In One,Two,Three.
Lights Camera, Action...
Chapter One
Gwyneth
NAKATAYO ako at tinitingnan ang mga kaklase ko. Naguusap sila at nagkukulitan, nasa kaliwa ang Girls at nasa kanan naman ang Boys. 15 lahat kami nang nandito. Walo ang babae at pito ang lalaki, at kasama din namin ang isang driver na nagdridrive nang coaster. Papunta kami sa pag-gaganapan ng isa naming project.
"Guys! Guys! Listen."
Tawag ko sa mga atensyon nila. Natigil naman sila sa pagkwe-kwentuhan. Inikot ko ang paningin ko kung wala nang nagsasalita at nang sa tingin ko ay okay na sila, inayos ko na ang boses ko para magsalita muli.
"We're going to plan about our project. Naayos na namin ni Jericha ang Script,Mga Kakaylanganin at iba pa. Alam niyo naman ang napiling genre ng film project na ginagawa natin. It's Mystery/Thriller. So, alam niyo naman na hindi biro ang pag-gawa ng ganitong klase. Buti nalang magaling si Reggie sa pag-eedit ng video." Tumigil ako pansamantala "Kaya sana maki cooperate kayong lahat. Ayusin niyo ang arte. Walang pabebe ok? Para sa clearance natin to at eto ang pinili niyong type ng film."
"E kasi naman to si Mae e! Bumoto pa sa gusto ng mga Boys." Paninisi ni Claire.
"Conyo na kasi ng romance Claire. Lagi nalang happy ending at mala fairytale ang kwento. Wala nga dibang forever? Pero lagi sa mga movie may happy ending." Sagot ni Mae.
"Leche, bitter ka lang Mae." Saad ni Rose at umirap.
"Haha bitter ka pala e." Sabi ni Bryan.
"Basta wag nayun. Panalo rin naman kami e. 8 ang boto ng amin at 7 kayo. Deal with it!" Sabi ni Mae at tumawa.
"Tragic nalang para hindi fairytale." Biglang saad ni Asprid.
"Wala. Wag na kayo magtalo, thriller na. Nanalo kami e!" Sabi ni Mazuzuki.
"Just accept it girls. Ano kaya itsura niyo pag nilagyan na kayo ng fake blood? Tapos minsan meron pa doong kaylangan maghuba---" Natigil si Drake sa sasabihin niya ng binato namin siya ng mga Girls ng mga kalat na kinainan namin kanina.
"Maniac!!!" Sigaw namin.
"Hahahaha Niloloko lang e. Di' mabiro." Sabi ni Drake habang tinatanggal ang kalat sa katawan
"Kakaiba naman kasi biro mo Dude." Sabi ni Elijah na natatawa.
"Hayaan na natin girls. Let's be fair. Magkakagrupo tayo diba?" Tinaas ko ang kilay ko sa kanila "At bonding nadin natin tong pag-roadtrip. So, everyone. SQUAD?"
Nilagay ko ang kanang kamay ko sa gitna ng ere, lumapit naman sila at pinatong ang kanilang mga kamay.
"1!, 2!, 3!" Tinaas namin ang kamay namin at sumigaw ng "SQUAD!"
Nagtawanan kami pagkatapos. Sana maging masaya ang pag-gawa ng project namin.
"Ok! Off!" Sabi ni Lyn at pinatay ang camera.
"Patingin nga ng video Lyn!" Sabi ni Krystal at kinuha ang camera.
"Oy! Wag kang mag solo Krystal." Sabi ni Greg.
"Patingin." Sabi ni Jericha.
"Hep, hep, hep. Wag kayo mag-kagulo. Akin na yung camera." Sabi ko at inilahad ang kanang kamay ko.
"Ok." Sabi ni Krystal at inabot sakin.
"Bumalik na kayo sa upuan niyo. Mahaba-haba pa ang bya---" Napatigil ako sa sasabihin ko ng biglang prumeno ang coaster at napahiyaw ang lahat.
Ano kaya ang problema? Lumapit ako papunta sa driver.
"Kuya ano po'ng nangyari?"
"Ah, wala po mam. May dumaan lang po'ng itim na pusa. Papaandarin ko na ulit po." Sagot nito at pinaandar ulit ang sasakyan.
