo bumalik sa gubat na ito. Bumalik tayo dahil dapat natin laruin ang laro ng nasa likod nito. At iyon ay ang mahanap siya at patayin. To win is to survive, to lose is to die in this game. Madami tayo, isa lang siya. Sino ang lamang?" Tiningnan ko sila at tumango-tango sila sa sinabi ko. "Takot? Hindi natin yan maiiwasan. Hindi tayo buhay kung wala ang takot, maalis natin ito kung lalabanan natin." "Pero Gwyneth. Are you sure of this? Mahirap ang magdesisyon ng padalos-dalos." Sabi ni Lyn. "Wala tayong choice. Isa itong pagsubok na dapat nating harapin dahil wala tayong takas." "Pero paano natin mahahanap ang killer kung sama-sama tayo kikilos?" Tanong ni Drake. "Hindi tayo sama-sama. Maghi-hiwalay hiwalay tayo. Dahil kung buo natin hahanapin ang may pakana ng lahat ng ito ay hindi natin siya mahahanap. Walang dapat pag-katiwalaan at samahan dito. Isa lang ang pagkatiwalaan mo kundi ang sarili mo." Huminga ako saglit "Mas mabilis nating mahanap mas mabilis matatapos to." "So, kung sa laro. This is survival?" Saad ni Mazuzuki. "Yes." Sabi ko at ngumiti. "Who's with me?" Nag-taas ng kamay ang iba, unti unti ay may mga sumunod na nag-taas hanggang sa naka-taas na ang lahat ng kanilang kamay. "Great." Bulong ko habang tumatangotango. Tiningnan ko ang suspect ko sa likod nito. Ang galing mo umacting ah? Pa reklamo reklamo kapa at bulyaw na parang apektado talaga. Nagku-kulyaring biktimang biktima sa nangyayari pero siya pala ang may kagagawan ng lahat. Alam kong masama ang ugali mo pero mas masama ako. Mas iba ako sayo. Rose. Mazuzuki Survival? Mahilig ako mag-laro at magsaya. I make my life just like a game, na parang easy easy lang yan at kaya ko to. Hindi ko iniisip ang problema sa buhay. I just enjoy every seconds and minutes of my life. Parang live life to the fullest ba. Masayahing bata ako na parang pinaglalaruan lang ang buhay . Pero sabi nga nila. Hindi araw-araw lagi masaya. May kapalit lagi ang bawat kasayahan. At iyon ay kakambal nitong kalungkutan. At ngayon? Paano ko gagawin na isang laro ito? Kung sa laro nasisiyahan ako. Dito sa larong ito, iba. Mapanganib. Survival talaga. Ikaw lang mag-isang lalaban para sa sarili mo. Hindi ako makangiti sa nangyayari sa amin. Makakangiti kaba kung nakikitang mong mga kaibigan mong parang dala-dala ang mundo? Pinagsakluban ng langit at lupa na parang hindi sila pinautang ng pera at hindi na nila alam kung saan magha-hagilap? Gustuhin ko man sila sigawan na "Cheer up guys! Mahal tayo ni Lord. Wag nang e-emo emo. Mamalasin tayo niyan e!" Tapos hampas hampasin sila ng pera sa mukha na parang sa tindahan lang ng divisoria at baklaran pag naka benta ng paninda at sasabihin na "More money. More money to come." Hays mga naiisip ko nga naman. Dapat seryosohin ko itong nangyayari sa amin. Hindi ito biro. Grabe na itong nangyayari sa amin. Pinatay si Claire na puro saksak sa katawan tapos takbo ng malayo papunta sa bus na makikita mo ay ang wala ng buhay na driver at ang butas na gulong? Tapos lakad pabalik dito? Grabe! Alam ba nung mamatay tao na ang hirap tumakbo papunta doon sa bus? Yung gulong pa! Bakit binutas? Akala niya ba balloon ang gulong? Nako! Makakauwi na sana kami kahit wala na yung driver dahil marunong naman ako mag drive. Magaling ako pag nag bu-bump car at race cart sa mga amusement park at pati nadin sa mga race game ng Gameboy, PSP, PS1, PS2, PS3 at Xbox! Name it! Magaling ako. Pero eto na nga naman. Kalokohan na naman ang pumapasok sa isip ko. Siguro nung umulan talaga ng good vibes at pagka optimistic ay madami akong nasalo kaya sobrang active ng utak ko sa kung ano? Buhay! Ayusin ko na nga. Wala nang biro. Seryoso na talaga. Hindi na dapat ako nag-iisip ng kung ano-ano. I should stick to the plan. Find the killer and kill him/her. Gagalingan ko sa larong ito. Hindi ako magpapatalo. Buhay ko at ng mga kaibigan ko ang nakasalalay dito. Dahil hindi ako papayag na matalo ako ng killer. Akong magaling sa color switch? Nakaka frustrate ang game na iyon na halos ang mga singkit kong mata ay naningkit pa lalo, pero mas nakaka frustrate 'to lalo. Hindi ako makakapayag na patayin niya ang kaibigan ko kahit kaibigan ko siya . Pinapahalagahan ko ang mga kaibigan ko dahil sila rin ang isa sa kasiyahan ko. Wala akong magulang, namatay daw sa car accident ang mga magulang ko kaya si Tita na ang na ang nag-alaga sa akin at nag-palaki. Si Tita at mga Kaibigan ko ang nagbibigay sa akin ng kasiyahan. And i will never let my happiness slip away. "Papatayin kita kung sino ka man."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD