Chapter 10

4502 Words
Dos Kanina ko pa pilit tinatanggal ang pagkakayakap sa 'kin ng aking katabi ngunit mas lalo lang humihigpit ang pagkakayakap niya sabay ipapatong ang kanyang binti sa akin. Simula nang matulog kaming magkayakap kagabi ay hindi na siya humiwalay at para tuloy may nakapulupot na ahas sa 'kin. Buong lakas ko siyang itinutulak palayo dahil naiihi ako ngunit wala. Hindi ako pinakawalan. "Pst, bitiwan mo ako. Kagabi pa ako naiihi, hoy!" at niyugyog ko na siya nang malakas. 'Di man lang ito gumalaw at mahimbing pa rin na natutulog. Ano bang meron sa babaeng 'to? Ang lakas lakas naman ata niya? Hampasin ko kaya ng arinola? Dahil sa kanya, mababaw lang ang aking tulog at ngayon ay maaga akong nagising. "Hoy, umalis ka na nga. May pasok ako ngayon. Ang luwag luwag ng kama at sinisiksik mo pa ako. Hindi ako higaan woi, Shizuka!" Patuloy pa rin ako sa pagtulak sa kanya ngunit umingit lamang siya at mas lalong pumatong habang nakayakap ang dalawang braso niya sa baywang ko at nagsumiksik pa sa leeg ko. Wala na, tuluyan na akong hindi makagalaw at nakakulong na sa mga bisig niya. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya sa aking leeg. Dahil sa pwesto namin ngayon ay malaya kong napagmamasdan ang payapa niyang mukha na natutulog. Kahit may mangilan-ngilang hibla ng buhok niya ang tumatabing sa maputi niyang mukha ay hindi ko maitatanggi na maganda ang bestfriend ni Mama. Wala sa sariling hinaplos ko ang mukha nito pababa sa gilid ng kanyang labi. These kissable lips that claimed mine not once but a countless times. These lips that made me respond without hesitation. Nakatitig lang ako sa kanya habang ang kamay ko ay hinahagod na ang kanyang likod. Aaminin ko na kahit napakalayo ng agwat ng edad namin ay hindi mababakas sa mukha nito ang anumang wrinkles at kung tutuusin ay parang magkasing-edad lang sila ni Ate Yuki. Bukod sa magandang mukha niya ay pinagmasdan ko rin ang kanyang katawan. She also has the curves that I, myself even the other men would crave for. What does it feel to have her for myself- What the f**k Dos! Kung ano-anong pinag-iisip mo! Umiling-iling ako upang iwaglit ang mga bagay na 'di dapat. Hindi ko alam kung nakakatulong ba o parusa ang aming posisyon ngayon dahil nagsisimula ng uminit ang aking pakiramdam kahit na naka-aircon dito sa aking kwarto. 'Di pa ako nakakabawi nang bigla itong gumalaw sa ibabaw ko at may naramdaman akong kakaiba sa aking binti. Ano 'yon? Parang may bukol. Bigla akong napalunok at lalo atang uminit. "Woi, gising na! Pakawalan mo na ako dali! Isa!" sigaw ko at nagpupumiglas na para magising na siya ng tuluyan. Iginalaw-galaw ko na rin ang aking mga binti. Ang bigat naman kasi nito. "Stop, kanina mo pa nasasagi 'yong ano ko. Be careful, baka magising. Let's just stay like this," nakapikit na bulong nito sa 'kin. "Anong magising?! Ikaw ang gumising at umalis na sa ibabaw ko! May pasok pa ako!" Marahas ko na siyang niyugyog at itinulak-tulak. "Hmm, just more minutes baby. 