Tumango nalang ako. Lumakad ako pabalik sa kanila.
"Ano nangyari?" Tanong ni Reggie.
"May dumaan lang daw na pusa." Sagot ko.
Napatango-tango nalang sila at umupo sa kanilang upuan. Pumunta ko sa seat ko at umupo. Kinuha ko ang headset ko at nilagay sa tainga. Nag play ako ng song at sumandal sa upuan. Mga ilang minuto ay dinalaw ako ng antok.
Naglalakad ako sa isang lugar na madilim na parang walang katapusan. Lakad lang ako ng lakad pero parang wala akong nararating. Parang kahit ilang lakad at takbuhin ko man ay walang nangyayari.
"Nasaan ba ako?" Tanong ko sa aking sarili.
"Pst!"
Hinanap ko kung sino ang tumatawag sa akin pero hindi ko siya makita.
"Pst!"
Muli ko na namang narinig ang pag-tawag sa akin ng hindi malamang tao. Inikot ko ang paningin ko sa paghahanap sa kanya pero bigo ako.
"Pst! Pst! Pst!"
Tawag ulit nito pero sunod-sunod na ito at paulit-ulit. Tinakpan ko ang aking tainga at halos mapaiyak na ako sa mga naririnig kong paulit-ulit. Nakakabingi. Ang sakit sa ulo. Nakakapanghina. Napaluhod ako sa sakit ng nararamdaman ko. Sino ba yung tumatawag? Bakit ayaw niya magpakita?
Biglang nawala ang naririnig ko nang may humawak sa bibig ko at may kutsilyo sa leeg ko.
"Hello." Narinig kong boses nito.
Natatakot ako. Nanginginig. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tulo ng tulo ang mga luha ko. Ayoko pa mamatay. Sino ang nasa likod ko?
"Kilala mo ba ako?" Tanong nito malapit sa tainga ko.
"Si-sino ka?" Nanginginig kong tanong sa kanya habang nakadampi ang kamay niya sa labi ko.
"Just call me... Death. And it's your time to die!" Bulong niya sa akig tainga na nagbigay kilabot sa king katawan.
"Remember your mortality." Sabi nito at unting-unting hinihiwa ang leeg ko.
" Waaaaaaaaaaaaaggggg!!!!! "
Napabalikwas ako ng bangon sa napanaginipan ko. Napahawak ako sa leeg ko at tiningnan ang mukha at katawan ko kung may nangyari.
"Panaginip." Bulong ko sa aking sarili at huminga ng malalim.
Akala ko totoo. It's so surreal. I almost thought that im going to die. Parang totoong nangyayari sa akin. Hindi ako makapaniwala.
"Nightmare?" Tanong sa akin ni Dominic ng nakangiti habang nakapaligid sila sa akin lahat.
"Yeah! A very bad one Dom." Sagot ko at napahapo sa noo.
"Ano ba napanaginipan mo?" Tanong ni Mae habang nagbabalat ng apple gamit ang kutsilyo.
Bigla akong ninerbyos nang makita ang hawak niya. Kutsilyo. Bigla ako nagpadyak padyak sa upuan para lumayo sa kanya.
"Wag kang la-lalapit sa akin! Lumayo ka!" Natatarantang pagtataboy ko kay Mae habang sinisiksik lalo ang sarili sa upuan para umusog.
"Easy ok? Wala akong ginagawa?" Nagugulahan na sabi ni Mae at tinaas ang kamay.
"Doon ka muna Mae. What happen Gwyneth?" Tanong ni Dominic.
Kinalma ko na muna ang sarili ko dahil nakakahiya na ang ginagawa ko. Siguro dahil lang sa napanaginipan ko kaya ako nag ooveract ng ganito.
"Nothing." Sagot ko nalang dahil ayaw ko ikwento ang napanaginipan ko.
"Andito na po tayo." Ani ng driver at saka huminto ang sasakyan.
"O sige po. Wait lang." Tumayo na ako sa pagkakaupo at kinuha ang gamit ko at lumakad.
It's only just a dream. Hindi yun totoo. Hindi yun mangyayari.