Chapter 28 "Jealous" Napangiti ako nang tiningnan ang receipt ng perang ipinadala ko kina Nanay. Buwan-buwan hinahati ko ang sahod ko para sa pang araw-araw na pangangailangan at perang ipinapadala sa pamilya ko. Half of my salary goes to them. Nagtatabi din ako ng kaonti para sana mabayaran ko itong condo at kotse na bigay ni Juancho. Sa liit ng tinatabi ko matagal na panahon pa ako makakabayad but at least I am trying to save up. The cost of living in the big city is expensive kaya grabe talaga ang pagtitipid ko. Madalas na nga akong tuksohin ng mga katrabaho ko dahil hindi ako sumasama kapag may lakad sila. They have a night life, while I don’t. Hindi din naman ako mahilig sa party. “Sige na Santi, sumama ka na. Libre naman ni Dustin.” Pangungulit ni Ayalyn. Siya talag

