Darkness will Reign
Chapter Two
Jericha
"WALA paba tayo?" Tanong ni Rose.
"Kaya nga, kanina pa tayo naglalakad dito. Nakakapagod" Saad ni Claire.
"Malapit na" Sagot ni Gwyneth.
Kanina pa kami nag-lalakad sa gubat na ito para mag-hanap ng lugar namin at sa pag-lalakad namin ay panay ang reklamo nila. Mga pagod,nangangalay at kung ano ano pa ang nirereklamo nila. Pare-parehas lang naman kami na nahihirapan.
"Ok. Pwede na 'to" Ani ni Gwyneth nang huminto.
Napa buntong hininga ang iba at napa-punas ng pawis sa noo.
"Yes! Nandito na tayo." Sabi ni Asprid at ngumiti ng matamis.
"Hayy, nakakapagod yung paglalakad natin." Sabi ni Krystal at uminom ng tubig.
"Woooh excited na ako." Sabi ni Mazuzuki.
Biglang tinaas ni Gwyneth ang kanyang kanang-kamay para patahimikin ang lahat.
"Ok. Guys sisimulan na natin ang pag-aayos ng camp natin. Ang boy's sa pag-aayos ng tent at girl's sa pag-aayos ng bone fire at iba pa. Reggie mag-video ka habang inaayos nila ok? Saglit lang na video." Huminga saglit si Gwyneth. "Andito tayo sa Forester. Isa tong tagong forest dito sa Cavite. Dalawang araw tayo dito, ngayon na saturday at bukas na sunday. Kinausap ko kanina ang driver na dalawang araw tayo dito. Pumayag naman siya na mag-hintay. So, everyone? Let's do this!" Sabi ni Gwyneth at nag-simula ng kumilos ang lahat.
Napatingin ako sa relo ko.
"5:30" Basa ko.
Hmm. Antagal din pala ng binyahe at nilakad namin.
Greg
"Ok na." Ani ni Bryan ng maayos ang tent.
Napa'punas ako ng pawis ko sa noo. Nakakapagod din pala tong ginawa namin.
Inikot ko ang paningin ko para tingnan ang iba. Lahat ay may kanya-kanyang ginagawa pwera kay Lyn na tulala at may iniisip.
Naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa batong malaki.
"Ano iniisip mo?" Tanong ko.
"Ah, ikaw pala Greg." Sabi nito at tumingin sa akin at binalik sa lupa. "May iniisip lang ako"
"Masyado siguro mahalaga yang iniisip mo?"
Tumingin siya sa paligid na parang kinakabahan.
"Greg, may mangyayaring masama." Sabi nito habang nakatingin ng direkta sa mata ko.
"Ha? Paano mo nasabi."
May kinuha siya sa pocket niya at pinakita sa akin. Kinuha ko ito at tiningnan.
"For all the bad thing's you have done, REMEMBER YOUR MORTALITY." Basa ko sa papel. "Bakit may ganito? Saan galing?"
"Bigla ko nalang yan nakita sa bag ko kahapon sa school. Hindi ko alam kung sino ang naglagay niyan sa bag. Kinakabahan ako Greg na Baka dito mangyari ang sinasabi niyang masama."
"Huwag kang matakot. Tingnan mo oh? Paano naman may mangyayaring masama sa atin dito e tayo-tayo lang namang mag ka-kaibigan ang nandito?"
"Sana nga walang mangyaring masama." Sabi ni Lyn at tumayo "May gagawin lang ako"
Tumango lang ako bilang sagot. Pinagmasdan ko siyang umalis.
Mangyayaring masama? Hindi yun mangyayari. Bukod sa gubat na'to, sino naman ang gagawa nun? Kami lang naman magka-kaibigan ang nandito.
"Guy's mag bo-bone fire nadaw!" Tawag ni Jericha.
Gwyneth
Natapos na kami mag bone fire. Pina-punta ko na sila sa kani-kanilang tent para mag-pahinga. Alam kong pagod na silang lahat at malalim na ang gabi.
Tiningnan ko kung nakapasok na ang lahat sa kani-kanilang tent pero napako ang tingin ko sa isang nakatayo, Mae. Alam kong dahil sa panaginip ko ay pinag tabuyan ko siya. Natakot kasi talaga ako sa kutsilyong hawak niya. Baka saksakin niya nalang ako bigla katulad ng napanaginipan ko. Pero alam kong ang OA ng iniisip ko.