'Wag ka nang pumasok. Ako na lang papasok." "Baby?! Nananaginip ka ba tanda?! Eh di pumasok ka na nang makaalis na ako rito!" Bago pa ako makagalaw ay naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko. Nang hindi ako tumugon ay naramdaman ko ang kamay niyang naglalakbay sa aking tiyan pataas. Nakaramdam ako ng kiliti kaya bahagya kong naibuka ang aking labi. And from that, she gained an access and I found myself responding to her kisses. Sa una ay banayad lamang ang paghalik niya ngunit habang tumatagal ay nagiging mapusok ito. She sucked my tongue and started to caress my boob. 'Di ko na tuloy napigilang umungol at mapayakap sa kanya. Idiniin niya pa ang paghalik sa 'kin kasabay ng kanyang katawan kaya lalong bumilis ang t***k ng puso ko. I could feel something hard on mine at bahagya siyang gumalaw sa aking ibabaw na aking ikinaungol lalo. Halos impit na mga ungol namin ang maririnig sa kabuuan ng kwarto. Hihiwalay na sana ako upang sumagap ng hangin ngunit patuloy pa rin niyang inaangkin ang aking labi. "I told you to stop but look what you did. You turned me on," she said in her bedroom voice. Bahagya siyang lumayo sa 'kin at parehas kaming hinihingal ngayon. Parang tinatambol ang aking dibdib sa sobrang bilis ng t***k nito. Mariiin kong ipinikit ang aking mata upang kumalma. Shit! I need to go. Pagdilat ko ay nakita kong unti-unti na niyang tinatanggal ang tali ng kanyang black robe. Ngayon ay nakabandera na sa harap ko ang nagmamayabang niyang dibdib. Hindi ko na tuloy alam kung saan ako titingin. Akala ko naman po simpleng agahan lang ang matitikman ko ba't naman po parang fiesta ata? "Turn around now, baby." "Ha? Ma-may pasok pa a-ako ngayon-" "You made a promise. Gagawin mo lahat ng gusto ko so I'm asking you now to turn around." Pagkasabi no'y sinimulan na niyang haplusin ang aking tagiliran. Bahagya naman akong napaliyad dahil sa kiliting dulot no'n. "No, I c-can't right n-now. Yes, naalala kong nangako sa 'yo na gagawin ko lahat ng gusto mo pero hindi muna ngayon. Please?" kinakabahan kong sagot. "Do you know what I do with someone who doesn't follow me and is stubborn like you?" mahinang sambit nito habang magkalapit ang aming mga mukha. Ang mga mata niya'y nakatingin sa 'kin habang ang kanyang kaliwang kamay ay abala sa paghaplos sa 'king pisngi. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga mata. Pigil-hininga ako ngayon at halos mautal-utal na sumagot. "W-what?" "I want you now. I can't take it anymore." She started to kiss my neck down to my collarbone when I stop her. "Not now please. May pasok pa ako at anong oras na. Pwede naman nating ituloy next time, promise. I'll keep my word. Kailangan ko na talagang umalis." Nag-angat siya ng tingin at seryosong tumingin sa 'kin. "So you want to be punished really hard? It's only now or forever." Kinabahan na naman ako sa punish punish niyang 'yan. Ano naman kayang gagawin niya sa 'kin ngayon? "But you already punished me. Kulang pa ba 'yon? O baka naman kasama mo ulit si Mama? O kaya 'yong mga bodyguards mo? Or worse lahat kayo?" Natawa naman siya sa sinabi ko. "Just make sure to keep your promise or none of your names will be included on the papers." Pinakawalan na niya ako at ako nama'y mabilis na tumayo. Palabas na ako ng aking kwarto nang nilapitan ko ulit siya. Nagtataka naman siyang nakatingin sa 'kin. Inayos ko ang suot niyang black robe at ibinalik ang pagkakatali nito. Pagtakatapos ay bumulong ako sa kanya and I gave her a