Chapter 27 "Strange" Mabuti na lang at tumawag muli si Glenn pagkalipas ng sampung minuto. Maayos na daw ang pakiramdam ni Tatay. Tumaas lang ang alta presyon at dala na rin ng pagod. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Kailangan ko na talagang makatulong kina Nanay at Tatay. Naawa na ako sa kanila. Hindi na sila bumabata pero subsob parin sa trabaho. Kinaumagahan ay tumawag muli ako para masigurong maayos na nga si Tatay. "Nay, sigurado po kayo? Iyon lang po ba ang sabi ng doktor?" Sunod-sunod kong tanong. "Wala ka ng dapat pang ipag-alala, Anak. Maayos na ang Tatay mo." "Paano po pala ang gamot ni Tatay?" "Ayos na. May libre naman sa center." "Sigurado po kayo?" "Oo anak. Kami na ang bahala dito." Gusto ko sanang umuwi pero hindi na ako pinayagan