Lumakad ako papunta sa kanya.
"Hindi ka pa matutulog?" Tanong ko.
"Uhm. Matu-tulog na." Sagot nito na kinakabahan at ngumiti.
"Pumunta ka nalang sa tent mo kung mag-papahinga kana. Maiwan na kita." Sabi ko at lumakad na
"Teka,Gwyneth." Tawag nito sa akin kaya napahinto ako. "Ka-kanina? Bakit pinapalayo mo ko?"
Nilingon ko siya at tiningnan.
"Ahh, wala yun Mae. Masama lang talaga panaginip ko." Sagot ko.
"Sige matulog kana. Good night." Ani ni Mae
"Sayo din." Sabi ko at tumuloy na papunta sa tent ko.
Humikab ako na tinakpan ko naman. Inaantok na talaga ko. Dumiretso na ako sa tent ko at humiga.
"Gwyneth! Tulungan mo ako! Gwyneth!!!" Tawag sa akin ng humihingi ng tulong.
Hinanap ko kung sino iyon pero parang ako lang mag-isa dito sa camp namin.
"Sino ka!?" Sigaw kong tanong.
Hinintay kong sumagot siya pabalik pero wala na akong narinig. Nanaig ang katahimikan sa gubat na tinatayuan ko.
"Ahhhhh!!!"
Nagising ako sa hiyaw na narinig ko. Kinusot ko ang mga mata ko at tiningnan ang oras.
"6:00 Palang ah?"
Tumayo na ako at lumabas para tingnan ang nangyari sa labas. Nakita kong nagka-kagulo sila sa harap ng tent ni Claire.
Lumapit agad ako sa kanila at narinig ko silang nag-uusap.
"Sino gumawa niyan kay Claire?" Sabi ni Reggie.
"Tayo-tayo lang naman ang nandito? Paano nangyari yan?" Saad ni Asprid na hindi makapaniwala.
"Ano'ng nangyari guys?" Tanong ko sa kanila ng makalapit.
"Si C-claire." Sabi ni Krystal na wala sa sarili.
"Ha? Can someone enlighten me?"
"Si Claire, Gwyneth. Wala na" Sabi ni Jericha ng seryoso.
Lalo lang ako naguluhan sa sinabi ni Jericha. Wala na? Paano? Is this a joke? Kinakabahan ako na hindi ko malaman.
Dahil sa hindi ko sila maintindihan ay lumakad ako sa tent ni Claire at binuksan. Let's stop the bullshits.
"Oh my God." Nabigkas ko nalang pag-katapos ko mabuksan ang tent ni Claire.
Nakita ko si Claire na may nakatagak na kutsilyo sa noo. Bakas ang gulat sa kanyang mata na hindi makapaniwala. Ngayon lang ako nakakita ng isang pangyayaring ganito. Si Claire ba ang humihingi ng tulong sa panaginip ko?
Lumapit ako kanya at tiningnan kung may pulso pa.
Wala na.
Tiningnan ko ang katawan niya at nakitang may stab siya dibdib at sugat sa pisngi. Pinagmasdan ko ang paligid ng tent at may nakitang papel sa kamay ni Claire.
Kinuha ko ito at tiningnan.
' THE BOUNTY IS ABOUT TO BEGIN, THE DARKNESS IS ABOUT TO RISE. YOU CAN'T STOP THE MADNESS TIL YOU DONT FIND THE CLOWN. WELCOME TO A BLOODY TRIP.
P.S THERE'S NO RUNNING OUT HERE. '
Napaisip ako sa nakasulat. Hindi namin mapipigilan to kung hindi namin nahahanap ang gumagawa? Paanong wala kaming takas dito?
Lumabas ako ng tent at sinalubong ako ni Jericha, binigay ko sa kanya ang papel na nakuha ko ng wala sa sarili. Binasa niya iyon at pinasa sa iba.
Tiningnan ko sila isa-isa.
Reggie, Drake, Dominic, Greg, Bryan, Mazuzuki, Elijah, Jericha, Rose, Asprid, Lyn, Krystal at Mae.
Isa sa kanila ang gumawa nito.