peck on the lips. Pagbaba ko ay first time kong nadatnan si Mama sa kusina. Nakaupo ito at abala sa kanyang iPad habang may tasa sa gilid niya. Dahan-dahan akong lumapit upang kunin ang pamalong stick ni Mama. Isang abot na lang nang bigla niya itong nahawakan habang tutok pa rin sa kanyang iPad. "Huwag mo akong sinisimulan Dos lalo na't may ginagawa ako. Pasado alas-otso na, wala ka bang pasok?" sambit ni Mama habang seryoso pa ring nakatingin at kung anong pinagpipindot sa kanyang iPad. "'Di ko naman babaliin 'yang stick mo Ma saka oo, may pasok kami. Kanina pa ako gising kaso may makulit kasi akong kasama sa kwarto at ayaw akong paalisin. Ba't kasi doon pa siya natulog sa kwarto ko. Wala bang kwarto 'yang bestfriend mo, Ma?" At sa wakas, nag-angat din ng tingin si Mama sa 'kin. "Shizuka can decide and do whatever she wants. She has a right to you Dos kaya wala ka ng magagawa kung di sumunod sa kanya. After all, she's your partner and this is her mansion." "Ano?! Ma naman, 'yong bestfriend mo ay partner ko? Anong ibig mong sabihin at pa'no nangyari 'yon? Saka pa'no kung galawin niya ako o kaya nama'y may masama siyang balak sa 'kin? Ano 'yon, susunod lang ako? Pa'no naman ako? Matanda na ako at may sariling buhay. 'Di ko ba pwedeng gawin 'yong mga gusto ko ha, Ma?" bulalas at 'di makapaniwalang sagot ko kay Mama. Napaismid naman si Mama sa isinagot ko na parang nagbibiro ako sa aking mga sinabi. Para kasing tanga 'tong si Mama at t'wing magsasalita ay lagi na lang akong napapatanong. 'Yong bestfriend daw niya ay boss niya eh boss din naman siya tapos ngayon partner ko raw 'yong bestfriend niya? Ano kayang susunod? Baka mamaya siya pala 'yong tunay kong nanay o kaya kapatid o-pucha! 'Di ko ma-imagine! "Dos, alam mo, tumahimik ka na lang kung wala kang magandang sasabihin at 'wag na 'wag mong isiping nagbibiro ako sa mga sinabi ko. Tandaan mo 'yan. At alam kong hindi gagawin ni Shizuka ang mga bagay na iniisip mo because I know her well. She won't do any thing that will harm you or what unless you give her your consent." "Talaga ba, Ma? Eh binaril na niya ako noon kaya 'di ako nakapasok. 'Yan ba 'yong sinasabi mong 'I know her well'? Kilala mo ba talaga 'yang tinatawag mong bestfriend,Ma? O baka nama'y isa siyang sindikato?" Agad na napatayo si Mama at madiin na hinawakan ako sa nguso saka matalim na tumingin sa 'kin. "I made her do it and watch your filthy mouth. No one in the Yu family who disrespects a Tokugawa especially to Shizuka. 'Wag kang magsalita na parang laging ikaw ang naaapi at sinasaktan. At lalong 'wag na 'wag mong kwestyunin kung kilala ko ba siya. Basta sundin mo lang siya and everything will be alright." Hindi ko na alam kung anong sasabihin at lalo lang akong naguluhan. Sino ba kasi 'yang bestfriend ni Mama? Lagi na lang sinasabi na sumunod ako sa kanya. Ay tanga lang Dos? Ngayon mo pa talaga naisip 'yan eh ni hindi ka nga makatanggi sa mga halik niya sa 'yo at halos may mangyari na sa inyo. "May tanong ka pa? Itanong mo na habang may chance ka at nandito pa ako," pukaw ni Mama sa 'kin dahil natulala na ata ako mula sa'king mga pinag-iisip at binitiwan na ako. "Bakit pinagkakatiwalaan mo siya masyado, Ma? Pa'no kung traydurin ka niya?" 'Di man lang natinag o nagulat si Mama sa tanong ko at sa halip ay natuwa pa siya. "You should rather ask, 'bakit sa kanya kita ipinagkatiwala?' Betray me at babawiin kita sa kanya." Sumasakit na ang ulo ko sa pinagsasasabi ni Mama ngayon dahil para siyang tinotopak. Mas malala pa ata siya sa 'kin. 'Di ko na alam pero mas nakakatakot na talaga sila parehas. "Ma, sino at ano ka ba talaga?" "I am the one and only Yuriko Yu, your wealthy, powerful and gorgeous mother," proud at taas-noong sabi ni Mama na siyang ikinahalakhak ko ng bonggang-bongga. "Naks naman Ma, ang asim ah!" Napairap na lamang si Mama sa sinabi ko at ipinatawag na si Aya na may dalang laptop, iPad at charger at iniabot kay Mama. Ipinatawag na rin ni Mama 'yong Chiyo na tagaluto at ipinaghanda na ako ng pagkain. Kumain na ako habang si Mama ay busy sa kanyang laptop at iPad. Ipinagsalin muli siya ng tea ni Chiyo. *** "Aiya, sa Ashford Imperial University tayo," utos ni Mama sa kanyang bodyguard at umalis na kami. Naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon dahil kay Mama. For the first time ay siya ang nagpresinta na maghatid sa 'kin papasok ng university. At 'di lang 'yon, di ko rin alam ang gagawin kung hihinga pa ba o hindi dahil pinagigitnaan lang naman nilang akong dalawa ng bestfriend niya na abala sa phone nito. Nakakakaba naman kasi lalo na't ang tahimik namin dito tapos sa t'wing titingin ako rito sa kanan ko ay parang napapansin niya na nakatingin ako kahit na busy siya sa phone niya at titingin din siya tapos ngingiti. "Dos, sigurado ka bang may pasok ka ngayon? Mag-aalas diyes na ng umaga. Lagi ka bang ganito?" biglang tanong ni Mama. "Hindi 'no Mama! Ang aga-aga ko kayang pumasok at ngayon lang ako na-late. Ito kasing kata-" "Riko, she enjoyed sleeping with me that's why she woke up late and we talked about some things to catch up with," nakangiting saad nitong katabi ko sabay pisil sa aking kamay. Ako pa talaga 'yong nag-enjoy sa pagtulog namin. Mabuti pa atang bata ang kausap. "Mabuti naman kung gano'n at sana'y magtuluy-tuloy," sang-ayon naman ni Mama. Bahala na talaga silang dalawa sa buhay nila dahil mukhang 'di na matatapos itong pinaggagagawa nila sa'kin ay ewan ko na. Babawiin ko na sana ang aking kamay dito sa katabi ko pero sa halip ay pinag-intertwined niya ang aming kamay. Para na akong naestatwa ngayon at 'di ko alam kung ba't ko pinipigilan ang aking paghinga. Napapikit na lamang ako habang pinapakiramdaman ang aking puso na parang tinatambol. Parang pamilyar ang pakiramdam ng malambot niyang kamay kahit ngayon ko pa lang nahawakan ito. "Madame Yuriko, nandito na po tayo." Pagkarinig no'n ay mabilis akong napadilat at nauna nang lumabas si Mama. Susunod na sana ako nang biglang may pumigil sa'kin at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Saktong paglingon ko ay siyang paglapat ng aming mga labi. "Study well and I have a surprise for you later," nakakaakit niyang bulong sa'kin matapos niya akong halikan at nauna nang bumaba. Inilahad na niya ang kanyang kamay upang alalayan ako ngunit lumilipad pa rin ang aking isip kaya kusa na akong sumunod. Papunta na sana ako sa main hall ng university para mauna na nang biglang hinila ni Mama ang aking bag. "Where do you think you're going? 'Wag kang dadaan diyan kung ayaw mong may makakita sa'yo at mapag-usapan na may kasama kang dalawa na naggagandahang babae." "Ma! Konting hiya naman sana, nasa university tayo at baka may makarinig. Saka dapat itinatago 'yong ganyang bagay dahil bibihira na lang 'yong ganyang mukha-" Nakatanggap naman ako ng batok kay Mama at dumaan na kaming tatlo sa gilid at umakyat ng hagdan pagkatapos ay nauna na silang dalawa na pumasok sa isang private na pinto. Susunod na sana ako ngunit sarado na ito. Oh ano ng mangyayari sa'kin nito ngayon? Ganto na lang? Naisahan na naman ako ni Mama. Napa-facepalm na lang ako at umalis na pabalik ng main hall dahil 'di ko alam itong inakyatan namin at bawal ang estudyante rito. Malayo-layong lakarin na naman ito, hay! Pagdating ko sa'ming room ay unti-unti kong binuksan ang pinto. Sana walang prof nako naman. Mabilis akong umupo sa pwesto ko at inilapag ang aking bag. Napatingin agad sa'kin si Jules at Cami. "Hoy Dos! Ba't ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay ni Julianne saka dala mo ba 'yong pinabili namin para sa project natin? Gagawin na natin 'yon para makapagpasa agad tayo," bungad sa'kin ni Cami. "Tumahimik ka nga diyan Camille. Buti na lang at dumating ka na Dos dahil saktong wala rin tayong klase. Saka na natin gagawin 'yong project, ako ng bahala at may naisip na ako. Matagal pa naman 'yong deadline. Anyway, kailangan na nating umalis ngayon," mahinang sabi naman ni Jules. "Teka, teka, naguguluhan ako sa inyong dalawa. Sa'n naman tayo pupunta ngayon at bakit daw walang klase?" Inilapit nila ang kanilang upuan sa'kin. "May meeting daw 'yong mga professors kaya walang klase. Basta, kailangan na nating umalis ngayon. Dos, mauna ka nang lumabas ng room dala itong mga bag natin para 'di tayo mahalata tapos susunod si Camille at siya na ang bahala sa'yo," bilin ni Jules at nagtinginan sila ni Cami. Ibinigay na nila sa'kin ang kanilang mga bag at pinatayo na ako. Wala na akong nagawa at dali-daling lumabas. Buti na lang ay busy ang iba naming kaklase sa kung ano-anong bagay kaya 'di nila ako napansin. Makalipas ang ilang segundo ay sumunod na rin si Cami at sinundan ko na siya. Dahil malinis ang buong hallway ay madali kaming nakaalis na walang naging problema. Nang makalayo na kami sa aming building ay tumakbo na si Cami kaya tumakbo na rin ako dala ang mga bag namin. Basta silang dalawa talaga ang kasama, 'di mawawalan ng thrill ang buhay ko pero okay lang dahil masaya naman. Hingal na hingal ako nang maabutan ko si Cami. Nalagpasan na rin namin ang oval at nandito na kami ngayon sa pinakalikod at malayo na bahagi ng university. "Dos, ako na ang mauunang aakyat ng bakod pagkatapos ay ihagis mo sa'kin 'yong mga bag para makaakyat ka," paalam niya sa'kin at umakyat na siya. Wala pa atang isang minuto ay nakaakyat na si Cami. 'Di na ako magtataka kung maging akyat-bahay itong si Cami balang araw. Tulad ng sinabi niya ay inihagis ko na ang mga bag. "Dos, akyat na dali!" sigaw ni Cami at inilahad ang kanyang kamay. Huminga muna ako ng malalim saka bumwelo. Lumayo muna ako saka tumakbo para makaakyat sa mataas na bakod. Bigo ako sa una kong attempt. "Dos, dali! Kaya mo 'yan!" sigaw ulit ni Cami kaya pumwesto na ulit ako. Patakbo na ako nang biglang may pumito at sumigaw. "Hoy, kayong dalawa diyan! Saan kayo pupunta? Bumaba kayo! Bawal 'yan!" Paglingon ko ay may dalawang guard na patakbo na sa'ming gawi at may mga hawak itong batuta. Kinakabahan akong napatingin kay Cami. Shit! s**t! Ba't ngayon pa? Lagi na lang akong nahuhuli! "Dos! Ano pang hinihintay mo? Tumalon ka na at abutin mo 'tong kamay ko!" Wala na akong sinayang at mabilis na tumakbo. Naririnig ko na sa likod ko ang pagsigaw ng dalawang guard. "Hoy bata! Bumalik na kayo sa mga klase niyo kung ayaw niyong ipatawag kayo sa opis! Masama ang magcutting class!" Binilisan ko na at tumalon. "Sa wakas Cami!" sigaw ko nang maabot ko ang kamay niya. Iaakyat na sana niya ako nang biglang may kumapit sa kanang paa ko. Pagtingin ko ay ang isang guard kaya mabilis kong isinipa-sipa ang aking paa para umalis siya. "Dos, 'wag kang magulo! Mahuhulog tayong dalawa!" "Cami! Tulungan mo ako dali! 'Yong guard kasi-" Walang ano-ano'y buong lakas akong hinila ni Cami pataas. Nang makaakyat ako ay siya ring sabay naming pagbagsak. "f**k, s**t Cami!" daing ko habang pinapakiramdaman ang aking sarili. Pikit-mata ko pang tiningnan ang aming paligid. Nakalabas na kami ng campus. "Wooh! That was hell of a fun Dos! Crazy guards! Sobrang saya! Nag-enjoy ka ba?" sigaw ni Cami saka mabilis na tumayo at nagpagpag ng sarili. "Anong masaya ro'n Cami? Muntikan na akong atakihin dahil sa dalawang guards! Tapos ikaw patawa-tawa ka lang. Ikaw ata itong crazy eh!" Tinawanan lang niya ako habang dala ang aming bag. "Tumayo ka na Dos, baka hinihintay na tayo ni Julianne." Naglakad na kami at mayamaya'y itinuro na niya ang sasakyan ni Julianne sa may kalayuan. Na-excite naman ako dahil aalis na kami. Papunta na kami sa sasakyan ni Jules nang bigla kong hinawakan sa braso si Cami at mabilis na hinila sa likod ng puno. "Cami! Pa'no tayo makakadaan niyan eh nandiyan 'yong mga bodyguards ni Mama pati 'yong sa bestfriend niya," bulong ko. Kinakabahan na naman ako dahil alam kong madali lang nila akong mapapansin. Daig pa nila ang tarsier 'pag makita ako eh. Mga ibang klase talaga. Luminga-linga muna si Cami sa direksyong itinuro ko at yumuko muna kami para magtago. "Lahat ng 12 na 'yon ay bodyguards ng Mama mo? Ano namang ginagawa nila rito? Sino rin pala 'yong pinaka-leader sa kanila?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa mga ito. "Ayun, 'yong lalaking naka-shades na naninigarilyo, si Ryota 'yon. Tapos napapansin mo 'yong babaeng maikli ang buhok na naka-shades at naninigarilyo rin, si Aiya naman 'yon," turo ko naman sa kanya. Tumango-tango naman siya. "Eh ba't naman sila nandito? Alangang magpapa-enroll 'yang mga 'yan o 'di kaya nama'y mag-aapply bilang security guard. Ano 'yon isang battalion na sila rito?" "Cami, mukha bang alam ko ha? Tanungin mo kaya nang malaman mo. Alam mo na ngang natatakot ako sa kanila sa'kin ka pa magtatanong." Piningot naman niya ako. "Alam mo nagtatanong ako nang maayos tapos ganyan isasagot mo. 'Yan ang nagagawa nang pang-ispoiled sa'yo ni Julianne, kabobohan. Kung sa'kin ka lang sumasama, eh di kahit papa'no hindi na Magellan ang sagot mo sa one plus one." "Hoy Cami, lubayan mo na nga 'yang tenga ko! Masakit na! Saka grabe ka naman sa'kin parang sobrang bobo ko na ata sa paningin mo pero okay lang kaysa may saltik. Wala ng lunas kapag gano'n." Diniinan niyang lalo ang pagpingot sa'kin saka ako binitiwan. "Dahil mas masaya ang adventure natin ngayon, five minutes lang ay dapat nakarating na tayo kay Julianne," at isinet na niya ang kanyang relo. "Pucha ka Cami? Five minutes? Pa'no natin gagawin 'yon? Unat na ata utak mo eh." Napangisi naman siya. Ito na nga ba ang sinasabi ko, 'yang mga ngisi na 'yan na siya lang ang tanging gumagawa. Ngising tiyanak. "'Di baleng unat ang utak kaysa damaged. Anyway, here's the plan kaya makinig kang mabuti. Simple lang 'to pati kinder o aso kayang gawin 'to. Tumawid ka lang habang dala mo itong mga bag natin tapos ako naman ay dadaan dito sa mga bodyguards. In short, magkahiwalay tayo para 'di tayo mahalata," at nginitian niya ako nang pagkatamis-tamis. "Pakshet ka naman Cami eh! Isa ko lang? Kinakabahan naman ako niyan eh. Wala na bang ibang paraan? 'Yong magkasama dapat tayo ah. Hahayaan mo lang akong mag-isa?" Nagmamakaawa na ako sa kanya para mapabago ang kanyang isip. Ang talino naman kasi niyang mag-isip eh. "Dos, kasama mo 'yong mga bag natin kaya basically 'di ka nag-iisa. Ang tanda-tanda mo na kaya saka kung gusto mo ng ibang paraan meron naman. Magpahuli ka at tayong tatlo ay makakaalis na nang sabay-sabay pero 'yon nga lang 'di ka namin kasama. Oh siya ano pang hinihintay natin dito? Babaeng mamahalin mo? Walang ganon pero pagseselosing babae, si Julianne 'yon kaya tara na!" Tumayo na si Cami at may kinuha sa kanyang bag na isang pack ng sigarilyo. "Dos, tandaan mo na once na nakatawid ka na ay 'wag na 'wag ka nang lumingon pa sa direksyon ko at diretso ka lang sa paglalakad. Pwede mo namang iharang 'yang bag sa gilid ng mukha mo para 'di ka makita. Basta act natural at sundin lahat ng sinabi ko kung ayaw mong ma-compromise tayong dalawa." Matapos niyang sabihin 'yon ay kinindatan niya muna ako at naglakad na palayo. Naiwan akong naiiling saka bumuntonghininga. Hay nako bahala na nga! Sinunod ko ang mga sinabi ni Cami sa'kin. Nakatawid na ako at ngayon ay diretso lang ang akong naglalakad. Habang papalapit ako nang papalapit sa tapat ng mga nakaparadang sasakyan kung nasaan ang mga bodyguards ay siya ring pagtindi ng kaba ko. Dire-diretso lang ako nang makarinig ako ng ingay sa gawi nila kaya napahinto ako. Sumilip lang ako nang kaunti nang biglang magtama ang paningin namin ng isang bodyguard kaya humakbang na ako nang mabilis nang biglang may bumunggo sa'kin at nahulog ang dala kong bag. Pucha naman talaga oh! Katapusan mo na Dos! Mabilis kong pinulot ang bag at 'di na pinansin 'yong bumunggo sa'kin. Naglakad na ulit ako at nang papalapit na ako kay Jules ay biglang may humawak sa braso ko. "Dos! Sabi ko naman sa'yo eh makakaabot tayo kaya pumasok na tayo sa loob! Julianne, tara na!" Nang makasakay kaming dalawa ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. "Finally! Jules and Cami, nakaalis na tayo!" sigaw ko habang hinampas-hampas ni Cami ang bintana ng sasakyan na parang baliw. "Tangna Camille! Itigil mo 'yan o baka gusto mong ako ang magpapatigil sa paghinga mo!" sita sa kanya ni Jules pero tinaasan lang niya ito ng middle finger. "Kumusta ka naman Dos? Mukhang napagod ka ata sa pagsama mo kay Camille. May tubig at sandwich ako diyan sa bag ko, sa'yo na at kainin mo na. Baka nagutom ka eh, mamaya na lang tayo kakain sa labas, libre ko na." "Okay lang naman ako Jules. Hiningal lang nang kaunti saka maraming salamat dito sa sandwich at sa pag-aalala," nakangiti ko ring sagot sa kanya at sinimulan ko nang kumain. "Hoy, hoy, poke ng ina naman 'yan Julianne Red! Akala ko ba magkakaibigan tayong tatlo rito ba't siya lang ang inalok mo? Tapos may libre pa, 'pag sa'kin, 'Camille, 100 pesos sa ganto, Camille, peram ng 500 ikaw muna magbayad, buo pera ko'. Sa'n ang hustisya-" "Dos, pakitingin nga sa bulsa ng bag ko kung may natirang Maxx na candy diyan at ibigay mo sa sirang plaka na speaker na katabi mo," sabi ni Jules habang nagmamaneho ito. Nakaupo kami ni Cami sa backseat kaya siya ang driver namin ngayon. Iniabot ko na kay Cami ang isang Maxx at napairap na lamang siyang kinuha ito. "Wow ha Julianne Red, salamat talaga. Laking tulong nito, punyemas ka." Nagkibit-balikat na lang si Jules at nginisian si Cami. *** Dumating na kami sa isang park ngayon. Mapuno rito kaya kahit may mangilan-ngilang tao na namamasyal ay 'di mainit. May mga nag-uumpukan din at maraming tao sa isang court na 'di naman kalayuan sa pwesto namin. "Anong gagawin natin dito sa park? Tatambay lang ba tayo? Wala namang mga magagandang babae rito eh, puro damo, puno, bench at fountain lang!" "Nako Dos, nako habang tumatagal lalong nagkakapaltos 'yang utak mo. Nasa park tayo eh di malamang mga damo makikita mo! 'Di ko alam kung sa'n mo nakuha 'yang utak mo. Kaya tayo nandito dahil may laban tayong tatlo sa tennis. Street tournament 'yon 'di ba Julianne?" "May laban tayong tatlo sa tennis? Para saan? Legit ba 'yan? Baka jinojoke niyo lang ako eh," duda kong sagot sa kanila. "Legit nga Dos. Nabalitaan ko kasi na may friendly tennis game dito sa park kaya ini-register ko na 'yong pangalan nating tatlo kahapon. Tapos may prize din na ₱ 50,000 sa champion bale isang team tayong tatlo then random din 'yong mga makakalaban natin kaya mas challenging. Ano Dos, aatras ka pa ba?" paliwanag ni Jules sa'kin. Natuwa naman ako at 'di ko mapigilang ma-excite sa sinabi niyang 'yon dahil bukod sa maglalaro kami ng tennis ay may malaking prize na pera pa kaya aayaw pa ba ako? 'Di lang naman ito 'yong pagkakataong lumalaban kami sa mga ganito dahil ilang beses na rin kaming sumasali sa mga ganitong event outside the university. Maliliit pa lang kami ay suki na kami sa mga ganito kaya dito rin kami nasanay at na-train. Ang kaibahan lang ngayon ay pera ang prize samantalang noon ay medal at trophy lang. "Jules, teka pala. 'Di ko dala 'yong raketa ko pa'no ako makakalaro niyan?" alanganin kong sabi nang magsimula na silang maglakad. "I got it all covered Dos. 'Yon lang ba? Marami akong extrang gamit dito kaya you don't need to worry. So, tara na? Malapit nang magsimula 'yong game," nakangiting sagot niya sa'kin at masaya akong inakbayan. "Excuse me ho, mawalang forever sa inyong dalawa pero nandito pa ako oh. Baka naman ho kasama niyo ako," sarkastikong sabat naman ni Cami at nauna nang naglakad dala ang kanyang tennis bag. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD